Lahat





Sina Shenie at Yanie ay magkapatid na kambal. Matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang, tumira si Yanie sa kanilang mayaman na ama, habang si Shenie ay sumunod sa kanilang mahirap na ina.Mula noon, magkaiba ang kapalaran ng magkambal na babae. Ang isa ay parang matikas na sisne habang ang isa naman ay parang pangit na pato.Gayunpaman, sa paglaki ni Shenie, siya ay matapang, maganda, at dalisay. Sa kabaligtaran, sa ilalim ng impluwensya ng masamang madrasta, naging mapanlinlang at mayabang si Yanie.Gustong pakasalan ni Yanie ang pinakamayamang lalaki sa New York, si Charles, na kaakit-akit, guwapo, at matured. Gayunpaman, isang birhen lamang ang tinanggap ni Charles bilang kanyang asawa habang si Yanie ay hindi kuwalipikado.Kaya naman naisip ni Yanie ang kanyang kambal na kapatid na si Shenie.Tinakot ni Yanie si Shenie na sasali sa kanyang malisyosong plano. Nakapagtataka, ito na ang simula para makilala ni Shenie ang kanyang Prince Charming. 







Matapos iligtas ni Blair ang anemic na si Mable, makapal ang mukha niya sa pangungulit sa kanya na suklian siya gamit ang kanyang katawan. Ngunit, sa dalawang taon nilang pagsasama, paulit-ulit na tumanggi si Blair at sinasabi, “Hindi ka nababagay na magkagusto sa akin!” Kaya, nahimasmasan si Mable at napagdesisyunang bumalik sa tunay niyang sarili. Matapos ang paghihiwalay, nalaman ni Blair, na ang dating asawa na itinapon niya na parang lumang mga sapatos, ay naging isang makapangyarihan na tao. Sinasamba siya ng mga mayayaman bilang reyna nila, habang ang mga nakatagong pamilya naman ay itinuturi siyang kamahalan nila. Samantala, pinuno naman ang tingin sa kanya ng mga top mercenaries, habang alamat naman ang tingin sa kanya ng mga medical leaders. Kahit ang pinakamayaman na tao sa buong mundo ay araw-araw live na nagtatapat sa kanya sa engrandeng paraan… “Mr… Mr. Fowler, Si Madam—” “Gusto akong makita?” “Hindi po, ang prinsipe po ng Tolfiend, at major-general ng Sorolen ay patungo na po kay Madam para magpropose!” Hinampas ni Blair ang lamesa at tumayo. May tinawagan siya sa telepono at sinabi, “Mabes, magpakasal tayo muli…” “Magpakasal muli? Hindi ka nararapat!” 

Ang pinakamayamang lalaki sa Mercity, na si Adam Alvarez, ay nasa coma nang tatlong taon. Ang kanyang asawa, si Celine Tate, ang nag-alaga sa kanya sa buong panahong iyon. Ngunit nang magising si Adam, natagpuan ni Celine ang isang malanding text sa kanyang phone. Bumalik na pala ang first love nito sa bansa.
Ang mga kaibigan ni Adam, na palaging minamaliit si Celine, ay nagtawanan sa nangyari."Panahon na para sipain ang pangit na sisiw, ngayong nandito na ulit ang itik."
Doon lamang napagtanto ni Celine na hindi siya kailanman minahal ni Adam. Pinaglaruan lamang siya nito.
Kaya isang gabi, natanggap ni Mr. Alvarez ang divorce agreement mula sa kanyang asawa. Ang dahilan ng diborsyo—may problema sa kanyang kalusugan.
Sinundan ni Adam si Celine, ang mukha nito'y seryoso. Doon niya nakita ang babae sa ilalim ng kumikislap na mga ilaw, napakaganda sa suot nitong mahabang bestida. Bigla itong naging isang dalubhasa sa medisina.
Nang makita siya ni Celine, ngumiti ito.
"Nandito ka ba para magpakonsulta sa isang andrology specialist, Mr. Alvarez?"






