Kabanata 1
“Gago ka!”
Ang Thistle Isle ay tahimik at mapayapang lugar sa gabi. Umihip ang simoy ng gabi sa dagat habang ang mahihinang alon ay humahampas sa dalampasigan sa maindayog na bilis. Ngunit nabigo ang mga tunog ng kalikasan na lunurin ang mga daing at ungol na nagmumula sa dalawang matanda sa ilalim ng bahagyang liwanag.
“Hestia, huwag kang malikot. Mahiga ka lang at huwag kang gagalaw, okay? Hayaan mong imasahe kita.”
Umiling si Perseus Caitford, may mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Tiningnan niya si Hestia Townsend, na nakaupo sa chaise lounge chair. Bahagyang nanuyo ang kanyang lalamunan habang palihim siyang lumunok.
Ang mahabang pulang dress ni Hestia na gawa sa manipis na tela ay nakatakip sa kanyang katawan. Sinilayan ng bahagyang liwanag ang kanyang silweta at mas lalong pinahalata nito ang kanyang nakakaakit na mga kurba.
Bahagyang nakatagilid ang kanyang ulo sa mga sandaling iyon. Walang alinlangan na siya ay napakarilag na babae na may magagandang mata, matangos na ilong, at pares ng mapupulang labi. Pero sa ngayon, nakasimangot siya.
“Alam mo kung gaano ka kalakas, pero hindi ka man lang nagpigil noong binubugbog mo ako ngayon lang! Ganoon ka na ba talaga kasabik na umalis dito at bumalik sa girlfriend mo?” mahinang reklamo ni Hestia.
Kinilabutan si Perseus sa pagbanggit ng kanyang nobya. Kasabay nito, tumigil na siya sa pagmamasahe kay Hestia.
“Tatlong taon na. Oras na para bumalik ako.”
Naningkit ang mga mata ni Perseus. “Kailangan ko ding bisitahin ang mga magulang ko. Hindi ko sila kailanman kinontak nitong mga nakaraang taon.”
Tatlong taon na ang nakalilipas, nagtapos si Perseus sa Neptuna Medical School kasama ang kanyang kasintahan, si Rochelle Koch. Sinimulan nila ang kanilang internship nang magkasama sa iisang ospital.
Isang gabi, pauwi na si Perseus nang madatnan niya ang manyak na nagmomolestiya kay Rochelle. Si Perseus, na mainitin ang ulo at basagulero sa edad na iyon, ay agad na nagdilim ang paningin. Pinagpatuloy niya ang marahas na pambubugbog sa manyak na naging sanhi ng pagkakaospital nito.
Para naman kay Perseus, nasentensiyahan siya ng limang taong pagkakakulong dahil binugbog niya nang husto ang manyak.
Ginugol niya ang kanyang huling tatlong taong paglilingkod sa sentensiya niya sa Thistle Isle Prison. Sa unang araw na nandoon siya, nahantong siya sa pagiging estudyante ng makapangyarihang master na nagturo sa kanya sa parehong mga medikal na kasanayan at pang-malapitang labanan. Pagkatapos, sumali siya sa Eternos, isang organisasyon sa bilangguan, at matagumpay na naging bagong Prison King.
Ang pagkatalo kay Hestia ang tanging kriterya na kailangan niya para makaalis sa Thistle Isle Prison. Kaya naman, binugbog ito ni Perseus para makauwi na siya.
“Sige.” Tumango si Hestia bilang tugon.
Hindi nagtagal ay naging malungkot ang kapaligiran. Tumaas ang isang kilay ni Hestia habang nagtatanong, “Nga pala, gago, sinong mas seksi? Ako o ang girlfriend mo?”
“Seryoso, Hestia?”
May pamumulang bumalot sa pisngi ni Perseus nang mga sandaling iyon. “Pwede bang tumigil ka sa panunukso sa’kin? Baka mamaya bugbugin ako ni Mr. Sanders.”
“Tss! As if naman na takot ka talaga sa kanya!”
