Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 16

Habang nakatingin kay Shannon, lumalim ang titig ni Benjamin. Kahit na nagdududa siya sa kung paano niya nakilal ang pamilya Shaw, hindi na siya nagtanong pa. Sumenyas siya at inutusan ang driver na tumungo sa destinasyon ni Shannon. Hindi nagtagal, duamting sila sa villa sa timog na bahagi ng Seastone. Dahil paparating sila gamit ang sasakyan ni Benjamin, nakapasok sila sa Shaw residence ng walang problema. Kung si Shannon ay mag-isang pumunta, marahil hindi siya makakalampas sa mga gate ng neighborhood. Matapos ihatid sa entrance, hindi nagpakita ng intensyon si Benjamin na sasamahan siya sa loob. Sa oras na bumaba siya, nagmaneho paalis ang sasakyan. Noong ipinaalam sa pamilya Shaw ang pagdating ng pinuno ng pamilya Cooper, nagmadlai silang bumaba ng hagdan para iwelcome ang kanilang bisita. Pero, hindi siya ang nakita nila pero isang hindi pamilyar na babae at may fox sa kanyang bisig. “At sino naman ang babaeng ito?” Habang inaalala ang ugali ng pamilya Jensen sa kanya, pinili ni Shannon na hindi maging konektado sa kanila at ipakilala ang sarili niya na “Ms. Gray.” Kasabay nito, hindi niya binanggit na naparito siya para ibalik ang talino ni Emily, dahil hindi ito kapani-paniwala. Inilabas niya ang protective talisman mula sa Windsong Monastery mula sa kanyang bag, “Ano kasi, nagkataon na nakasalubong ko si Mrs. Shaw Senior noong isang araw at nakita ko na nahulog niya ito, kaya dinala ko ito para ibalik sa kanya.” Base sa social media account ni Emilio Shaw, sinamahan niya si Tilly Thompson sa Windsong Monastery noong isang buwan at nakakuha ng protective amulet, na ginamit ni Shannon bilang backstory. Para naman sa kausap ni Shannon kanina, siya si Helen Earle, medyo chubby at magandang babae na mahinhin at mabait ang ekspresyon. Noong napansin niya na mabait at mahinhin na babae si Shannon at may fox sa kanyang mga bisig, hindi niya ito nakitang kakaiba. “Oh, ganoon ba.” Bilang isang tao na naniniwala sa mga makalumang paniniwala, naniniwala si Tilly na ang pinsala sa ulo ni Emily at hindi pag galing ay dahila sa kahinaan ng geomancy sa bahay nila. Iniba niya noong una ang puwesto ng mga kasangkapan sa bahay, pero sa nakalipas na mga taon, ang pinaniwalaan niya ay Mysticism. Noon, ipinilit pa niya na isama si Emilio sa monasteryo para makakuha ng talisman, hiling niya na pinayagan ng pamilya. Sa mga oras na iyon, nagualt siya dahil may pumunta pa talaga dito para ibalik ang isang hamak na protective charm. “Salamat Ms. Gray at nag-abala ka pa na gawin ito. Maaari ko ba malaman kung paano mo nakilala ang biyenan ko?” Kahit na mabait si Helen, alerto pa din siya pagdating sa mga estranghero. Matapos matanong, hindi natinag si Shannon. Ipapaliwanag na niya sana ang sarili niya ng palihim niyang pinisil ang tiyan ni Marshmallow. Sa totoo lang, planado na nila ito ni Marshmallow. Sa oras na kumilos siya, agad na tatalon si Marshmallow mula sa mga bisig niya at papasok patungo sa second floor. Nabigla si Helen sa biglaang kilos ng fox, nagkunwaring nagulat si Shannon at umarte na gusto niya itong habulin. “Marshmallow! Bumalik ka dito!” Kahit na sinabi niya iyon, sa loob-loob niya, inuudyok niya si Marshmallow na hanapin si Emily. Sa loob ng dalawang minuto, sumigaw ang babae mula sa itaas. Matapos iyon marinig, si Helen at mukha ng katulong ay nalumo ng umakyat sila sa itaas agad. Kasabay nito, sumunod si Shannon kay Helen. Sa oras na makarating sila sa second floor, nakita nila ang isang babae na naksuot ng princess dress sa dulo ng hallway. Nakangiti siya ng masaya habang pinapanood ang chubby na fox na nakupo ng mabait sa harap niya. Sinubukan pa niya itong hawakan. “Emmie!” sigaw ni Helen sa takot. Pagkatapos, nagmadali siyang lumapit sa anak niya at pumagitna sa pagitan nila ng fox. Kahit na mukhang mabait ang fox, anong malay nila kung mangagat ito bigla. Dito lang nagsisi si Helen na pinayagan niyang pumasok si Shannon dala ang alaga nito. Paano niyang hinayaan ang bagay na ito? “Mommy, tignan mo! May doggy!” Kahit na si Emily—na mukhang nasa 15 o 16 years old—at may baby fat pa din sa mukha, hindi nito