Ang DianZhong Technology Singapore PTE, LTD., naka-rehistro sa Singapore (“Webfic”, “we”, “our”), ay nagbibigay ng isang Platform (na itinitukoy sa ibabang bahagi) para sa mga manunulat at publisher para ipamahagi at i-monetize ang iba’t-ibang literary works (isang “Work” o “Works”). Ang mga TERMS OF USE, kasama ng lahat ng dokumento na itinutukoy dito at lahat ng iba pang mga patakaran sa pagpapatakbo, mga polisiya at pamamaraan na maaring na mai-publish ng Webfic sa iba’t-ibang oras, ay pinamamahalaan ang relasyon ng Webfic sa mga users “users”, “ikaw”, “mo”) ng plataporma ng Webfic, kabilang ang lahat ng sub-domain at nauugnay na mga website (collectively, ang “Website”), ang Webfic mobile application(s), kabilang ang iPhone at Android mobile applications (“Apps”), lahat ng iba pang plataporma kung saan maaring ma-access, mai-publish, o maipamahagi, at lahat ng nauugnay na serbisyo, mga tampok, o nilalaman na available sa pamamagitan ng alinman sa mga naunang (“Services”) (magkasama, ang “Platform”). Ang mga Terms ay nagiging isang legal na kasunduan sa pagitan ng Webfic at ikaw.
Sa pamamagitan ng pag-access o paggamit ng Platform, kinokompirma mo na tinatanggap mo ng walang kondisyon ang Terms na ito at sumasang-ayon ikaw na ganap na sundin ito. Pakiusap na basahin ng mabuti itong Terms bago gamitin ang Platform. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga Terms na ito, pakiusap ay huwag gamitin ang Platform at wala kang permiso na ma-access, makita, o gamitin sa alinmang bagay ang Platform.
Ang Platform ay maaring maglaman ng mga link o naka-embed na material patungo sa third party content, kung saan hindi nasuri ng Webfic, kabilang na, nang walang limitasyon, ibang mga website at third party services, para sa ikakaginhawa ng mga bisita, mga layunin ng advertisement, o para sa iba pang mga katulad na function na may relasyon sa Webfic. Ang pag-link ng Webfic o pag-embed ng mga third party content ay hindi nangangahulugan ng isang advertisement o pag-eendorso ng anumang bagay, serbisyo, produkto, o kung hindi man, na iniaalok ng isang third party.Walang responsable ang Webfic sa anumang nilalaman ng link ng third party o naka-embed patungo o mula sa Platform at malinay na tinatanggihan, nang walang limitasyon, ang anumang responsibilidad sa anumang nilalaman ng third party, ang kawastuhan ng anumang impormasyon na matatagpuag sa anumang third party website, o sa kalidad ng produkto ng serbisyo na inilalaan ng o ina-advertise sa naturang third party website.
Ang Webfic ay maaaring magdagdag, baguhin, o mag-alis ng anumang bahagi ng Terms of Use sa anumang oras, ng walang abiso. Anumang pagbabago sa Terms of Use o anumang terms na naipaskil sa Site na ito ay nalalapat sa sandaling naipaskil ang mga ito. Sa pamamamagitan ng pagpatuloy sa paggamit ng Site na ito pagkatapos maipaskil ng mga pagbabago, ipinapahayag mo na tinatatanggap mo ang mga pagbabagong iyon. Ang Webfic ay maaring magdagdag, baguhin, ihinto, tanggalin ang anumang nilalaman na nakapaskil sa Site na ito, kabilang ang Works na inilalarawan o inilalahad sa Site, pansamantala o permanente, sa anumang oras, nang walang abiso at walang pananagutan.
1. Eligibility
Ikaw ay kinakailangan na hindi bababa sa 13 taong gulang upang magamit ang Platform. Sa pagsang-ayon sa mga Terms na ito, kinakatawan mo at ginagarantiyahan mo kami na: (a) ikaw ay hindi bababa sa 13 taong gulang; (b) ikaw ay hindi pa nasuspende o natanggal mula sa Service; at (c) ang iyong rehistrasyon at iyong paggamit ng Platform ay alinsunod ssa lahat ng naangkop na mga batas at regulasyon. Kung ikaw ay ginagamit ang Service sa ngalang ng isang entity, organisasyon, o kumpanya, kinakatawan mo at ginagarantiya na mayroon kang awtoridad na i-bind ang organisasyon na iyon sa mga Terms na ito at sumasang-ayon kayo na mai-bind sa mga Terms sa ngalan ng organisasyon na iyon.
