Kabanata 5
Mula pa noong bata si Skylar, binalaan siya ni Viola na hindi niya dapat gamitin ang mga kasanayan na tinuro sa kanya ni Viola bago siya maikasal.
Iyon ang kaso para sa kaalaman na natutunan din ni Skylar mula sa mga libro ni Viola. Sinabihan din siya ni Viola na huwag ipaalam kay Janine ang mga natutunan niya. Kung hindi, mahahantong siya sa matinding problema.
Sa nakaraang buhay ni Skylar, ang nanay ni Christopher, si Amelia Campbell, ay nangangailangan ng humigit-kumulang isang milyong dolyar upang mabayaran ang mga gastusin para sa kanyang kidney transplant.
Palibhasa’y hindi makayanan ang makitang balisa si Christopher, lihim na tinulungan ni Skylar ang isang tao na mag-ayos ng painting. Eksaktong isang milyong dolyar ang kanyang nakuha bilang kapalit.
Makalipas ang ilang araw, namili siya kasama si Sadie. Nang makita niya ang isang trak na humaharurot patungo sa kanila, itinulak niya si Sadie sa tabi nang hindi nagdadalawang-isip.
Iyon ay kung paano naparalisa si Skylar mula sa bewang pababa.
Sa kabutihang palad, wala pa sa mga pangyayaring iyon ang nangyari sa kasalukuyang buhay ni Skylar. Hindi na niya nakitang muli si Viola, kahit na bago siya namatay sa kanyang nakaraang buhay.
Habang binabasa ni Skylar ang sulat na iniwan ni Viola para sa kanya, hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Ang pakiramdam ng pagiging pamilyar sa sulat-kamay ni Viola ay nagbigay daan sa pagbaha ng mga luha.
Nalaman ni Skylar mula sa liham na si Viola ay gumawa ng huling panghuhula.
Ibinigay ni Viola kay Skylar ang kanyang huling kayamanan, na nakahula na si Skylar ay makakatagpo ng malaking kapahamakan sa buhay nito na malamang na makakapag-agaw buhay.
Maaaring hindi na siya mabubuhay ng lagpas sa tatlong taon.
Sa liham, sinabi rin ni Viola na kung binabasa ni Skylar ang liham na ito, nangangahulugan ito na nakaligtas siya sa kalamidad na iyon, katulad ng muling pagsilang ng isang phoenix. Ngayon, walang limitasyon si Skylar kundi ang kalangitan.
Sa wakas, sinabi sa kanya ni Viola na magkikita rin sila balang araw. Hindi dapat pilit ang muling pagkikita nila.
Noong bata pa si Skylar, gusto niyang matuto ng mga panghuhula mula kay Viola. Tinanggihan siya ni Viola, sinabing hindi regalo ang karunungang magbasa ng mga panghuhula.
Kahit na si Skylar ay hindi kasing galing ni Viola, nararamdaman pa rin niya kung ang ilang mga antigo ay masuwerte o hindi. Nang maglaon, mas pinagtuunan niya ng pansin ang mga libro ni Viola.
“Oh, be, Skye! Bakit ka umiiyak? May problema ba?” Sumakit ang puso ni Gloria nang makitang umiiyak si Skylar.
Sa hindi malamang dahilan, hindi siya mapakali sa kirot sa tuwing nakikita niya ang mga luha ni Skylar. Nang mapansin kung gaano kaagrabyado si Skylar, bigla siyang may naalala.
“Lola, ayos lang po ako. Miss ko lang po si Lola Viola nang sobra.” Tumulo ang luha ni Skylar, at ngumiti siya. Ayaw niyang mag-alala si Gloria.
Maya-maya ay tinawagan ni Gloria si Joe nang palihim habang nasa banyo si Skylar. “Pasaway ka, pinahirapan mo ba si Skye sa korte kanina?”
Aalis na sana si Joe nang matapos ang kanyang trabaho. Natigilan siya sa tanong ni Gloria. “Ano pong sinabi niya sa inyo?”
Ngumuso si Gloria. “Wala siyang sinabi. Nakalimutan mo na ba kung gaano ako kagaling makaramdam? Masasabi kong masama ang loob niya.”
“Hindi po ako iyon.” Humakbang si Joe patungo sa elevator, hinaplos ang kanyang noo. Anong sinusubukang makuha ni Skylar kay Gloria?
Akala niya ay susundin nito ang mga tuntunin ng kanilang kasunduan pagkatapos nilang magparehistro para sa kanilang kasal kanina. Ngayon, lumalabas na medyo tuso ito.
Isang malamig na kislap ang sumilay sa mga mata ni Joe.
“Ipagdasal mong hindi nga ikaw! Halika at sunduin mo siya ngayong gabi. Tandaan mo ang utos na ibinigay ko sa’yo—kailangan ko ng apo sa tuhod sa lalong madaling panahon,” utos ni Gloria bago ibinaba ang tawag.
