Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Tatlong mga sasakyan ang dumating sa Norburgh Airport para sunduin ang mga Everett. Mayroong importanteng bagay na dapat asikasuhin si James kaya nauna nang umuwi sina Lilith, Giselle at Hera. Pagkalipas ng isa’t kalahating oras, nakarating na rin sila sa tahanan ng mga Everett. Nang makababa sila sa mga sasakyan, sinalubong ni Lilith si Hara sa tahanan. “Nakauwi na tayo sa ating tahanan, Hera. Kasama natin dito ang iyong lola at ang iyong mga kuya.” Tumatango namang sumagot si Hera. Dito na nangungunang naganunsyo si Giselle ng, “Nakauwi na po kami, Mama.” Nang maiabot niya ang kaniyang bag sa kasambahay, dali dali siyang nagpunta sa sala para ibandera ang kaniyang estado bilang miyembro ng pamilya Everett. Dali dali namang lumabas ang isang batang lalaki na may anim hanggang pitong gulang na edad para magpunta sa sala. Ito ay walang iba kundi si Gino Everett, ang ikatlong anak nina James at Lilith. “Giselle, nandito ka na pala! May dala ka bang pasalubong?” Gigil na tanong ni Gino. “Anong klase ng mga pasalubong ang inaasahan mong makukuha namin sa probinsya?” tanong ng isang matandang boses mula sa sala. “Oo nga. Kaya bakit pa nga ba ako umasa.” Bulong ni Gino bago siya umupo sa sofa at bumalik sa paglalaro ng video games. Sumunod si Hera kay Lilith habang papasok sila sa marangyang sala na dinekorasyhunan base sa napakarangyang Baroque na mga disenyo. Dahan dahang umupo si Mildred Barker sa sofa para uminom ng isang tasa ng kape at magpakita ng eleganteng mukha. Nagpakita ito ng kulay abong buhok habang nakasuot siya ng isang marangyang damit. Tahimik na umupo si Giselle sa kaniyang tabi bago niya ito ipagsalin ng isa pang tasa ng kape. “Lola, nasaan na po si Gideon?” Hinigop ni Mildred ang kaniyang kape bago nito sabihing, “Lumipad siya papunta sa Emberwood ng tanghali. Sinabi niya na bibisita raw siya sa isang biological institute. Nalungkot naman si Lilith nang marinig niya iyon. Bago sila umalis kaninang umaga, sinabihan na niya ang pinakamatanda niyang anak na si Gideon Everett na susunduin nila si Hera. Importante ang araw na ito dahil tuluyan nang magsasama sama ngayon ang pamilya Everett kaya umaasa siya na magagawa nilang magsama sama ngayong araw. Palaging nasusunod si Gideon sa kaniyang kaniyang sarili pero palagi naman nitong pinapahanga ang mga Everett kaya hindi siya magawang sermonan ni Lilith nang dahil sa katigasan ng kaniyang ulo. Isinantabi niya ang kaniyang kalungkutan nang dalhin niya paabante si Hera. “Ma, nakauwi na po sa atin si Hera,” sabi ni Lilith bago nito ipakilala si Hera kay Mildred habang sinasabi na, “Hera, ito ang iyong lola.” “Lola.” Mahinang tawag ni Hera. Hindi naman siya pinansin ni Mildred. Inubos niya ang laman ng kaniyang tasa habang tinatawag niya ang kanilang kasambahay. “Judy, dalhin mo rito ang natirang caviar para matikman ito ni Giselle.” “Sige po.” Sagot ni Judy McCoy. Agad itong bumalik dala ang caviar pagkatapos ng ilang sandali. “Salamat po, Lola.” Nagpapasalamat na sinabi ni Giselle. Dahan dahan niyang inangat ang caviar para kumagat dito nang kaunti na para bang ibinibida niya ito. “Napakasarap po nito.” “Take your time, dear. Huwag kang magmadali. Sigurado akong pagod ka sa napakahaba ninyong biyahe kanina. Magenjoy ka sa napakasarap na pagkaing iyan para magrecharge, at huwag mong kakalimutan na alagaan ang iyong sarili para maattract sa iyo si Mr. Gaskell.” Buong pusong inayos ni Mildred ang buhok ni Giselle papunta sa likuran ng tainga nito. Matamis namang ngumiti si Giselle bago ito maghum bilang sagot sa kaniyang