Kabanata 9
Maganda si Sabrina. Ang maselan niyang buhok ay nakakalat sa likod niya. Maputi siya at maganda ang hulma ng mukha.
Habang nakaupo sa passenger seat ng upuan ni Nelson, naglagay siya ng foundation sa nunal niya sa ilong para itago ito. Pagkatapos, naglagay siya ng pulang lipstick na nakadagdag sa ganda niya.
Sumulyap siya sa kanya. “Bakit mo ito tinatakpan?”
Natagalan si Sabrina bago napagtanto na ang nunal ang tinutukoy ni Nelson.
“Mukha akong katawa-tawa.”
Naintindihan niya kung anong ibig niyang sabihin. Siya ay 26 na taong gulang na CEO na dapat ipresinta ang sarili niya sa karespe-respetong paraan. Ang nunal sa ilong niya ay pinagmumukha siyang inosente at nakakaakit—lahat maliban sa pagiging may awtoridad.
Lumipat ang focus ni Nelson sa pagmamaneho. Tumingin sa labas ng bintana si Sabrina ng hindi sinusubukan na makipagusap. Tahimik lang sila sa buong biyahe.
Pero, hindi maganda ang pakiramdam niya na inihahatid siya ni Nelson patungo sa blind date.
Bago ang dinner, nagluluto siya sa kusina ng Tucker manor ng makatanggap siya ng tawag mula kay Abigail. Sinagot ni Shannona ang tawag at inilagay ito sa speaker mode.
Sinabi ni Abigail, “Huy prinsesa, nagimbita ako ng mga bata at hot na lalake sa Club Felicity. Masunurin sila at mga guwapo, bagay sa batang sugar mommy tulad mo…”
Nanigas si Sabrina sa gulat, habang ang mga katulong ng pamilya Tucker ay nagpanic at hindi makapaniwala.
Si Shannon ang unang nagsalita. “Okay, Abby. Sisiguraduhin ko na ihahatid ni Nelson si Brina sa club pagkatapos ng dinner.”
Dahil ang sasakyan ni Sabrina ay nasa industrial park, hiniling ni Shannon kay Nelson na ihatid niya si Sabrina sa club at sumangayon siya agad dito.
Kahti na sumangayon si Sabrina sa hiwalayan, kailangan niya ng oras para makagetover kay Nelson, taong minahal niya ng matagal. Ang kawalan niya ng pakielam sa blinddate niya ay naging dahilan para masaktan siya.
…
Magalang na nagpaalam si Sabrina kay Nelson sa Club Felicity. Tumango siya sa kanya at kuntentong umalis sa estado ng relasyon nila. Natuwa pa siya matapos tumigil si Sabrina sa pangugulo sa kanya.
Makalipas ang sampung minuto, tinapik ni Nelson ang litrato na tinext sa kanya ni Ronaldo. Litrato ito ni Sabrina na nakasuot ng open-back sweater, may kausap sa phone sa corridor.
Ang dark gray sweater ay mukhang basic mula sa harap, pero open back ito simula sa shoulder blades pababa sa ribbon ng kanyang bewang.
Ang mahaba niyang blonde na buhok ay nagsway sa likod niya, kontra ito sa kulay ng sweater niya pero bagay tignan. Medyo may pahiwatig ang damit niya.
Napagtanto niya sawakas kung bakit may suot siyang jacket sa dinner. Nagkataon na gusto niyang panatalihin ang dating niyang maayos na manugang sa harap ni Shannon.
…
Habang nakaupo sa couch ng private lounge, si Sabrina ay sumimangot sa hilera ng mga guwapong lalake sa harap niya.
“Hindi ka ba kuntento sa kanila?”
“Guwapo sila, pero hindi ko gusto ng magandang lalake.”
Napasandal si Abigail sa couch at tinitigan ang kaibigan niya. “Hindi talaga sila maikukumpara kay Mr. McDreamy sa bahay ninyo.”
Kahanga-hangang lalake si Nelson mula sa loob at alabas. Ang postura niya at ugali ay nahigitan ang kanyang itsura.
Si Sabrina, na pinili si Nelson bilang asawa, ay hindi makukuntento sa iba. Tinignan niya ang mga resume niya sa kamay at ibinigay ang apat kay Abigail, sinasabi niya, “Mapili ka ng sobra sa pagpipili ng mga artista sa studio mo. Pakiramdam ko pumipili ka ng kabit.”
“Para sa iyo lamang ang pribilehiyong iyon. Hindi ka nakuntento kay Nelson sa tatlong taon, tama? Hahayaan kita na matikman ang kapangyarihan dito.”
Hindi nila nakita si Ronaldo, na nakatayo sa pinto ng matagal na. Matapos umalis ng galit si Nelson, pumasok si Ronaldo sa private lounge at ginulo ang girls night nila. “Sabrina, hinahanap ka ni Nelson.”
Nagulat si Sabrina at napahinga ng malalim.