Kabanata 7
Sa huli, hindi mapilit ni Sabrina ang sarili niyang tawagin si Nelson na kuya, dahil mahal na mahal niya ito bilang babae.
Sobrang umiibig siya sa kanya sa puntong isasawalangbahala niya ang malamig niyang trato sa kanya. Masaya siya basta kasama siya.
Sayang lang at hindi siya interesado sa kanya, hindi siya binigyan ng pagkakataon na makilala, dahil ang sa pagmamahal niya sa ibang babae.
Isinantabi ito ni Sabrina dahil nirerespeto niya si Nelson sa pananatili niyang tapat sa isang babae sa mabilis niyang buhay. Lihim niyang tinatapik ang kanyang sarili sa ganda ng taste niya sa mga lalake.
Kaya, willing siyang sumuko.
Sinabi sa kanya ni Nelson na kunin ang brooch anytime, o kaya ipapadala niya ito sa kanya. Hindi pa siya nakakaramdam ng ganitong lebel ng pagiging relaxed simula ng sumangayon siya dito.
Naniniwala siyang nararapat siyang mahalin. Balang araw, mag magpapahalaga sa kanya.
…
Nainis si Shannon ng malaman niyang inistorbo ni Pamela si Nelson sa kritikal na oras.
“Ang babaeng iyon ay wala pa sa kalingkingan ni Sabrina. Bakit ba patay na patay si Nelson sa kanya? Kailangan ko gumawa ng pagkakataon para kay Brina at Nelson na magkakilala. Ang maganda na mabuti ang ugali tulad ni Brina ay siguradong type ni Nelson.”
“Ma, huwag mo na itong problemahin. Kinausap ko na si Sabrina.” Isinama ni Nelson ang pagod na si Ronaldo sa bahay. Wala siyang masabi sa mga magulang niyang gising pa hanggang 3:00 am.
“Anong pinagusapan ninyo?”
“Maghihiwalay kami kapag nakagetover na ako sa jetlag ko.” Inalis ni Nelson ang bitones ng kuwelyo niya at naupo sa couch.
Napahinga ng hindi makapaniwala si Shannon, “Sumangayon si Brina dito?”
“Oo. Inihatid ko siya ngayon lang, at ibinigay na niya ang blessing niya sa akin. Tulad ng inaasahan ninyo, magiging magkapatid na kami simula ngayon.”
Nagulat si Shannon na marinig na pinagusapan na ito ng magkasintahan.
“Nagpakasal ka at isinantabi ang magandang babae tulad niya ng tatlong taon. Ngayon, maghihiwalay kayo. Nelson Tucker, hindi mo ba ito pagsisisihan?”
“Hinding hindi.”
Natulala si Shannon at kinaladkad si Jackson paakyat ng second floor habang sinesermonan si Nelson, “Paano mo nagawang sumuko sa mabuting babae na tulad ni Brina para sa walang kuwentang iyon? Maayos ang mga mata niya ngayon pero siguradong may problema sa isip niya!”
…
Dahil dalawang araw na nagovernight si Sabrina para sa trabaho, nakatulog siya at nagising ng tanghali na.
Nakaamoy siya ng pagkain kaya nilisan niya ang kanyang kuwarto at nakita ang kaibigan niyang si Abigail na gumagawa ng soup. Habang nakasandal sa pader ng kusina, nagsalita si Sabrina, “Huy, Cinderella.”
“Mahal na prinsesa, gusto mo na ba kumain ngayon?”
Dahil nakaramdam siya ng gutom, mabilis siyang naglinis ng sarili at kumain sa hapagkainan. Tinanong niya si Abigail, “Ang akala ko pumunta ka sa Southerby kasama ang crew para mag film.”
“Inutusan ako ni Shannon na alagaan ka dahil nag-aalala siya sa iyo.” Sinandokan siya ni Abigail ng soup. “Hihiwalayan mo ba talaga si Nelson?”
“Oo.”
“Ito ba ang kinalabasan na gusto mo matapos maghintay ng anim na taon?” galit si Abigail. “Patay na sana siya ilang taon na ang nakararaan kung hindi mo siya iniligtas!”
Matapos mapansin na nagagalit na siya, sumagot si Sabrina, “Pagod ako. Sa totoo lang, naantig ako sa katapatan niya kay Pamela; pinili niya siya ng walang alinlangan.”
“Naantig? Paano ka naman? Ang bata mo pa ng… Makakagetover ka ba talaga dito?”
Kumurap si Sabrina at bumulong, “Ano, mamimiss ko si Shannon.”
Natawa si Abigail. “Hindi na rin masama ang hiwalayan. May mas mabubuti pang mga lalake kay Nelson sa Slitton. Bakit hindi ka lumabas kasama ko ngayong gabi at magsaya? Ihahanap kita ng mga hot na lalake.”
“Sige. Gusto ko ng mga guwapo,” direktang sinabi ni Sabrina.
Pagkatapos, nakatanggap siya ng tawag mula kay Shannon na iniimbitahan siya sa dinner sa Tucker manor, kung saan pag-uusapan nila ang division ng assets sa paghihiwalay.
Dinala ni Sabrina ang paboriton desert ni Shannon at nagpakita siya sa Tucker manor. May attorney sa living room maliban sa mga biyenan niya.
Sinabi ni Shannon kay Sabrina, “Brina, pababain mo ang batang iyon dito.”
Umakyat si Sabrina at kumatok sa pinto ni Nelson, naghihintay siya ng sagot pero walang dumating. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya, pero walang tao dito. Noong pupunta na siya sa study, nakarinig siya ng kilos mula sa likod niya.
Tumalikod siya at nakita si Nelson na kalalabas lang ng banyo. Ang maayos niyang buhok ay magulo ngayon, habang may mga tumutulong patak ng tubig sa maskulado niyang katawan at tiyan.