Sa nakalipas na anim na taon, pinagbintangan siya ng masama niyang kapatid at iniwan siya ng asawa niya noong buntis pa siya.Makalipas ang anim na taon, gumamit siya ng ibang pangalan. Ngunit, ang lalaking umiwan sa kanya dati ay walang tigil sa pangungulit sa harap ng kanyang pinto.“Ms. Gibson, ano ang relasyon mo kay Mr. Lynch?”Ngumiti siya at sumagot lang siya ng kaswal, “Hindi ko siya kilala.”“Pero sinabi ng sources namin na minsan daw kayong kinasal.”Sumagot siya habang inaayos ang kanyang buhok, “Tsimis lang ‘yun. Hindi ako bulag.”Sa araw na ‘yun, tinulak siya sa pader sa sandali na makapasok siya ng pinto.Nagsalita ang tatlong anak niya, “Malabo daw ang mga mata ni mommy, sabi ni daddy! Aayusin daw ni daddy ‘yun para kay mommy!”Nagsalita siya, “Bitawan niyo ako, darling!” 


Inaamin ko na isang magandang babae ang true love ng asawa ko.
Sa kanyang pagbabalik, ang asawa ko, na sinasabi na wala siyang alam tungkol sa romansa kapag kasama ko siya, ay gumawa ng iba’t ibang paraan upang pasayahin siya. Maging ang anak kong lalaki ay paulit-ulit na sinasabi sa pagmumukha ko na gusto niya na ang true love ng tatay niya ang maging nanay niya.
Para sa kanila, ang tanging halaga ko ay sa pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga sa kanila.
Maya-maya, isang autistic na batang babae ang humila sa damit ko at mariing sinabi na, "Siguro nga ayaw ni Zachary sa nanay niya, pero ako gusto ko!”
Doon ko lamang napagtanto na maaari pa ring mamukadkad ang isang rosas sa gitna ng isang disyerto. Noong sa wakas ay nakamit ko na ang gusto kong makamit sa buhay ko, pinagsisihan ng dati kong asawa at ng anak ko ang mga ginawa nila.
Tumawag ang dati kong asawa at sinabi na namimiss ako ni Zachary. Sinabi ko na, “Hindi na ako ang nanay niya."
Sinabi ng dati kong asawa na alam niyang nagkamali siya; bigla niyang napagtanto na ako ang mahal niya.
Hinalikan ng lalaking nasa tabi ko ang aking kamay. Sinabi niya ng may selos, "Sa tingin mo ba karapatdapat ka sa pagmamahal niya kung maging ako ay hindi pa nakukuha ang puso niya?” 
Sa paraan upang makatakas, kinuha ng isang estranghero ang kanyang pagkabirhen. Hindi niya inaasahan na ang estranghero ay si Jasper Milton, na mayaman at makapangyarihan, pati na rin ang walang awa at malamig. Hindi raw niya mahal ang babae. Gayunpaman, hindi ito totoo. Sumasakit ang kanyang likod pagkatapos makipagtalik sa kanya araw-araw, at sa wakas ay hindi na niya nakayanan, "Hindi mo na kailangan pang managot sa akin, at malaya ka na." Umupo siya sa tabi ng kanyang kama, hinila siya sa kanyang mga bisig, at malumanay na sinabi: "Stella, nagkakamali ka ba, hindi ba dapat ikaw ang may pananagutan?" Stella Grace:" ... " 


Si Bonnie Shepard, isang probinsyana, ay ang usap-usapan sa bayan. Ayon sa mga tsismis, isa siyang talunan na mahilig makipag-away at makipaglokohan. Iniwan siya ng kanyang nobyo, at ang iginagalang na pamilyang Knight ay dinistansya ang kani-kanilang mga sarili, nagsasanhi ng hindi maliit na kahihiyan para sa pamilyang Shepard. Ngunit nang nadiskubre ng mundo ang kanyang totoong pagkakakilanlan bilang nangungunang mananaliksik sa bansa, namangha ang lahat. Ikinagulat nila nang malaman nilang hindi lang siya henyo sa matematika, prodehiyo rin sa chess, maalam sa medisina, eksperto sa kickboxing, sinasapawan maging ang pinakamayamang negosyante sa listahan ng Forbes. Ang mga prominenteng pigura at mga mayamang tagapagmana ay lantarang nag-aagawan para sa kanyang pag-ibig. “Bonnie, will you marry me? Nararapat ako, at ako ang pinaka-romantiko at pinaka-maalalahanin na nobyong makikita mo. Aba, kahit mga gawaing-bahay ay kaya kong gampanan! May pagmamay-aring minahan ang pamilya ko, at maaari mong bilhin ang kahit ano mong gusto!” Si Ivor Knight, ang CEO na minsan na siyang tinanggihan, ay labis itong pinagsisihan hanggang sa ang masasabi niya na lang ay, “Huwag ka ngang epal, okay? Akin siya!” 