2. Lisensya para sa mga User
2.1 Napapailalim sa iyong pagsunod sa mga Terms at sa lawak na maari kaming magbigay ng karaptan na naayon sa batas, ginagantimpalaan ka ng Webfic ng isang hindi ekslusibong, hindi sublicensabe at hindi transferable na lisensya sa Intellectual Property para lamang layunin na pag-access ng mga Works, paggamit ng Platform, at ibang mga layunin na malinaw na nakasaad dito.
2.2 Para makaiwas sa pagdududa, ang mga Terms ay hindi inililipat mula sa amin patungo sa iyo o anuman sa amin, o anumang third party intellectual property rights, lahat ng mga karapatan, titulo at interes at naturang pag-aari ay mananatiling ipinagkakaloob sa naangkop na may-ari.
3. Rehistrayon at mga Account
3.1 Upang magamit ang ilang mga tampok ng Platform, kinakailangan na ikaw ay magrehistro para sa isang Webfic account (isang “Accoun”). Ikaw ay sumasang-ayon na lahat ng impormasyon na iyong isinumite ng Account signup process, o mga karagdagang imposmasyon na iyong isinumite sa iyong Account profile sa anumang oras pagkatapos, ay tiyak at too, at papanatilihin mo na pareho sa lahat ng oras.
3.2 Ang iyong Account ay walang katulad at personal sa iyo, at ikaw ay responsable sa pagpapanatili ng seguridad, at paghihigpit ng access sa, iyong account at password, at ikaw ay sumasang-ayon na tanggapin ang responsibilidad para sa lahat ng mga pagbili at iba pang mga aktibidad na nagaganap sa loob ng iyong Account.
3.3 Mayroon kang abilidad na burahin ang iyong Account, at dapat na maintindihan na sa pag-bura ng iyong Account, ikaw ay mawawalan ng karapatan na ma-access o magamit ang lahat o bahagi ng Platform.
3.4 Nakalaan sa amin ang karapatan na i-disable, i-suspende, o i-terminate ang iyong Account, sa anumang oras, sa anumang kadahilanan sa aming panghuhusga, lalo na kapag ikaw ay nabigo na sumunod sa anumang probisyon ng mga Terms na ito.
4. Content Policy
4.1 Ang aming content policy, (“Content Policy”), ay nagtatakda, bukod pa sa ibang mga bagay, ang mga termino sa paggamit ng Webfic ng Content kung saan isinisumte ng mga manunulat at mga publisher sa Platform. Kailangan na i-review at ikaw ay sumang-ayon sa Content Policy bago mag-sumite ng kahit anong Works sa Platform.
4.2 Para makaiwas sa pagdududa, lahat ng mga karapatan na hindi malinaw na ipinagkaloob sa Webfic ay sa ngayon ay nakalaan sa iyo at hindi naghahabol ng pagmamay-ari ang Webfic sa iyong Content.
5. Komento sa Platform
5.1 Tinatanggap ng Webfic ang iyong interaksyon sa Platform, at maari na ikaw ay magsumite ng materyales sa Webfic na hindi Content. Sa pagsumite ng anumang komento o pagpupuna (magkasama, isang “Komento” o “ mga Komento”) sa pamamagitan ng Platform o iba pa, tulad ng pag-email sa Webfic tungkol sa Platform, pag-post sa isang message board, o pag-review ng isang Work, ang Webfic ay malayang magagamit ang Comment sa anumang layunin, sa lahat ng media, sa panghabang-buhay, nang walang anumang obligasyon o pananagutan sa iyo. Kung nais mo panatilihin na pribado ang Comment o pagmamay-ari, mangyaring huwag magpadlaa ng anumang Comment sa Webfic o magbahagi ng anumang Comment sa ibang tao.
