17 taon na ang nakalilipas mula noong naipagpalit si Hera Youngworth sa ibang sanggol noong isilang ito sa mundo. Nagawa siyang mahanap ng kaniyang biological family na mga Everetts. Pero sa kaniyang pagkadismaya, hindi siya gusto ng kaniyang ama at ng kaniyang lola. Hindi rin niya gusto ng kahit na kaunti ang fiancé na nireto ng mga ito sa kaniya.Nagsalita ang kaniyang ama na si James Everett, “Hinding hindi magagawa ng pamilya Gaskell na tumanggap ng isang probinsyana bilang manugang. Para sa ating mga pamilya, magsasagawa kami ng isang public announcement para gawin kang adoptive daughter ng aming pamilya.Sumabog naman sa galit ang kaniyang lola na si Mildred Barker, “Hindi maganda ang iyong mga grades kaya hindi ka karapat dapat na matulog sa kuwarto na para sa mga miyembro ng pamilya Everett. Doon ka matulog sa guest room!”Nagsalita naman ang kaniyang fiancé na si Zyler Gaskell, “Si Giselle ang tunay na kadugo ng mga Everett at siya lang ang nagiisang babae na karapat dapat para sa akin. Umalis kang probinsyana ka sa harapan ko!”Ano ang naging reaksyon ni Hera sa lahat ng ito? Wala siyang pakialam sa kahit na sino sa kanila.Hindi nagtagal, dumalas ang pagbanggit ng kaniyang pangalan sa mga headline.Unang Lihim: Si Hera ang misteryosong henyo na nakaperfect ng kaniyang mga score sa SAT!Ikalawang Lihim: Si Hera at ang kilalang hacker na si Raven ay iisa!Ikatlong Lihim: Si Hera ang nangungunang user sa listahan ng Divine Forum!Ikaapat na Lihim: Si Hera ang nakakuha sa puso ni Mr. Killian!Hindi pa natatapos dito ang listahang ito.Pinapahiya ng mga plot twist ang mga taong nangmamaliit kay Hera. Nagsiluhod ang mga ito bago sila magmakaawa para sa kaniyang tulong pero mayroon pa ring isang tao na nagtuturo sa kanila ng leksyon nang walang pagaalinlangan.Binigyan sila ni Bernard Killian ng aroganteng tingin bago ito dominanteng maganunsyo ng, “Sa akin lang si Hera at wala ng kahit na sino ang maaaring umangkin sa kaniya.”At pagkatapos, humarap siya kay Hera para naaawang sabihin na. “Tingnan mo kung gaano ka kaganda, Mrs. Killian. Umaasa ako na isasama mo ako sa pagtahak mo sa ng iyong buhay sa hinaharap.”Nanlalamig naman siyang tiningnan ni Hera. “Itigil mo na ang pagarte, Mr. Killian. Matagal ko nang alam ang iyong mga lihim.”