Kabanata 10
Isang matandang lalaki ang nakaupo sa sofa sa hotel room.
Nang hindi alam ni Maria, si Sebastian pala ito mismo. Pero sa puntong ito, pangmatandang lalaki ang mukha niya. Puting-puti ang buhok niya at malikot at maraming peklat ang mukha niya.
“Ikaw ba ang Supreme One?” Takot na tanong ni Maria na biglang nakaramdam ng kagustuhang umalis.
Kahit na sinasabing ang Supreme One ay isang matanda at pangit na lalaki, hindi inasahan ni Maria na ganito siya kapangit at katanda!
“Pinagdududahan mo ba ako?” Nagalit si Sebastian kay Maria at nanginig siya sa takot.
Pagkatapos ay napaluhod siya at nagsabing, “Hinding-hindi ko gagawin yun! Patawarin mo ko, Supreme One.”
“Maaari ka nang tumayo,” sabi ni Sebastian.
“Salamat, Supreme One.” Bumuntong-hininga si Maria pagkatapos dumiretso muli ng tayo. Nilabanan niya ang takot niya at nagpasyang akitin ang matanda kahit ano pang itsura niya.
Kampante si Maria sa itsura at katawan niya. At saka, napakaganda ng suot niya bilang isang bride ngayon. Kung kaya't sigurado siyang guguho ang loob ng kahit na sinong lalaki kapag nakita siya.
“Ayos lang ba kung umupo ako sa tabi mo, Supreme One?” Nag-iingat na tanong ni Maria.
Tumango si Sebastian.
Masayang umupo si Maria sa tabi niya. Nilagay niya pa ang kamay niya sa hita ni Sebastian. Nang hindi kumibo si Sebastian, dahan-dahan niyang nilapit ang sarili niya at hinalikan ang leeg at pisngi niya.
Nilagay niya pa ang kamay ni Sebastian sa pagitan ng mga binti niya.
Nang hahalikan na niya siya sa labi, pinigilan niya siya. “Sa tingin ko hindi tama ito. Lalo na't ikaw ang bride ngayong araw.”
“Ang pinakamalaking hiling ko ay ang mapagsilbihan ka, Supreme One. Pwede ko pa ngang ipakansela ang kasal kung gusto mo,” umaasang tumingin si Maria kay Sebastian.
“Ikakasal ka na. Wala ka bang nararamdaman para sa fiancé mo?” Tanong ni Sebastian.
“Paano akong magkakagusto sa isang baduy na lalaking kagaya ni Tyler?” Suminghal si Maria. “Hindi mo man to alam, Supreme One, pero matagal nang baog si Tyler dahil masyadong marami na ang kinama niya.
“Pinapakasalan ko lang siya para tulungan ang pamilya ko. Wala kaming nararamdaman sa isa't-isa. Isa pa rin akong birhen ngayon, kaya hayaan mong tanggapin ko ang karangalan na ikaw ang unang makakagalaw sa'kin.”
Namula si Maria at nagsimulang maghubad ng underwear habang hinintay si Sebastian na lumundag sa kanya.
Ngumisi si Sebastian. Napakawalanghiyang babae ni Maria, nanlandi siya ng ibang lalaki sa araw ng kasal niya.
“May isa ka pang fiancé bago ito, di ba, Maria? Pero ngayon, kinansela mo ang damit mong engagement at nagpasya kang pakasalan si Tyler. Pinagsisihan mo ba yun?” Tanong ni Sebastian.
“Ang hampaslupang si Sebastian ba ang tinutukoy mo? Nandidiri ako sa kanya.” Umaasang sabi ni Maria. “Wag na nating pag-usapan to, Supreme One. Kunin mo na ako.”
“Humarap ka at tignan mo kung sino ako, maria.”
“Ikaw ang Supreme…” kaagad na humarap si Maria.
Hinubad na ni Sebastian ang maskara niya at pinakita ang gwapong mukha niya.
“Sebastian?” Bulalas ni Maria.
“Gulat ka no? Ang lalaking pinaghihirapan mong makuha ay ang tinatawag mong ‘hampaslupa,’” sarkastikong sabi ni Sebastian.
“Ang lakas ng loob mong magpanggap na Supreme One!” Sigaw ni Maria sa galit na may kasabay na hiya dahil si Sebastian pala ang inaakit niya kanina.
Gusto niyang lamunin na siya ng lupa ngayon din!
“May patunay ka ba sa sabi mo?” Ngumisi si Sebastian.
“Hindi ko to palalampasin nang basta-basta, gago ka. Maghintay ka lang!” galit na sabi ni Maria bago mabilis na umalis sa kwarto.
