Kabanata 9
Ang Raven Hotel ay ang pinakamagarang hotel sa Ravenview City. Tinatangkilik ito ng mayayaman at prominenteng tao sa lipunan.
Masaya ang hotel ngayon dahil ngayon ang araw ng kasal nina Tyler at Maria. Nakasuot silang dalawa ng pangkasal habang sinalubong nila ang mga bisita sa entrance.
Napakaraming bisita ang dumating, at karamihan sa kanila ay mula sa mga prominenteng pamilya sa lungsod.
Lalong lumlakas ang Cadwell family sa bawat taon at itinuring na sila ngayong parte ng mga prominenteng pamilyang ito.
Pero ang isa pang dahilan kung bakit dumalo ang mga pamilyang ito ay dahil sa Supreme One.
Pinakalat ni Tyler ang balita na dadalo ang Supreme One sa kasal niya na isang nakakagulat na balita sa marami. Kung totoo ito, mas lalo pang aangat ang katayuan ng Cadwell family.
Pwede nilang hindi pansinin ang Cadwell family, pero hindi nila magagawa iyon sa Supreme One.
Kanina pa hinihintay ni Tyler ang Supreme One na magpakita ngunit hindi niya siya nakita.
Nang dumating na ang karamihan sa mga panauhin at magsisimula na ang kasal.
Dadalhin na niya si Maria sa hotel nang huminto ang isang taxi sa harapan nila. Isang lalaking nakasuot ng kaswal na kasuotan ang bumaba mula rito. Pagkatapos ay naglakad siya papalapit nang nakapamulsa ang mga kamay.
“Anong ginagawa mo rito, hampaslupa?” Dumilim ang mukha ni Tyler nang nakita niyang si Sebastian iyon.
“Wala ka nang kinalaman dito!” Suminghal si Sebastian at naglakad papasok sa hotel. Hindi niya gustong magsayang ng oras niya kay Tyler.
“Huminto ka diyan!* Hinawakan ni Tyler ang braso ni Sebastian. “Kasal namin ni Maria ngayon at nirntahaj ko ang buong hotel! Binabalak mo bang kumain nang libre?”
Umirap si Maria at namumuhing nagsabi, “Hindi pa ako nakakita ng ganito kawalanghiyamg tao. Pumunta ka sa kasal ang ex-fiancée mo para lang makakain nang libre? Hanggang saan mo ba ipapahiya ang sarili mo?”
Pinagbantaan nang diretso ni Tyler si Sebastian, “Binabalaan kita, hayop ka—tapos na ang engagement mo kay Maria, kaya lumayas ka na kung alam mo ang makakabuti sa'yo! Tuturuan kita ng leksyon kapag gumawa ka ng eksena!”
“Sigurado ka bang nirentahan mo ang buong hotel?” Ngumisi si Sebastian.
“Syempre. Maliban sa isang private suite,” mapagmataas na sagot ni Tyler. Gusto niyang rentahaj ang buong hotel sa araw na ito, ngunit na-book na ng isang makapangyarihang panauhin ang isa sa mga kwarto.
“Ayun na nga. Iyon ang kwartong pupuntahan ko ngayon, hindi ang kasal mo. Ngayon, umalis ka na sa daraanan ko,” naiinis na sabi ni Sebastian.
“Pupunta ka sa private suite?” Ngumisi si Tyler. “Kilala mo ba kung sino ang naroon, bata? Sila ang pinakaprestihiyosong pamilya sa Ravenview City—ang mga Smith.
“Nagsasagawa sila ng isang pagdiriwang para sa isang dakilang panauhin ngayon. Sinasabi mo bang ikaw ang panauhing hinihintay nila?”
Tumango si Sebastian. “Oo. Ganun na nga.”
Natawa sina Tyler at Maria.
“Nagbibiro ka ba? Ang tapang mo para sabihing ikaw ang panauhin ng Smith family! Nakita mo na ba ang sarili mo?” Suminghal si Tyler.
Sumimangot si Maria. “Wag mong isiping kaya mong magpanggap na panauhin ng mga Smith dahil lang kilala mo si Ms. Smith. Nagsaliksik na ako—wala ka lang kundi isang manloloko na nagpanggap na isang doktor.
“Hinanap ka ni Ms. Smith nitong nakaraan para gamutin mo ang lolo niya. Pero nabisto ang kalokohan mo sa sandaling dumating ka sa ospital dahil naroon si Dr. Matt Ricky! Pinalayas ka pa ng Smith family!”
“Alam mo ba kung anong nangyari pagkatapos?” Tanong ni Sebastian.
Ngumisi si Maria. “Hindi ko kailangang magsaliksik para malamang nailigtas ni Dr. Ricky si Mr. Smith! Pwede kang manloko ng mga tao hanggang sa gusto mo, pero tuturuan kita ng leksyong hindi mo makakalimutan kapag sinubukan mong lokohin ang mga bisita sa kasal ko!”
