Kabanata 1
Ang araw sa buwan ng June ay napakainit. Kakalabas lang ni Shannon Gray mula sa tahanan ng pamilya Gray ng isang maleta ang ihagis sa paanan niya.
Isang middle-aged na babae na suot ang magarang mga damit ang nakatayo sa foyer, mapanglait siyang tinitignan. Makikita ang inggit sa mga mata niya noong tignan niya ang magandang katawan ni Shannon at makinis na balat. Pagkatapos, makikita ang pandidiri sa mga mata niya. “Ipinaimpake ko na ang mga maleta mo. Lumayas ka na at bumalik na sa tunay na mga magulang mo!”
Hindi man lang tinignan ni Shannon ang maleta. Sa halip, tinignan niya ng malamig si Sheila White, ang babaeng tinawag niyang ina ng 18 taon.
Napukaw ang atensyon ng mga tao sa bahay sa komosyon na naganap. Hindi nagtagal, si Francis Gray ay lumapit kasama ang mga anak niya, si Connor Gray, at si Rachel Gray. Tinignan ni Francis ang maleta sa paanan ni Shannon at humarap kay Sheila.
Sermon ang tono niya, “Bakit mo ito ginagawa, Sheila? Pinalaki natin si Shannon na sarili nating anak sa nakalipas na 18 taon.”
“Isa lamang siyang inggrata!” tinitigan ng nasama ni Sheila si Shannon. “Sinabi ko sa kanya na ibigay ang slot ng city image ambassador kay Rachel, pero umarte siya na hindi ako narinig. Kung hindi ko langi to nalaman sa final list, wala pa rin sana akong kaalam-alam! Kung may kahint na kaunting konsiyensiya siya, hindi sana niya kukunin ang dapat na kay Rachel!”
Makikita ang bakas ng galit at inggit sa mga mata ni Rachel, pero agad niya itong itinago at pinagmukha na malungkot siya at nasaktan.
Pagkatapos, sinabi niya, “Huwag kang ganito, Ma. Hindi madali mapili na city image ambassador, kaya naiintindihan ko kung bakit ayaw itong isuko ni Shannon. Baka hindi lang talaga ako sapat. Kaya hindi ako napili sa simula pa lang…”
“Kalokohan. Paanong hindi nakahihigit siya sa iyo? Ibinigay ng pamilya natin sa kanya ang lahat,” sambit ni Sheila, pinapagaan niya ang loob ni Rachel.
Pinanood ni Shannon ang pag-arte nila. Hindi na mabilang ang damit ng sitwasyon na nakita niyang ganito simula pa noong bata siya, kaya hindi na siya natinag. Sa totoo lang, gusto niyang tumawa.
Tatlong araw na ang nakararaan, isang sasakyan ang bumangga sa kanya noong iniligtas niya si Rachel. Tumalsik siya ng 20 yarda, kaya ang tingin ng lahat ay hindi na siya makaliligtas ng buhay.
Noong dumating sa eksena si Sheila at ang pamilya Gray, ang una nilang ginawa ay pinagaan ang loob ni Rachel, na umiiyak ng husto dahil sa takot sa aksidente. Hindi na sila nag-abala na kumustahin ang mga pinsala ni Shannon.
Sa mga oras na iyon, nakahiga siya sa sahig, nahihilo at nilalamig. Pero ang gumalit talaga sa kanya ay ang pag-uusap ni Francis at Sheila.
“Tignan mo kung gaano katindi ang pinsala ng sasakyan. Siguradong mamamatay na siya.”
“Mabuti iyon sa totoo lang. Sa oras na mamatay siya, ibig sabihin pinrotektahan niya si Rachel sa kapahamakan. At least, hindi natin siya pinalaki ng para lang sa wala…”
Alam ni Shannon na isa lamang siyang kasangkapan sa pamilya Gray na kinuha nila para protektahan si Rachel mula sa kapahamakan. Noong bata pa siya, hindi niya maintindihan kung bakit lagi sa kanyang ipinapaalaga si Rachel sa tuwing nagkakasakit siya.
