Ipinapaliwanag ng Privacy Policy na ito ang impormasyong kukunin ng Webfic sa sandalling makipaginteract ka sa amin at ang aming mga ginagawa sa impormasyon na aming nakukuha. Mahalagang basahin ninyo ang Privacy Policy na ito nang maigi. Bukod pa rito, mahalaga rin na basahin ang mga applicable na terms of use para sa Properties, na namamahala sa inyong paggamit sa aming mga properties at serbisyo.
1. Pagkuha sa iyong Data
Para matulungan kang gumawa ng account sa Webfic at gamitin ang aming Platform, kakailanganin naming kolektahin at iproseso ang ilan sa inyong mga Personal Information. Ang “Personal Information” ay ang anumang impormasyon na ginagamit para matukoy ang iyong pagkakakilanlan. Maaaring makasama sa impormasyong ito ang iyong pangalan, mailing address, telephone number, email address, Internet Protocol (“IP”) address, edad, kasarian, credit card information at iba pa.Ginagamit naming ang iyong Personal Information para sa mga sumusunod:
Gawin ang iyong Webfic account at bigyan ka ng aming mga serbisyo;
Makilala ka sa aming Platform;
Ipakita ang mga content na puwede sa iyong edad;
Bigyan ka ng serbisyo at tulong teknikal;
Makipagusap sa iyo (Halimbawa: Pagbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa mga paparating na pagbabago at improvements);
Padalhan ka ng mga email, maliban na lang kung ayaw mong magsubscibe sa mga ito;
Magcalculate ng mga anonymous at sama samang mga statistics para mas maintindihan ang aming mga user, iimprove ang aming mga serbisyo, magdevelop ng mga bagong features, ipersonalize at icustomize ang iyong karanasan sa aming mga inaalok na mga kuwento.
Makatulong para maiwasan ang mga kaso ng spam, panloloko, pangaabuso at iba pang mga ipinagbabawal na aktibidad;
Ipakita ang mga nababagay at piling mga advertisements na magiimprove sa iyong karanasan sa pagtingin ng mga ads, maliban na lang sa mga ads na mangangailangan ng karagdagang consent mula sa iyo.
Para sa iyong seguridad, ang natitirang mga purpose ay para sa pagooperate, pagdedevelop at pagiimprove sa aming mga serbisyo.
2. Pagbabahagi ng Impormasyon
2.1 Itinuturing naming pribado ang mga personal information na nabanggit sa taas nang default, kaya hindi namin ito ipapakita sa Platform (maliban na lang kung pipiliin mong idisplay sa publiko ang iyong mga impormasyon gamit ang account settings) o iyong ipakita sa ibang mga user ng Webfic maliban na lang kung nakaanonymous ang mga data na ito.
2.2 Dinisenyo ang aming Platform para matulungan kang magshare ng impormasyon sa aming Webfic Community. Ang anumang personal information na biluntaryo mong pipiliin para ilagay sa isang space na maaaccess ng publiko sa Platform ay magiging available sa sinumang may access sa content na iyon (kasama ang iba pang mga Webfic users), gaya ng iyong pangalan, deskripsyon na iyong ginawa, at iyong lokasyon, maging ang mga mensahe na iyong ipinost sa loob man ng iyong profile, sa aming mga forum o sa ibang mga user, at ang mga listahan na iyong ginawa, mga tao na iyong finollow, mga kuwento na iyong sinulat, at marami pang mga uri ng impormasyon na magiging resulta ng iyong paggamit sa Platform.
2.3 Hindi namin ipapaupa o ibebenta ang mga personal na impormasyong kikilala sa iyo sa ibang mga kumpanya o sa ibang mga indibidwal nang walang pahintulot mula s aiyo, maliban na lang sa ilang mga limitadong sitwasyon: Kagaya ng pagcocomply sa isang ipinapatupad na batas (kasama ang imbestigasyon sa anumang krimen), regulasyon, legal na proseso o ipinapatupad na request ng gobyerno;
Para maipatupad o magamit ang aming Terms of Use sa iba pang mga polisiya, katulad ng imbestigasyon sa ilang mga potensyal na violation;
To enforce or apply our Terms of Use and other policies, including investigation of potential violations;
Para maprotektahan ang mga karapatan, pagmamayari, o kaligtasan ng Webfic, mga empleyado at users ng Webfic, o ng publiko.
