Kabanata 6
Nagulat si Benjamin nang malaman na nag dropped out si Celine sa school sa edad na 16.
Lahat ng tao na kilala ni Benjamin ay nirerespeto si Carly hindi lang dahil maganda siya kundi matalino rin ito. Nakapagtapos siya sa top-tier college at sa high society ng Mercity wala pang mas matagumpay kaysa sa kaniya.
Siya ang bagay na bagay kay Adam.
Hindi malayo ang magagawa ng ganda. Kailangan itong samahan ng utak. Sa bawat pag angat na tatahakin mo sa lipunan, mas mahalaga sa kanila ang edukasyon ng babae.
Nawala na lahat ng paggalang na mayroon si Benjamin kay Celine. Puno ng pangungutya ang tono niya. “Celine, totoo ba nag dropped out ka noong 16 ka?”
Tumingin si Celine sa mayabang na si Carly at kalmado na ngumiti. “Oo, tama ka.”
Suminghal si Benjamin. “Well, funny coincidence. Si Adam, nag-dropout din ng 16. Pero hindi katulad mo, tunay talaga siya. Sa edad na 16, kumuha siya ng double master's degrees sa Haffard University at gumawa ng kasaysayan. Samantalang ikaw, tumigil ka sa pag-aaral at malamang hindi mo pa natapos ang high school!”
Umakto si Carly na para bang sobrang taas niya kay Celine at mababa ang tingin niya.
Tahimik na nakatayo ang matangkad at gwapo na si Adam, tumama ang ilaw sa kaniyang agaw-pansin at malamig na mukha habang nakatingin si Celine.
Sa nagdaang tatlong taon, naging housewife si Celine, umikot ang buhay niya kay Adam. Kaya siguro hindi niya pinagpatuloy ang pag-aaral.
Mukhang hindi nahihiya o nagpapatalo si Celine. Sa katunayan, ang malinaw at kumikinang niyang mata ay tumapat kay Adam habang nakangiti siya at sinabing, “Yeah, such a coincidence.*
Nakaramdam si Adam ng kakaibang pakiramdam sa dibdib, kahit hindi niya maipaliwanag kung bakit. Hindi niya maiwasang mapansin kung gaano kaganda ang mga mata ni Celine—maliwanag at puno ng buhay, na parang may kakaibang hatak na nagpaparamdam sa kanya ng koneksyon kay Celine.
“Celine!” Biglang lumapit si Robin, mukhang galit. “Carly, binu-bully mo na naman ba si Celine?”
Mataas ang tingin ni Carly. “Hindi namin binu-bully si Celine. Tinutulungan namin siya na maghanap ng trabaho.”
Nagulat si Robin. “Tinutulungan mo siya na maghanap ng trabaho?”
Parang mabait na nagpatuloy si Carly, “Oo, kahit na walang degree o high school diploma si Celine, gagawin namin ang lahat para hanapan siya ng trabaho.”
Tumawa si Robin, malinaw na naiinis. “Alam mo ba kung sino talaga si Celine? Siya—”
Bago pa siya matapos, hinawakan ni Celine ang braso niya at pinigilan siya. “Robin, tara na.”
Nilunok ni Robin ang mga salita niya pero nangungutya niyang sinabi kay Carly. “Makukuha mo ang hinahanap mo balang araw.”
Pagkatapos non, umalis si Robin at Celine.
Habang naiinis, sinabi ni Benjamin. “Anong problema niya? Nag dropped out siya noong 16 siya at ganito siya umakto? Kung ako sa kaniya, mahihiya ako na ipakita ang mukha ko.”
Hindi nagalit si Carly. Sa katunayan, hindi siya nag abala na seryosohin si Celine. Hindi karapat-dapat si Celine para maging karibal niya. Parang binabaan niya ang kaniyang standard kapag nainis siya kay Celine.
Ngumiti siya kay Benjamin. “Benjamin, kalimutan mo na. Masaya ang hindi nakakaalam.”
Tumingin si Benjamin kay Adam at sinabing, “Adam, kailangan mong hiwalayan si Celine. Hindi siya karapat-dapat sa'yo.”
Pinanatili ni Adam ang malamig niyang ugali habang nakatingin kay Carly. “Tara na.”
Tumango si Carly bilang sagot.
…
Sinundan ni Benjamin at Carly si Adam palabas.
Nang tumingin si Adam, nakita niya ang pamilyar na mukha—ang presidente ng Haffard University, si Samuel Peyton. Lumapit siya rito. “Mr. Peyton, anong ginagawa niyo rito sa Mercity?”
