Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 3

Nakatanggap si Sabrina ng tawag mula kay Shannon, ang kanyang biyenan, matapos niyang sumakay sa sasakyan. Gusto ni Shannon na pumunta si Sabrina sa Tucker manor. Ibinaba ni Sabrina ang tawag at tumitig sa labas ng bintana. Nagbihis ng bagong damit si Nelson. Naghintay siya sa pinto, tila gustong bisitahin ang Tucker manor kasama siya. Lagi silang nagkukunwari na mapagmahal na mag-asawa sa isat’t isa—sa tuwing nasa paligid sila ng kanyang mga magulang. Hindi kumilos si Sabrina sa pagkakataong ito. Sa oras na napagdesisyunan niyang makipaghiwalay, wala na siyang pakielam sa nararamdaman ni Nelson. Matapos siyang manigarilyo, hindi makapaghintay siyang kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Sumagot siya, “Magmamaneho ako doon mag-isa.” Sumagot si Nelson, “Hindi natin puwedeng galitin ang nanay ko.” May nakahandang opera si Shannon. Kung magpapakita ng magkahiwalay si Sabrina at Nelson sa Tucker manor ng magkahiwalay, siguradong mag-ooverthink si Shannon. Walang sinabi si Sabrina. Kahit na galit si Shannon sa kanila, kasalanan ito ni Nelson sa simula pa lang. Noong isinasara na niya ang bintana ng sasakyan, bigla sinabi ni Nelson, “Hindi mo ba gusto ang brooch?” Nakita ni Sabrina na inilagay ni Nelson ang kamay niya sa ibabaw ng sasakyan na parang wala lang at mapagmataas ang dating—tila ba kontrolado siya nito. Isinara niya ang kanyang bibig, sawakas bumaba siya mula sa sasakyan at sumakay sa kanyang sasakyan. Ito ang unang pagkakataon na naupo sila ng magkasama sa sasakyan simula ng ikasal sila. Lagi siyang umaasa sa ganitong mga sandali, pero ngayon wala na siyang nararamdaman. Nagmaneho ng steady ang driver. Habang nakaupo ng malapit sa bintana, inobserbahan ni Sabrina ng mabuti ang pants na pinalantsa ng maayos at walang gusto mula sa sulok ng kanyang mata. … Makalipas ang dalawampung minuto, dumating sila sa Tucker manor. Ibinitones ni Nelson ang jacket niya at nilisan ang sasakyan habang hawak ang kamay ni Sabrina. Ang mga daliri niya ay nanginginig. Ang makita ang mga kamay nilang magkahawak ay nakakagigil sa kanya ng higit pa sa gabing hinihintay niya na dumating siya. Nandidiri siya, gusto niyang bumitaw pero nabigo siya. Si Nelson ay walang emosyon tulad ng dati. Kahit na mukhang wala siyang pressure sa kanyang kamay, hindi siya makakawala mula sa kapit niya. Natawa siya sa galit at nagsalita. “Hindi tanga ang mga magulang mo. Alam nila na nagkukunwari lang tayo. Ibigay mo na lang sa akin ang brooch at ako na ang aasikaso sa mga magulang mo para sa iyo.” Kalmado niyang tinignan si Sabrina, hindi naniniwalang makikipaghiwalay talaga siya. Pero, inisip ni Sabrina na ang katahimikan niya ay bilang pag-sangayon. Hindi nga naman niya gusto na manatiling walang alam si Pamela matapos niyang magtapat ng pag-ibig niya kahapon. Napagdesisyunan ni Sabrina na hayaan siyang hawakan ang kanyang kamay dahil hindi siya makawala. Kuntento si Shannon na makita ang mag-asawa na pumasok ng living room habang magkahawak kamay. Isang ideya ang sumagi sa isip niya. Umirap siya at tinignan si Nelson. Galit niyang kinausap si Nelson, “Tumayo ka at umakyat sa second floor. Hinihintay ka ng ama mo.” Pagkatapos, naging palakaibigan ang ugali niya ng kausapin niya si Sabrina, “Brina, sumosobra na ang chismis sa internet. Dapat akong humingi ng tawad sa iyo.” Mukhang humihingi talaga siya ng tawad kay Sabrina. Maliban kay Nelson, ang lahat sa pamilya Tucker ay mabait sa kanya. Idinagdag ni Shannon, “Alam ko na mali ang ginawa nila sa iyo. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo, at tuturuan ko ng leksyon si Nel!” Kahit na nagpapasalamat si Sabrina sa suporta ni Shannon, naiintindihan niya na lalo lang siyang kamumuhian ni Nelson dahil backer niya si Shannon. Pagod na siya sa buhay may asawa, kaya sinabi niya, “Shannon, gusto ko makipaghiwalay.” Inaasahan ni Shannon na magagalit si Sabrina tungkol sa chismis sa namamagitan kay Nelson at Pamela, pero hindi niya inaasahan na babanggitin niya ang tungkol sa pakikipaghiwalay. “Brina, ito na ang huling beses na mag-aabroad siya. Paghihiwalayin ko sila ng babaeng iyon. Basta manatili ka lang sa tabi niya at mahuhulog din ang loob niya sa iyo balang araw. Sayang naman kung susukuan mo na ang pagsasama ninyo ngayon,” nag-aalalang nagbigay ng payo si Shannon kay Sabrina. “Tama lang na tapusin ko na ang ugnayan namin dahil wala na itong pag-asa. Bibisitahin pa din kita ng madalas, kahit na hiwalay na kami.” Walang masabi si Shannon dahil sumuko na si Sabrina. Niyakap siya ni Sabrina ng mahinhin at sinabi, “Ikaw ang the best na biyenan sa buong mundo. “Dahil sa akin, nagkakalayo na kayo ni Nelson. Aakyat ako sa itaas para kausapin si Jackson. Dapat tumigil na siya sa panenermon kay Nelson.” Sinamahan ni Shannon si Sabrina paakyat sa study. Sa loob, pinapagalitan ni Jackson si Nelson, “Hamon na nga na akuin ang responsibilidad sa Tucker Group matapos ka mamalagi sa abroad ng taon, malayo sa sentro ng kapangyarihan. Kung kakalat ang balita tungkol sa paghihiwalayan—kahit na lihim ang kasal ninyo—masisira ang reputasyon mo!” “Kung sasangayon ka sa pakikipaghiwalay ko kay Sabrina, willing ako isuko ang shares ko sa Tucker Group.” Narinig ni Shannon at Sabrina ang sinabi ni Nelson noong pumasok sila sa study. Mukhang mahal na mahal niya si Pamela. Minsan, pinilit siya ng kanyang pamilya na mamili sa pagitan ng posisyon niya bilang tagapagmana at si Pamela—pinili niya si Pamela ng walang alinlangan. Makalipas ang tatlong taon, hindi nagbago ang determinasyon niya. Maliban sa sakit ng puso, naantig si Sabrina sa determinasyon niyang hindi natitinag. Samantala, si Shannon naman ay nagalit ng marinig ang deklarasyon ni Nelson. “Nelson Tucker, mamamatay ka sana kung hindi ka iniligtas ng biyenan mo! Ang lakas ng loob mo na magsalita ng ganyan?” “Ang ama ni Sabrina ay walang kinalaman sa pagkaligtas ko…”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.