Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

zindagi khaak na thi novel

웹픽은 zindagi khaak na thi novel  에 관련된 콘텐츠를 찾았습니다. 여기는 zindagi khaak na thi novel에 관련된 책 및 콘텐츠 정보가 포함됩니다.zindagi khaak na thi novel  

Niyanig ng Tagapagmana Ang Mundo
에:: Webfic allMatapos palayasin ng pamilya Gray, si Shannon Gray ay mala mahikang naging tagapagmana ng mayamang pamilya.Nagsisisi ang pamilya Gray na pinalayas siya at gusto na ibigay ng pamilya Jensen ang kalahati sa mga assets nila bilang kumpensasyon. Ngumisi si Shannon at ginamit ang truth-telling talisman para i-expose ang tunay na kulay ng pamilya Gray at mga nakatago nilang baho. Katulad nito, noong may isang hinayupak na ayaw siyang lubayan, madali niyang binigyan ang taong ito ng bangungot gabi-gabi.Mababa ang tingin ng mga pinsan niya sa kanya at iniisip na kahihiyan siya, pero ang pinuno ng pamilya Shaw ay kumatok sa pinto nila, hinahanap siya. “Basta ba willing ka na iligtas ang anak ko, sasangayon ako sa kahit na anong kundisyon mo!”Ang pinuno ng isang mayaman na pamilya na hindi kasundo ang pamilya Jensen ay walanghiyang kumatok din. “Hangal ako dahil sa inasal ko noong nakaraan. Iaanunsiyo ko sa mundo na alila mo ako basta ba willing ka tulungan ako!”Kinalaunan, kahit ang pinsan ni Shannon, na minsang kinamumuhian siya, ay naging tapat na tagasunod niya. “Siya ang pinakadabest na pinsan, at isusumpa ko ang kahit na sinong kabaliktaran ang sasabihin tungkol sa kanya!”Matapos ang lahat ng nangyari, ang pamilya Jensen ay nahimasmasan na at napagtanto na si Shannon, ang akala nilang nakakaawang nilalang lang, ay isang master sa geomancy at divination.Kailangan iligpit ni Shannon ang mga tao at mga lugar na puro kasamaan, magligtas ng mga buhay at sumipsip sa mga mayayaman. Hindi niya mapigilan sabihin, “Pagod na ako.”Si Benjamin “Bigwig” Cooper ay nangunang tulungan siya sa kanyang mga pasanin. “Hindi mo na kailangang sumipsip sa akin. Iyo na ako.”
지금 읽기
Pagbalik Mula Sa Abo
에:: Webfic allSa kanyang nakaraang buhay, naaalala lang ni Hayden Sterling ang paglaki sa isang ampunan. Inapon siya noong limang taong gulang at nakaranas ng pagmamahal ng isang pamilya. Pagkatapos, nakita siya ng kanyang biological na pamilya ng siya ay 15 taong gulang at dinala siya pabalik sa bahay ng mga Sterling.Siya ay desperado sa pagmamahal ng kanyang pamilya, kaya tiniis niya ang kahit anong dumi na tinapon sa kanyang mukha at sinubukang pasayahin ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid na babae. Subalit, hindi nila pinansin ito at nagpatuloy na mahalin ang pekeng tagapagmana.Isang araw, ang pekeng tagapagmana ay nagplano ng isang aksidente, na pumatay sa kanya. Ang kaluluwa ni Hayden ay lumulutang sa ere habang pinapanood niya ang kanyang magulang at kanyang mga kapatid na babae na pinapaboran ang pekeng tagapagmana, na tanging nagalusan lang mula sa aksidente. Hindi nila pinansin si Hayden, na nakahandusay sa kanyang sariling dugo.Sa sandaling iyon napagtanto ni Hayden—hindi niya dapat pinangarap na makasama muli ang kanyang tunay na pamilya.Kalaunan, muling nabuhay si Hayden. Sa kanyang buhay na ito, sinumpa niya lang na mamuhay para sa kanyang sarili at sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.Subalit, ng magdesisyon siya na putulin ang ugnayan sa pamilya Sterling, ang kanyang magulang at mga kapatid na babae ay nagsimulang pagsisihan ang kanilang mga ginawa. Naalala nila ang mga bagay na ginawa niya para sa kanila at gusto na ayusin ang mga bagay bagay.Nakakalungkot na ang kanilang pagmamahal ay masyadong huli na!
지금 읽기
Puso Niya, Desisyon Niya
에:: Webfic allIsinakripisyo ni Lily Joyner ang kaniyang pangarap para maging housewife ni Xavier Fulton—ang lahat ng ito ay dahil sa pagkahulog ng kaniyang loob kay Xavier nang malove at first sight siya rito.Sa dalawang taon nilang pagsasama, umikot ang mundo ni Lily kay Xavier kahit na wala itong kahit na kaunting pakialam sa kaniya. Pero nagbago ang lahat ng ito nang makatanggap siya ng video ni Xavier na may kasamang iba. Hindi pa kailanman nakikita ni Lily ang pagmamahal at ang paghanga sa mga mata ni Xavier sa video.At sa wakas, hindi na siya nakapagpigil pa kaya agad na siyang nakipagdivorce.“Bakit ka nanaman ba nagtatantrum? Kaya mo ba talagang mabuhay nang wala ako sa tabi mo?”Binigyan ni Lily si Xavier ng isang ultimatum, pero inisip ni Xavier na wala lang ito sa lugar. Iniisip nito na babalik ito ng gumagapang at nagmamakaawa sa kaniya.Ngumiti naman si Lily mula sa kaniyang puso. Ayaw na niyang makasama pa si Xavier—gusto na niyang makuha ang buhay na nararapat para sa kaniya.Nang maibigay niya kay Xavier ang divorce agreement at tumanggi sa pakikipagkita rito, muli niyang naitayo ang kaniyang career habang napapatunayan nang paulit ulit ang kaniyang kakayahan. Naging isa siyang kilalang designer na kumuha sa puso ng isang bilyonaryo.Nakaramdam na rin ng pagpapanic si Xavier nang malaman niyang magpapakasal na si Lily sa ibang lalaki. Agad niyang pinatigil ang kasal na parang wala sa kaniyang sarili habang nangangako na gagawin niya ang lahat para mabawi si Lily.
