Kabanata 3
”Alam kong hiniling sa’yo ni Lola Gloria na tulungan ang mga William, pero...”
Nagtaas ng mga kilay si Joe, iniisip kung naisip ni Skylar na karapat-dapat ang mga William sa mas mataas na katayuan.
Bagama’t hindi talaga angkop si Jeffrey para dito, sasang-ayon pa rin si Joe kung iyon ang kondisyon ng babae para sa areglong kasal.
“Sana tumigil ka na sa pagtulong sa kanila.” Ibinaba ni Skylar ang kanyang tingin, sa takot na baka magpahiwatig ng malisya ang kanyang mga mata.
“Oh?” Bahagyang natigilan si Joe. Gayunpaman, hindi na siya nagtanong pa.
Nang makitang pinirmahan ni Skylar ang mga dokumento, napatingin siya sa kanyang relo. “Tara na.”
“Sige.”
Hindi abala ang korte, kaya mabilis nilang nakuha ang kanilang marriage certificate. Pakiramdam ni Skylar ay hindi pa rin totoo ang lahat habang lumalabas siya ng korte at nakatitig sa sertipiko.
Umalingawngaw ang boses ni Joe mula sa kanyang tabi. “Magpalitan tayo ng mga numero. Ite-text ko sa’yo ang address ko; dapat lumipat ka na sa bahay ko sa loob ng dalawang araw.”
Bago pa makatanggi si Skylar ay umalis na kaagad ang lalaki. Binalak ng babae na makitira kay Gloria. Ni minsan ay hindi niya naisipang manirahan sa isang bubong kasama si Joe.
Gayunpaman, hindi siya tutol sa partikular na usapang ito. Ang maayos na pagpapangap ng kanilang mapagmahal na buhay mag-asawa ay magpapagaan sa loob ni Gloria, pagkatapos ng lahat.
Tinignan ni Skylar ang oras. 3:30 na ng hapon, at maaari pa rin siyang bumalik sa pamamahay ng mga Williams para kunin ang kanyang mga gamit. Hindi na sana siya magtatangkang pumasok sa kanilang bahay kung hindi dahil sa mga mahahalagang bagay na ibinigay sa kanya ni Viola.
Tumunog ang kanyang phone habang papunta siya sa tahanan ng mga Williams. Nang hindi tinitingnan ang caller ID, mabilis niyang sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Babe, tinawagan ako ni Maisy kanina, nag-away daw kayo nina Jeffrey at Sadie sa ospital dahil sa blood transfusion niya.
“Sa tingin ko ay hindi angkop na ginawa mo iyon. Gagalitin mo sila, at kailangan din ni Maisy ang dugo mo. Masisira ang relasyon mo sa kanila kung iiwan mo sila kaagad.
“Nasaan ka? Pupuntahan kita, at kailangan mong humingi ng tawad kina Jeffrey at Sadie mamaya! Pupunta tayo sa ospital bukas nang maaga.
“At saka, gusto mo bang manood ng sine pagkatapos mong mag-donate ng dugo?” Sinuyo siya ni Christopher mula sa kabilang dulo ng phone.
Kinuyom ni Skylar ang kanyang phone. Minahal niya si Christopher nang buong puso noon, at hindi natitinag ang damdamin niya sa lalaki mula hayskul hanggang kolehiyo.
Noong araw na nakapagtapos ang lalaki, sinabi nitong siya ang mahal nito sa buhay at sinabi nitong gusto siya nitong pakasalan.
Sa puntong ito, naisip ni Skylar na ang mga pangako ng lalaki ay walang iba kundi kalokohan. Lahat ng naranasan niya sa taong paralisado siya ay parang kahapon lang sa kanya.
Bahagyang nagalit si Christopher sa pagiging tameme ni Skylar. “Babe, nandiyan ka ba? Wala bang signal diyan? Dapat bang i-text kita sa WhatsApp?”
“Makikipaghiwalay na ako sa’yo, tanga.” Hindi na kinaya ni Skylar na mgkaroon pa ng kinalaman kay Christopher. Mabilis niyang ibinaba ang tawag.
Nagsimulang tumunog ang kanyang phone ng mga notification, ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi pa niya na-block si Christopher dahil hindi pa ito ang tamang oras para gawin iyon.
Hindi nagtagal, dumating si Skylar sa pamamahay ng mga William. Si Jeffrey at ang iba ay hindi pa nakakabalik dahil sa mabigat na daloy ng trapiko. Malamang na hindi sila makakarating sa loob ng 30 pang minuto.
Dahil bagong lipat si Skylar doon mga anim na buwan na ang nakalipas, wala siyang masyadong gamit. Sapat na ang isang maleta para makapag-impake siya ng mga gamit niya.
Pagbaba niya ng hagdan, nakita niya ang antigong painting na nakasabit sa sulok ng sala.
Ang painting ay nakabitin sa lugar na hindi mahalata. Tatlong mahabang buwan na ang ginugol ni Skylar sa pagpapanumbalik nito para maibigay niya ito kay Sadie bilang regalo sa kaarawan nito, ngunit hindi natuwa si Sadie.
