Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1

Kilala ang mga pusa sa simple nilang pagkagat habang paminsan minsan namang nagiiba ng landas palayo sa pagiging loyal ang mga kalalakihan. Nagecho sa isipan ni Lily ang sentimiyento niyang ito habang pinapanood niya ang video ng pagtataksil na ginagawa ng kaniyang asawa nang tila ika isang daang beses matapos niya itong matanggap. Makikita sa video ang isang babaeng kumakatok sa hotel suite ni Xavier Fulton sa ganap na 11:00pm. Binati ito ni Xavier na nakasuot lamang ng robe bago niya ito imbitahan papasok sa kaniyang suite. Tatlong oras na hindi bumukas ang pinto ng kuwarto ni Xavier sa loob ng tatlong oras. Itong ito ang personalidad ni Xavier. Kahapon kinuha ang video na ito ayon sa timestamp na nakalagay dito. Kahapon ang ikatatlong araw ng business trip ni Xavier. Siguradong tinawag niya ang babaeng ito para mawala ang kaniyang kalungkutan at matugunan ang pangangailangan ng kaniyang katawan. Sabagay, hindi basta bastang mapapawi ng kahit na sino ang pangangailangan niyang ito sa kabila ng malagentleman niyang pagkilos. Pambihira lang siya magkaroon ng libreng oras sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama. Maituturing ba niya itong pagtataksil kung tama ang kaniyang iniisip? Hindi ito maituturing na pagtataksil kung ibabase niya ito sa mga turo ng kaniyang ina. Pero isang barrier na ang nagbuo sa kaniyang puso. Ibinaba ni Lily ang kaniyang phone habang tinitingnan niya ang natutunaw na cake sa kaniyang harapan. Hindi mahilig magcelebrate si Xavier. Bihira lang silang magdiwang ng kaniyang kaarawan. Pero ngayong araw ang kaniyang birthday. Alam niya na ayaw ni Xavier ng frosting kaya napagdesisyunan ni Lily na magaral gumawa ng ice cream cake para sa kaniya. Para itong isang mabangis na tigre para sa kaniya kaya pinagaralan niyang bumuo ng isang maliit na tigre na gawa sa fondant. Umihip ang malamig na hangin ng natitirang mga araw ng taglagas. Kanina pa siya naghihintay kaya nagsisimula ng matunaw ang cake na sumira sa tigreng nakaupo sa tuktok nito. Hindi niya iniisip kung kakainin na ba niya ito o tatawagan niya si Xavier para tanungin kung uuwi ba ito. Nanatili ang kaniyang isipan sa video kaya hindi na niya napansin ang pagdating ng sasakyan ni Xavier sa driveway. Maririnig ang tunog ng electronic door lock ng sasakyan na nagbubukas sa pinto bago niya marinig ang tunog ng mga yapak ni Xavier mula sa malayo. Itinaas ni Lily ang kaniyang tingin nang makita niyang lumabas si Xavier mula sa madilim dilim na pinto. Kapansin pansin ang singkit at brown nitong mga mata, mataas nitong ilong at manipis niyang mga labi. Nakasuot ito ng isang tailored black na suit na nagpakita sa malapad niyang mga braso at fit niyang baiwang na nagpakita sa kaniyang pagkaelegante at sa napakataas niyang reputasyon. Walang palya na kumakabog nang mabilis ang kaniyang puso kahit na dalawang taon na niyang nakikita ang mukhang iyon na umuuwi sa kaniya araw araw. Guwapo, may magandang pangangatawan, priviledged, at competent. Hindi makakita si Lily ng kahit na isang butas sa pagkatao ni Xavier. Walang duda na nahulog siya rito noong una silang magkakilala bago niya madiskubre na ito ang fiancé na ipinangako sa kaniya mula pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit pumayag siya sa isang lihim na kasal. Isinuko niya ang kaniyang pangarap para maging lihim na asawa ni Xavier na nagpaikot ng kaniyang mundo rito. Agad siyang naging isang tapat at masunuring asawa kay Xavier na parang kaniyang ina. Pero hindi siya sigurado kung ganito rin ba ang nararamdaman ni Xavier sa kaniya. Naalala niya na siya ang unang umabante at sumangayon sa ipinagkasundo nilang engagement dalawang taon na ang nakalilipas nang bumagsak ang pamilya Joyner nang dahil sa isang failed investment na nagresulta sa pakikipagkasundo ng kaniyang ama sa isang matandang negosyante para matulungan ang kanilang pamilya