Pakiramdam ni Joe ay lubos na walang magawa. Pagdating pa lang ng elevator, napansin niyang parang nahihibang si Paul. Wala na ito sa muwang mula nang hinatid nito si Skylar sa Pearlhall Residence.
“Anong problema?” tanong ni Joe.
Nagtatampo, kumapit si Paul sa emerald charm, na nasa leeg pa rin niya. Sinabi niya kay Joe ang lahat ng sinabi ni Skylar sa harap ng mansyon. Sila lang ang nasa elevator.
Tanong ni Paul, “Nabastos ko ba si Ms. Williams? Kaya siguro medyo tinakot niya ako. Ang gayong pamahiin ay walang katotohanan.”
Isa lang itong emerald charm. Paano masasabi ni Skylar kung ito ay ninakaw mula sa patay na tao?
Nagtaas ng mga kilay si Joe, at tumigas ang ekspresyon niya. Pakiramdam niya ay niloko ni Skylar si Gloria.
“Huwag mo na lang siyang intindihin,” malamig niyang sabi.
Taimtim na tumango si Paul. “Sige.”
Sa wakas ay nakadama siya ng kampante pagkatapos ng kaguluhan sa loob ng isang oras o dalawa. Ngayong sinabihan siya ni Joe na huwag intindihin si Skylar, naisip niya na baka sinadya ni Skylar na takutin siya.
Habang namamangha siya sa kung gaano kahalaga ang charm, naisip niya na ito ay magsisilbing mahusay na pamana ng pamilya. Plano niyang ipasa ito sa mga henerasyon ng kanyang pamilya.
Mabilis na bumaba ang elevator sa unang palapag. Pagdating pa lang sa ika-30 na palapag, bigla itong yumanig nang malakas. Tatlong beses na kumindat ang mga ilaw sa elevator bago bumalik sa normal.
Inakala nila na ito ay maliit na aberya lamang, ngunit ang elevator ay biglang bumagsak pababa nang napakabilis. Maging si Joe, na kadalasang kalmado, ay tila medyo nabalisa.
Nanlaki ang mga mata ni Paul. “Anak ng tokwa!” Dito ba siya mamamatay ngayon?
Tuluyan nang namatay ang mga ilaw sa elevator.
“Mr. Martin!” Napasigaw si Paul sa sobrang takot.
Nakakatakot na biglang huminto ang elevator nang malapit na itong bumagsak sa lupa. Ang mga ilaw na namatay kanina ay muling nagliwanag sa buong elevator, na para bang ilusyon lang ang kanilang naranasan ngayon lang.
Napalunok si Paul. Huli niyang napagtanto na nakaupo siya sa sulok sa kaawa-awang estado, samantalang si Joe ay tila hindi nasaktan. Ang titig nito ay tila mas matindi kaysa karaniwan.
Matapos malagpasan ang pagsubok, likas niyang ibinaba ang tingin sa esmeralda na anting-anting na nakapatong sa kanyang leeg. Grabe, ito ay nakakatakot ito!
Hinuhugot ang anting-anting sa kanyang leeg, pinagmasdan ito ni Paul. “Bakit pakiramdam ko hindi ako binibiro ni Ms. Williams?”
Nagtaas ng mga kilay si Joe. Ni minsan ay hindi siya naniwala sa gayong mga pamahiin.
Tumingala siya sa kisame ng elevator at sinabing, “Tawagan mo ang mga technician at ipa-inspeksyong mabuti at ayusin ang lahat ng elevator sa gusali. Dapat ay magagamit na ang mga elevator bukas.”
“Sige!”
Habang papalabas ng elevator si Joe, kinakabahang sinabi ni Paul, “Mr. Martin, pwede mo ba akong tulungang tanungin si Ms. Williams kung nagbibiro ba siya o hindi? Pwede ko pa bang suotin ang bagay na ito?”
Hindi magiging ganito kalito si Paul kung hindi dahil sa insidente kanina.
Sinulyapan ang napakagandang esmeraldang anting-anting sa mga kamay ni Paul, sumagot si Joe, “Isuot mo. Aksidente lang iyon kanina.” Ipinahiwatig niya na hindi dapat pakinggan ni Paul ang payo ni Skylar.
Naisip ni Paul na may katuturan ang sinabi ni Joe. “Tatawagin ko na ang mga technician.”
Naisip niya na ang buong technical support team ay tila mawawalan ng kanilang mga bonus. Paano nila nagawang ipahamak si Joe sa elevator at maranasan niya ang nakakatakot na pagsubok?
Tila kailangan na nilang magdamag na manatiling gising upang suriin ang lahat ng mga elevator ngayon.
…
Nang dumating si Joe sa Pearlhall Residence, napansin niya kung gaano kasaya si Gloria.
Hindi ito masyadong malambing sa kanya nitong mga nakaraang taon, pero ngayon ay buong puso itong tumatawa kasama si Skylar habang nanonood sila ng dating variety show sa telebisyon.