Kabanata 1
Nakaratay sa maruming silid, pinandilatan ni Skylar Sullivan ang dalawang tao sa sopa. Nabali ang kanyang mga paa’t kamay dahil sa aksidente sa sasakyan, at siya na ngayon ay nakaparalisa sa makitid na kama.
Hindi man lang siya pinansin ng dalawa sa sopa—o mas tumpak bang sabihing hindi man lang siya tinuring na tao?
Sabi ni Christopher Fowler, “Hindi ko naman siya kailanman ginusto. Siya yung panay ang habol sa’kin. Maisy, gusto na kita mula pa noong college! Ikaw ang minamahal ko.”
Humagikgik si Maisy Williams. “Sasama ba ang loob niya kung gagawin natin ‘to? Dapat ba tayong kumuha ng tutulong sa kanya?”
“Para namang may magkakagusto pa diyan sa estadong ganiyan!”
Gusto ni Skylar na isumpa sila dahil sa kanilang kabastusan, ngunit halos hindi na siya makapagbitaw ng salita dahil sa matagal na pagkagutom.
Walang nag-aalaga sa kanya mula nang siya ay napilayan. Pumantal na sa kanyang katawan dahil sa tagal niya nang nakahiga, at ang kanyang balat ay nagsimula nang mabulok, na naglalabas ng mabahong amoy.
Si Christopher ay naging kasintahan niya sa loob ng pitong taon, at kilala niya ito mula pa noong bata pa siya. Lumaki si Maisy kasama ang kanyang mga magulang bilang kahalili niya, ipinapasa dito ang posisyon niya bilang supling ng pamilyang Williams.
Nanatili ang tingin ni Skylar sa hindi mabilang na mga marka ng karayom sa kanyang braso. Naalala niya kung paanong ang kanyang dugo ay walang tigil na kinukuha para maisalin kay Maisy. Gayunpaman, ganito ang iginanti nila sa kanya.
“Skylar, hindi ka na nga dapat nabubuhay pa! Ang nag-iisang buhay mo ang nagpapaalala sa akin ng pinanggaling ko. Ano naman kung ikaw ang biyolohikal na anak nina Mom and Dad? Hindi naman ganoon ang turing nila sa’yo. Sa halip, ginamit ka nila bilang personal kong blood bank.”
Hinalikan ni Maisy ang mga labi ni Christopher, ang mapanghusgang titig niya ay bumungad kay Skylar. “Kahit ang lalaki mo ay akin na ngayon.”
“Walang kwenta ang eksistensya niya. Dapat pang ikarangal niya na napagsilbihan ka niya bilang blood bank mo. Kung hindi, paano natin siya hahayaang mabuhay hanggang ngayon?” Nakatitig kay Maisy na may malalim na pagkahumaling na mga mata, hinigpitan ni Christopher ang yakap sa kanya.
“Totoo naman. Pero ngayong gumaling na ako, hindi ko na siya kailangan. Bakit hindi pa siya patay, kahit ilang araw na natin siyang ginutom?”
“Pilitin natin siyang painumin ng mga gamot mamaya. Saglit lang ang aabutin noon at mamatay na siya!”
Napuno ng luha ang payat na mukha ni Skylar. Sa sobrang poot, pinandilatan niya sila habang ang matinding init na sensasyon ay nagsimulang dumaloy sa kanyang katawan.
Pakiramdam niya ay sinusunog siya nang buhay sa sobrang dami ng gamot. Naubusan ng dugo ang kanyang mukha, at sinipsip ang buhay mula sa kanya, nilulunod siya sa pagsisisi habang nawalan siya ng malay.
…
“Skye, kaunting tiis pa. 14 ounces na lang ang kailangan namin. Hindi ka ba makokonsensya kung may mangyari kay Maisy?”
“Oo, inuwi ka pa rin naman namin pagkatapos ng lahat. Kinuha mo na ang lahat kay Maisy, at naging masunurin siya sa amin bilang kapalit mo sa lahat ng mga taon na ito. Hinihiling lang namin sa’yo na bigyan mo siya ng higit pang dugo. Huwag ka nang magpakipot!”
Isang may edad na mag-asawa, sina Jeffrey Williams at Sadie Coleman, ang nanermon kay Skylar, halata ang pagkamuhi sa kanilang tono.
Napangiwi sila kay Skylar, na ang ulo ay nakayuko sa katahimikan. Ang panghahamak sa kanilang mga ekspresyon ay sumasalamin sa isa’t-isa.
Si Maisy, gayunpaman, ay nakakandong sa kanilang mga bisig. Ang paraan ng kanilang pag-aalaga sa kanya sa harap ni Skylar ay nagpamukhang parang kaaway nila si Skylar kung ikukumpara.
“Dad, Mom, ayos lang ako. Huwag ninyo na nang guluhin si Skylar. Galit siya sa akin dahil hindi pa sapat ang ginawa ko,” pakiusap ni Maisy na nawalan ng kulay ang mukha.
Nalungkot sina Jeffrey at Sadie. Muli nilang sinigawan si Skylar, “Pasaway ka! Bakit hindi ka naawa kay Maisy?”
“Hindi na kailangan ang permiso niya. Kami ang mga magulang niya, at kami ang magdedesisyon para sa kanya. Ipagpatuloy ninyo lang ang operasyon,” utos nila sa nars.
Biglang bumangon si Skylar. Tinuya niya ang kanyang biyolohikal na mga magulang, sa wakas ay napagtanto na siya ay isinilang na muli.