Malaki ang respeto ni Carly kay Samuel. Kahit na matalino naman siya, hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapasok sa tanyag na university tulad ng Haffard.
Ngumiti si Samuel. “Nandito ako para sa isang seminar. Funny coincidence, nandito rin sa Mercity ang junior mo.”
Natigil si Adam. “Junior ko?”
Sinabi ni Samuel, “Oo. May dalawang malaking pangalan kami sa Haffard. Una, si Adam at pagkatapos ay ang junior mo. Tulad mo, nakuha niya ang kaniyang double degree sa edad na 16. Matalino siya. Sayang at ilang taon ang agwat niyo kaya hindi mo siya kilala.”
Inangat ni Benjamin ang kilay niya. “Wow, nakakamangha ang junior mo? Paano siya maikukumpara sa'yo?”
Ngumiti si Samuel at tiningnan si Adam. “Pantay ang kakayahan nila.”
Inangat ni Adam ang kilay niya, hindi pa siya nakakita ng babae na kaya siyang tapatan.
Ito ang unang beses na narinig ni Carly ang tungkol sa matalinong junior na ito. Habang wala siyang kahit ano laban kay Celine, napuno siya ng inggit at pagtataka dahil sa magaling na junior.
Kinuha ni Samuel ang phone niya. “Mr. Alvarez, pinadala ko sa'yo ang numero ng junior mo. Dapat ay kausapin mo siya. Nasa Mercity din siya at bilang senior niya, kailangan mo siyang tulungan.”
Tumango si Adam. “Naiintindihan ko, Mr. Peyton.”
Umalis si Samuel at ipinilit ni Benjamin, “Adam, tingnan mo ang WhatsApp niya ngayon. Gusto ko makita kung ano ang itsura niya.”
Kinuha ni Adam ang phone niya at hinanap ang numero na binigay ni Samuel sa WhatsApp.
Letrang C lang ang pangalan na may puting cover photo.
Kumunot si Benjamin. “Anong ibig sabihin ng ‘C’?”
Hindi sigurado si Adam. Pero, idinagdag pa rin niya ang numero sa kaniyang contact.
Nang mapansin ni Carly ang pagkamangha nila sa junior na ‘yon ay nainis siya. Biglang, tumigil ang Rolls-Royce at lumabas ang personal assistant ni Adam na si Leo Zimmer.
Agad na tinapos ni Carly ang usapan. “Adam, nandito na ang sasakyan. Tara na.”
Kumaway si Benjamin. “Adam, Carly, see you later.”
…
Kalmado ang andar ng Rolls-Royce sa kalsada. Sa loob ng mamahaling sasakyan, si Leo na nasa likod ng manibela ay tumingin sa rearview mirror at tinanong, “Saan tayo, Mr. Alvarez?”
Simpleng sinabi ni Adam, “Sa opisina.”
Tiningnan ni Carly si Adam, ang neon light ng siyudad ay tumatama sa bintana at lumiliwanag sa gwapo at misteryosong mukha ni Adam.
Puno ng lambing ang mata niya. “Adam, anong mayroon sa pagitan niyo ni Celine? Huwag mo sabihin sa akin na nagagandahan ka sa kaniya at gusto mo na may mangyari sa inyong dalawa?”
Tiningnan siya ni Adam, walang emosyon ang boses nita. “Asawa ko siya. Normal ang lahat sa pagitan namin. Hindi ba't itinulak mo siya sa akin?”
Alam ni Carly na galit pa rin si Adam dahil sa nangyari tatlong na ang nakakalipas. Noon, kinailangan ni Celine pakasalan si Adam kapalit niya dahil iniwan niya ito.
Sinubukan niya na magpaliwanag. “Adam, pinilit ni Celine na pakasalan ka. Hindi ko kaya na harangan siya…”
Malamig siyang tiningnan ni Adam. “Sa tingin mo ba kapani-paniwala ka pakinggan?”
Kinagat ni Carly, mukhang naiinis. “Sige, iniwan kita three years ago. Kung hindi mo kayang kalimutan, maghiwalay na tayo. Hindi mo ako kailangan na samahan.”
Tumingin si Carly kay Leo at sinabing, “Leo, ihinto mo ang sasakyan!”
Lalabas na sana siya pero biglang inilapit ni Adam ang kamay niya, hinawakan nang mahigpit ang kamay niya at bumagsak siya sa dibdib nito.
Sa halong inis at lambing, sinabi niya, “Carly, sinasamantala mo lang ako dahil alam mo na masyado kang spoiled sa akin.”