Gagaling agad si Rachel sa kung anumang sakit niya sa ilalim ng pag-aalaga ni Shannon, pero si Shannon naman ang magkakasakit ng matindi pagkatapos. Kinalaunan, nakilala ni Shannon ang mentor niya, si Thalia Wynthorpe. Dito lang niya nalaman na ang astrological houses nila ni Rachel ay resulta ng pagkaka align ng mga puwersa ng kalawakan, isang pangyayari na sanhi ng divination.
Ang astrological houses nila ay nasa magkabaliktad na bahagi ng mabuti at masama—ang kanya ang mabuti. Ang pamilya Gray ay itinabi siya sa kanila para magamit ang suwerte niya at punan ang kamalasan ni Rachel.
Sa tuwing pinoprotektahan ni Shannon si Rachel mula sa kalamidad, susuwertihin si Rachel. Kapag nagtagal, magiging malas si Shannon at mawawala ang suwerte niya. Kung hindi dahil sa pagiging handa niya, marahil naubos na ang suwerte niya at namatay na sa aksidente tatlong araw na ang nakararaan.
Pero dahil sa aksidenteng ito, natunton siya ng tunay niyang ama.
“Tapos ka na ba? Puwede na ba akong umalis?” ang natitirang pag-asa ni Shannon para sa pamilya Gray ay naglaho ng pag-usapan ang kamatayan niya na parang wala lang. Hindi siya nag-aalinlangan na iwan ang pamilya Gray.
“Huwag mo sisihin ang nanay mo, Shannon. Ikaw ang may kasalanan dito.” Humakbang palapit si Francis, istrikto pa din siya tulad ng dati. “Dahil nakita ka na ng tunay na mga magulang mo, dapat bumalik ka na as kanila.”
Nagsalita si Rachel, mukhang mahinhin at mahiyain ang dating niya. “Huwag ka magalit kay Ina at Ama, Shannon. Ginagawa lang nila ito para sa kapakanan ko.”
Habang nagsasalita sila, kumuha siya ng sobre at iniabot ito kay Shannon. Mabait niyang sinabi, “Heto ang isang libong dolyar. Narinig ko mula kay Ama na ang mga tunay na magulang mo ay nakatira sa kaloob-looban ng bundok at napakahirap. Hindi maganda ang signal doon at dapat may pera ka kung sakaling hindi mo magamit ang phone mo.”
Ngumisi siya habang nagpapatuloy sa pagsasalita, “Kapag nabakabik ka na doon, duda ko na magkikita pa tayo. Narinig ko na maraming mga lalake ang hindi makahanap ng asawa ang nakatira sa bundok doon, kaya puwede mo pakasalan ang isa sa kanila kapag nakauwi ka na. Hindi sapat ang mga resulta mo para nga naman makapasok sa unibersidad.”
Tinginan ni Shannon si Sheila, matapos makita ang mapanglait at masama niyang itsura. Kalmado niyang sinabi, “Ang mga kulubot sa noo mo ay mukhang malalim—senyales na masyado kang nagpaplano ay marami ng naipo na karma. Kaysa alalahanin ako, gamitin mo ang perang ito para bumili ng moisturizing mask o kung ano pa man.”
Tumigil siya sandali at halos ituro, “Pero nagdududa ako na may maitutulong ito.”
Ang sinabi niya ay tila katotohanan, pero ang itsura ni Sheila ay naging masma. Nagalit siya at sinabi, “Ang lakas ng loob mo na kausapin ako ng ganyan, hayop ka!”
Habang nagsasalita siya, itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin si Shannon. Tinignan lang siya na parang wala lang ni Shannon at madaling naiwasan ang sampal. Hangin ang tinamaan ni Sheila. Hindi makapaniwala siyang tumingin kay Shannon. “Ang lakas ng loob mo na umiwas!”
Mabilis na lumapit si Rachel para hawakan si Shannon. “Huwag mo na galitin si Ina, Shannon. Sigurado akong mapapatawad ka niya kapag humingi ka ng tawad sa kanya at nagsabi ng mabuti.”
