Kabanata 1
Sa aking fifth wedding anniversary, naghanda ako ng candlelit dinner at buong gabi kong hinintay ang asawa ko. Pero nasa mall siya kasama ang kambal kong anak na lalaki, nagsasaya kasama ang kaniyang first love. Nakunan pa siya ng litrato ng photographer at umabot sa trending news.
Ang asawa ko na ayaw ang kahit anong physical contact sa akin ay hinayaan ang first love niya na ibalot ang bisig nito sa bewang niya.
Kahit ang bunso kong anak na mayroong obsessive-compulsive disorder ay hinahalikan sa pisngi ang lalaki na ‘yon at ngumingiti rito.
Natataranta na tinawagan ko ang aking asawa, para lang sabihan niya ako na mababaw. “Nakasama ko na ulit si Jared pagkatapos nang limang taon! Anong mali na ipakilala ko siya sa mga anak natin?”
Bago pa man ako makasagot, sumigaw ang bunso kong anak, “Daddy, panira talaga kayo! mas gusto ko si Jared. Gusto ko siyang maging dad!”
Natulala ako sa mga salitang sinabi nila sa akin. Nabitawan ko ang phone na nasa aking kamay at nalaglag sa sahig, nabasag ang screen nito.
Malamig akong ngumiti habang paupo sa aking upuan.
Nagsimula bilang business arrangements ang pagpapakasal ko kay Yvonne Langley pero nahulog ako sa kaniya pagkatapos ng limang taon ng lihim naming pagpapakasal.
Kahit na lagi niyang ka-video call si Jared Lawson at pumunta pa siya ng ibang bansa para makasama ito sa pasko, iniisip ko pa rin na baka magkaroon pa kami nang respeto at katapatan—kahit na walang pagmamahal sa pagitan namin.
Ang hindi ko nalalaman, si Yvonne na ayaw magkaroon ng init kasama ako at may nangyari lang sa amin nang malasing siya bago niya ipanganak ang kambal naming anak ay naglalambing kay Jared sa publiko. Hindi siya nagdalawang-isip.
Ang bunso kong anak na ayaw lumapit sa akin at hindi ako pinapayagan na yakapin siya ay nagkukusa na halikan si Jared sa pisngi. Gusto niya pa nga itong maging daddy!
Nakaramdam ako nang malakas na sakit sa aking puso. Hinawakan ko ang armrest ng upuan ko habang nahihirapan na pakalmahin ang aking sarili.
Nang hindi pinapansin ang magarbong candlelit dinner sa inihanda ko sa mesa, kinapa ko ang isa kong phone para tawagan ulit si Yvonne. Gusto kong isalba ang gumuguho naming pagsasama.
Pero nakatanggap ako ng video mula kay Jared.
Habang nanginginig, pinindot ko ang video at nakita ang host na nagtatanong gamit ang microphone nito, “Ngayong araw ang grand opening ng bago nating store! Kung sino mang couple ang mag-kiss ng isang minuto ay makatatanggap ng libreng chocolate ice cream! Sino ang malakas ang loob na susubok?”
Alam ng mga nandoon na hindi lang ito para sa libreng ice cream; ito na ang tamang pagkakataon para ipakita sa publiko ng isang couple ang pagmamahal nila.
Sa video, lumingon ni Jared si Yvonne at mahiwatig na tumingin.
“Mas masarap ang libreng ice cream. Gusto mo bang subukan?”
Namula si Yvonne. Habang nag-iisip siya, ang bunso naming anak ba si Xavier Joplin ay sinabihan siya, “Mommy, ang saya naman nito! Dali na at halikan niyo na si Jared. Gusto ko ng ice cream!” sigaw niya habang tinutulak ang mom niya kay Jared.
Napasandal siya sa bisig ni Jared, aksidente na nahalikan ni Yvonne ang labi ni Jared habang itinataas ang tingin niya.
“Mommy, ice cream lang ‘yan!” sigaw ng panganay naming anak na su Jonas Joplin. “Kaya nating bumili niyan. Bawal mo siya halikan—hindi mo pwedeng lokohin si Daddy!”
Gusto niya silang pigilan pero humarang si Xavier at nagsalita, “Jonas, romance ang tawag dito. Hindi mo maiintindihan!”
Hindi tumigil si Yvonne kahit na pinipigilan siya ni Jonas. Kasabay ng sigaw ng mga tao, hinalikan niya si Jared nang buong minuto.
Namumula pa rin ang mukha niya pagkatapos ng halik.
Nang makuha ang ice cream na gusto niya, sumigaw si Xavier, “Jared, ang galing mo!”
Malambing na ginulo ni Jared ang buhok nito. “Masaya ako na nagustuhan mo.”
“Gustong gusto ko! Sa tingin ko ay mas magaling ka pa sa dad ko!”
Natigil ang video at sa oras na ‘yon, pakiramdam ko ay nadurog ang puso ko.
Nahagip ako ng alon ng kalungkutan. Napagtanto ko na walang kwenta ang lahat ng ginawa ko nang ilang taon.
Hindi ko nagawang pasayahin si Yvonne, at ngayon, kahit ang anak ko ay lumalayo na sa akin. Ang anak ko na pinalaki ko nang ilang taon ay mas malapit pa sa lalaki na kababalik lang sa bansa kaysa sa kaniyang ama.
Hindi ko na maintindihan ang punto ng paghawak ko sa kasal namin. Nalulunod na ako sa kawalan, pakiramdam ko ay oras na para bitawan ang pagsasama na ito.
Ang totoo, nag-propose ng divorce si Yvonne tatlong taon na ang lumipas nang makausap niyang muli si Jared.
Pero isang taon pa lang ang mga anak namin noon at hindi ko kaya na lumaki sila sa isang bahay na isa lang ang magulang. At ang pinakamahalaga, nahulog na rin ako kay Yvonne.
Alam ko na hindi niya ako gusto kaya tinago ko ang nararamdaman ko at ginamit ang anak namin bilang dahilan. Bata pa sila para mawalan ng ina kaya tumanggi ako sa divorce at bigyan siya ng 10% share ng Joplin Group.
Doon lang niya binitawan ang ideya ng divorce.