…
Lumabas si Perseus sa Neptuna Airport na may dala-dalang luma at basag na duffel bag kinaumagahan sa ganap na 9:00 ng umaga. Siya ay may maitim na balat at may gupit na buzz cut na napagmukha sa kanyang mabangis at may kakayahan siya. Kumikislap ang mga mata niya habang naglalakad.
“Skyview Acres tayo,” aniya pagkasakay ng taksi. Pagkatapos, sinimulan niyang namnamin ang mga pagbabagong naganap sa Neptuna sa nakalipas na tatlong taon habang lihim na nananaghoy tungkol sa mga ito.
“Kumusta na kaya sina Mom at Dad nitong mga nakaraang taon. Malamang ay kinamumuhian nila ako, ano?” bulong niya sa sarili.
Tatlong taon na ang nakalilipas, si Perseus ay ang perpektong anak na hinahangad ng bawat magulang na maging anak nila. Kasabay nito, siya ay valedictorian na mahusay sa sports at may gintong puso. Sa kabuuan, siya ang pagmamalaki at kagalakan ng kanyang mga magulang.
Ngunit siya ay itinapon sa bilangguan sa parehong oras din.
Ang mga alaala ng nakaraan ay lumipad sa isip ni Perseus na parang pelikula. Hindi nagtagal, huminto ang taksi sa labas ng Skyview Acres. Napukaw ang kanyang emosyon nang makita ang luma at sirang bahay.
Kinailangan ni Perseus na maglaan ng ilang sandali upang muling ayusin ang sarili bago lumapit sa bakal na tarangkahan. Laking gulat niya nang bumukas ang kinakalawang na gate kahit hinawakan niya lang ito.
Lumakad si Perseus sa maliit na patyo at natanaw ang matandang babae na nakatayo sa isang sulok, ang kanyang likod ay nakayuko. Siya ay may ulo na puno ng kulay-abo na buhok at payat at pagod na mukha. Isang sulyap sa kanya ay nagsabi kay Perseus na ang matanda ay dinapuan ng maraming sakit.
“Mom?” marahan niyang tawag.
“P-Perseus?”
Nagulat si Lindsay Hardy. Dahan-dahan siyang lumingon para titigan si Perseus dahil hindi siya makapaniwala.
“Perseus, mahal kong anak... Ikaw ba talaga ‘yan?” umiyak siya.
“Mom!” Mabilis na lumapit si Perseus upang yakapin si Lindsay, nararamdaman ang mga tinik ng sakit na umaatake sa kanyang puso.
Si Lindsay ay edad-50 pa lamang sa taong ito, ngunit siya ay nalanta nang husto kaya nagmukha na siyang 80 taong gulang. Halos hindi siya makalakad nang maayos nang hindi natatapilok. Kumuba na ang kanyang likod na para bang may mga pasan siyang hindi nakikita sa lahat ng oras.
“Mom, ako po ito... nandito po ako...”
“Natutuwa akong umuwi ka na sa amin, Perseus...”
Nangingilid ang mga luha sa mukha ni Lindsay habang hinahaplos niya ang pisngi ni Perseus para tingnan ito. Pagkatapos, tinapik niya ito nang malakas sa balikat, sa wakas ay may kislap na lumitaw sa mapurol niyang mga mata.
Pagpasok nila sa bahay, inabutan agad ni Lindsay si Perseus ng isang basong tubig.
“Perseus, hindi ba dapat limang taon ang sentensiya mo? Bakit ka nila pinakawalan kaagad?”
Naalala ni Lindsay na tumanggi ang manyak na aregluhin ang kaso nang pribado pagkatapos ng insidente. Iyon ang dahilan kung bakit si Perseus ay sinentensiyahan ng limang taon sa bilangguan.
Tatlong taon pa lang ang lumipas. Paano siya nakalabas ng ganoon kaaga?
“Naku. Medical student kasi ako, ganoon talaga. Marami akong natulungang preso sa tagal ko roon, saka nagpakabait ako. Kaya nabawasan ang sentensiya ko.”