Kuminang nang malamig ang mga mata ni Sebastian. “Hindi ko gustong magsayang ng oras sa'yo. Pero dahil nagpupumilit kang galitin ako, wala nang dahilan para magpatuloy ang kasal mo! Ngayon, lumayas na kayo!”
Pagkatapos ay tinabig niya si Maria at pumasok sa venue.
“Ang lakas ng loob mong sabihin ako, basura ka!” Galit na sigaw ni Maria bago tumakbo papasok kasama ni Tyler.
Nakahanap si Sebastian ng mauupuan sa venue. Kung gustong makipaglaro nina Maria at Tyler sa kanya, ganun din ang gagawin niya sa kanila.
“Hindi ba yan ang ex-fiancé ni Ms. Lisbon? Anong ginagawa niya rito?”
“Bakit siya dumalo sa kasal ng ex-fiancée niya?”
“Ang tapang niya. Kung ako yan, magmamakaawa na akong lamunin ng lupa sa puntong ito.”
“Nanggaling siya sa kahirapan, di ba? Walang kahulugan ang dangal sa mga taong kagaya niya.”
Kinutya ng mga panauhin si Sebastian na karamihan ay nakita siya noon sa Lisbon residence.
At saka, nagpadala si Maria ng tao para sundan si Sebastian pagkatapos niyang umalis sa bahay niya nitong isang araw. Gusto niyang malaman kung anong relasyon nina Sebastian at Lillian.
Ngunit nakatanggap kaagad ng balita ang tao ni Maria na isang manloloko si Sebastian at nabisto siya kaagad ni Matt. Pagkatapos ay napilitan si Sebastian na umalis sa ospital.
Kaya't natural na hindi pinigilan ng mga panauhin ang pangungutya nila ngayong inisip nilang basura si Sebastian.
Tumakbo papasok sina Maria at Tyler sa sandaling iyon. Gusto nilang gumawa ng gulo kay Sebastian ngunit nagpigil sila dahil baka isa ang Supreme One sa mga panauhin nila ngayon.
Lumapit si Tyler sa tabi ni Sebastian at tinapik ang balikat niya. “Hoy bata, palalampasin kita ngayon dahil ngayon ang araw ng kasal ko. Pwede ka ring kumain. Maghahanda ako ng espesyal na pagkain para lang sa'yo.”
Pagkatapos ay sinabihan ni Tyler ang hotel staff, “Kumuha ka ng dog food at ilapag mo sa tabi ng pinto!”
May ilang hotel na may nakatabing pagkain ng aso. Isa rito ang Raven Hotel. Mabilis na nilapag ng isa sa mga server ang isang mangkok ng pagkain ng aso sa pintuan ng kasal.
Pagkatapos ay nagsalita si Tyler nang nakangisi, “High-class na dog food to, bata. Hindi mo to mahahanap kahit saan, kaya sige lang at kumain ka na.”
Tumawa ang mga bisita.
Sa hindi inaasahan, hindi nagalit si Sebastian. Pumikit lang siya at nagpatuloy na tapikin ang mga daliri niya sa mesa sa harapan niya.
“Dumating na si Ms. Green.”
Nang narinig ni Tyler na nandito si Natalie, kaagad siyang lumabas kasama ni Maria para salubungin siya.
“Welcome, Ms. Green!” Binati siya ni Tyler habang tumingin sa paligid. “Nasaan ang Supreme One?”
“Nakarating na siya,” nakangiting sabi ni Natalie.
“Saan? Hindi pa namin siya nakikita.” Nagtaka si Tyler.
“Kasalukuyang nagpapahinga ang Supreme One sa hotel room niya.” Pagkatapos ay nilabas ni Natalie ang isang hotel key at iniabot ito kay Maria. “Bakit di mo puntahan ang Supreme One, Ms. Lisbon? Mr. Cadwell, may gusto akong pag-usapan nating dalawa.”
Nagmadali kaagad si Maria sa hotel room. Sabik na sabik siyang makita ang Supreme One pagkatapos ng lahat ng nangyari. At silang dalawa lang rin ang nasa kwarto. Ang laking pagkakataon nito!
Nagpasya na si Maria na ibigay ang lahat ng makakaya niya para akitin ang Supreme One. Magiging masaya na siyang maging kabit niya.
Ang Supreme One ay isang napakamakapangyarihang lalaki. Madadala niya si Maria sa matinding tagumpay sa hinaharap.
Pinindot ni Maria ang doorbell ng kwarto at kinakabahang naghintay sa labas.
“Pasok,” isang boses ng lalaki ang narinig mula sa kwarto.
Inisip ni Maria na medyo pamilyar ang boses pero isinantabi niya ang pakiramdam na ito. Binuksan niya ang pinto at naglakad papasok.
Nalaglag ang panga niya sa gulat nang nakita niya kung sino ang nasa loob ng hotel room.