Noong patay na patay pa si Emilie Hoven kay William Middleton, muntik na siyang mamatay. Ngunit para kay William, isa lamang siyang taong magagamit niya na inakala niya na hindi kayang mabuhay ng wala siya. Kaya naman, nagdesisyon si Emilie na huwag na siyang mahalin. Hindi gusto ni William na masyadong kalmado, rasyonal, at independent si Emilie. Kalaunan, nagkatotoo ang kahilingan niya—nakita niya si Emilie na umaasa sa iba at naging maamo. Bagaman hindi sa kanya. Noong araw ng kasal ni Emilie, nakangiti siya ng masaya habang nakaupo siya sa isang upuan at hinihintay na makapasa ang groom niya at ang kanyang mga groomsmen sa pagsubok na inihanda niya at ng mga bridesmaid niya para sa kanila. Masigla ang paligid. Sa hindi inaasahan, biglang sumulpot si William. Lumuhod siya sa harap ni Emilie at hinawakan ang kanyang mga kamay, mukhang sinasamba niya siya. “Iwan mo siya, please. Sumama ka sa’kin. Ako ang una mong minahal, hindi ba?" 
Ang matagal na nawawalang anak ng pamilyang Locke, ay nakabalik na sa kanyang pamilya. Pagkatapos, ginamit niya ang livestreaming para kumita.Ang lahat ng mayayaman sa Riverview ay naghihintay na pamukhain niyang ewan ang sarili niya. Gayunpaman, ang nakita lang nila ay kung paano ang mga bigatin mula sa buong bansa ay dumagsa sa livestream niya para humingi ng tulong.Isang pasikat na tao sa mundo ng negosyo ay nagsabi, “Iligtas mo ako, Ms. Locke!”Isang aktor na nakatanggap ng parangal ay nagsabi, “Tulungan mo akong mapalayo sa hindi ko gustong admirers, Ms. Locke!”Isang bigatin sa mundo ng pananaliksik ang nagtanong, “Pwede mo ba akong tulungan sa geomancy sa larangan ko, Ms. Locke?”May nagsabi, “Lapit ka pa sa’kin, babe!”Nagtataka ang lahat kung bakit ang nagsabi nito ay sobrang naiiba sa lahat.Sabi ni Madison, “Iyan din ang gusto kong malaman.” 
Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.” 


