Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Nang makarating siya sa ikatlong palapag, itinulak ni Lilith pabukas ang pinto bago siya sumenyas papasok, “Hindi ako sigurado kung magugustuhan ito ng taste mo. Tingnan mo muna ito at sabihin mo sa akin kung okay na ito sa iyo o kung may gusto kang ipadagdag dito.” Nagpakita ng malaprinsesyang impresyon ang kwarto na punong puno ng amoy ng kababaihan. Pero hinid pa rin ito bumagay sa preference ni Hera. Pero nang maramdaman niya ang umaasang tingin ni Lilith sa kaniya, nagdadalawang isip na tumango si Hera bago ito sumagot ng, “Okay na ito—" Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, isang tao ang biglang tumulak sa kaniya na nagpasubsob sa kaniya paabante. “Labas! Ito ang aking study room!” Tumama kay Hera ang paningin ni Gino na puno ng agresyon na parang bomba na malapit nang sumabog. Naipit naman sa gitna nito si Lilith kaya agad siyang nagtanong ng, “Okay ka lang ba, Hera? Gino, hindi ba’t nagkasundo na tayong sa kapatid mo na ang kwartong ito?” Nagulat si Lilith sa biglaang pagwawala ni Gino. Puno na ang ikalawa at ikatlong palapag ng mansyon na nagiwan na lamang sa kwarto ng mga kasambahay at mga guest room sa unang palapag. At ngayong isa ng miyembro si Hera ng pamilya Everett, hindi na siya dapat pang matulog sa unang palapag. Ito ang dahilan kung bakit nakipagkasundo si Lilith kay Gino. Sumangayon si Gino na makipagshare ng study room kay Gideon para gawing kuwarto ni Hera ang binakante nitong study room. “Hindi ko siya kapatid! Wala akong kapatid na nagmula sa probinsya!” malakas na pagtanggi ni Gino habang sinusubukan nitong itulak palayo si Hera. Walang kahirap hirap namang umiwas si Hera sa pagsugod nito. Hindi ito inasahan ni Gino kaya agad siyang tumama sa paanan ng kama na siyang nagresulta sa nasasaktan nitong pagiyak na narinig sa buong kwarto. “Ano ang nangyari? Napaano si Gino?” Banggit ni Mildred mula sa likuran. Tinulungan ni Giselle si Mildred na makaakyat sa ikatlong palapag. Tumakbo naman si Gino papunta kay Mildred bago nito umiiyak na sabihing, “Lola, tulungan mo ako! Hinawi ako ng babaeng iyan!” Nanatili namang tahimik si Hera. “Huwag kang magalala. Gagawin ko itong patas para sa iyo.” Kompronta ni Mildred habang tinatapik ang likuran ni Gino. “Saan ka tinamaan?” Lumuha nang husto si Gino habang sumisinghot siya sa kaniyang pwesto. Dito na niya ipinakita ang malaking bukol sa kaniyang noo. “Oh dear, paano ka nasaktan ng ganito katindi? Hindi ba nito maaapektuhan ang iyong itsura?” Nagdadramang sinabi ni Giselle. Mas lumakas ang iyak ni Gino nang mabanggit ang tungkol sa pagkasira ng kaniyang itsura. “Patingin nga ako, Gino. Pasensya na dahil hindi kita masyadong nabantayan kanina.” Nababahalang nilapitan ni Lilith si Gino pero agad siyang itinulak palayo ni Mildred. “Ano pa ang hinihintay mo? Dali, tumawag ka ng doktor!” Sermon ni Mildred kay Lilith bago ito tumingin kay Hera. “Maguusap tayo mamaya!” Nanatili namang tahimik si Hera. Nagkagulo na sa buong mansyon habang nakafocus ang lahat kay Gino. Nabalot ng tuwa si Giselle nang makita niyang isinantabi ng pamilya si Hera. Nakita niya na isa lang probinsyana si Hera na hindi karapat dapat para sa atensyon ni Lilith. Umiyak si Gino sa mga braso ni Mildred sa sala sa ibaba. Tumagos hanggang sa puso ni Mildred ang namamaga at namumula nitong mga mata. Sinermonan ni Mildred si Lilith habang inuutusan niya ito na tawagin ang kanilang family doctor bago niya utusan si Judy na gumawa ng maligamgam na pack para ipanghot compress. Hindi nagtagal ay bumalik na si Judy dala ito. “Huwag ka nang umiyak, Gino. Makakatulong ito sa iyo,” siguro ni Mildred habang naghahanda siyang ilagay ang hot compress kay Gino. Pero bago pa man niya ito magawa, isang seryosong boses ang pumigil sa kaniya. “Huwag mo iyang gamitin sa kaniya. gumamit ka ng yelo para sa kaniyang bukol.” Napalingon si Mildred hanggang sa makita niya si Hera na nakatayo sa hagdan. Suot pa rin nito ang punit punit at marumi niyanf dress at ang bag na nakasabit sa kaniyang braso. Nagpakita siya ng confidence na nagpaisip kay Mildred kung isa ba talaga itong tagaprobinsyang babae o isang babae na nakatira sa siyudad. “Sino ka sa tingin mo para pangunahan ako? Mapapabilis ng hot compress ang pagdaloy ng dugo na siyang magpapababa sa kaniyang bukol.” Sagot ni Mildred habang nakatingin ito kay Hera. Maingat na idinikit ni Mildred ang maligamgam na pack sa malaking bukol ni Gino sa noo. “Aray!” Umilag at nagsimula nang magpumiglas si Gino. “Kailangan mo itong tiisin. Kailangan mong maghot compress para matanggal ang bukol sa iyong noo,” Pagpupumilit na sinabi ni Mildred. Sinenyasan niya si Judy na hawakan si Gino. Naawa si Lilith kay Gino pero hindi niya nagawang banggain ang mga utos ni Mildred kaya wala na siyang nagawa kundi nababahalang manood sa isang tabi. Sa loob ng isang iglap, naramdaman ni Mildred na may humawak sa kaniyang kamay. Naglagablab sa galit ang kaniyang mga mata nang mapansin niya na si Hera ang humawak sa kaniya. “Ano ang ginagawa mo?” Nanatiling nanlalamig si Hera habang inuulit nito ang kaniyang sinasabi, “Gumamit ka ng cold compress.” “Tumabi ka! Huwag kang mangialam. Alam ko ang ginagawa ko. Bakit ko naman sasaktan ang apo ko?” Hinawi ni Mildred ang kaniyang kamay para alisin ang pagkakakapit ni Hera. Nakita na niyang ginamit ng kaibigan niyang si Fanny Peterson ang technique na ito para mawala ang pamamaga at mga galos ng kaniyang apo noon kaya imposibleng magkamali siya sa kaniyang ginagawa! Nanatili namang tahimik si Hera. Nang makita niya ang oportunidad na ito, umalis siya sa pagkakayakap ni Mildred para pumunta kay Lilith. Nabalot ng luha at sipon ang kaniyang mukha na siyang nagpamiserable sa kaniyang itsura. Kumulo naman sa galit si Mildred. Pero nang uutusan na niya si Judy na dalhin si Gino papunta sa kaniya, dumating na ang doktor ng pamilya na si Wilbur Hobgood.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.