Kabanata 1
“Maghiwalay tayo.
“Four million dollars, sapat na ito para mabuhay ka ng payapa panghabambuhay.
“Pirmahan mo na ang mga papeles at lumayas ka na ngayon din!”
Matapos ikasal ng dalawang taon, hindi inaasahan ni Mable Jefferson na ang unang dahilan para hanapin siya ni Blair ay para makipaghiwalay.
“Blair, bakit mo gusto makipaghiwalay? May nagawa ba akong mali? Puwede ko naman—”
“Nahanap ko na si Liv,” hindi siya pinatapos magsalita ni Blair, malamig ang boses niya.
Natulala si Mable. “Liv?”
“Hindi ba’t sinabi ni Tracey… na namayapa na—”
“Tumahimik ka!” kontra ni Blair.
Hindi niya hahayaan na may magsalita ng masama tungkol kay Olivia!
Isinara ni Mable ang bibig niya. Pakiramdam niya binuksan ang puso niya gamit ang matalim na kutsilyo, at sa sobrang sakit nahihirapan siyang huminga.
Alam niya na malambot ang puso ni Blair para sa first love niya. Sa sobrang tindi nito, ipinatato niya ang pangalan niya sa kanyang dibdib.
Mahal na mahal ni Blair ang babaeng nagngangalang Liv.
Tulad ng pagmamahal ni Mable sa kanya.
“Blair, ayaw ko makipaghiwalay sa iyo. Huwag tayong maghiwalay, okay? Mahal kita…”
Dalawang taon na ang nakararaan, nahulog sa bangin si Mable. Si Blair ang nagligtas sa kanya.
Matinding pinsala ang tinamo niya at nawala ang kanyang alaala. Ang unang tao na nakita niya noong iminulat niya ang kanyang mga mata ay si Blair.
Sa oras na iyon, nahulog siya sa kanya.
Walang pakielam ang itsura ni Blair. “Mable, hindi kita mahal!”
Nanginig ang puso ni Mable, at tumulo ang mga luha niya.
Kahit gaano niya kamahal si Blair, ang nararamdaman niya ay hindi nasusuklian.
Sa buong oras na nakalipas, si “Liv” ang nasa puso niya, at ngayon alam na ito ni Mable.
“Master Blair, handa na po ang helicopter.”
Ang assistant ni Blair na si Amos ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanya para mag-ulat.
Tinignan ni Blair ang divorce agreement sa lamesa at iniutos, “Pirmahan mo na at umalis ka na sa loob ng dalawang araw!”
Kasunod nito, tumalikod si Blair at naglakad palayo ng walang alinlangan.
“Blair!”
Nagmadali si Mable para yakapin ng mahigpit si Blair. “Pakiusap huwag kang umalis! Huwag mo akong iwan!”
Nakamamatay na titig ang makikita sa mga mata ni Blair. Itinulak niya ng malakas palayo si Mable.
“Bumitaw ka!”
“Ah!”
Nawala ang balanse ni Mable at nadapa siya. Bumagsak siya sa sahig at tumama ang kanyang noo ng malakas.
Malamig na tinignan ni Blair si Mable, na nasa sahig at hindi kumikilos, at sumakay sa helicopter ng hindi tumitingin pabalik.
Limang taon na—limang taon na niyang hinahanap si Liv. Sawakas, may balita na tungkol sa kanya!
Mahigpit na hinawakan ni Blair ang tansong singsing na may itim na diamante. Hindi siya makapaghintay na makita Liv.
Mabagal na bumangon si Mable mula sa sahig. Hinawakan niya ang noo niya gamit ang isang kamay at malamig na tinignan ang helicopter na paalis. Habang heartbroken siya, nagtiim bagang siyang sumigaw.
“Pfft! Hayop ka!”
Pumasok si Mable sa bahay at pinirmahan ang divorce agreement ng walang sinasabi.
Agad siyang umalis at kinuha ang phone niya para may tawagan na numero.
“Hello, sino po ito?”