Hindi alam ni Wynter Quinnell na hindi siya tunay na anak ng Yates family. Noong tinalikuran siya ng kanyang childhood sweetheart at ng buong mundo, pinalayas siya ng Yates family at sinabi sa kanya na hanapin ang tunay niyang mga magulang sa butas kung saan siya nagmula…Tinawanan lang ito ni Wynter. Gugulatin niya ang lahat sa pamamagitan ng pagbubunyag ng lihim niyang pagkatao, at lumalabas na ang “butas” na sinasabi ng Yates family ay ang pinakamayamang pamilya pala sa Kingbourne, ang Quinnell family!Sa loob lang ng isang gabi, mula sa pagiging pekeng anak ng Yates family, na kinasusuklaman ng lahat, naging tunay na anak siya ng pinakamayamang tao sa buong bansa. Mayroon din siyang anim na kapatid na lalaki na mahal na mahal siya!Ang pinakamatanda niyang kapatid ay isang dominanteng presidente. “Itigil na muna natin ang meeting ngayon. Ikuha niyo ako ng ticket pabalik sa bansa—Gusto kong makita kung sino ang mga tao na may lakas ng loob para apihin ang kapatid ko!”Ang pangalawa sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang sikat na celebrity. “I-cancel niyo ang function. Susunduin ko ang kapatid ko ngayon.”Ang pangatlong sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang diyos sa kanyang propesyon. “Itigil niyo ang kompetisyon. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kapatid ko.”Niyanig nito ang buong bansa!Pinagsisihan ng Yates family ang lahat ng maling ginawa nila, at sinubukan ng childhood sweetheart ni Wynter na makipagbalikan sa kanya.Ngunit bago pa man niya siya matanggihan, si Dalton Yarwood, ang presidente ng Yarwood Corporation at ang anak ng kilalang Yarwood family, ay nag-propose sa kanya. Naging usap-usapan siya ng lahat dahil dito! 
baog ako. Sabi ng asawa kong si Edric, mamahalin niya ako kahit anong mangyari.Sa loob ng tatlong taon, lagi siyang naging malambing sa akin, masaya ako na nakatagpo ako ng taong magmamahal sa akin ng totoo at walang pakialam na hindi ko siya kayang bigyan ng anak.Until one day, I learned the fact na matagal na niya akong niloloko, double life, at nagkaanak sa iba.At ang babaeng iyon ay isang matalik kong kaibigan.Galit ako, sinampal ko siya, pero hindi ko inaasahan na papatayin nito ang baby niya.Galit na galit si Edric at pinadalhan niya ang kanyang abogado para pilitin akong pumirma sa divorce agreement.Sinabihan ako na huwag kumuha ng anumang alahas na binili sa akin ni Edric, at walang ari-arian na pag-aari ko, ang magagawa ko lang ay mag-impake at umalis.Pagkalipas ng tatlong taon, bumalik ako para sa paghihiganti, kasama ang ibang lalaki... 



Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.” 
Pinatay si Rosaline at personal na nilagay ni Sean si Jane sa kulungan ng mga babae dahil dito. “Alagaan mo siya ng mabuti” — ang mga salitang sinabi ni Sean ay ginawang impyerno ang buhay ni Jane sa kulungan at nagdulot pa para mawalan siya ng kidney. Bago siya mapunta sa kulungan, sinabi niya, “Hindi ko siya pinatay,” ngunit walang epekto ito kay Sean. Matapos niyang makalaya mula sa kulungan, sinabi niya, “Pinatay ko si Rosaline, kasalanan ko ito!” Gigil na sinabi ni Sean, “Tumahimik ka! Ayokong marinig na sabihin mo iyan!” Tumawa si Jane. “Oo, pinatay ko si Rosaline Summers at nakulong ako ng tatlong taon para dito.” Tumakas siya at hinagilap ni Sean ang buong mundo para sa kanya. Sabi ni Sean, “Ibibigay ko ang aking kidney, Jane. Kung ibibigay mo ang iyong puso.” Ngunit tumingala si Jane kay Sean at sinabi, “Hindi na kita mahal, Sean...” 