Ang Eternos ay lihim na organisasyon, kaya si Perseus ay nag-isip kaagad ng idadahilan. Mas nauusisa siya kung paano naging ganito kaluma ang kanyang tahanan sa loob lamang ng ilang taon.
Maaaring matagpuan ang Skyview Acres sa nayon na matatagpuan sa labas ng Neptuna, ngunit ang loteng ito ay talagang ang pinakamamahalin sa lumang distrito ng lungsod.
Ang mga Caitford ay nagsasanay ng medisina sa loob ng maraming henerasyon. Ito ang nagbigay daan sa kanila na magkamal ng kanilang kayamanan noong una.
Kaya paano naging ganito ang Skyview Acres?
“Mom, nagtatrabaho ba si Dad sa clinic ngayon? Uuwi pa ba siya para mananghalian? At saka, kumusta ang career nina Ethan at Olivia? Malamang, kindergarten na si Vincent ngayon, tama ba? Maayos ba kayo ni Dad na pinakitunguhan ni Roche sa nakalipas na tatlong taon?”
Hindi napigilan ni Perseus ang sarili na ulanan si Lindsay ng mga tanong.
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Lindsay, naramdaman na naman niya ang mga sariwang luhang umaagos sa kanyang pisngi, kahit na katatapos lang niyang umiyak.
“Patay na sina Ethan at Olivia. Nawalan sila ng kontrol sa sasakyan nila kaya bumulusok sila sa ilog. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin nahahanap ang kanilang mga katawan. Ang tatay mo—”
Sa sandaling iyon, may sumipa sa tarangkahan at umungol, “Egbert Caitford, lumabas ka ngayon din! Hindi ako naniniwalang duwag ka na buong buhay na magtatago sa bahay mo!”
Nagsalubong ang kanyang mga kilay patungo sa malalim na pagsimangot, at kumilos si Perseus upang harangin ang nanghihimasok.
Si Egbert ang kanyang tatay. Paano niya magagawang hayaan na ipahiya ng mga tagalabas ang kanyang tatay nang ganoon?
“Huwag!”
Nagbago ang ekspresyon ni Lindsay nang marinig ang boses. Mabilis niyang kinaladkad si Perseus papasok sa isang kwarto habang nag-aalala.
“B-Bilisan mo, magtago ka sa ilalim ng kama! ‘Wag kang lalabas hangga’t hindi kita tatawagin, ha? Wala silang gagawin sa matandang tulad ko! Sige na!”
Nasira ang kahoy na pinto sa sandaling iyon. Tatlong tulisan na walang suot na pang-itaas ang sumugod sa bahay na may mga sigarilyong nakalawit sa kanilang mga bibig.
“Gusto mong magtago, eh? Tignan natin kung saan ka makakapagtago sa oras na ‘to! Nakita ng sarili kong mga mata na pauwi ka! Akala mo talaga—huh? Teka, hindi ikaw si Egbert! Ikaw... ang anak niya?”
Ang blond na pinuno, si Kaz Curtmill, ay nakatitig kay Perseus sa pagkalito.
“Tama. Anak ako ni Egbert, Perseus.”
Ginawa ni Perseus ang kanyang makakaya upang sugpuin ang mga rumaragasang alon ng galit. Pinandilatan niya ang tatlo na kakapasok lang sa bahay niya.
“Buweno, kung hindi natin mahanap ang tatay, yung anak na lang. Magbayad ka!”
Iniabot ni Kaz ang kanyang kamay kay Perseus. “May utang ang tatay mo sa amo ko ng 200,000 dollars. Sampung araw na niyang sinisingil ang bayad. Magbayad ka, o lumayas ka sa bahay na ‘to!”
“Nanghiram ang tatay ko sa kanya ng 200,000 dollars?”
Lumingon si Perseus para tingnan si Lindsay dahil hindi siya makapaniwala habang may malalim na pagsimangot sa mukha niya.
