Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Nang macheck nito si Gino, siniguro ni Wilbur ang lahat, “Maliit na bagay lang ang nangyari sa kaniya. gumamit kayo ng yelo para mawala ang kaniyang bukol. At dahil umiinom ngayon si Gino ng gamot para sa kaniyang sipon, hindi muna ako magrereseta ng kahit na ano ngayon.” Sumimangot si Wilbur nang mapansin niya na mayroong hawak na hot pack si Mildred. “Huwag kang gumamit ng Hot Compress ngayong bago pa ang kaniyang bukol. Mas lalaki lang ito sa sandaling bumilis ang daloy ng kaniyang dugo. “Magsimula ka sa cold compress pagkatapos niyang masaktan. Maghintay ka ng 24 oras bago mo siya gamitan ng hot compress. Maingat mong imasahe ang lugar ng kaniyang bukol para lumiit at hindi ito magpasa. “Pero tandaan po ninyo na dapat muna kayong maghintay ng 24 oras bago ninyo siya gamitan ng hot compress.” Nakaramdam ng hiya si Mildred sa sinabi ng doktor habang naiinis niyang tinitingnan si Hera. Hindi siya makapaniwala na mayroon itong alam sa panggagamot. Pinaubaya na ito ni Mildred sa kapalaran. Idiniin niya ang hawak niyang hot pack sa kamay ni Judy bago siya magutos ng, “Ano pang tinatayo tayo mo riyan? Kumuha ka na ng yelo.” Makikita sa tono ni Mildred na hindi manlang ito napahiya nang kahit na kaunti. Samantala, tumitig naman si Gino kay Hera gamit ang naluluha nitong mga mata. Ipinakita ng naiinis nitong tingin na responsable si Hera sa lahat kahit na subukan pa nitong tulungan siya kanina. Nanatili namang tahimik si Hera. Nang makaalis si Wilbur, dahan dahang nilagay ni Lilith ang ice pack sa noo ni Gino. Bumulong ito ng, “Hera, paano mo nalaman na cold compress ang kailangan ni Gino?” “Lubak ang mga daan paakyat sa bundok kaya madalas akong mapatid noong bata pa ako. At sa bawat sandaling magkakabukol ako, agad na tinatanggal ni Lola Catherine ang aking bukol gamit ang cold compress,” paliwanag ni Hera. Itiningin niya sa ibaba ang kaniyang mga mata. Nagpakita ng haba at kapal ang kaniyang mga pilikmata. Kahit na mahina ang ginawa niyang pagsasalita, narinig pa rin ito ng lahat sa kwarto. Inakala ni Mildred na mayroong kaalaman sa medisina si Hera nang mapagtanto nito na wala lang silang kakayahan na magpagamot kaya umasa lang sila sa kung anong mayroon sa kanilang tahanan. “Patawarin mo ako dahil sa pinagdaanan mo ang lahat ng ito, Hera.” Sabi ni Lilith habang kinukuha niya ang kamay ni Hera. Hindi naiwasang makaramdam ng simpatya ni Lilith sa bawat sandaling naiisip niya ang hirap na pinagdaanan ni Hera na umabot sa punto na kung saan sila na lang mismo ang gumagamot sa kanilang mga sugat imbes na magpacheck sila sa mga doktor. Nanatili namang tahimik si Hera. Dito na suminghal si Mildred. “Kung ganoon, itinulak mo ang iyong kapatid para lang maipakita mo ang pipitsugi ninyong paraan sa panggagamot?” “Hindi ko siya tinulak,” kalmadong sagot ni Hera. “Hindi? Wala sa sitwasyong ito ngayon si Gino kung hindi mo siya tinulak. Iniisip mo ba na mangmang ako? O iniisip mo na bata na madali mong maloloko si Gino?” Mas pinili ni Hera na huwag patulan ang matanda. Mahinang dinepensahan ni Lilith si Hera nang sabihin nito na, “Ma, hindi itinulak ni Hera si Gino. Isa itong aksidente. Napatid siya kaya siya tumama sa paanan ng kama.” Seryoso namang tiningnan ni Mildred si Lilith. “At ngayon ay nagawa mo nang kumampi sa kaniya ngayong alam mo na siya ang tunay mong anak. Hindi ba’t anak mo rin si Gino?” Kumunot dito ang noo ni Lilith. “Ma, Kumampi tayo sa kung anong tama—" Direkta namang sumagot sa kaniya si Mildred ng, “Ang totoong nangyari ay nasaktan si Gino at hindi si Hera! Magagawa ba niyang akuin ang responsibilidad kung napuruhan ang ulo rito ni Gino?” “At saka, ito ang study room ni Gino. Ginawa mo itong kwarto nang walang pahintulot sa kahit na sino. Saan na ngayon magaaral si Gino? Ibalik mo ito sa dati ngayundin!” “Malapit nang sumampa sa Grade 1 si Gino. Kasing talino ito ni Gideon kaya walang kahirap hirap siyang makakapasok sa top 10 ng kanilang klase. Hindi puwedeng mawalan siya ng study room!” Nagsalita si Mildred nang may pride sa kaniyang boses. Walang kapantay ang talino ni Gideon. Gumraduate ito sa college noong 20 taong gulang pa lang ito bago siya magpunta sa abroad para magtayo ng sarili nitong negosyo roon. Habang ipinagmamalaki ni Mildred ang mga narating ni Gideon, hindi rin nito nakaligtaan si Giselle. Kahit na hindi ito miyembro ng pamilya Everett, pinanood ni Mildred na lumaki si Giselle mula noong bata pa ito. Isang masunurin at matalinong bata si Giselle na nagpakita ng husay sa academics bago ito maengage kay Zyler. Mukang nasapawan ng bawat katangian nito si Hera na lumaki sa probinsya. Kahit na kadugo ng mga Everett si Hera, hindi pa rin nila nakita ang importansya nito. “Saan na po matutulog si Hera kung ganoon?” Namomroblemang tingin ni Lilith. “Nailagay na natin ang estado ni Hera sa kompromiso kaya hindi na natin siya dapat tratuhin nang hindi maganda pagdating sa pagtira niya rito.” “Paano mo nasabing hindi maganda ang trato natin sa kaniya?” Natatawang tanong ni Mildred. “Mas maganda pa ang dalawang mga guest room sa ibaba kaysa sa tinitirhan niyang bahay sa bundok hindi ba? Mayroon naman siyang bubong na masisilungan kaya bakit niya kailangang maginarte rito?” Bumuka ang mga labi ni Lilith na para bang gusto nitong sumagot bago siya magdalawang isip na ituloy ito. Palaging si Mildred ang masusunod. Kung hindi lang ipinanganak ni Lilith ang dalawa niyang mga anak para sa mga Everett at kung hindi lang nagpakita ng angking talino si Gideon, malaki ang tiyansa na ipressure siya ni Mildred na makipagdivorce. Nahirapang makipagtalo si Lilith kay Mildred. Masyadong naging mabigat para sa kaniyang loob ang 17 taong hirap na dinanas ni Hera bago ito makabalik sa tunay niyang pamilya. Nang biglang hawakan ni Hera ang manggas ni Lilith bago siya humarap kay Mildred para sabihing, “Makakakuha rin ba ako ng magandang kwarto at sarili kong study room sa sandaling makapasok ako sa top 10 ng aming klase?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.