Mukhang mabait siya at walang masamang intensyon, pero ang totoo ay pinapanatili lang niya si Shannon sa puwesto niya para hindi na siya makaiwas sa sampal ni Sheila.
Itutulak sana ni Shannon si Rachel palayo ng may makita siya mula sa sulok ng mga mata niya—ang emerald bagle na suot ni Rachel. Kinuha niya ang braso ni Rachel at malamig na nagtanong, “Bakit nasa iyo ang bangle na ito?”
Sadyang isinuot ni Rachel ang bangle para ipagyabang kay Shannon. Ngayon at napansin na ito sawakas ni Shannon at kinuha ang braso niya, nagkunwari siyang nagulat at nasaktan. “Aray!”
Nagbago ang ekspresyon ni Sheila. Itinulak niya si Shannon at sumigaw ng matinis, “Anong ginagawa mo, Shannon?”
Hindi naalis ang mga mata ni Shannon mula kay Rachel. Malamig niyang sinabi, “Iniwan ni lola ang bangle na iyan sa akin.”
“Anong ibig mo sabihin na sa iyo? Iniwan ni Rose ang bangle para sa anak ng pamilya Gray. Hindi ka na miyembro ng pamilya namin, kaya natural na mapupunta ito kay Rachel!”
Nagalit si Shannon. Inihagis niya ang maleta at humarap kay Francis. “Puwede ko iwan ang lahat ng ibinigay ninyo sa akin. Ang gusto ko lang ay ang bangle ni lola.”
Kung mayroon man siyang mamimiss na mula sa pamilya Gray, ito ang yumao niyang lola, si Rose Carlson. Ang nag-iisang tao na tunay na may malasakit sa kanya. Kahit sa huling hininga niya, nag-aalala siya na baka mamaltrato si Shannon sa oras na mawala na siya.
Ang emerald bangle ang iniwan ni Rose sa kanya na pamana.
Walang pakielam si Francis sa sinabi niya. “Ampon ka man, pero tunay na anak ang turing ko sa iyo. Ang lahat ng nasa miyembro ng pamilyang ito ay pinalaki ng tama, kaya hindi ka namin kaya palayasin ng hindi man lang nagbibigay ng maleta na lamang ang mga gamit mo.
“Hindi ka mabibigyan ng mabuting kapaligiran ng tunay na mga magulang mo, kaya dapat mo kunin kung anong kailangan mo.” Wala siyang binanggit na kahit na ano tungkol sa bangle.
Sa oras na iyon, nasasaktan na sinabi ni Rachel, “Alam ko na gusto mo ang bangle na ito, Shannon, pero kay lola ito… Ano kaya kung bigyan na lang kita ng pera? Sapat na ba ang sampung libong dolyar? Kung hindi, ano kaya kung dalawampung libong dolyar?”
Ang ipinaparating niya ay gusto makuha ni Shannon ang bangle para maibenta ito. Agad siyang tinitigan ng masama ni Shannon, kinilabutan siya at napaatras sa takot.
Humakbang palapit si Sheila para protektahan si Rachel. Galit niyang sinabi, “Bakit ka ganyan makatingin? Walang sinabi na mali si Rachel! Ang bangle na ito ay pagmamayari ng pamilya Gray, wala kang karapatan na hingin ito!
“Huwag mo kalimutan na pinalaki ka namin—hindi namin hinihingi pabalik ang pera na nagastos as pagpapalaki sa iyo, tama? Binigyan ka pa namin ng pera! Inggrata talaga ang ipinapakita mong ugali ngayon!”
Si Connor, na tahimik mula pa kanina, ay nagsalita. Kamukha niya halos si Francis pero batang bersyon niya. Ang ekspresyon niya ay hindi natutuwa at sinabi. “Ang bangle na ito ay pagmamayari ni Rachel, Shannon. Kailan ka pa naging gahaman?”
Sumarado ang mga kamao ni Shannon sa galit sa sinabi ni Connor. Pagkatapos, sinabi niya, “Kung susundin mo kung anong sasabihin namin at ibigay ang ambassador slot kay Rachel, puwede ko kumbinsihin si Ina at Ama na manatili ka dito.”