Ginugol niya ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa desperadong pagsisikap na pasayahin ang mga ito pagkatapos nilang maiuwi siya sa bahay.
Dahil siya ay may parehong napakabihirang uri ng dugo tulad ni Maisy—Rh-negative—napagkamalan nina Jeffrey at Sadie na si Maisy ang anak nila.
Madalas nilang sabihin kay Skylar na magbigay ng dugo kay Maisy. Ni minsan ay hindi niya tinanggihan ang kanilang mga kahilingan; kung tutuusin, gusto niyang pasayahin sila.
Sa tuwing ginagawa niya ito, siya ay inuulanan ng mga sermon. Gayunpaman, naisip niya na hindi niya pa nagawa ang lahat para mapabilib sila. Sa kabila ng mabilis na paghina ng kanyang kalusugan pagkatapos ng bawat pagsasalin ng dugo, sinunod niya ang kanilang kahilingan.
Ang paraan ni Maisy na patuloy na nagkukunwaring masunurin at inosente sa harap nila ay nagpamukhang masama si Skylar.
Nagtiis si Skylar ng napakahabang panahon ng pagpapahirap bago siya namatay. Sa totoo lang, dumugo siya sa kamatayan!
“Anong tinitingin-tingin mo? Tigilan mo nga ‘yan! Tatakutin mo si Maisy. Wala talaga akong maasahang respeto sa katulad mo,” pagkastigo ni Sadie.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jeffrey. “Skye, hindi ka nagbe-behave nang maayos ngayon. Hindi ako natutuwa! Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka, pero huwag kang gumawa ng eksena sa ospital.”
“Skylar, ibibigay ko na ang regalo ko sa’yo, okay? Isang Ferrari na natanggap ko kay Dad kahapon. Kailangan ko talaga ng dugo mo. Ipinapangako kong ibibigay ko ang lahat ng magagandang meron ako sa hinaharap. Huwag ka nang magalit sa’kin,” pagmamakaawa ni Maisy sabay hawak sa kamay ni Skylar.
“Anong sinasabi mo? Rgalo mo ‘yon! Bakit mo siya bibigyan ng kotse kung hindi man lang siya marunong magmaneho?
“Skye, pasaway ka! Bakit ba lagi mong pinagnanasaan ang mga gamit ni Maisy? Inilayo mo na kami sa kanya, tapos ngayon inaagaw mo na rin ang mga gamit niya?” Galit na galit si Sadie. Nagtaas siya ng kamay para hampasin si Skylar.
Isang matagumpay na kinang ang kumislap sa mga mata ni Maisy. Ano naman kung si Skylar ay ang biyolohikal na anak nina Jeffrey at Sadie? Mas mababa pa ito siya sa kanya.
Dumausdos ang walang pakialam na tingin ni Skylar kay Sadie.
Natigilan si Sadie, pakiramdam niya ay hindi mapakali. “Anong gusto mo?”
“Umupo ka! Tumigil ka sa paggawa ng eksena!” sigaw ni Jeffrey.
Malungkot na tanong ni Skylar, “Mamamatay ba siya nang walang dugo ko?”
“Skylar, g-gusto mo bang mamatay na ako?” Napaatras si Maisy na tila nabigla sa sinabi ni Skylar.
“Bakit ang damot mo? Gusto mo ba talagang patayin si Maisy? Bakit ko ba ipinanganak ang halimaw na tulad mo? Nakakadismaya ka. Pinagsisisihan kong inuwi pa kita sa pamilya namin!” Sigaw ni Sadie, namumula ang mukha niya sa galit. Talagang kinasusuklaman ni Sadie si Skylar. Tuluy-tuloy siyang nahuhulog sa kahihiyan sa tuwing lumalabas siya kasama si Skylar.
Sa totoo lang, si Skylar ay hindi naman masunurin at makonsiderasyon na bata. Anong malaking problema tungkol sa pagbibigay ng ilan sa kanyang dugo?
“Skylar, hindi na ganoon kaganda ang kalusugan ni Mom. Huwag mo na siyang galitin, okay? Kasalanan ko ang lahat.” Humihikbi si Maisy.
Tumigas ang ekspresyon ni Jeffrey habang pinagmamasdan si Skylar gaya ng lagi niyang ginagawa. “Skylar, humingi ka ng tawad sa nanay mo at kay Maisy!”
Sa kanyang nakaraang buhay, si Skylar ay masunurin na humingi ng tawad sa tuwing si Jeffrey ay umuungal sa kanya para sa paghingi ng tawad pagkatapos nilang ibato sa kanya ang lahat ng uri ng mga akusasyon. Gayunpaman, hindi ito naging sapat upang masiyahan sila.
Nagreklamo sila na nagpapanggap lamang siyang mahina pagkatapos ng bawat pagsasalin, na nagresulta sa napakakaunting dugo na nakuha mula sa kanya.
Napatingin si Skylar sa mga marka ng karayom sa braso niya, “Kayo dapat ang humihingi ng tawad. Pero kahit humingi pa kayo ng tawad, hindi ko tatanggapin. Magtutuos tayo balang araw.” Ang kanyang tono ay naging matatag.
Nang bumagsak ang kanyang huling salita, naglakad siya palabas ng ospital. Bigla na lang, dumagan ang sakit sa kanyang unang hakbang.
Namumula ang mga mata niya habang nakatingin sa paa niya. Napakasarap sa pakiramdam na makalakad ulit. Makikipagtuos siya sa kanila kinalaunan. Sa ngayon, may mas importante siyang dapat itigil.