5.2 Ang mga Comment ay hindi dapat naglalaman o magsama, ng buo o bahagi, (a) infringement, paglabag, o maling paggamit ng anumang third-party right, kabilang ang anumang copyright, trademark, patent, trade secret, moral right, privacy right, right of publicity, o anumang intellectual property o proprietary right; (b) slander, defame, liberl, o invade the right of privacy, publicity o iba pang mga property rights nang sinuman; o (c) anumang Webfic Policy o guidelines kung saan napapailalim ang iyong User Content; (d) maging sanhi ng paglabag ng Webfic sa anumang batas o regulasyon.
5.3 Ang mga Comment na natagpuan na lumalabag sa alinmang nabanggit ay maaring mapailalim sa pagwawakas o pagsususpinde ng iyong Account o agarang pagtanggal ng mga Comment mula sa Platform nang walang abiso sa iyo, sa aming panghuhusga.
6. Restricted User Conduct
6.1 Malibat at hanggang sa paghihigpit ay hindi maari sa ilalim ng naangkop na batas, ikaw ay hindi maaring: (a) reproduce, magpamahagi, ipakita sa publiko, o gawin sa publiko ang Service; (b) gumawa ng pagbabago sa Service; o (c) makagambala o makaiwas sa anumang tampok ng Service, kabilang ang anumang seguridad o access control mechanism. Kung ikaw ay pinagbabawalan sa ilalim ng naangkop na batas mula sa paggamit ng Service, hindi mo ito maaring magamit.
6.2 Hindi mo maaring baguhin ang Platform sa anumang paraan o gumamit ng teknolohiya o pamamaraan upang ma-access ang Platform maliban sa mga paraan na pinahintulutan ng Webfic, kabilang na, nang walang limitasyon, paggamit ng mga bot, mga spider, o iba pang awtomatikong paraan ng pag-access ng Platform.
7. Payment Terms
7.1 Ang pag-access sa Platform, o sa ilang mga tampok ng Service, ay maaring kinakailangan na ikaw ay magbayad ng fees. Bago magbayad ng anumang fees, magkakaroon ka ng pagkakataon na suriin at tanggapin ang mga fees na iyong babayaran. Ang lahat ng fees ay nasa U.S dollar at hindi ito refundable.
7.2 Karapatan ng Webfic na tukuyin ang pagpepresyon ng Service. Ang Webfic ay gagawa ng makatuwirang effort upang panatilihin na napapanong ang pricing information sa website. Hinihikayat namin ikaw na suriin ang aming website pana-panahon para sa kasalukuyang pricing information.
7.3 Sisingilin ng Webfic ang payment method na tinukoy mo sa oras ng pagbili. Pinahihintulutan mo ang Webfic na singilin ang payment method na iyon ng halaga ng mga order na iyong ginawa at anumang lebel ng Service na iyong pinili ayon sa paglalarawan sa Terms o nai-publish ng Company. Kung ikaw ay nagbayad ng anumang fees gamit ang credit card, maaring humanap ang Webfic ng pre-authorization ng iyong credit card account bago ang iyong pagbili upang mapatunayan na ang credit card ay valid at mayroong sapat na laman o credit na magagamit sa iyong pagbili. Ang Payment processing services ay ibinibigay ng third-party service kung saan ang pagbili ay naganap (e.g, Apple In-App Purchases, Google Play, Paypay).
7.4 Ang lahat ng Pagbili ay maaaring napapailalim sa buwis at iba pang mga fees, kabilang na, nang walang limitasyon, mga foreign exchange fees o pagkakaiba sa presyo batay sa lokasyon (e.g exchange rates). Maari naming kalkulahin ang buwis na babayaran mo batay sa impormasyon na ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng iyong Account o sa oras ng pagbili.
7.5 Ang mga User ay maaring mag-top up upang makakuha ng Coin(s). Coin(s) ay maari lamang gamitin sa Webfic, at hindi maaring ipagpalit sa kahit anumang pera.
8. Disclaimers
8.1 Ang Platform ay naging available “as is”. “as available”, at “with all faults” para sa mga nakasaad na layunin dito. Ang paggamit ng Platform ay nasa iyong desisyon at kinakailangan na ikaw ay magpasya at mag-ingat habang ginagamit ang Platform.