sa pinansyal nilang problema. Dito na nagsimula ang pagtayo ni Lily bilang asawa ni Xavier. Ito ang dahilan kung bakit inakala ni Lily na gusto rin siya ni Xavier. Ang hindi niya nakikilalang sender at ang malabong mga mukha ng tao sa video ang nagbigay ng benefit of the doubt sa isip ni Lily. Naisip niya na maaaring isa lang itong hindi pagkakaunawaan. Birthday ngayon ni Xavier kaya napagdesisyunan niyang bukas na lang itanong ang tungkol sa video. “Alas sais ang pangkaraniwan mong dating dito hindi ba?” Abante ni Lily para kunin ang itim na blazer na hinubad ni Xavier. Dito na bumalot sa kaniyang ilong ang isang napakatapang na amoy ng perfume. Bahagya siyang natigilan bago niya itaas ang kaniyang paningin para tingnan ang mga mata ni Xavier. “Busy ako sa trabaho,” Direkta at walang galang na sinabi ni Xavier habang tinitingnan niya ang cake sa lamesa na nagpasimangot nang bahagya sa kaniya. “Happy Birthday!” Isinantabi ni Lily ang mga iniisip habang nagpapakita siya ng mahinahon at mahinhing mukha kay Xavier. Dalawang dimple ang nagpakita sa magkabilang pisngi ni Lily habang kumikislap ang kaniyang mga matang nakatingin dito. Nanatiling walang pakialam ang itsura ni Xavier. Hindi nito pinansin ang approachable na pakikipagusap ni Lily habang hinihila niya ang kanyiang tie ng dalawang beses gamit ang napakaganda niyang kamay na nagpakita sa kayumanggi niyang dibdib. “Igawa mo ako ng hangover soup.” Nakaamoy si Lily ng alcohol maliban sa napakatapang na amoy ng perfume kay Xavier. Agad na tumayo si Lily para maglakad papunta sa kusina. “Umakyat ka na muna para makapaghilamos. Nakahanda na ang paliguan mo. Hindi naman sumagot si Xavier. Tumalikod si Lily nang makita niyang umakyat na ito. Hindi ito ang unang beses na binalewala siya nito pero unti unti na siyang nasanay sa pakikitungo nito sa kaniya kaya hindi na siya nakakaramdam ng sama ng loob sa ginagawa nito sa kaniya. Tinuro sa kaniya ng kaniyang ina na ganoon talaga ang mga lalaki kaya dahan dahan niyang tinanggap sa kaniyang sarili ang bagay na iyon. Pero nakaramdam siya ng frustration sa kaniyang dibdib. Maaaring dahil ito sa video na napanood niya kanina. Isang sandali rin siyang nanatili roon bago niya mapigilan ang kaniyang emosyon. Nilinis niya ang cake habang naghahanda siya ng hangover soup na magcocompensate sa nasira niyang cake. Mukhang masama ang pakiramdam ni Xavier sa paginom kanina para mapansin ang kaniyang ginawa. Naniwala siya na titikman ni Xavier ang cake sa sandaling mainom na nito ang hangover soup. Kinuha niya ang phone para tawagin pababa si Xavier nang maayos niya ang cake at maihanda niya ang hangover soup nito. Isang news notification nag nagpaliwanag sa screen ng hawak niyang phone. “Nagdaos ng isang engrandeng birthday bash ang president ng Nova Group para sa vice president ng kanilang kumpanya. May mga usap usapan may relasyon di umano ang dalawang ito.” Kumabog nang malakas ang dibdib ni Lily nang pindutin niya ang notification. Dito na niya nakita ang ilang mga picture sa screen ng kaniyang phone. Nakasuot si Xavier ng isang pangitaas na may hindi nakabotones na kwelyo habang hawak niya ang maganda at maselang kamay ng isang babae gamit ang napakaganda niyang kamay para hiwain ang isang six-tiered na cake. Makikita sa mga caption sa ilalim ng photo ang pangalan ng babae sa larawan na si Sarah Lynde, ang vice president ng Nova Group. Ayon sa mga insider, personal na hinanda ni Xavier ang birthday bash na ito bilang surpresa kay Sarah. Nakatanggap naman ang mga empleyado ng kumpanya ng birthday bonus. Magkapareho ng kaarawan si Sarah at si Xavier. Nagpalitan ang dalawa ng mga regalo habang sabay silang kumakanta ng Happy Birthday sa isa’t isa. Personal niyang pinlano ito. Pinaghandaan niya ito in advance. Nangyari ang lahat ng ito habang sinasabi nito sa kaniya na busy siya sa trabaho kanina. Naging abala ito sa pagpaplano ng birthday surprise para kay Sarah