지금 읽기
Likod ng Maskara ng Tagapagmana
에:: Webfic all17 taon na ang nakalilipas mula noong naipagpalit si Hera Youngworth sa ibang sanggol noong isilang ito sa mundo. Nagawa siyang mahanap ng kaniyang biological family na mga Everetts. Pero sa kaniyang pagkadismaya, hindi siya gusto ng kaniyang ama at ng kaniyang lola. Hindi rin niya gusto ng kahit na kaunti ang fiancé na nireto ng mga ito sa kaniya.Nagsalita ang kaniyang ama na si James Everett, “Hinding hindi magagawa ng pamilya Gaskell na tumanggap ng isang probinsyana bilang manugang. Para sa ating mga pamilya, magsasagawa kami ng isang public announcement para gawin kang adoptive daughter ng aming pamilya.Sumabog naman sa galit ang kaniyang lola na si Mildred Barker, “Hindi maganda ang iyong mga grades kaya hindi ka karapat dapat na matulog sa kuwarto na para sa mga miyembro ng pamilya Everett. Doon ka matulog sa guest room!”Nagsalita naman ang kaniyang fiancé na si Zyler Gaskell, “Si Giselle ang tunay na kadugo ng mga Everett at siya lang ang nagiisang babae na karapat dapat para sa akin. Umalis kang probinsyana ka sa harapan ko!”Ano ang naging reaksyon ni Hera sa lahat ng ito? Wala siyang pakialam sa kahit na sino sa kanila.Hindi nagtagal, dumalas ang pagbanggit ng kaniyang pangalan sa mga headline.Unang Lihim: Si Hera ang misteryosong henyo na nakaperfect ng kaniyang mga score sa SAT!Ikalawang Lihim: Si Hera at ang kilalang hacker na si Raven ay iisa!Ikatlong Lihim: Si Hera ang nangungunang user sa listahan ng Divine Forum!Ikaapat na Lihim: Si Hera ang nakakuha sa puso ni Mr. Killian!Hindi pa natatapos dito ang listahang ito.Pinapahiya ng mga plot twist ang mga taong nangmamaliit kay Hera. Nagsiluhod ang mga ito bago sila magmakaawa para sa kaniyang tulong pero mayroon pa ring isang tao na nagtuturo sa kanila ng leksyon nang walang pagaalinlangan.Binigyan sila ni Bernard Killian ng aroganteng tingin bago ito dominanteng maganunsyo ng, “Sa akin lang si Hera at wala ng kahit na sino ang maaaring umangkin sa kaniya.”At pagkatapos, humarap siya kay Hera para naaawang sabihin na. “Tingnan mo kung gaano ka kaganda, Mrs. Killian. Umaasa ako na isasama mo ako sa pagtahak mo sa ng iyong buhay sa hinaharap.”Nanlalamig naman siyang tiningnan ni Hera. “Itigil mo na ang pagarte, Mr. Killian. Matagal ko nang alam ang iyong mga lihim.”
지금 읽기
Ang Pagbabalik ng Heiress
에:: Webfic allHindi alam ni Wynter Quinnell na hindi siya tunay na anak ng Yates family. Noong tinalikuran siya ng kanyang childhood sweetheart at ng buong mundo, pinalayas siya ng Yates family at sinabi sa kanya na hanapin ang tunay niyang mga magulang sa butas kung saan siya nagmula…Tinawanan lang ito ni Wynter. Gugulatin niya ang lahat sa pamamagitan ng pagbubunyag ng lihim niyang pagkatao, at lumalabas na ang “butas” na sinasabi ng Yates family ay ang pinakamayamang pamilya pala sa Kingbourne, ang Quinnell family!Sa loob lang ng isang gabi, mula sa pagiging pekeng anak ng Yates family, na kinasusuklaman ng lahat, naging tunay na anak siya ng pinakamayamang tao sa buong bansa. Mayroon din siyang anim na kapatid na lalaki na mahal na mahal siya!Ang pinakamatanda niyang kapatid ay isang dominanteng presidente. “Itigil na muna natin ang meeting ngayon. Ikuha niyo ako ng ticket pabalik sa bansa—Gusto kong makita kung sino ang mga tao na may lakas ng loob para apihin ang kapatid ko!”Ang pangalawa sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang sikat na celebrity. “I-cancel niyo ang function. Susunduin ko ang kapatid ko ngayon.”Ang pangatlong sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang diyos sa kanyang propesyon. “Itigil niyo ang kompetisyon. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kapatid ko.”Niyanig nito ang buong bansa!Pinagsisihan ng Yates family ang lahat ng maling ginawa nila, at sinubukan ng childhood sweetheart ni Wynter na makipagbalikan sa kanya.Ngunit bago pa man niya siya matanggihan, si Dalton Yarwood, ang presidente ng Yarwood Corporation at ang anak ng kilalang Yarwood family, ay nag-propose sa kanya. Naging usap-usapan siya ng lahat dahil dito!
지금 읽기
이전 페이지
1
234다음 페이지

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.