Nasa gitna si Tyler ng pakikipag-usap sa mga panauhin niya nang nakita niya si Maria na nagmadali pababa. Mabilis siyang nagtanong. “Nasaan ang Supreme One?”
“Nagsinungaling si Natalie Green sa'tin. Walang tao sa kwartong iyon,” reklamo ni Maria.
Hindi niya binanggit si Sebastian dahil mahihirapan siyang kontrolin ang lahat kapag nagsimula siyang magsalita tungkol sa nangyari.
“Ang putang iyon. Kinuha niya pa ang pera ko! Tuturuan ko siya ng leksyon maya-mayaang!” Galit na sambit ni Tyler.
Pero hindi talaga siya magtatangkang habulin si Natalie dahil hindi niya siya kayang banggain.
Bigla na lang, isang video ang nagsimulang mag-play sa projector screen sa ibabaw ng entablado.
Nakita ritong inaakit ni Maria si Sebastian. Malabo ang mukha ni Sebastian, ngunit hindi kay Maria.
Nanlaki ang mga mata ng mga bisita sa gulat habang nagsibulungan sila sa isa't-isa.
“Sinong mag-aakalang ang isang taong kasing hinhin ni Maria ay ganito pala kalandi sa likod ng eksena? Sinubukan niyang mang-akit ng ibang lalaki sa araw ng kasal niya? Ang landi niya.”
“Lalo na't maganda ang katawan ni Maria para mabigyan ng katwiran ang mga ginawa niya. Pero kawawa si Mr. Caldwell. Niloko siya bago pa ang kasal niya.”
Maraming bisita ngayon ang nakatingin kay Maria nang may bagong pagnanasa. Iniisip na nila kung paano magsasaya kasama niya.
Samantala, nakatalikod sina Tyler at Maria sa projector screen. Mabilis silang lumingon nang napansin nilang may mali sa reaksyon ng mga bisita.
Kaagad na namula si Maria sa niya. Nabalot siya ng takot.
Sa tabi niya, sumigaw si Tyler, “Patayin niyo yan! Patayin niyo yan sabi eh!”
Sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa tumigil na ang projection pagkalipas ng isang minuto.
Pagkatapos ay tinitigan nang masama ni Tyler si Maria.
Nanginig sa takot si Maria. “Makinig ka sa'kin, honey. Hindi ito kagaya ng iniisip mo.”
“Kakausapin kita pag-uwi natin!” Tinitigan siya ulit nang masama ni Tyler bago hinarap ang mga bisita.
Pinilit niyang ngumiti at nagsabing, “Peke ang video na nag-play kanina. May gustong mamahiya sa'min kaya wag sana kayong maniwala rito.”
Pero wala sa mga bisita ang naniwala sa paliwanag ni Tyler. Sobreng nagalit si Tyler dahil alam niyang ganun na nga ang nangyari.
Biglang bumaba si Sebastian sa sandaling iyon. Kaagad na tumakbo si Tyler papunta sa kanya at sumigaw, “Ikaw ang may gawa nito, ano, gago ka? Papatayin kita!”
Galit ding sumugod si Maria kay Sebastian.
Bigla na lang, sinampal siya ni Sebastian sa mukha.
“Sinampal mo ba ako?” Hindi makapaniwala nagtanong si Maria habang hawak ang mahapding pisngi niya.
“Mamamatay ka ngayong araw, bata!” Sigaw ni Tyler at tinaas niya ang kamay niya para saktan si Sebastian.
Pero nauna si Sebastian at mabilis niyang sinampal pati si Tyler. Sa sobrang lakas ng pwersa nito ay bumakat ang pulang marka ng nanay sa pisngi niya at nagsimulang dumugo ang gilid ng labi niya.
“Kumusta ang pakiramdam? Ito ang nararapat sa inyo sa pangmamata niyo sa'kin,” sabi ni Sebastian kay Tyler bago siya sampalin ulit.
Natulala si Tyler sa mga sampal at tumumba sa lapag.
“Sinampal ba niya si Mr. Cadwell? Hinuhukay na niya ang libingan niya sa puntong ito.”
“Nandito si Mr. Fisk! Katapusan na ng batang to.”
Isang medyo may edad na lalaki ang mabilis na lumapit. “Sinong nanakit sa anak ko?”
“Dad, sakto ang dating mo!” Tumakbo si Tyler papunta sa tabi ng tatay niya bago nanggagalaiting tinuro si Sebastian. “Siya ang nanakit sa'kin! Papatayin ko siya!”
“Ikaw!” Nakilala kaagad ni Fisk Cadwell si Sebastian. “Ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko, basura ka? Bugbugin niyo siya at ibato palabas!”
Ilang mga lalaking nakakatakot tingnan ang nagsitakbo papunta kay Sebastian.
