Kabanata 6
Sa nakalipas na dalawang taon, ang paboritong palabas ni Gloria ay nagbago mula sa mga dramatikong soap opera hanggang sa dating variety show. Kapag mas scripted, mas natutuwa siya.
Mukhang kasundo nga ni Skylar si Gloria.
Lalong tumindi ang tingin ni Joe habang pinagmamasdan si Skylar, na abalang-abala sa pagtalakay sa mga kalahok sa palabas kasama si Gloria. Matagal na siyang nakatayo doon, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa kanyang presensya.
Unang nakita siya ni Gloria. Nagulat ang matanda, itinaas nito ang mga kilay at nagtanong, “Kailan ka dumating? Wala man lang akong ingay na narinig!”
Sumulyap si Skylar sa lalaki, at ang ngiti sa kanyang mukha ay nawala sa isang iglap. Magalang siyang tumango sa lalaki.
“Kakarating ko lang dito.”
Ang matinding pagbabago ng ekspresyon ni Skylar ay bahagyang nagpawala ng balanse kay Joe. Pakiramdam niya ay may nakaligtaan siya, ngunit hindi niya matiyak.
“Bakit nagpapagabi ka sa trabaho sa araw ng kasal mo? Ang tagal mo pa rin sa trabaho, kahit na ang daming nagtatrabaho para sa’yo!
“Kung ganiyan ang kaso, sa tingin ko ay oras na para i-restructure ang kumpanya. Bilisan mo at bumalik ka sa Galaxy Villa kasama si Skye. Tratuhin mo siya nang maayos, okay?”
Inilibot ni Gloria ang kanyang mga mata kay Joe. Nangungulila siya kung gaano ito kaibig-ibig noong bata pa ito; ang kasalukuyang pagiging mapag-isa nito ay ikinagalit niya.
Buweno, mas gusto niya na si Skylar ngayon. Natuwa siya sa pakikissama ni Skylar dahil nakakapanood at nakakapag-usap sila ng mga dating show nang magkasama.
Nagpakawala ng mahinang tugon si Joe bilang pagsang-ayon. Wala na siyang sinabi pa.
Sinasamaan ang binata ng tingin, sabi ni Gloria, “Mapalad ka’t pinakasalan mo si Skye! Nararapat lang na tratuhin mo siya nang maayos.”
Kumunot ang noo ni Joe. Nagtataka siya kung paano nagawang patahimikin ni Skylar si Gloria.
“Lola, inihanda ko na ang mga halamang gamot para sa pagbabad ng paa mo. Siguraduhi ninyo pong ibabad ang inyong mga paa bago matulog,” paalala ni Skylar na nag-aalala na baka masyadong nakatutok si Gloria sa variety show.
Mariing tumango si Gloria. “Sige! Gagawin ko lahat ng sasabihin mo. Ibababad ko na ang mga paa ko.”
Natigilan si Joe.
…
Walang trapiko sa kalsada, kaya nakarating sila sa Galaxy Villa sa loob ng 30 minuto. Tahimik lang sila sa daan.
Pagpasok ni Joe sa bahay, napansin niya ang maliit na maleta sa pintuan. Ang laki nito ay nagpasindak sa kanya. May ilang bagay na nakapatong sa ibabaw ng maleta, ang isa sa mga ito ay ang nirolyo na painting. Parang antike ito.
“May apat na kwarto sa ikalawang palapag. Ang isa sa kanila ay akin; maaari kang pumili kung aling silid ang gusto mo,” sabi ni Joe pagkatapos magpalit ng tsinelas.
Bagama’t legal na silang mag-asawa, wala siyang balak na makipagtalik sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama.
Sa paghuhusga rin sa kung anong narinig niya tungkol sa babae mula kay Paul, ang babae ay tila may lihim na motibo.
Sumang-ayon si Skylar at nagpalit din ng tsinelas. Pagkatapos, umakyat siya dala ang kanyang maleta. Sinusundan siya, itinuro ni Joe ang isa sa mga silid. “Ito ang kwarto ko.”
“Sige.” Nagpatuloy si Skylar sa paglalakad at pumili ng kwarto na isang kwarto lang ang layo kay Joe.
Masasabi niyang ayaw siyang kilalanin ni Joe. Kaya naman, mas mabuti kung iwasan na lang sila ang isa’t-isa. Ang huling bagay na gusto niya ay magdulot ng anumang hindi kinakailangang hindi pagkakaunawaan.
Bahagyang nagulat si Joe sa kanyang malamig at malayong ugali.
“Gabi na, kaya magpapahinga muna ako. Goodnight, Mr. Martin,” sabi ni Skylar bago naglaho sa kanyang silid.
Ang tunog ng pagsara ng babae ng pinto ay nagpabalik sa kanyang muwang. Napataas ang mga kilay niya, napagtanto niyang masyado siyang maasikaso sa babae ngayong araw.
Ang kanyang eksistensya ay marahil ay medyo makabuluhan dahil napasaya niya si Gloria. Ang iba ay hindi ganoon kahalaga.
…
Makalipas ang isang oras, naligo si Skylar pagkatapos niyang ilabas ang mga laman ng kanyang maleta at ayusin ang kanyang mga gamit. Matapos matuyo ang kanyang buhok, ibinagsak niya ang sarili sa kama at kinuha ang kanyang phone.
