Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

Tinulungan ni Anderson si Mayra para magpaalam ng isang linggong pagpapaliban sa klase. Hindi niya siya binisita simula nang nakalabas siya ng ospital. Isang gabi, nagpasya siyang kumuha ng tubig para mapawi ang uhaw niya. Habang nagsalin ng tubig sa isang baso, nakarinig siya ng mga yabag na nagmula sa labas ng pinto. Bago may nakakatok, sumilip siya sa butas at nakita niyang si Anderson ito. Lasing siya. Nakatayo sa tabi niya ang assistant niyang si Shane Gorman. Nang makita iyon, mabilis niyang binuksan ang pinto para sa kanila. Kaagad na tinulungan ni Shane si Anderson papunta sa sofa. Pagkatapos, lumingon siya para magsabi sa kanya. “Maraming nainom si Mr. Barlow. Pakialagaan siya.” Itinuring ni Mayra si Shane na isang kakilala dahil maraming beses na niya siyang nakita noon. Tumango siya sa kanya. “Salamat sa tulong mo, Mr. Gorman.” Pagkatapos niyang umalis, lumapit siya at hinubad ang jacket at sapatos ni Anderson. Ang tanging oras na bibisita si Anderson sa bahay niya ay tuwing nasasakal siya sa mga Barlow o kapag nalulunod siya sa problema sa buhay. Ang mga Barlow ay isang pamilyang may pakialam lang sa kapangyarihan. Nahihilong binuksan ni Anderson ang mga mata niya at kaagad na sumalubong sa kanya ang anyo ni Mayra na nakasuot ng kupas na nightdress. Sumilip ang mahaba at makinis na binti niya mula sa ilalim ng hanggang tuhod na laylayan ng bestida. Nasulyapan niya ang shorts na suot niya sa ilalim. Nag-init si Mayra ng hangover soup para kay Anderson. Naramdaman niya ang titig niya sa kanya sa pagkilos niya, na nagpailang sa kaya. Maingat niya siyang inalagaan nang may takot sa mga mata niya. Bahagyang nakapikit ang mga mata niya sa kalasingan. “Magaling na ba ang sugat mo?” Mukha siyang nabigla sa biglaang tanong niya. “Uh… Oo, halos magaling na. Salamat sa pag-aalala mo.” “Bakit hindi mo suot ang bagong damit na binili ko para sa'yo?” Naningkit ang mga mata niya sa kanya at tinitigan ang takot na nakaukit sa mukha niya. Para bang takot siya sa kanya simula nang lumabas siya ng ospital. Nagpaliwanag siya, “Pinapatuyo ko pa sa balkonahe. Hindi ko pa nasasamsam ang mga sampay.” Luma man ang apartment, tiniyak naman ni Anderson na bigyan siya ng pinakamaganda sa ibang aspeto ng buhay niya. Lumapit siya sa kanya at umupo sa malapit na bangko. Nakabalot sa murang katawan niya ang manipis na bestida. Dahan-dahan niya siyang pinakain ng sopas ngunit hindi siya nagtangkang tumitig sa kanya. “Andy, wag kang masyadong iinom. Masama yan sa kalusugan mo.” Sumagot siya pagkahigop niya ng sabaw. “Sige.” Malasa, malapot, at mainit ang hangover soup. Perpekto ito sa paggamot ng hangover. Bilang presidente ng kumpanya, madalas dumalo si Anderson sa mga social events para makisalamuha sa mga kliyente niya. Normal para sa kanyang umuwi nang lasing. Inalagaan siya ni Mayra simula pa noon. Nang mapansin ang sugat sa likod ng kamay niya, nag-aalala siyang nagtanong, “Nasaktan ka ba? Anong nangyari?” Paghinga niya nang malalim, tinakpan niya ang mga mata niya gamit ng kamay niya at sumagot, “Gasgas lang yan. Maliit na bagay.” Pagkatapos hayaan ang Fisher Corporation na .akuha ang Southwater Bay development project, nagalit sa kanya ang lolo niyang si George Barlow. Sa pagwawala, binasag ni George ang isang tasa at nagasgasan ng isa sa mga piraso nito ang likod ng kamay ni Anderson. Hindi ito malalim na sugat. Hindi man lang ito dumugo. Sa itsura nito, ilang oras na itong hindi nagagamot. Mabuti na lang, isa lang itong mababaw na sugat kumpara sa mga natamo niya noon. Dahil nag-aalangan si Anderson na magkwento pa, sinara ni Mayra ang labi niya at