8.2 Hindi maipapangako ng Webfic na sa iyong paggamit ng Platform, at lahat ng iba pang mga features o functionalities na kaugnay sa Platform, o delivery o display ng Platform, ay magagamit, hindi magagambala, walang interference, o walang error, o malaya sa anumang mga virus, worms, o iba pang mga banta sa seguridad. Nauunawaan mo at sumasang-ayon ka na ang paggamit, pag-access, pag-download, o pagkuha ng anumang materyal o content gamit ang Platform at anumang nauugnay na mga site o Platform, ay nakabatay sa iyong sariling paghuhusga at desisyon, at ikaw lang ang may pananagutan sa anumang pinsala sa ang iyong pag-aari (kasama ang iyong computer system o mobile device na ginamit sa Platform), o pagkawala ng data dahil sa paggamit ng Platform, pag-download, at paggamit ng mga material o content.
8.3 Hindi maipapangako ng Webfic ang availability, delivery, performance, pricing, o punctuality ng kahit na anong Works o ibang Intellectual Property na nasa Platform. Kasama na rito ang kawalang kasiguraduhan na ang mga susunod na Episodes ng isang Work ay mailalathala ng isang writer o publisher sa itinakdang oras, na ang Works ay mananatiling available sa Platform, o ang pricing ng Works o Services.
8.4 Walang pananagutan ang Webfic para sa pagkabura o pagkabigo sa pag-store ng kahit na anong Comments o ibang impormasyon na iyong inilagay sa Platform, at malinaw na hindi kami nangangako sa pagpapanatili ng kahit na anong Comments na iyong inilagay sa Platform. Tanging ikaw ang may pananagutan sa pagsa-save ng backup copies ng kahit na anong Comments na iyong in-upload sa Platform.
8.5 Naiintindihan mo at sumasang-ayon ka na ang Webfic ay walang pananagutan sa kahit na anong failure of performance dahil sa mga bagay na hindi nito kaya ma-control, ilan sa mga halimbawa nito ngunit hindi nililimitahan: acts of God, sunog, pagsabog, vandalism, terorismo, shortages, breaches, aksyon o utos ng kahit na anong gobyerno, suspensyon ng umiiral na serbisyo alinsunod sa batas ng estado o federal law, panuntunan, o regulasyon.
9. Limitasyon ng Liability
9.1 Sa kabila ng anumang bagay na taliwas sa nakapaloob dito, ang Webfic ay walang pananagutan sa iyo sa anumang direct, indirect, special, incidental, consequential, exemplary, extra-contractual, o anumang klase ng pinsala, na nauugnay sa Platform o sa mga Terms, anuman ang legal theory (kasama, nang walang limitasyon, contract, tort, personal injury, property damage, negligence, warranty, or strict liability), sinabi man o hindi ng Webfic ang posibilidad o probabilidad ng mga naturang pinsala, at kahit na ang mga remedyo ay nabigo sa kanilang mga essential purposes. Kung hindi ka nasiyahan sa Platform, o sa alinman sa mga Terms na ito, o sa palagay mo ay nilabag ng Webfic ang Mga Terms na ito, ang iyong nag-iisa at eksklusibong solusyon ay ang paghinto sa paggamit ng Platform. Ang limitasyon ng liability na ito ay bahagi ng batayan ng bargain sa pagitan natin.
9.2 Sa kabila ng anumang bagay na taliwas dito, kung ang anumang bahagi ng limitasyon ng liability ay napatunayan na invalid o hindi maisasakatuparan, ang pananagutan sa kasunduan ng Webfic mula sa paglabag ng mga Tuntunin na ito at / o ang iyong paggamit ng Platform ay hindi lalampas, sa halaga ng kasunduan para sa lahat ng claims, ng limang daang dolyar ($ 500.00 USD).