Merong 99 na hindi nasagot na tawag at hindi mabilang na hindi pa nababasang mga mensahe sa kanyang naka-silent na phone. Nakahiga siya sa kanyang kama, pakiramdam niya ay hindi pa rin siya makapaniwala pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Siya ay isinilang na muli, at siya ay nagpakasal kay Joe sa kisapmata. Pagkatapos, muli niyang nakita si Gloria.
Ang bilang ng mga mensahe ni Christopher ay nangunguna sa iba. Nagpapadala pa rin siya ng mga mensahe. May mga mensahe rin mula kina Sadie, Jeffrey, at Maisy.
Binuksan muna ni Skylar ang mga mensahe ni Gloria. Ipinadala ni Gloria kay Skylar ang isang larawan ng pagbababad nito ng mga paa at isang voicemail.
“Skye, binabad ko na ang mga paa ko. Ang kumportable sa pakiramdam! Hindi mo na kailangang mag-reply; medyo inaantok na rin ako, kaya matutulog na ako ngayon.
“Ay, oo nga pala, sabihin mo sa akin kung minamaltrato ka ni Joe. Tuturuan ko siya ng leksyon!”
Isang daloy ng init ang bumaha kay Skylar. Sumasayaw ang kanyang mga daliri sa screen habang nagpasalamat kay Gloria at nagpadala ng goodnight GIF sa matanda.
Pinindot ni Skylar ang chatbox ni Christopher. Binomba siya nito ng hindi mabilang na mga voicemail. Dahil sa lahat ng oras na ginugol nilang magkasama mula hayskul hanggang ngayon, tiyak na kilalang-kilala siya nito.
Ang mga emoji na ipinadala ng lalaki ay naglalarawan kung gaano ito naagrabyado. Makikita rin sa mga text mula sa lalaki kung gaano ito nalulungkot at nagsisisi, at nakiusap siyang kausapin ito.
Hindi pinakinggan ni Skylar ang alinman sa mga voicemail, nag-aalala na baka masuka siya kapag narinig niya iyon. Akmang isasara na niya sana ang chatbox at titingnan kung ano ang sinabi ni Sadie, muling tumawag si Christopher.
Sinagot niya ang phone.
“Skye, bakit buong araw mo akong hindi pinapansin? Hindi ako mapakali at hindi makakain simula nang banggitin mo ang breakup. Alam mo namang hindi ako mabubuhay ng wala ka, ‘di ba?
“Galit ka ba sa akin dahil sinabi kong humingi ka ng tawad kina Jeffrey at Sadie? Skye, ginagawa ko ‘to para sa kapakanan mo. Kababalik mo lang sa panig nila, kaya dapat makisama ka sa kanila.”
Agad na naalala ni Skylar kung paano gumanap ng mahalagang papel si Christopher sa pag-impluwensya sa paraan ng patuloy niyang paghingi ng pag-apruba mula kina Jeffrey at Sadie. Ngumisi siya.
“Christopher.”
“Ano ‘yon, babe? Alam kong hindi mo kayang makita akong malungkot.” Sa kabilang dulo ng phone, tumaas ang kilay ni Christopher. Kilalang-kilala niya na ang babae, kung tutuusin.
“Napakaraming dapat matutunan sa mundong ito, ngunit pinili mong kabisaduhin kung paano maging manloloko! Kung ayaw mong pumasok ang mga pulis sa opisina mo, bayaran mo ako ng 100 libong dolyar sa loob ng sampung minuto,” sigaw ni Skylar. Agad niyang ibinaba ang tawag.
Ilang araw na ang nakalipas, sinabi ni Christopher na kailangan ng kanyang pamilya ng agarang pera.
Nang hindi sinisiyasat ang sitwasyon, agad na naglipat si Skylar ng 100 libong dolyar sa kanya. Si Janine ay nagpapadala sa kanya ng pera sa mga taong ito, at si Skylar ay nag-ipon din noong kolehiyo.
Noong una, balak niyang ipadala ang pera kay Janine. Hanggang sa naparalisa na siya sa kama ay nalaman niyang ibinuhos ni Christopher ang pera sa pagbili ng mga damit at produkto sa balat para kay Maisy.
Ang mga hamak na tulad nila ay dapat na makapiling ang isa’t-isa sa buong buhay nila. Gayunpaman, kailangan ibalik ng lalaki ang kanyang pera!
Nagulat si Christopher. Nasisiraan na ba si Skylar? Paano nito nagawang singilin sa kanya ang pera?
Nangako siya kay Maisy na sasamahan niya ito sa pamimili sa Sabado, at baka hindi pa sapat ang 100 libong dolyar bilang panggastos nito.
Nagsimula siyang magtaka kung masyado na ba niyang sinunod ang mga gusto ni Skylar nitong mga nakaraang araw. Naging delusyunal na ang babae para isipin nitong kaya nitong bantaan siya ng breakup. Akala ba ng babae ay ganoon siya nito kamahal?
Si Christopher ay pumusta na si Skylar ay hihingi ng tawad sa kanya sa loob ng wala pang dalawang araw. Sa oras na iyon, makikinig na ito sa anumang sasabihin niya. Pinindot niya ang chatbox ni Maisy.
“Maisy, ‘wag mong kalimutan na magkikita tayo sa main entrance ng Phoenix Mall bukas ng tanghali.”