Matapos palayasin ng pamilya Gray, si Shannon Gray ay mala mahikang naging tagapagmana ng mayamang pamilya.Nagsisisi ang pamilya Gray na pinalayas siya at gusto na ibigay ng pamilya Jensen ang kalahati sa mga assets nila bilang kumpensasyon. Ngumisi si Shannon at ginamit ang truth-telling talisman para i-expose ang tunay na kulay ng pamilya Gray at mga nakatago nilang baho. Katulad nito, noong may isang hinayupak na ayaw siyang lubayan, madali niyang binigyan ang taong ito ng bangungot gabi-gabi.Mababa ang tingin ng mga pinsan niya sa kanya at iniisip na kahihiyan siya, pero ang pinuno ng pamilya Shaw ay kumatok sa pinto nila, hinahanap siya. “Basta ba willing ka na iligtas ang anak ko, sasangayon ako sa kahit na anong kundisyon mo!”Ang pinuno ng isang mayaman na pamilya na hindi kasundo ang pamilya Jensen ay walanghiyang kumatok din. “Hangal ako dahil sa inasal ko noong nakaraan. Iaanunsiyo ko sa mundo na alila mo ako basta ba willing ka tulungan ako!”Kinalaunan, kahit ang pinsan ni Shannon, na minsang kinamumuhian siya, ay naging tapat na tagasunod niya. “Siya ang pinakadabest na pinsan, at isusumpa ko ang kahit na sinong kabaliktaran ang sasabihin tungkol sa kanya!”Matapos ang lahat ng nangyari, ang pamilya Jensen ay nahimasmasan na at napagtanto na si Shannon, ang akala nilang nakakaawang nilalang lang, ay isang master sa geomancy at divination.Kailangan iligpit ni Shannon ang mga tao at mga lugar na puro kasamaan, magligtas ng mga buhay at sumipsip sa mga mayayaman. Hindi niya mapigilan sabihin, “Pagod na ako.”Si Benjamin “Bigwig” Cooper ay nangunang tulungan siya sa kanyang mga pasanin. “Hindi mo na kailangang sumipsip sa akin. Iyo na ako.” 
Kahit pagkatapos makaranas ng dalawang buhay, hindi pa rin magawang tunawin ni Rose ang yelong puso ni Jay Ares. Durog ang puso, napagdesisyunan niyang mabuhay nang nagpapanggap bilang isang tanga. Dahil dito ay nagawa niyang lokohin si Ares at nakatakas kasama ang dalawa nilang anak. Ito ay lubos na kinagalit ni Ginoong Ares, at ang lahat ng tao sa paligid nila ay sigurado na ito ay ang magsisilbing sanhi ng kamatayan ni Rose. Gayunpaman, sa sumunod na araw, ang dakilang si Ginoong Ares ay makikitang nakaluhod sa isang tuhok sa gitna ng daan, sinusuyo ang makulit na babae, “Pakiusap ay maging mabuti ka at umuwi kasama ko!” “Sasama ako kapag pumayag ka sa mga kundisyon ko!” “Sabihin mo!” “Hindi ka maaaring kawawain ako, magsinungaling sa akin, at lalong-lalo na ang ipakita ang hindi mo natutuwang mukha sa akin. Dapat ay palagi mo akong tinuturing bilang ang pinakamagandang tao sa mundo, at dapat ay nakangiti ka sa tuwing pumapasok ako sa isip mo…” “Sige!” Natuliro ang mga saksi dahil dito! Ito ba ang sinasabi nilang mayroong panangga sa lahat ng bagay? Si Ginoong Ares ay tila nababaliw na, ang taong kaniyang nilikha ay nautakan siya. Dahil hindi niya ito magawang disiplinahin, ibibigay na lamang niya ang lahat ng kaniyang gusto! 