Sinabihan niya ang kasambahay na isabit iyon sa hindi gaanong nakikitang lugar sa sala.
Nalungkot si Skylar noon. Mukhang naiinip pa si Sadie nang mag-alok si Skylar na ipaliwanag ang pinagmulan at kahalagahan ng painting. Sa kabilang banda, malugod niyang tinanggap ang designer bag na ibinigay sa kanya ni Maisy.
Tiyak na hindi karapat-dapat kay Sadie ang painting, at hindi rin karapat-dapat sa kanya ang sinseridad ni Skylar.
Humakbang si Skylar patungo sa painting at maingat itong tinanggal sa dingding. Matapos itong irolyo nang maingat, itinago niya ito sa kanyang maleta.
Bumalik sina Jeffrey, Sadie, at Maisy pagkatapos ng 40 minuto. Patingin-tingin sa paligid at napagtantong wala na si Skylar, kumunot ang noo ni Sadie. “Lucy, bumalik na ba si Skylar?”
Ang katulong, si Lucy Sanders, ay nagmamadaling isinantabi ang kanyang trabaho at sumagot, “Bumalik si Ms. Skylar kalahating oras na ang nakalipas, pagkatapos ay umalis siya ulit na may dalang maleta.”
“Umalis na may dalang maleta?” tili ni Sadie.
“Opo, Mrs. Williams.” Tumango si Lucy.
Natigilan si Maisy. Inakala niyang sasalubungin siya ng mukhang tupa na si Skylar at ang kanyang paghingi ng tawad. Hindi ba sinabi ni Christopher na maayos naman ito?
“Lumayas na ba siya sa bahay?” tanong ni Maisy.
Galit na galit si Jeffrey. “Kung meron siyang lakas ng loob na maglayas, huwag niyang maisip-isip na bumalik! Nakakabastos! Ipapaputol ko na ang credit card niya ngayon!” Si Skylar ay talagang nagdala ng kahihiyan sa kanya.
“Titignan ko ang kwarto niya. Baka tinatakot niya lang tayo sa pamamagitan ng paglayas. Gusto niya rin siguro ng sasakyan. Managinip siya!” Nakakunot ang noo, umakyat si Sadie sa kwarto ni Skylar.
Bihira siyang pumasok sa kwarto ni Skylar. Pagbukas niya ng pinto, saglit siyang nagulat sa walang laman at payak na kwarto. Isang pakiramdam ng pagkabalisa ang bumalot sa kanya.
“Mom, sa tingin ko ay aalis na ako. Ayaw ata akong makita ni Skylar dito sa bahay. Babalik siya kapag wala na ako.” Sabi ni Maisy, palapit kay Sadie. Napansin niyang naligaw si Sadie sa mga saloobin nito.
Naramdaman ni Maisy na ang mga bagay ay tumatakbo sa labas ng kanyang kontrol. Dapat siya lang ang layaw sa pamilyang ito! Si Skylar ay sinadya upang palaging maging mas mababa sa kanya.
Nang bumalik sa katinuan si Sadie, lumingon si Sadie kay Maisy at malambing na sinabi, “Isipin mo na lang kung ano ang magiging pakiramdam niya kung kasing bait mo siya. Huwag mo na lang siyang pansinin. Pwede siyang lumayas kahit kailan niya gusto.”
“Sa probinsya kasi lumaki si Skylar. Normal lang na kulang siya sa kagandahang-asal dahil elementarya lang ang natapos ng nanay niya.
“Mom, mas magiging matino siya kapag tuturuan natin siya. Igagalang niya kayo ni Dad gaya ng ginagawa ko,” bulalas ni Maisy.
Naiinis si Sadie sa tuwing nababalitaan niya ang nakaraan ni Skylar.
“Ilang taon nang nag-aaral si Skylar sa kolehiyo, ‘di ba? Sa totoo lang, dapat responsible na siya. Ang totoo, makitid ang utak niya at walang utang na loob!
“Huwag mo na siyang intindihin. Bumaba na tayo at kumain,” sabi niya.
…
Sa taksi, tinatanaw ni Skylar ang mataong kalye sa labas ng bintana. Parang panaginip ang lahat—talagang ipinanganak siyang muli.
“Miss, tumutunog ang phone mo.” Sinulyapan siya ng drayber sa pamamagitan ng rearview mirror.
Naisip nito na maganda siya. Mukhang nasa edad bandang 20 pa lang siya, pero iba ang sinasabi ng matamlay niyang mga mata. May nangyari ba sa kanya? Walang tigil ang pagtunog ng kanyang phone.
“Ayos lang. Scammers lang ‘yon,” sagot ni Skylar, habang nakatingin sa phone niya. Si Christopher ay nagtadtad ng mga mensahe sa kanya sa WhatsApp.
Naiisip niya na kung gaano kabalisa ang lalaki ngayon, ngunit ang imaheng iyon sa kanyang isipan ay agad na napatungan ng imahe ng lalaking nakikipagtalik kay Maisy. Humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya, at tumigil ang pagtunog nito.
May isa pang tawag agad na pumasok.
Bahagyang nanginig ang mga pilikmata ni Skylar nang makitang galing iyon kay Joe.