10. Pagbabayad-pinsala
10.1 Responsable ka para sa iyong paggamit ng Platform, at ipagtatanggol at babayaran mo ang Webfic at mga opisyal, direktor, empleyado, consultants, affiliates, subsidiary at ahente (sa kabuuan, ang "Mga Webfic Entity") mula at laban sa bawat claims, liability, pinsala , pagkawala, at gastos, kasama ang makatuwirang mga bayarin at gastos ng mga abugado, na nagmula sa o sa anumang paraan na konektado sa: (a) iyong pag-access sa, paggamit ng, o alleged use ng, Platform; (b) ang iyong paglabag sa anumang bahagi ng mga Terms na ito, anumang representasyon, warranty, o kasunduan na isinangguni sa Terms na ito, o anumang naaangkop na batas o regulasyon; (c) iyong paglabag sa anumang third-party right, kasama ang anumang intellectual property o publicity, confidentiality, ibang pag-aari, o privacy right; o (d) anumang pagtatalo o isyu sa pagitan mo at ng anumang third party. Inilalaan namin ang karapatan, sa aming sariling gastos, upang kunin ang eksklusibong depensa at kontrol ng anumang bagay na kung hindi man napapailalim sa bayad-pinsala sa iyo (nang hindi nililimitahan ang iyong mga obligasyong pagbayad tungkol sa bagay na iyon), at sa kasong iyon, sumasang-ayon kang makipagtulungan sa aming defense sa naturang claim.
10.2 Ang Webfic ay may karapatang i-take over ang eksklusibong defense ng Claims na kung saan ang Webfic ay may karapatang mabayaran, at sa naturang kaganapan, ikaw ay nararapat na magbigay ng maagap at makatuwirang kooperasyon sa Webfic gamit ang iyong sariling bulsa.
11. Mga Promotion
Bilang karagdagan sa mga Terms na ito, isang Promotion ang ginawa ng Webfic gamit ang Platform, o kung hindi man ay maaaring may mga specific rules na naiiba sa mga Terms na ito. Sa paglahok sa Promotion, sumasang-ayon ka at magiging isang subject doon sa mga karagdagang terms and conditions, na ibibigay sa iyo kapag ang isang Promotion ay inalok sa iyo. Hinihimok ka ng Webfic na suriin ang lahat ng mga patakaran bago ka lumahok sa anumang Promotion. Ang mga patakaran ng isang specific Promotion ang uunahin kaysa sa mga Terms na ito kung sakaling magkaroon ng problema.
12. Paglabag sa Intellectual Property Rights
12.1 Iginagalang ng Webfic ang intellectual property rights ng iba at may layuning magbigay ng isang Platform na walang nilalabag na anumang intellectual property rights ng iba. Kung talagang sa tingin mo ay nalabag ang iyong intellectual property rights sa paggamit ng Platform, maaari mo itong ipagbigay-alam sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa: dzoversea@dianzhong.com na may "Notice of Infringment" sa linya ng paksa, na naglalaman ng: Isang electronic o sulat-kamay na lagda ng taong pinahihintulutang kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright (o ibang intelektuwal na ari-arian) na interes; Isang paglalarawan ng copyrighted work (o ibang intellectual property interest) na sa tingin mo ay nilabag; Isang paglalarawan na tumutukoy sa lokasyon sa Platform ng materyal na sa tingin mo ay mayroong nilalabag; Ang iyong email address at ang iyong mailing address at / o numero ng telepono; Isang pahayag mo na lubos kang naniniwala na ang pinagtatalunang paggamit ay hindi pinahintulutan ng may-ari ng copyright (o iba pang intellectual property), ahente nito, o ng batas; at Isang pahayag na ginawa mo sa ilalim ng pananagutan ng isang perjury, na ang impormasyon sa iyong notice ay tama at ikaw ang may-ari ng copyright (o ibang intellectual property) o pinahintulutang kumilos sa ngalan ng may-ari ng copyright (o ibang intellectual property). Kung naniniwala ka na ang isang notice ng paglabag sa intellectual property ay hindi wastong naisumite laban sa iyo, maaari kang magsumite ng isang Counter-Notice of Infringement" sa Webfic, na naglalaman ng:Iyong sulat-kamay o electronic na lagda; Ang pagkakakilanlan ng materyal na tinanggal o inalisan ng access; Isang pahayag sa ilalim ng pananagutan ng perjury na lubos ang iyong paniniwala na ang pagtanggal o pag-alis ng access ng materyal ay isang pagkakamali o na ang materyal ay napagkamalan lamang; at Ang iyong buong pangalan, iyong email address, iyong mailing address, at isang pahayag na pumayag ka sa hurisdiksyon ng korte (a) sa distritong panghukuman kung saan matatagpuan ang iyong tirahan kung ang address mo ay nasa Singapore, o (b) kung ang iyong address ay matatagpuan sa labas ng Singapore, at tatanggapin mo ang service of process mula sa nagrereklamo na nagsumite ng notice o ang kanyang pinahintulutang ahente.
