Kabanata 4
Mabilis na sinanay ni Mayra ang sarili niya sa buhay highschool niya sa pangatlong araw pagkatapos umalis si Anderson sa buhay niya. Isa siyang estudyante sa Stuyvesant High, limang bus stop ang layo mula sa apartment niya.
Sa umagang iyon, bumili siya ng agahan at sumakay sa pinakamaagang bus papunta sa paaralan. Nang tumitig siya sa pamilyar ngunit hindi kapani-paniwalang kalsada, pakiramdam niya ay isinasabuhay niyang muli ang nakaraan o nananaginip siya.
Pinapakita sa lahat ng digital screens sa mga gusali sa paligid niya ang balita ng kasal sa pagitan ng mga Barlow at mga Fisher.
Nakatayo si Isabel sa harapan ng reporter at nagbigay ng maayos na interview. Habang hawak ang braso ni Anderson, nakangiti siya habang sinagot ang mga tanong. Sabi niya, “Oo, malapit na kaming maging engaged. Mangyayari ito sa susunod na linggo.”
Nagkomento ang reporter, “Congratulations, Mrs. Barlow. Sana'y maging masaya ang kasal mo.”
Ngumiti siya. “Salamat!”
Lumipat ng anggulo ang kamera at lumapit sa singsing sa daliri niya habang nagmamalaki siyang ngumiti. Pero si Anderson, nakatayo siya sa tabi niya suot ang isang suit. Mukha pa rin siyang may distansya sa kahit na sino. Kuminang ang kawalan ng pakialam sa mga mata niya.
Isa siyang gwapong lalaki. Ang totoo, hindi pa nakakita si Mayra ng isang lalaking mas gwapo pa kaysa sa kanya. Kahit na pangkaraniwan lang ang itsura ni Isabel, bagay silang dalawa dahil sa pang-mayamang ere nila. Kahit papaano, bagay na bagay sila para sa publiko.
“Anderson Barlow, hindi ako magiging pabigat para sa'yo sa buhay na ito, at hindi ko sisirain ang buhay at kinabukasan mo,” pangako ni Mayra.
Nagpatuloy ang reporter, “Kung ganun, dapat ba kaming nagsimulang tawagin lang Mrs. Barlow?”
Mukhang nahiya si Isabel at hindi sumagot. Sa wakas, nagsalita si Anderson at ibinalik ang usapan sa susunod na mga plano ng Barlow Group.
Ito ang buhay na nararapat para kay Anderson. Bilang tagapagmana, biniyayaan siya ng magiging asawa na kababata niya rin. Alam ni Mayra na kumpara sa kanya, isa lang siyang kung sino na pinilit ang sarili niya sa buhay niya.
“Anderson, sa buhay n ito, humihiling ako ng isang mahaba at masayang buhay mag-asawa para sa inyo ni Isabel.”
…
Dumating si Mayra sa Stuyvesant High at pumunta sa homeroom niya sa ikalawang palapag. Mayroon pa siyang natitirang oras para sa sarili niya bago ang unang klase.
Sakto lang ang kakayahan ni Mayra sa pag-aaral. Hindi niya nakalimutan ang mga leksyon niya mula sa nakalipas na buhay niya, kaya nagawa niyang masundan ang math lesson sa umagang iyon.
“Mayra, narinig kong hindi ka pumasok sa klase. Anong ginawa mo?” tanong ni Emily White.
Tumingin si Magda sa sugat sa pulso niya. Pinatanggal niya ang tahi noong isang araw. Halos magaling na ang sugat sa ngayon. Dahil hindi niya gustong magpaliwanag, nag-isip siya ng palusot. “Wala. Nilagnat ako.”
“Oh, ganun ba? Maayos na ba pakiramdam mo?”
“Oo.”
Biglang nagtanong si Emily, “Siya nga pala, narinig kong sinabihan ka ni Gordon na maging girlfriend niya. Totoo ba yun? Umoo ka ba?”
Huminto si Mayra sa gitna ng pagsusulat. Hindi niya makakalimutan ang pangalang Gordon Thorp.
Si Gordon, ang karibal ni Anderson at ang susunod na tycoon ng isang tech company, ay nagmula sa wala at yumaman sa pamamagitan ng negosyo niya. Hindi nagtagal, magiging isang mayamang lalaki siya na makakapantay kay Anderson.
Sa nakalipas na buhay ni Mayra, minanipula niya ang pagmamahal ni Gordon para sa kanya at inutusan siyang gawin ang aksidente ni Isabel.
Nang malaman ang totoo, nagalit si Anderson at pinarusahan si Gordon sa pamamagitan ng pagkulong sa kanya sa kasong endangerment of life. Ang kumpanya ni Gordon, ang Skyfarer Tech, ay naligo sa isang gabi dahil dito.
Pinakanaawa si Mayra para kay Gordon sa nakaraang buhay niya. Nabanggit lang ang pangalan niya ay nakaramdam na siya ng kirot sa puso niya.
Habang tinitiis ang sakit, bumulong lang siya, “Ayaw muna ni Andy na makipag-date ako sa ngayon. At saka, bata pa ako. Gusto ko munang tumutok sa pag-aaral ko.”