3. Seguridad ng Impormasyon
Walang tigil kaming nagpapatupad at naguupdate ng mga pangpisikal, organisasyonal, kontraktwal at teknologikal na mga hakbang para maprotektahan ang iyong Personal Information mula sa pagkawala, pagnanakaw, walang pahintulot na paggamit, paglalahad, pagkopya, paggamit o modipikasyon. Ang tanging mga empleyadong may access sa iyong Personal Information ay ang mga empleyadong nasa “need to know” sa aming Negosyo o may mga tungkuling nangangailangan ng mga impormasyong ito. Sa lahat ng Webfic platform, sinusuportahan naming ang encryption sa lahat ng transmission para maprotektahan ang mga Personal Information na ipinapadala sa aming Platform.
4. Mga Non-Personal Information
4.1 Gumagamit ang Webfic ng mga cookies, tracking pixels at iba pang mga katulad nitong teknolohiya sa aming Platform para mangolekta ng impormasyong hindi nagpapakita sa iyong pagkakakilanlan (“non-personal information”) na nakakatulong sa amin para maibigay magbigay serbisyo sa iyo at para malaman kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo. Ginagamit din naming ang mga teknolohiyang ito para tumulong sa pagbibigay ng mga promotional na mensahe at mga ad para sa mga konektadong produkto at serbisyo ng Webfic.
4.2 Maaari naming ibahagi ang non-personal information sa publiko kasama ng iba’t ibang mga third party gaya ng mga publisher at mga advertisers. Halimbawa, maaari kaming magbahagi ng impormasyon sa mga advertisers o ipakita sa publiko ang mga trend sa paggamit ng aming Platform.
5. Mga Third-party Advertiser, kaugnayan sa ibang mga Platform
5.1 Pinapayagan ng Webfic ang ibang mga kumpanya, na kilala bilang mga third-party ad server o ad networks, na maglagay ng mga advertisements sa Platform ng Webfic. Gumagamit ang mga third-party ad servers o ad networks na ito ng teknolohiya na nagpapadala sa mga advertisements at mga liks na iyong makikita nang direkta sa Webfic. Automatic nitong natatanggap ang iyong mga IP address sa sandaling mangyari ang ginagawa nilang pagaadvertise. Maari rin silang guimamit ng iba pang mga teknolohiya (gaya ng mga cookies, JavaScript, o mga Web Beacons) para masukat ang effectiveness ng kanilang mga advertisements at mapersonalize ang content ng mga ads na iyong nakikita.
5.2 Hindi nagbibigay ang Webfic ng kahit na anong impormasyon na magbibigay sa iyong pagkakakilanlan sa mga third-party server o ad networks nang walang pahintulot mula sa iyo o maliban na lang kung maging parte ito ng isang programa o feature na maaari mong salihan at tanggihan.
5.3 Mahalagang kumonsulta sa mga privacy policy ng mga third-party ad servers o ad networks para sa iba pang impormasyon tungkol sa kanilang mga ginagamit na pamamaraan at sa mga instructions kung paano makakaalis sa ilan sa mga ito. Ang anumang data na makokolekta ng mga third-party ad servers na kanilang ibinahagi sa Webfic ay minemaintain at inaaksyunan ng Webfic nang naaayon sa Privacy Policy na ito.
6. Polisiya sa pamamahala sa paggamit: Mga Pagbabago sa Privacy Policy
May karapatan ang Webfic na baguhin ang Privacy Policy na ito sa anumang oras nang walang kahit na anong paalala sa iyo, at ang anumang pagbabago ay agad na magiging epektibo sa sandaling ipost ito, kaya ugaliin ang pagrereview sa Privacy Policy na ito.
7. Mga katanungan
Kung mayroon kaying mga tanong o komento sa aming mga pamamaraan ayon sa Privacy Policy na ito. Maaari kayong sumulat sa Webfic, Privacy Office, 2 VENTURE DRIVE #11-31 VISION EXCHANGE SINGAPORE 608526 o ipadala ang iyong request gamit ang email sa dzoversea@dianzhong.com.Data protection officer: Terry. Tel.+65 96747336
DISCLAIMER: In the case of ambiguity regarding the accuracy of this document, full legal effect for the original ENGLISH document will always take precedence.