Kabanata 2
Ms. Wyatt?
Matapos ang tatlong taong pagsasama nila, matigas ang ulo ni Nelson ay hindi tinatanggap na asawa niya si Sabrina.
Nabasa niya ang sama ng loob sa kanyang mga mata, napagtanto ni Sabrina na hinding hindi ibibigay ni Nelson ang brooch kahit na anong sabihin at gawin niya.
Disappointed siya, nag-isip siya ng mga paraan para makuha ang brooch mula sa kanya.
…
Habang pauwi si Sabrina, nakakita siya ng digital ad na ipinapakita ang balita sa katapat na building ng tumigil ang sasakyan niya sa intersection. Ang headline ay: “Nakuha ni Nelson Tucker ang Mahalagang Brooch na Iniregalo ni Daniel Livingston sa Kanyang Asawa—Kumakalat na Chismis ay Magpopropose na Siya sa Kanyang Girlfriend na si Pamela Dixon!”
Mula sa sulok ng kanyang maga mata, nakita niya ang magandang si Pamela sa balita, yakap si Nelson ng mahigpit, at nakangiti na parang bata.
Pinanood ni Sabrina ang kanyang asawa na yumuko ng kaunti at ipinahinga ang kamay sa likod ni Pamela habang mahinhin ang itsura at ngiti.
Hindi pa niya nakikita ang ganitong side ni Nelson, madalas siyang walang ekspresyon at manhid. Habang nakatingin ng blangko sa dapat niyang asawa—ang guwapong lalake sa screen—napagtanto niya na nagbid siya para sa brooch para magpropose kay Pamela.
Ang brooch ay pagmamayari ng kanyang ama, si Samson Wyatt, iniregalo sa kanyang ina, na si Cheryl Jenkins, na ngayon ay ginamit ni Nelson para magpropose sa kanyang kabit.
Naisip niya, “Wow, Sabrina Wyatt, isa kang kalokohan lamang!”
Kumurap ng mahinhin si Sabrina at pinunasan ang mga luha niya habang tinatawagan si Nelson.
Tulad ng inaasahan, galit siyang sumagot sa kanya at tila hindi makapaghintay, “Ano?”
“Nelson, ibigay mo sa akin ang brooch, at sasangayon akong makipaghiwalay sa iyo.”
Ibinaba niya ang tawag at hindi na nag-abalang tumawag ulit, alam ni Sabrina na marahil ay nainis siya sa kanya.
….
Hindi bumalik si Nelson sa kanilang bahay sa gabing iyon at sa sumunod na araw na ng tanghali umuwi. Simula ng lumipat siya dito, pinanatili niyang maayos ang lahat. Pero, hindi pamilyar ang tahanan para kay Nelson.
Matapos maglakad sa hall, isang katulong ang lumapit sa kanya. “Buong gabing naghihintay si Mrs. Tucker para sa inyo sa living room. Kakaakyat lang niya sa second floor.”
Sumagot siya, “Naiintindihan ko.” Pagkatapos, inutos niya sa driver na ilagay ang bagahe niya sa living room.
Umakyat siya sa second floor, kung saan nakita niya ang pinto ng guest bedroom na nakabukas. Sa loob, maayos at malinis ang lahat.
Si Sabrina, na suot pa din ang damit kahapon, ay abalang nag-iimpake ng mga libro sa istante papunta sa mga kahon.
Tumalikod siya ng makarinig siya ng kilos. Hindi tulad dati, hindi siya natutuwa sa kanyang presensiya ngayon. Nagkatinginan sila sandali.
Dahil hindi nagsalita si Sabrina, hindi nag-abala si Nelson na makipagusap. Niluwagan niya ang necktie niya at pumunta sa kanyang kuwarto.
Matapos ikasal, nanatili silang hindi na hihigit sa tila estranghero sa isa’t isa na nakatira sa iisang bubong.
Ngumiti si Sabrina ng mapanglait sa sarili niya.
Ang pakikiapid ni Nelson kay Pamela ay sumosobra na, nadungisan ang reputasyon ng pamilya Tucker. Pero, wala siyang nararamdamang obligasyon na magpaliwanag sa kanya—maliit na bagay lang siya para sa kanya, asawang hindi niya gusto.
Dahil ang pamilya Tucker ay nagkakautang sa pamilya Wyatt, ang pamilya Tucker at sapilitang pinaghiwalay si Nelson at Pamela ng malaman nilang gusto ni Sabrina na pakasalan si Nelson.
Naniniwala si Sabrina na ang kalunos-lunos niyang kasal ay marahil masamang karma sa pakikielam niya sa relasyon ni Nelson.
Tatlong taon na ang nakararaan, nakipagkita si Nelson sa kanya at sinabi, “May mahal akong iba. Alam ko na malaki ang utang na loob ng pamilya ko sa iyo, pero gusto ko bumawi sa iyo sa ibang paraan.”
Kung puwede lang siyang bumalik sa nakaraan, sasangayon siya sana sa kanya kaysa sabihin, “Nelson, ikaw lang ang gusto ko.”
…
Sinamahan sawakas ni Nelson si Sabrina sa first floor matapos siyang mag-impake at inutusan ang mga katulong na dalhin ang mga gamit sa sasakyan. Nilampasan niya si Sabrina at naupo sa couch. Nagtanong siya, “Saan ka pupunta?”
Sinulyapan niya si Nelson. Guwapo siya at nakaupo ng elegante. Ilalarawan pa niya ang lalake na hindi maipaliwanag ang lebel ng kaakit-akit. Pero, naistorbo siya sa amoy ni Pamela sa kanya. Sumagot siya, “Uutusan ko ang attorney ko na sumualt ng divorce papers.”
Habang naninigarilyo, tumitig siya sa kanya. “Tapos ka na?”
Sa tingin ba niya gumagawa lang ng eksena si Sabrina? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya sineryoso ang paghihiwalay, iniisip na isa lang ito sa mga pakana niya?
Ngumiti siya at sinabi, “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo noon. Pasensiya na para doon, Mr. Tucker.”
Tumigil ang kamay niya sa ere. Tinignan niya si Sabrina at nakita ang maluha-luha niyang mga mata. Nabigla siya sa dating niyang durog na durog na, bagay na hindi natural sa kanya.
Nakaalis na si Sabrina bago pa mabasa ng buo ni Nelson ang nararamdaman niya.