Matalinong bata si Gordon. Ang tatay niya ay isang doktor habang ang nanay niya ay may sakit na uremia. Sa kabila ng pangkaraniwang pinagmulan niya, nagsikap siya para maging top student.
Inalok pa ng siya ng isang full-ride scholarship sa University of Belchester, hindi kagaya ng mga kaklase niyang kailangan pa ring umupo para sa SAT.
Komento ni Emily, “Pero, sa tingin ko mabuti si Gordon. At saka, halos lahat sa school natin ay may kasintahan. Ayos lang bastat hindi nito maaapektuhan ang grades mo.
“Malay mo? Baka pwede kang alukin ni Gordon ng libreng tuition. Pwede mong subukang mag-apply sa University of Belchester kung ganun!”
Tumingin sa baba si Mayra nang mukhang malalim ang iniisip. Sa araw bago siya naglaslas para pagbantaan si Anderson, nakaaway niya si Gordon. Nagbato pa siya ng mga insulto sa kanya.
Nagsabi siya ng masasamang salita tungkol sa kanya, tinawag niya siyang mahirap na lalaking hindi niya makitaan ng kinabukasan kasama niya. Sinabi pa niyang magiging pabigat lang siya sa kanya.
Nang inisip niya ang mga sinabi niya, muntik na niyang sampalin ang sarili niya sa pagsisisi. Si Gordon, kagaya ni Anderson, ay naging mabuti sa kanya sa nakaraang buhay niya.
Nagpatuloy si Emily, “Palagi mong nababanggit ang Andy na'to. Magkwento ka pa tungkol sa kanya. Anong trabaho niya?”
Sumagot si Mayra, “Hindi ko alam. Maraming ginagawa si Andy. Matagal na rin simula nang huli kaming nag-usap.”
Naputol ang usapan nila ng mga kaibigan ni Gordon. Umalingawngaw ang mga boses nila sa pasilyo. “Gordon, anong nangyari sa'yo? Ang hina mo sa court ngayon!”
Napatalon ang puso ni Mayra. Lumingon siya at nakita niya ang matangkad at kayumangging anyo ni Gordon na naglakad sa pasilyo.
Nang mukhang nasasabik, hinila ni Emily ang braso ni Mayra. “Tignan mo! Siya yun! Hindi ba ang gwapo niya?”
Sa sandali mismong iyon, tinitigan ng kulay amber na mga mata ni Gordon ang mga babae habang narinig niya ang usapan nila. Nakasalubong ni Mayra ang malamig at walang pakialam na titig niya, na malaki ang pinagkaiba sa dating malambing na mga mata niya.
Kumirot ang dibdib niya nang naalala niya kung paanong sa nakaraang buhay niya, sinalo ni Gordon ang lahat ng kaso para sa kanya at habangbuhay na nakulong. Kailangan niyang humingi ng tawad sa kanya.
Tinitigan siya ni Gordon nang parang isa siyang estranghero. Hindi nagtagal, lumayo siya ng tingin at umalis sa pasilyo. Narinig ni Mayra na nagtanong ang kaibigan niya mula sa malayo, “Nag-away ba kayo ni Mayra? Hindi mo na ba siya liligawan?”
Hindi niya narinig ang sagot ni Gordon. Alam ng lahat sa paaralan ang tungkol sa nararamdaman ni Gordon para sa kanya. Kahit ang mga guro niya ay kinausap siya nang pribado tungkol sa grades niya.
Una niyang nakita si Gordon noong unang taon niya. Isang Biyernes ng gabi, nanatili siya sa paaralan at nahuling umuwi.
Sa daan niya pauwi, nakasalubong niya si Gordon, bugbog-sarado at duguan, sa eskinitang madalas niyang dinadaanan. Nang makita iyon, tumawag siya ng 911 para sa kanya. Sa pangalawang paglikha nila, niligtas siya ni Gordon mula sa mga siga.
Hinimatay si Mayra sa sakit ng puson sa pangatlong pagkikita nila ni Gordon, na nagkataong nasa P.E. lesson nang mga panahong iyon. Hindi niya pinansin ang mga nang-uusisang mga matang nakapalibot sa kanya at dinala siya sa nurse’s office.
Pagkatapos ng ilang pag-uusap, nakilala nila ang isa't-isa. Dahil mas mahina si Mayra sa math at science, matiyaga siyang gagabayan ni Gordon sa mga tanong sa pagsusulit tuwing pumalpak siya. Sa sobrang lapit nila sa isa't-isa ay napagkakamalan silang magkasintahan ng mga tao.
Pagkatapos hilahin ang sarili niya pabalik sa kasalukuyan, kinuha ni Mayra ang backpack niya at umalis ng paaralan pagkatapos ng huling klase niya. Hindi masyadong mahirap ang klase sa unang taon at bilang isang day student, hindi niya kailangang manatili para sa dagdag na klase, hindi kagaya ng mga nanunuluyan sa boarding house.
Habang naghintay siya sa bus stop para sa bus niya, isang itim na sedan ang biglang prumeno at huminto sa harapan niya.