Kabanata 1
Agad na nakita ni Sabrina Wyatt si Nelson Tucker, kasama ang kabit niya sa kanyang tabi, kausap ang mga dumalo sa auction sa entrance ng jewelry auction sa arts district.
Bibihira ang ganda ng kabit ni Nelson, sobrang ganda at puro na parang buwan. Kahit na matagal ng alam ni Sabrina ang magandang taste ni Nelson, nabigla siya sa ganda ng babaeng pinili niya.
Matapos siyang titigan ng sandali, nanuyo ang mga mata niya. Ang kaibigan niya, si Abigail Lynch, ay naaawa sa kanya. Habang hawak ang braso niya, nagbigay ng ideya si Abigail, “Ano kaya kung huwag ka na manatili dito sa auction? Ako na ang magbibid para sa iyo.”
Ngumiti ng kaunti si Sabrina sa kaibigan niya. Ang makasalubong ang asawa niyang nakikipaglambingan sa kabit niyang si Pamela Dixon ay maliit na bagay lang.
Hindi nga naman nagpkakita si Nelson ng bakas ng hiya ng makasalubong siya. Sa totoo lang, sinulyapan lang siya na tila ba estranghero lang siya.
Pumasok si Sabrina sa auction venue kasama si Abigail at naupo. Nagkataon, si Nelson ay nakaupo sa row sa harap niya. Nakita niyang nakapahinga ang ulo ni Pamela sa balikat ni Nelson.
Ngunit, ang atensyon ni Sabrina ay hindi nasa magkasintahan. Nasa auction siya para mag bid sa isang brooch, bagay na dalawang beses na niyang tinignan noon sa preview, para ibigay sa kanyang ina bilang regalo.
Ang makalumang estilo na brooch ay gawa sa dalawang magkapatong na hugis balahibo ng ibon—isang malaki at isang maliit. Ang mga balahibo ay gawa sa gintong diamond at turquise, mukhang malinis at simple pero makapigil hininga.
Makalipas ang ilang rounds ng pagbibid, ang mayamang mga maybahay sa auction ay hindi na nagpatuloy sa pagbibid kontra kay Sabrina matapos makita ang matindi niyang pagnanasa sa brooch, bilang pag galang sa batang CEO ng Breeze Group.
Noong ibebenta na dapat ng auctioneer ang brooch kay Sabrina sa halagang 6.2 million dollars, si Pamela, na ipinapahinga ang ulo sa balikat ni Nelson ay itinaas ang kanyang paddle.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sabrian sa biglaang kilos ni Pamela. Si Abigail, na hindi matiis si Pamela, ay itinaas ang kanyang paddle. Naglaban ang dalawa sa bidding war hanggang sa umabot ang halaga sa siyam na milyong dolyar.
Sa tuwing itinataas ni Abigaila ang paddle niya, ganoon din ang ginagawa ni Pamela. Napayuko si Sabrina ay tinext si Nelson sa WhatsApp. “Gusto ko ang brooch na iyon.”
Tinignan niya ang phone niya bago ito ibinalik sa kanyang jacket, pero hindi niya pinigilan si Pamela sa pagbibid. Huminga siya ng malalim, at nagtext siya, “Mahalaga ang brooch na iyon para sa akin.”
Ipinadala niya ang text, pero si Nelson ay hindi tinignan ang phone niya. Unti-unting nababawasan ang pag-asa niya habang hinihintay ang kanyang sagot.
Tatlong taon na silang kasal sa mga oras na ito. Isang linggo matapos iparehistro ang kasal nila, si Nelson ay nag-abroad at bumibisita lang sa bahay ng ilang beses kada taon. Sa tuwing bumibisita siya, mukhang siya ang huling nakakaalam.
Ngayon ay isa sa mga pangyayaring iyon. Kung hindi niya nakasalubong si Nelson sa auction, ang iisipin niya ay nasa abroad pa din siya.
Pinagalitan niya ang kanyang sarili. Paano niyang aasahan ang walang kuwenta niyang asawa na tutulungan siya?
Natawa siya sa kanyang sarili, nagtext siya ng isa pang contact sa WhatsApp. Hindi nagtagal, tumayo si Nelson para sumagot ng tawag. Noong nakabalik siya, tinitigan niya ng masama si Sabrina.
Hindi niya binigyan pansin ang sama niya ng pagtitig, dahil gusto niya ang brooch—bagay na minsang pagmamayari ng kanyang ama. Wala siyang nagawa kung hindi tawagan ang kanyang mother-in-law, si Shannon Hart, na ipressure si Nelson na isuko ang brooch.
Sa kasamaang palad, hindi nangyari ang gusto ni Sabrina. Matapos maupo si Nelson, si Pamela ay agad na nagbid ng dalawampung milyong dolyar.
Nainis si Abigail at sinubukang taasan ang bid laban kay Pamela, pero pinigilan lang siya ni Sabrina. Sa Slitton, walang may kaya labanan sa pagbibid si Nelson Tucker.
Kahit na sanay na si Pamela sa kawalan ng pakielam ni Nelson, sumakit pa din ang puso niya.
…
Pagkatapos ng auction, pumunta si Sabrina kay Nelson. Sa humble na pamamaraan, nagmakaawa siya, “Pakiusap ibigay mo sa akin ang brooch. Willing ako na bayaran ito ng doble sa bidding price.”
Si Nelson, na matangkad ay tinitigan siya ng malamig. Si Sabrina ay bibihirang makinis ang balat at mahaba ang buhok. Nagpapaawa siyang tumingin sa kanya na kayang tumunaw ng kahit na kaninong puso.
Tatlong taon na ang nakararaan, ginamit niya ang pagpapaawa niya sa mga magulang ni Nelson, nagmakaawa sa kanila, “Puwede bang mapasaakin si Nelson Tucker?”
Ang mga mata ni Nelson ay naging masama. “Isang beses mo lang dapat gamitin ang taktikang iyan.”
Namutla si Sabrina. Naisip ba talaga ni Nelson na sinusubukan niyang agawin ang brooch mulay kay Pamela sa parehong paraan na ninakaw siya mula sa babaeng ito tatlong taon na ang nakararaan?
“Mali ka ng iniisip—”
Pero, hindi nag-abala si Nelson na makinig sa paliwanag niya. Tinanggap niya ang brooch sa kahon mula sa auction host at umalis.
Nagpanic si Sabrina at hinawakan ang braso niya. “Ang brooch ay pagmamayari ng ama ko—”
Tinitigan ni Nelson ang mga daliri niya sa kanyang braso ng may pagkamuhi. “Bitiwan mo ako!”
Ang mga mata niya ay naging dahilan para maalala niya ang araw na ikinasal sila. Tatlong beses siyang umikot sa sobrang saya matapos matanggap ang marriage certificate nila.
Parehong may pagkamuhi ang mga mata niya, galit ang kanyang ekspresyon, “Hindi ka makakakuha ng kahit na ano mula sa akin maliban sa marriage certificate!”
At tinupad niya ang mga salitang ito.
Handa na siyang bumitaw mula sa kanya, pero hindi siya makamoveon sa kawalan ng brooch na pinaghirapan niyang hanapin. At the very least, gusto niyang ibigay ang brooch sa kanyang ina bilang sentimental na pamana.
Pinigilan niya nag kanyang emosyon, nagmakaawa siya, “Pakiusap, Nelson. Nagmamakaawa ako sa iyo…”
Hinatak ni Nelson ang braso niya para makawala. “Nagmakaawa din ako sa parehong paraan noon, Ms. Wyatt. Hindi ba?”