“Mom, nanghiram ba talaga si Dad ng pera sa iba? Medyo disente naman ang kinikita sa clinic, diba? Bakit kailangang biglaang manghiram ng pera?” naguguluhang tanong niya.
“Naku... May sakit si Vincent, Perseus. Na-diagnose siya na may acute leukemia. Ayaw siyang isuko ng tatay mo—siya lang naman ang anak nina Ethan at Olivia. Kaya naman humiram siya ng 50,000 dollars sa mga gangster...”
Nang makitang hindi na maitago ni Lindsay ang katotohanan, maaari na lamang niyang ilantad ang kalagayan ng mga Caitford.
“Hoy, gago! Magbayad ka! Wala akong oras na pwedeng sayangin sa’yo at mga hanash mo!” udyok ni Kaz. “Bayaran mo na raw ang perang hiniram mo sa amin! Huwag kang magpadalos-dalos sa ikikilos mo ha!”
Nadurog ang puso ni Perseus nang malaman niya ang katotohanan. Pinilit niyang pigilan ang matinding sakit na idinulot sa kanya ng kanyang pamilya.
“Babayaran ka namin, pero kailangan ko ng oras para makuha ang pera. Kakauwi ko lang at lahat—”
“Fuck you! Parehas kayo ng sinasabi ng tatay mo! Hindi mo man lang magawang mag-isip ng ibang dahilan kapag magsisinungaling ka sa mukha ko? Parehas kayo ng tatay mong may kapansanan!”
Agad na nag-init ang ulo ni Kaz. Sinimulan niyang kausapin si Egbert sa mismong lugar.
“May kapansanan?” Marahas na nanginig ang katawan ni Perseus. Ilang sandali pa ay muntik na siyang mawalan ng balanse at matumba. “Anong nangyari sa tatay ko?”
“Dalawang taon na ang nakararaan, pumunta ang tatay mo sa bangko para i-deposito ang natanggap nating kabayaran mula sa insurance company pagkatapos ng pagkamatay nina Ethan at Olivia. Pero may nakasalubong siyang magnanakaw papunta doon.”
Patuloy na umiiyak si Lindsay pagkatapos. Ang mga trahedyang nangyari sa nakalipas na tatlong taon ay patuloy na nagpapahirap sa kanyang puso at kaluluwa.
“Ang pera ay kumakatawan sa sinakripisyo nina Ethan at Olivia, kaya naman tumanggi ang iyong tatay na isuko iyon. Ang magnanakaw... binali niya ang paa ng iyong ama at sinaksak pa siya sa bituka! Kung hindi siya ipinadala sa ospital sa oras, mas malala—”
“Namo, manahimik ka! Tumigil ka na nga sa pagdada?”
Napakawalang pasensya ni Kaz sa mga sandaling iyon. “Wala akong panahon para makinig sa mga paawa mong kwento! Gusto kong bayaran mo kami ngayon! Kung hindi, mag-impake na kayo at magsilayas! Bahay na namin ‘to ngayon!”
“Kayo ang lumayas!”
Pakiramdam ni Perseus ay parang may umuukit sa kanyang puso ngayon.
Hindi niya inaasahan na mabaligtad ang kanyang buhay pagkatapos ng tatlong taong pagkakakulong. Bakit siya magpapakabait sa harap ng mga tulisan na lumalabas na loan sharks pala?
Kung hindi dahil sa katotohanan na ginagamit niya ang lahat ng kanyang lakas upang pigilan ang kanyang mga pagnanasa ngayon, pinaslang niya na ang mga tulisan.
“Ano? Ako pa ang sinasabihan mong lumayas? Papatayin kita!”
Nang magising sa kanyang unang pagkabigla, kinuyom ni Kaz ang isang kamao at tinutukan ng suntok ang mukha ni Perseus.
“Huwag mong patulan ang anak ko!”
Si Lindsay ay nagmamalasakit na ina. Hindi siya nagdalawang-isip na ihagis ang sarili sa harap ni Perseus para maharangan niya ang suntok.