habang naghahanda naman si Lily ng surpresa para sa kaniya. Ang regalo na kaniyang pinili para kay Sarah ay isang alahas mula sa isang international brand na nagkakahalaga ng six figures. Binigyan naman siya ni Sarah ng isang tie bago niya ito subuan ng cake. Lumambot ang pangkaraniwang nanlalamig niyang itsura habang nababalot ng pagmamahal ang kaniyang mga matang nakatingin kay Sarah. Kahit na ilang mga litrato lang ang ipinakita sa article, nagawa pa ring makilala ni Lily si Sarah bilang ang babae sa video na kumatok sa pinto ng suite ni Xavier kagabi. Hinding hindi siya magkakamali sa wavy nitong buhok at sa magandang korte ng kaniyang katawan. Dito na biglang naalala ni Lily ang isang bagay. Madalas na nasa business trip si Xavier na nagtatagal ng ilang araw o isang linggo. Hindi nito mawsagot ang kaniyang mga tawag o makareply sa kaniyang mga message kapag nasa business trip ito. Ginagamit niya ba ang oras na ito para masolo si Sarah? Yakap yakap niya ang ibang babae habang nakatulala siya rito gabi gabi kakaisip sa kaniyang asawa. Mukhang katotohanan nga ang dala ng video na kaniyang natanggap. Parang kidlat na tumama sa kaniya ang bagay na iyon na siyang nagpaputla sa kaniyang mukha. Hindi niya maisip kung gaano na katagal ang relasyon ng dalawa. Wala na siyang ibang alam kundi ang pagturing ng dalawang ito sa kaniya bilang isang mangmang. Noong araw ng kanilang kasal, nakiusap si Xavier sa kaniya na maging full time housewife bago niya isuko ang kaniyang mga pangarap para rito. Itinali siya ng pakiusap na ito ni Xavier ng dalawang taon. Pero naiintindihan na niya ang lahat ngayon. Gustong gusto niya ang mga malalakas na babaeng katulad ni Sarah. Hindi na niya maloko ang kaniyang sarili. Pinakinggan niya nang walang tigil ang mga payo ng kaniyang ina para kunsintihin ang mga pagkakamali ni Xavier sa kanilang pagsasama, pero hindi na niya mapapalampas ang pagtataksil nito sa kaniya! “Tulungan mo akong magimpake ng ilang mga bagay,” tunog ng malamig na boses ni Xavier. Bumaba siya sa hagdanan habang nakabagsak ang ilang mga hibla ng buhok sa kaniyang noo. Naging approachable ang kaniyang itsura nang dahil sa suot niyang grey na pambahay. Pero malinaw pa ring makikita ang pagod sa kaniyang mukha. Umupo ito sa tabi ni Lily para tahimik na humigop ng sabaw nang hindi niya ito tinitingnan ng kahit na isang beses. Nakalapag sa lamesa ang phone ni Lily habang nakaactive ang screen nito na nagpakita sa picture ng pagsubo ni Sarah sa kaniya ng cake. Tiningnan niya ito bago siya magpatuloy sa paginom ng sabaw nang hindi nagsasabi ng kahit na ano. “Parte ba talaga ng trabaho mo ang pagcecelebrate ng birthday kasama ang subordinate mo?” Hindi na nakapagpigil pa si Lily. Malayo na sa mahinahon niyang tono ang boses niya ngayon. Ito ang unang beses na nagsalita siya nang direkta kay Xavier para kwestiyunin ito mula noong ikasal silang dalawa. Sumimangot naman si Xavier bago niya tingnan si Lily gamit ang hindi maipinta niyang mukha para sumagot ng, “Oo naman.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin na babae pala ang vice president ng kumpanya ninyo na palagi mong kasama sa trabaho?” Mas tumindi ang galit sa kaniyang dibdib nang dahil sa tono ni Xavier sa pagsasalita. “Hindi ko na ito kailangan pang sabihin.” Ibinaba niya ang hangover soup bago siya magtungo sa itaas. Naglagablab ang galit sa dibdib ni Lily nang dahil sa kawalan ng pakialam ni Xavier sa kaniyang nararamdaman. Dito na niya nakalimutan ang lahat ng ipinayo ng kaniyang ina sa kaniya sa buhay ng pagaasawa. Tumayo siya para harangan ang daan ni Xavier. “Anong hindi na kailangan? Magasawa tayo. Ginamit mo ang pera nating dalawa nang magplano ka ng birthday bash na iyon at para bumili ng regalo sa ibang babae. Kaya dapat lang na malaman ko ito. Karapatan ko rin na magdesisyon kasama mo tungkol sa mga ganitong klase ng bagay—"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.