naitago ang ganda niya at sigla. Bukod pa doon, makikita ang pagiging inosente sa kanyang mga itim at maliwanag niyang mga mata. Pero, noong nagsalita siya, ang inosente niyang pagsasalita at pagiging simple ang nagsiwalat na para siyang bata, ipinakita nito ang problema sa kanya. Noong tinignan siya ni Shannon, naakit siya sa itim na fog sa pagitan ng mga kilay ni Emily, nagsalubong ang mga kilay niya. Noong napansin niya ang pagbabago sa mukha ni Shannon, inassume niya na napansin niya kung anong problema kay Emily, agad na hindi natuwa si Helen. Bilang resulta, malamig siyang nagsalita, “Kung wala ng iba pa, Ms. Gray, pakikuha ang alaga mo at umalis ka na. Bukod pa doon, hindi na kita ihahatid.” “Sandali lang.” Tinawag ni Shannon si Helen, sumenyas siya kay Marshamallow na lumapit sak anya. Pagkatapos, tinignan niya si Emily ng malinaw at binigyan siya ng isa pang protective talisman. “Pasensiya na at nagulat kita kanina, Ms. Shaw. Bilang paghingi ng tawad, gusto ko ibigay ang talisman na ito kay Ms. Shaw. Maporptektahan siya nito mula sa kapahamakan ng isang beses.” Nagpatuloy si Shannon, “Sa kilay ni Ms. Shaw, nakatadhana siyang mabuhay ng suwerte. Ang mga batang kadalasang ganito ay may pulang nunal sa kanilang dibdib para makaakit ng suwerte. Pero, nabago ang tadhana niya dahil sa aksidente noong bata pa siya, dahilan para mawalan ng epekto ang nunal niya. “Nakikita ko ang kalamidad na mangyayari sa loob ng dalawang araw. Panatilihin ninyo siya sa bahay at huwag siyang payagan na lumabas.” Kahit na plano ni Shannon na ipaalam kay Helen ang tungkol sa wisdom-swapping incident, mas mahalaga ang itim na fog sa pagitan ng mga kilay ni Emily. Bilang isang tao na tutok na sa kapakanan ng kanyang anak, agad na nainis si Shannon sa mga tila kalokohang sinasabi ni Shannon. Agad na nawala ang pagiging mabait niya at mahinhin at sumagot siya, “Anong klaseng scammer ka? Bakit bigla kang nagsasabi ng masama sa anak ko? “At heto pa naman ako iniisip kung paano ka nagkaroon ng konsekyon sa biyenan ko. Nagkataon na may iba ka palang pakay! Magiging mabait ako sa iyo dahil bata kapa, kunin mo na ang fox mo at umalis ngayon din. Kung hindi, tatawagan ko ang mga pulis!” Base sa reaksyon niya, malinaw na mawawalan ng saysay ang makipagusap at makipagrason sa kanya. Bilang tao na sanay na sa ganitong sitwasyon, kalmadong binuhat ni Shannon si Marshmallow sa kanyang bisig, iniwan niya ang protective talisman sa cabinet sa hallway at umalis na. Noong kinuha ang fox palayo, nalungkot si Emily, gustong sumama. “Mommy! Doggy! Bye-bye doggy.” Nalungkot si Helen ng marinig ang isipi bata niyang anak. Ang nagawa lang niya ay pagaanin ang loob niya at sinabi, “Oh, Emmie. Hindi iyon doggy, fox iyon. Nangangalmot iyon, okay? Kung gusto mo ng doggy, ikukuha kita, okay?” “Yay! The best si Mommy! Gusto ko ng doggy!” Naglaho ang pangungulila ni Emily sa fox sa isang iglap, napalitan ito ng tuwa na tila sasabog siya sa tuwa. Habang nakatingin sa anak niya, maluha-luha siya. Pero, ang ekspresyon niya ay malagim ng makita ang talisman na iniwan ni Shannon sa cabinet. Bumulong siya sa katulong sa tabi niya, “Itapon mo iyon.” Determinado siyang protektahan si Emily sa kahit na anong maaaring makapanakit sa kanya. Para sa sinabi ni Shannon tungkol sa pulang nunal at nabagong tadhana, hindi siya naniwala dito. Pero noong napatingin siya kay Emily, tinignan niya ang kanyang dibdib, sa likod nito ay ang kanyang lace blouse. Naalala niya na may maliit at halos hindi makitang nunal sa kanyang dibdib. Gayunpaman, isinawalangbahala niya ang mga bagay na pamahiin. Naghihinala siya na ang katulong na in charge kay Emily ang nagsiwalat ng impormasyon kay Shannon. Anong motibo nila? Habang lalo niya itong iniisip, lalo siyang hindi mapakali. Matapos may utusan na isama si Emily sa kuwarto niya, agad na tinawagan ni Helen si Donald at Emilio. Mukhang pumupuntirya kay Emily, hindi niya magawang maging kalmado ng hindi ito inaalam. Lingid sa kaalaman ni Helen, sa oras na umalis siya, maingat na sumilip si Emily mula sa kuwarto niya, maingat na umalis at bumaba ng hagdan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.