dahan-dahang tumayo. Pagkatapos, tahimik niyang kinuha ang first-aid kit mula sa kwarto niya. Nang bumalik siya, nakaramdam si Anderson ng marahang haplos sa dulo ng daliri niya. Dumilat siya at nakita niyang nililinis ni Mayra ang sugat niya gamit ng isang cotton bud na isinawsaw sa iodine solution. Lumalim ang lambing sa mga mata niya. Nanood siya habang lumapag ang itim at makapal na buhok niya sa balikat niya. Makinis at maputi ang balat niya. May inosenteng kinang sa mga mata ni Mayra na sumasalamin kabataan ng pag-iisip niya. Hindi pa siya masyadong tumatanda. Sigurado si Anderson na lalaki siyang isang napakagandang babaeng aakit sa kahit na sinong lalaki. Pagkatapos linisin ni Mayra ang sugat niya, binalot niya ito ng benda habang sinesermunan siya, “Dapat mong alagaan ang sarili mo. Wag ka nang masaktan pang muli.” Umungol siya. “Mm.” Nang lumingon siya palayo sa sugat, nakita niya siyang nakatitig sa kanya. Napatalon siya at lumihis ng tingin. Bigla na lang siyang nagsabi, “Andy, kailan mo papakasalan si Ms. Fisher?” Tumigas ang mga mata niya. “Nakipagkita ba siya sa'yo?” Umiling siya. “Hindi. Nakita kita sa TV ilang araw ang nakaraan. Hindi ba inanunsyo mo na pakakasalan mo siya? Imbitado ba ako sa kasal?” Tinali niya ang gasa pagkatapos bendahan ang kamay niya. Habang nakatitig sa kanya, para bang determinado si Anderson na basahin ang nasa isip niya. Ngunit ang mga mata niya ay kalmadong-kalmado. Simula nang bumalik si Mayra mula sa ospital, malaki ang pinagbago niya. Sinabi sa kanya ni Anderson, “Mayra, hindi na ako madalas na pupunta rito.” Huminto siya at inasahan kung anong susunod niyang sasabihin, alam niyang may koneksyon ito sa kasal nila ni Isabel. Kapag ikinasal siya kay Isabel, doon niya lang mapapatibay ang kapangyarihan niya sa loob ng Barlow family. Sa nakalipas na buhay ni Mayra, ginulo niya si Anderson at pinilit ang sarili niyang tumira kasama ng mga Barlow. Gayunpaman, pinatunayan ng pagtira niya sa mga Barlow na isa silang malupit at manipulatibong pamilya. Mamamatay siya sa mga kamay nila kung hindi lang sila takot sa awtoridad ni Anderson. Sa buhay niya ngayon, malapit na ang sandaling maghihiwalay sila ng landas ni Anderson. Sa huli, hindi sila magkadugo. Siya ang kumakapit sa kanya. Marami siyang nagawa para sa kanya higit sa nararapat. Tumango siya, sabay sumagot, “Sige, Andy. Aalagaan ko ang sarili ko. Tignan mo, nabuhay ako nang mag-isa nang walang problema sa tatlong buwan na wala ka. “16 na ako ngayon. Kaya kong gumawa ng gawaing-bahay nang mag-isa. May sapat akong pera na aabot hanggang sa makapasok ako sa kolehiyo. Andy, wag mo na akong alalahanin. Gawin mo na lang ang kahit na anong gusto mo. Magiging ayos lang ako.” Hinaplos niya ang mahaba niyang buhok. “Pwede mo kong tawagin anomang oras kung may mangyari sa'yo.” Tumango siya sa kanya nang nakangiti, sinukuan na niya ang pagpipiliang iyon. Bago siya umalis, binigyan niya siya ng bank card at sinabihan siyang ang petsa ng pag-alis niya sa ampunan ang PIN nito. Nagkataon ring ang petsang iyon ay ang kaarawan niya. … Hindi nagtagal para mapagtanto ni Marya na tuluyan na ngang umalis si Anderson sa buhay niya. Nang sinubukan niyang tawagan ang number niya, nalaman niyang out of service ito. Magiging isang kasinungalingan kung sasabihin niyang hindi siya naapektuhan ng nalaman niya. Si Anderson ang nag-iisang pamilya niya pagkatapos niyang maulila. Ngayong umalis na siya, tuluyan na siyang naging mag-isa at wala na siyang magagawa tungkol dito. Nang wala ang paghadlang niya, naniniwala siyang mapapakasalan ni Anderson si Isabel nang mas maaga sa buhay na ito.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.