“Sandali!”
Isang babae ang biglang lumitaw sa hall nang nakalapit ang mga lalaki kay Sebastian.
“Anong ginagawa mo rito, Ms. Smith?” Binata siya ni Fisk at nginitian siya.
Iyon ay si Lillian.
“Anong ginagawa niyong lahat?” Galit na sabi ni Lillian.
Tinuro ni Fisk si Sebastian at nagsabing, “Tuturuan ko sana ng leksyon ang hayop na'to. Nagpunta siya rito para gumawa ng gulo sa kasal ng anak ko at umatake pa niya ang anak ko at ang asawa niya.”
“Si Mr. Wilder ay bisita ng pamilya namin. Ang kung sinomang aatake sa kanya ay magiging kalaban ng pamilya ko,” sabi ni Lillian at tumayo sa tabi ni Sebastian. Para siyang isang makapangyarihang reynang nangingibabaw sa lahat.
Bumulong si Sebastian sa tainga niya, “Wala ka naman sigurong gusto sa'kin, ano? Hindi mo inasahang masyado ka palang nag-aalala para sa'kin.”
“Wag mong masyadong isipin yan. Hindi ako magsasayang ng oras sa'yo kung hindi ako inutusan ng lolo ko,” sabi ni Lillian nang may pilit na ngiti.
Hindi niya kinaayawan si Sebastian, pero hindi niya rin siya gusto.
“Bakit di mo na lang ako pakasalan? May nangyari na sa'tin, at mukhang gustong-gusto ako ng lolo mo,” suhestiyon ni Sebastian nang nakangisi.
Lumingon si Lillian kay Sebastian at galit na nagsabi, “Nakaraan na yun. Wag mo na ulit babanggitin yan, kundi wag mo kong sisihin kapag may magawa ako!”
Samantala, matindi ang pinag-uusapan ng Lisbon family at Cadwell family.
Hindi nila gustong kalabanin ang Smith family, pero hindi nila pwedeng palampasin si Sebastian dahil sinampal niya sina Tyler at Maria sa sarili nilang kasal. Kung hindi, magiging katatawanan sila ng buong lungsod!
Pagkatapos magkasundo ng dalawang pamilya, lumapit sila kay Lillian.
“Tignan mo ang mga mukha ng anak ko at ng asawa niya, Ms. Smith. Tignan mo ang ginawa ni Mr. Wilder sa kanila!” sumbat ni Fisk.
Nagpatuloy siya, “Palalampasin ko to kung naibang araw lang ito bilang respeto sa pamilya mo.
“Pero dahil ngayon ang kasal ng dalawa, mawawala ang respeto sa'min ng mga bisita namin kapag wala kaming ginawa! Masisira ang dangal ng mga pamilya namin sa Ravenview City!”
Nanggalaiti rin si Clement. “Mismo! Kailangang magbayad ang hayop na'to!”
“Iniligtas ni Mr. Wilder ang buhay ng lolo ko kaya hindi ako pwedeng umupo na lang at manood. Bakit hindi tayo magkompromiso? Paghihingiin ko ng tawad si Mr. Wilder sa inyo at bibigyan ko kayo ng isang milyon bilang danyos,” suhestiyon ni Lillian.
“Hindi pwede!” Tumanggi si Fisk nang walang pag-aalinlangan. “Pwede tayong magkompromiso bilang respeto para sa Smith family, pero walang kahulugan ang paghingi ng tawad!”
“Ano pala sa tingin niyo ang dapat gawin?” Tanong ni Lillian.
“Mata sa mata!” Sigaw ni Fisk. “Dapat sampalin rin siya ng anak ko at ng asawa niya.”
“Kailangan mo ring lumuhod sa harapan ko hanggang sa makuntento ako!” Sigaw ni Tyler.
“Sobra naman yan,” sabi ni Lillian.
Pinigilan ni Tyler ang galit niya at nagsabing, “Kung ganun, hindi ko hihingiin yun bilang respeto sa'yo, Ms. Smith. Pero gusto ko siyang sampalin nang doble sa ginawa niya sa'kin!”
Lumingon si Lillian kay Sebastian. “Ginawa ko na ang makakaya ko, Mr. Wilder. Bakit hindi mo na lang sila hayaang sampalin ka?”
Sarkastikong ngumiti si Sebastian. “Palagi lang akong nananampal ng iba, hindi ang kabaliktaran. Mga ilusyonado ang mga taong ito.”
“Narinig mo siya, Ms. Smith. Gusto rin naming pakalmahin ang sitwasyon, pero sumosobra na ang batang ito. Wala na kong sasabihin kung ganun. Bugbugin niyo siya!”