lola. Natuwa siya nang mapansin niyang naout of place si Hera. Napansin ni Lilityh na sinasadya ni Mildred na hindi pansinin si Hera. Dito na siya tumawag ng, “Ma.” “Oh, nakabalik ka na,” sabi ni Mildred habang nagkukunwari ito na napansin niya si Hera bago niya ito tingnan. Nagpakita ng magandang mukha si Hera na nacompliment ng nakabraid nitong buhok. Ipinakita ng kayumanggi nitong balat ang nanlalamig niyang mga mata at payat niyang mga labi. Dumaloy pababa ang paningin in Mildred hanggang sa makita niya ang marumi at punit nitong dress na yumakap sa magandang korte ng kaniyang katawan. Nakasuot din ito ng isang gamit na bag habang balot naman ng putik ang puti nitong sapatos. Kumunot ang noo ng hindi natutuwang si Mildred sa suot ni Hera, nakumbinsi siya na resulta ito ng hindi magandang pagpapalaki sa kaniya. Naisip niya na walang importansya si Hera sa mga Everett pero naobliga pa rin silang suportahan ito sa pinansyal na pamamaraan. “Judy, ikuha mo siya ng mga tsinelas. Huwag mong hayaan na magkalat siya ng putik sa ating wool carpet na pinaairlift ko pa mula sa Lumoria.” Utos ni Mildred. “Sige po,” Sagot ni Judy bago nito ikuha ng isang pares ng tsinelas si Hera. “Ms. Hera. Maaari niyo po bang hubarin ang inyong sapatos?” Nanatili namang tahimik si Hera. Napansin naman ni Lilith ang pagkainis ni Mildred kay Hera mula sa kilos at mga sinasabi nito. Nang magsimulang magdate sina Lilith at James, mga magsasaka pa lang ang mga Everett sa probinsya. Pero nagbago ang kanilang kapalaran nang makakita sila ng isang mahalagang minahan sa ilalim ng lupa na nagbigay sa kanila ng milyon milyong yaman. Dito na nagsimulang hindi mamansin si Mildred, taas nitong binalewala ang mga tagaprobinsya. Pilit niyang pinaghiwalay sina Lilith at James bago lumipat ang buo nilang pamilya sa Norburgh. Nagtayo sila ng isang kumpanya sa Norburgh kung saan sila bumili ng mansyon at nagwaldas para mamuhay nang marangya. Ginawa nila ang lahat ng ito para mapataas ang kanilang estado at maalis ang titulo nila bilang baguhan sa mundo ng mayayaman. Dito lang nagawang magpumilit ni James na pakasalan si Lilith nang mabuntis ito sa anak nilang lalaki na nagbigay kay Lilith ng pagkakataon para matanggap sa pamilya Everett. Hindi natutuwa si Lilith sa mga dati niyang alaala sa bawat sandaling pumapasok ito sa kaniyang isipan. Kababalik balik pa lang ni Hera mula sa probinsya pero nasabi na ni Lilith na mas lalo itong hindi magugustuhan ni Mildred. “Ma, mahirap ang buhay sa bundok. Maraming hirap na pinagdaanan si Hera noong bata pa siya—" “Tama na. Dalian mo nang ayusan ang batang ito para magmukha naman siyang presentable sa harap ng lahat.” Naiiritang pinutol ni Mildred sa pagsasalita si Lilith habang ikinakaway nito ang kaniyang kamay. “Hera, dadalhin na kita sa iyong kwarto.” Sabi ni Lilith. Tumango lamang dito si Hera nang makita niya ang inis sa mukha ni Mildred. Agad na nawala ang gana ni Giselle sa kaniyang caviar nang makita niya ang kabaitan ni Lilith kay Hera. Naramdaman niya na siya lang dapat ang tratuhin nang ganito ni Lilith kaya mas lumalim lang ang kaniyang hinanakit nang makita niyang ginagawa ito ni Lilith kay Hera. Sa tindi ng kaniyang pagseselos, humarap si Giselle kay Gino na kasalukuyang busy sa paglalaro ng video games. “Gino, ayaw mo na ba sa study room mo?” Tanong ni Giselle. Sa sobrang frustration nang matalo siya sa kaniyang laro, napamura na lang si Gino sa kaniyang sarili. Agad niyang iniwan ang hawak niyang game console bago siya dumiretso sa ikatlong palapag ng mansyon.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.