Kabanata 2
”Skylar, huwag ka nang magtatangkang bumalik pagkalabas mo ng pinto!” Napanganga si Sadie kay Skylar sa gulat, na kakaalis lang.
Nanginginig sa galit ang mga ugat sa noo ni Sadie. Namumuro si Skylar ngayong araw!
“Ang lakas ng loob niya? Jeff, anong gagawin natin ngayon?” Galit na galit, lumihis si Sadie kay Jeffrey.
Tahimik na sinundan ni Jeffrey si Skylar. Nagdilim ang kanyang ekspresyon nang makita kung paano nito nilayasan ang ospital nang walang pag-aalinlangan.
“Wala siyang dalang pera, kaya wala siyang mapupuntahan. Manghihingi siya ng paumanhin bukas. Pagkatapos, maaari na nating ipagpatuloy ang blood transfusion.”
“Pabigat siya! Hindi natin siya pwedeng basta-bastang patawarin, kahit na humingi pa siya ng paumanhin bukas. Hindi pwedeng masunod ang lahat ng gusto niya,” panghihimasok ni Sadie, lubusang nayayamot.
“Mom, huwag kang magalit! Hindi iyon maganda sa kalusugan mo. Baka bumalik naman si Skylar mamayang gabi,” sabi ni Maisy na kumikinang ang mga mata.
Hindi matatakasan ni Skylar ang kanyang responsibilidad na magsalin ng kanyang dugo kay Maisy. Maaaring ipinamalas niya ang matinding pag-aalburoto kanina, ngunit muli siyang magpapakitang masunurin bukas.
Desidido si Maisy na patunayan ang kanyang sukdulang kahalagahan sa pamilya kay Skylar. Pinahahalagahan siya ng lahat, at kahit ang pagkakakilanlan ni Skylar bilang biyolohikal na anak ng pamilyang Williams ay hindi iyon mababago.
…
Hinalungkat ni Skylar ang kanyang bag para sa kanyang phone pagkalabas niya ng ospital. Bahagyang nanginginig ang kamay niya habang pumipindot ng numero.
Kailangan niyang gawin ang desisyong ito nang mabilis.
“Lola Gloria, nagbago na ang isip ko. Papakasalan ko ang apo mo.”
Isang ngiti ang kumalat sa kanyang mga labi habang naiisip niya ang masayang ngiti ni Gloria Hinman sa kabilang dulo ng phone.
Pinag-isipan ni Skylar ang kanyang nakaraan pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Si Gloria ay matagal na kaibigan ni Viola Zindel, na kapitbahay ng umampon kay Skylar na si Janine Yancey.
Lumipat si Viola sa probinsya mga tatlong dekada na ang nakalilipas. Naisip ni Skylar na baka nalulungkot si Viola, kaya’t sinasamahan niya si Viola sa kanyang libreng oras. Bilang kapalit, tinuruan siya ni Viola ng maraming bagay.
Nang maglaon, lumisan si Skylar sa probinsya para magkolehiyo. Isang beses, nang dalawin siya ni Viola sa kanyang paaralan, sinama rin nito si Gloria. Si Skylar ay patuloy na nakikipag-ugnayan kay Gloria mula noon.
Isang araw, biglang dinala ni Gloria si Joe Martin para makipagkita kay Skylar sa isang restawran. Sinadya niyang pakasalan ni Joe si Skylar.
Iyon ang unang beses na nakilala ni Skylar si Joe. Nakasuot ng walang kapintas-pintas na suit, namumukod-tangi si Joe sa karamihan. Hindi siya nangahas na salubungin ang mga mata nito, dahil natatakot siya sa kawalang-interes sa mga titig nito.
Sinabi ng binata na ayos lang sa kanya ang proposal ni Gloria. Naghihintay si Gloria sa tugon ni Skylar mula noon.
Gayunpaman, si Skylar ay ganap na nabighani kay Christopher noon. Sinabi niya kay Gloria na meron na siyang kasintahan, at labis na nadismaya si Gloria.
Tinawagan siya ni Joe kinabukasan, sinasabing may sakit si Gloria at tatlong taon na lang ang natitira para mabuhay. Ang kasal nila ang tanging hiling ng matanda.
Sinabi niya na kung pumayag si Skylar na pakasalan siya, tutuparin niya ang lahat ng hihilingin nito, basta’t makatwiran ang mga ito. Gayunpaman, tinanggihan ng babae ang kanyang panukala.
Hindi nagtagal, naaksidente siya, at kailangan niya ng napakalaking halaga para sa mga bayad sa operasyon. Tumanggi sina Jeffrey at Sadie na iligtas siya noon, iniisip na magiging pabigat na lang siya pagkatapos maoperahan.
Pero nalaman ni Gloria ang sitwasyon ni Skylar. Binayaran niya ang operasyon ni Skylar at ang kasunod na mga gastos sa rehabilitasyon.
Kinalaunan ay natuklasan ni Skylar na sina Sadie at Christopher ay umarte sa harap ni Gloria. Ipinikit ni Sadie ang kanyang mga mata, sinasabing pakikitunguhan niya na nang maayos si Skylar mula noon.
Nahulog naman dito si Gloria. Pinatulong pa niya si Joe sa kumpanya ni Jeffrey sa krisis ng mga ito.