“Ako.”
Sa oras na natapos si Mable, ang lalake sa kabilang linya ay sinabi. “May problema ba sa iyo? Paano ko malalaman kung sino ka?!”
Tumaas ang kilay ni Mable. “Hindi mo na nakikilala ang boses ko. Rahman, hindi na ba ako kasing galing ng dati, o naging arogante ka na?!”
Tumigil sandali ang lalake ng dalawang segundo at sumigaw bigla, “Mabes!”
“Mm.”
Pagkatapos, ang maasim na boses ng lalake ay maririnig mula sa kabilang linya. “Dalawang taon kang nawawala, walang balita sa iyo. Ang akala ko tumakas ka na kasama ang kung sinong lalake.”
“Ipinadala ko sa iyo ang lokasyon ko sa phone. Sunduin mo na ako!”
…
Sa sumunod na umaga.
Noong lumabas ng villa si Mable, isang nakakasilaw na diamond-encrusted Ferrari ang lumapit.
“Babe!”
Isang blonde na lalake na guwapo ang bumaba mula sa drivers seat ang yumakap ng mahigpit kay Mable.
Ngunit, walang awa siyang itinulak palayo ni Mable at direktang binuksan ang pinto para sumakay.
Nagdabog si Rahman. “Walang pusong babae, nagmadali akong makarating dito mula sa Monafett at ganito ang trato mo sa akin?!”
Tinignan siya ni Mable at sinabi. “Tumigil ka na sa kalokohan mo!”
Sumunod si Rahman at sumakay sa sasakyan. “Hindi ito puwede. Naglakbay ako sa buong mundo at wala akong katapat!”
Hindi nagpaistorbo sa kanya si Mable. Mahina niyang sinabi, “Tara na.”
Hindi siya nababagay dito.
Tulad ng hindi nababagay si Blair sa kanya.
Matapos maging punching bag ng dalawang taon, ngayon at nabalik na ang alaala ni Mable, oras na para alamin kung sino ang mamamatay tao na naminsala sa kanya at naging dahilan ng kawalan niya ng alaala!
Makalipas ang dalawang araw.
Bumalik si Blair sa villa, pagod sa biyahe. Sa oras na nakaakyat siya sa hagdan, nagkulong siya sa kuwarto.
Mali ang impormasyon—hindi si Liv ang babae.
Sayang lang ang biyahe.
Matinding pagkabigo ang halos lumunod sa kanya.
Sa oras na ito, isang katulong ang kumatok sa pinto at iniabot sa kanya ang divorce agreement.
“Master Blair, pinirmahan na po ni Madam ang papeles at umalis na. Wala siyang dinala noong umalis siya, kabilang ang bank card na iniwa mo po sa kanya.”
Sumimangot si Blair at naisip, “Iiwan niya ang pagsasama nila ng walang dala?
“Base sa malambot at iyakin na ugali niya, kung gaano siyang kahina, at dahil sa kawalan niya ng alam, magugutom siya at mamamatay sa kalsada ng walang pera.
“Hmph!
“Siguradong nagpapaawa siya sa kanya.”
Madiin na sinabi ni Blair, “Iproseso ang divorce sa lalong madaling panahon!”
“Magkakaproblema pa kung tatagal pa ito!”
Kakaalis lang ng katulong ng bigla pumasok si Amos, na assistant niya. “Master Blair, si Madam—”
Nagsalubong ang mga kilay ni Blair. “Nagbalik na naman siya?”
Alam niyang hindi siya makikipaghiwalay ng ganoon lang!
Sinabi ni Amos. “Hindi po. Nakita siya at si Rahman ng media—ang pinakabatang anak ng pamilya Monafett na pinakamayamang pamilya sa Emirs—na pumasok at lumabas ng hotel. Nanatili sila doon overnight.”
Nagdilim ang mukha ni Blair.
“Magkakilala si Mable at Rahman?
“Naghotel pa silang dalawa at nanatili doon ng magkasama buong gabi?”