12.2 Anumang notice o counter-notice na iyong isinumite alinsunod sa naunang nabanggit ay dapat na totoo at dapat isumite sa ilalim ng pananagutan ng perjury. Ang isang hindi totoong notice o counter-notice ay maaaring magdulot ng personal na pananagutan. Samakatuwid, maaari mong hilingin ang payo ng legal counsel bago magsumite ng isang notice o counter-notice. Sa kabila ng anumang salungat na nakasaad dito, mangyaring tandaan na kung pigilan man o hindi ng Webfic ang pag-access sa o pag-aalis ng anumang mga materyal alinsunod sa nabanggit, maaaring isiwalat ng Webfic ang iyong pagkakakilanlan sa anumang third party na nag-akusa ng isang paglabag sa mga intellectual property na pag-aari dito, o ibinigay sa amin na may isang counter-notice, pati na rin isiwalat ang mga nilalaman ng anumang abiso ng counter-notice. Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang anumang mga pagsisiwalat sa amin alinsunod sa naunang nabanggit ay hindi lalabag sa anuman sa iyong mga karapatan, kasama na, nang walang limitasyon, ang anumang right of privacy na mayroon ka.
13. Pagpili ng Batas at Resolusyon sa Pagtatalo
13.1 Pinahihintulutan mo at sumasang-ayon ka na ang mga Terms ay eksklusibong mapamamahalaan ng mga batas ng Singapore na applicable sa mga kontratang pinasok at ginawa sa loob ng Singapore at sa kabila ng anumang salungatan ng mga prinsipyo ng batas.
13.2 Ikaw at ang Webfic ay sumasang-ayon na ang anumang pagtatalo, claim, o kontrobersya sa pagitan mo at ng Webfic na may kaugnayan sa o nauugnay sa anumang paraan sa Terms na ito o sa iyong relasyon sa Webfic (batay man sa kontrata, tort, pandaraya, maling representasyon, o anumang iba pang legal theory, at hindi alintana kung ang mga claims ay lumitaw sa panahon o pagkatapos ng termination ng mga Terms) ay matutukoy ng mandatory binding arbitration. Ang anumang arbitrasyon sa pagitan mo at ng Webfic ay malulutas sa pamamagitan ng binding arbitration na pinangangasiwaan ng Singapore International Arbitration Center ("SIAC") sa ilalim ng Administrative Arbitration Rules of the Singapore International Arbitration Centre na ang nangangasiwa kapag ang notice of arbitration ay isinumite.
14. Notices
Lahat ng legal notices alinsunod sa mga Terms ay dapat na nakasulat at ibibigay sa pamamagitan ng pag-email sa Webfic sa: dzoversea@dianzhong.com. Sa paggamit ng Platform, sumasang-ayon ka na ang anumang notice na dapat bayaran sa ilalim ng mga Terms na ipinapadala nang online sa iyo ng Webfic ay masa-satisfy ang anumang legal na komunikasyon o abiso. Sumasang-ayon ka na panatilihing updated ang lahat ng iyong contact information sa iyong Account, at hindi kami responsable sa kaganapan na nabigo kang i-update ang iyong Account o contact information.
15. Contact Information
Ang Platform ay pinamamahalaan ng DianZhong Technology Singapore PTE, LTD., Na matatagpuan sa 2 VENTURE DRIVE # 11-31 VISION EXCHANGE SINGAPORE 608526. Maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat sa address na nabanggit o pag-email sa amin sa dzoversea@dianzhong.com.
DISCLAIMER: In the case of ambiguity regarding the accuracy of this document, full legal effect for the original ENGLISH document will always take precedence.