Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Matagal ng alam ni Sabrina na hot ang katawan ni Nelson. Mukha siyang payat sa kahit na anong damit, pero maskulado siya. Humanga siya sa manipis niyang bewang. Bumilis ang tibok ng puso niya ng titigan siya matapos ang pagligo. Nagsisisi siya ng kaunti dahil hindi niya ikinama ang guwapong tulad niya. Nahihiya siyang umiwas ng tingin dahil ayaw niyang masabihan siya na bastos, sinabi niya, “Hinahanap ka ng nanay mo.” Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Nelson gamit ang malalim niyang boses. “Sandali.” Habang papalapit ang mga yabag niya, nanigas siya sa kanyang puwesto ng maisip na hubad siya. Nakita ni Nelson na namumula siya mula sa kanyang tenga at batok, kung saan ang maputi niyang balat ay naging mala pink at nakakaakit ang dating. “Hindi ka pa nakakakita ng lalakeng nakahubad?” naglakad siya sa harap niya at tumayo doon. Habang namumula, maingat siyang tumitig ng masama sa kanya. “Anong… anong ginagawa mo?” Tumitig si Nelson sa kanya ng tahimik, naguluhan si Sabrina. Napahawak siya sa kanyang mukha, iniisip kung may bagay ba doon. “Wala. Bababa na din ako.” Wala siyang masabi at naguluhan sa hindi maipaliwanag na ugali ni Nelson. Para ba ipakita ang hot niyang katawan? Anyway, napansin niya na mas magkasundo sila ngayon sa oras na mapagdesisyunan nilang maging magkapatid. … Bumaba si Sabrina ng first floor. Si Shannon, na magkasalikop ang mga kamay ay nagsalita, “Brina, hindi tayo itinadhana na maging biyenan at manugang, pero huwag ka mag-alala. Mabuti ang magiging trato ko sa iyo. Matatanggap mo ang kalahati sa mga assets, lupain at stocks sa pangalan ni Nelson. Natulala si Sabrina at sumagot siya, “Shannon, h-hindi—” Sinimulan siyang kumbinsihin ni Shannon, “Hindi ka pasasalamatan ng mga lalake kung wala kang hihingin mula sa paghihiwalay ninyo. Iisipin lang nila na wala kang alam. Huwag ka magpabulag sa pag-ibig!” Walang masabi si Sabrina. Si Nelson, na kabababa lang ng hagdan ay naguguluhan din at hindi makapaniwala. Idinagdag ni Shannon, “Bukod pa doon, hindi matutumbasan sa pera ang makapupunan sa utang ng pamilya namin sa pamilya mo.” Ilang taon na ang nakararaan, si Jackson at Nelson ay iniligtas ni Samson, na nagkataong napadaan ng makaengkuwentro sila ng problema. Si Samson ay walang malay na napasama sa gulo at dahil sa kabutihan niya, namatay siya sa sunog. Si Samson ang nagligtas sa mag-amang Tucker, pero laging ipinipilit ni Nelson na babaen ang nagligtas sa kanya. Nainis si Shannon sa ideya na sinabi pa, “Dahil nangaliwa si Nelson, dapat itransfer niya ang 100% ng mga assets niya sa iyo.” Bumulong si Sabrina, “Shannon, anak mo siya.” “Hindi ko sana siya iluluwal kung alam ko lang na ganito siya ka walang alam!” Napakamot ng ilong si Sabrina at sinulyapan si Nelson, na malamig siyang tinignan na tila nagbibigay ng babala. Hindi naman niya hinihiling ang mga assets niya. Si Shannon ang namimilit na ibigay sa kanya ang lahat! Sawakas sinabi ni Sabrina, “Ang ama ko ay nagligtas ng buhay dahil sa kabutihan ng puso niya. Ganoon din ang gagawin niya para sa iba. Sa tingin ko nabayaran na ninyo ang pagkakautang ng pamilya ko.” Si Samson ay maabilidad na jewelry designer na may sariling designing company. Matapos ang biglaan niyang pagkamatay, ang kumpanya ay nagkaroon ng problema sa loob nito at gusto ng mga tao na paghatihatian ito. Sa huli, nagkaroon si Jackson ng walang halaga na kumpanya, isinama niya ito sa Tucker Group hanggang sa tumungtong si Sabrina sa hustong edad para makuha ito. Ibinigay ni Jackson ang kumpanya sa kanya dalawang buwan na ang nakararaan. Samantala, si Shannon naman ay naisip na hindi sapat ang kumpanya. Napagdesisyunan niyang ilipat ang trading company sa industrial park ng business street sa prime land ng Slitton kay Sabrina. Galante din si Jackson dahil ibinigay niya ang 3% ng Tucker Group shares sa kanya. Naging milyunarya si Sabrina dahil sa paghihiwalay. Agad na inutusan ni Shannon ang mga abogado na trabahuhin na ang divorce agreement. Noong tumalikod siya, nakita niya si Nelson na nakatitig kay Sabrina. Sinipa siya ni Shannon. “Hoy, sangayon ka ba sa agreement?” Inilagay ni Nelson ang braso niya sa gilid ng couch at sinabi. “Yaman naman ninyo ito. Wala akong kinalaman dito.” Dahil kuntento siya sa sagot ni Nelson, inutusan ni Shannon si Sabrina na kunin ang jewelry box mula sa kuwarto niya. Matapos umalis ni Sabrina, ginalit ni Shannon si Nelson, “Ang ganda niya hindi ba? Hindi pa huli na bawiin mo.” “Bakit ko babawiin? Nakatitig ako sa kanya dahil napansin ko na may nunal siya sa dulo ng ilong niya.” “At iyon lang ba ang dahilan kung bakit hindi mo maalis ang tingin mo sa kanya? Pfft. Huwag ka na magsinungaling.” Kilala niya ang anak niya higit kanino man.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.