Sa nakaraang buhay ni Noelle Liddell, sinunod niya ang lahat ng mga utos ng kanyang mga kapatid. Pero sinamantala nila at tinapaktapakan ang kanyang pride para maspoil nila si Xenia Quigley, ang peke nilang kapatid na babae. Si Noelle ang tunay nilang kapatid, pero namatay siya matapos siyang palayasin mula sa kanilang tirahan.Matapos isilang muli, isang prinsipyo ang kanyang patuloy na susundin–tumigil siya sa pagiging mabuting tao, at hindi na niya papatawarin o makikipagbati sa kanyang mga kapatid. Puwede nila gawin ang kahit na anong gusto nila basta huwag silang makielam sa kanya.Ang nakatatanda niyang kapatid, si Donovan Liddell, ay napapaisip kung bakit ang kalusugan niya ay lumalala kamakailan lang. Dahil hindi na dinadala ni Noelle ang gamot niya at supplements.Ang ikalawa niyang kapatid, si Frank Liddell, ay napapaisip kung bakit laging may problema sa firewall ng kumpanya niya. Dahil hindi na ito minemaintain ni Noelle.Ang ikatlo niyang kapatid, si Carl Liddell, ay napapaisip kung bakit ang bagal ng development ng bagong gamot. Dahil hindi na ito tinetesting ni Noelle.Ang ika-apat niyang kapatid, si Blake Liddell, ay napapaisip kung bakit ang mga grado niya ay lumalala na. Dahil hindi na si Noelle ang nagsusulat nito.Ang ika-lima niyang kapatid, si Wyatt Liddell, ay napapaisip kung bakit ang prosthetic limb niya ay sobrang pangit na. Dahil hindi na si Noelle ang lumilikha nito.Ang ika-anim niyang kapatid, si Lucas Liddell, ay napapaisip kung bakit natalo ang team niya. Dahil umalis na si Noelle mula dito.Ang anim na mga lalake ay lumuhod at nagmakaawa sa paanan ni Noelle para sa kanyang kapatawaran. “Umuwi ka na, Nelly. Blood is thicker than water–pamilya tayo!”Ngumisi si Noelle. “Alam niyo lang na mali kayo sa oras na lumala na ang lahat. Pasensiya na, pero hindi ko papatawarin ang kahit na sino sa inyo!” 
Sa kanyang nakaraang buhay, naaalala lang ni Hayden Sterling ang paglaki sa isang ampunan. Inapon siya noong limang taong gulang at nakaranas ng pagmamahal ng isang pamilya. Pagkatapos, nakita siya ng kanyang biological na pamilya ng siya ay 15 taong gulang at dinala siya pabalik sa bahay ng mga Sterling.Siya ay desperado sa pagmamahal ng kanyang pamilya, kaya tiniis niya ang kahit anong dumi na tinapon sa kanyang mukha at sinubukang pasayahin ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid na babae. Subalit, hindi nila pinansin ito at nagpatuloy na mahalin ang pekeng tagapagmana.Isang araw, ang pekeng tagapagmana ay nagplano ng isang aksidente, na pumatay sa kanya. Ang kaluluwa ni Hayden ay lumulutang sa ere habang pinapanood niya ang kanyang magulang at kanyang mga kapatid na babae na pinapaboran ang pekeng tagapagmana, na tanging nagalusan lang mula sa aksidente. Hindi nila pinansin si Hayden, na nakahandusay sa kanyang sariling dugo.Sa sandaling iyon napagtanto ni Hayden—hindi niya dapat pinangarap na makasama muli ang kanyang tunay na pamilya.Kalaunan, muling nabuhay si Hayden. Sa kanyang buhay na ito, sinumpa niya lang na mamuhay para sa kanyang sarili at sa mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.Subalit, ng magdesisyon siya na putulin ang ugnayan sa pamilya Sterling, ang kanyang magulang at mga kapatid na babae ay nagsimulang pagsisihan ang kanilang mga ginawa. Naalala nila ang mga bagay na ginawa niya para sa kanila at gusto na ayusin ang mga bagay bagay.Nakakalungkot na ang kanilang pagmamahal ay masyadong huli na! 


Si Yohan Morris, ang CEO ng Morris Corporation, ay gwapong lalaki. 30 na ang edad niya, ngunit hindi pa rin siya nagpapakasal. Kinukulit siya ng kanyang lola na magpakasal, at masungit siyang pumunta sa courthouse para maghintay sa magpapakasal sa kanya na mahulog mula sa langit.Sa tingin niya ay sapat na ito para tantanan siya ng kanyang lola, pero may biglaang pagbabago nang may dalagang hindi niya kilala ang kumatok sa bintana ng kotse niya at nagtanong, “Hinihintay mo bang hulugan ka ng langit ng mapapangasawa?”Bago siya makasagot, ngumiti ang dalaga at nagpatuloy, “Nagkataon na hinihintay ko rin ang langit na bigyan ako ng mapapangasawa. Handa akong pakasalan ka, at dala ko na lahat ng dokumento ko. Pasok na ba tayo para makuha ang marriage certificate?Pagkatapos ikasal, iniisip ng lalaki na baliw ang asawa niya. Lagi itong nakikipag-usap sa hangin, ngunit paminsan-minsan ay naiiligtas nito ang ibang tao mula sa panganib.Isang araw, hindi niya maiwasang magtanong, “Bakit mo palaging kinakausap ang hangin?”Sabi ng babae, “Wala naman akong kinakausap, ahh.”“Ano, mga multo ba ang kinakausap mo, kung ganoon?”“Oo, ganoon na nga. Nakakakita ako ng mga multo, kaya hindi siguro puro mga tao ang nakikita ko araw-araw. Maaaring mga multo rin pala sila.”Walang masabi si Yohan. 