Pagkatapos noon, binalewala nina Christopher at Maisy ang mga pagtatangka ni Gloria na bisitahin si Skylar.
Ang kaluluwa ni Skylar ay luminga sa paligid pagkatapos niyang mamatay. Dinalaw siya ni Gloria, at nakita niya si Gloria na iniiyakan ang kanyang katawan.
Ang paghihiganti ay hindi lamang ang kanyang layunin sa buhay na ito; gusto rin niyang suklian ang kabutihan ni Gloria.
Ang kaso ay ang mga posibilidad ay hindi pabor sa kanya. Tinanggihan niya si Joe noong araw bago siya isilang muli. Nag-aalala siya na baka magmukha siyang marupok at tatanggihan siya kapag inalok niya ito.
Itinago ni Skylar ang kanyang phone sa kanyang bag at nagmartsa patungo sa hintuan ng bus. Tumunog ang phone niya nang makarating siya sa sakayan.
Umalingawngaw ang malamig na boses ni Joe sa kabilang linya. “Ms. Williams, bakit nagbago ang isip mo?”
Bumaba ang tingin ni Skylar sa nakapaskil na bus stop. “Ang ganda ng proposal mo, Mr. Martin.”
Nabalot ng katahimikan si Joe. Maya-maya, sinabi niya nang mahinahon, “Magkita tayo sa courthouse ng 3:00 ngayon.”
…
Sa gusali ng Martin Group, sinenyasan ni Joe ang kanyang assistant, si Paul Ziegler, na magpatuloy sa pagsasalita pagkatapos niyang ibaba ang tawag.
“Iniuwi ng pamilyang Williams si Ms. Williams anim na buwan na ang nakakaraan. Nanirahan siya kasama ang mga umampon sa kanya sa probinsya mula pa noong bata pa siya.
“Nakilala niya ang boyfriend niya, si Christopher, noong high school. Nagsimula silang mag-date noong high school, at nag-aral sila sa magkaibang kolehiyo pagkatapos nilang maka-graduate. Tinitingnan ko pa ang ibang detalye.” Iniulat ni Paul ang mga natuklasan ng kanyang maikling pagsisiyasat sa Skylar.
Ilang larawan ng babae ang nakalagay sa mesa. Sa pagtingin sa kanyang mga larawan, napansin ni Joe ang pagiging malapit sa pagitan nila ni Christopher sa isang larawan kung saan ang kanilang mga braso ay magkadikit sa isa’t-isa.
Pareho silang mukhang bata, ngunit ang kabataan ni Skylar ay hindi naging hadlang sa katotohanan na siya ay nakasisilaw na kagandahan.
“Siya nga pala, si Ms. Williams ay nagdo-donate ng dugo sa ampon ng pamilyang Williams, si Maisy, sa nakalipas na anim na buwan,” dagdag ni Paul.
Napatingin si Joe sa kanyang relo, kinukumpirma ang oras. “Maghanda ng tatlong taong covert marriage agreement.”
Bahagyang nagulat si Paul. Hindi niya akalain na magiging desidido si Joe sa pagpapakasal kay Skylar, na may nobyo na. Hindi ba siya nag-aalala na baka may baong kalokohan si Skylar?
…
Dumating si Skylar sa korte noong 2:55 pm pagkatapos sumakay ng bus at tren.
Nasa bag niya ang kanyang mga personal na dokumento; binalak niyang ituloy ang proseso ng opisyal na paghihiwalay kina Jeffrey at Sadie pagkatapos magsalin ng dugo noong araw na iyon.
Nanlamig ang mga mata niya. Hindi na siya magiging bahagi muli ng mga Williams sa buhay na ito.
Dumating kaagad si Joe sa loob ng limang minuto. Sinalubong ni Skylar ang tingin nito nang tumingala siya.
Binalot ng kawalang-interes ang mga mata ng lalaki, at naglabas siya ng aura ng pagiging sopistikado. Habang nakatitig siya sa babae, kitang-kita ang pagsisiyasat sa matalim niyang titig.
Hindi naman nagulat si Skylar. Kung siya ang lalaki, magtataka rin siya kung bakit nagbago ang isip niys.
“Pirmahan mo ang kasunduang ito bago tayo magparehistro para sa kasal.” Mabilis na binawi ni Joe ang kanyang tingin at iniabot sa kanya ang dalawang dokumento.
Habang sinusuri niya ang mga dokumento, napansin ni Skylar na malinaw na nakasaad sa kasunduan na maghihiwalay sila pagkatapos ng tatlong taon.
Ang kanilang kasal ay mananatiling lihim sa loob ng tatlong taon na iyon. Bukod sa pagpapakita ng kanilang estadong kasal sa harap ni Gloria, inoobliga si Skylar na ilihim sa publiko ang kanilang relasyon.
“Wala akong angal dito. Hindi na kita gagambalain pa kapag naghiwalay na tayo tatlong taon mula ngayon.”
Pinigilan siya ni Joe nang pipirmahan na niya ang kasunduan. “Wala nang atrasan pa kapag pinirmahan mo ‘to. Napag-isipan mo na ba nang mabuti?”
Mabilis na tumango si Skylar. “Oo.”
“Ano ang mga kondisyon mo?” tanong ni Joe.
Nang mapagtanto kung anong ibig sabihin ng lalaki, biglang napatigil si Skylar sa kanyang mga salita nang wala na siyang masabi.