Kabanata 17
Sa oras na nilisan niya ang Shaw residence, hindi bumalik si Shannon sa Jensen residence. Tumawag siya ng taxi at tumungo sa dati niyang nirerentahan na lugar.
Isa itong 861-square-foot na apartment na may dalawang kuwarto at living room, kung saan nirentahan ni Shannon dalawang taon na ang nakararaan.
Ang screen ang naghihiwalay sa living room, kung saan nabibigyan ng dedicated play space si Marshmallow, kumpleto ito sa maliit na tent sa isang sulok at marmaing mag laruan.
Para sa ibang bahagi, mayroon din itong masterbedroom at study. Sa loob ng study ay dalawang mahabang lamesa, ang isang side ay puro mga gamit at materyales sa pag-uukit, at ang isa pang side ay puro dilaw na papel, cinnabar, at ibang mga antigong calligraphy tools.
Ang parehong side ay magkaibang-magkaiba, may sarili itong estilo.
Matapos pumasok sa study, nag-impake siya ng ilang mga bagay.
Hindi siya nakapagdala ng gaano ng tumungo siya sa Jensen residence, at naubos na ang mga protective talisman niya. Kung tutulungan niya si Emily na ibalik ang talino niya, kailangan niyang maghanda ngayon pa lang.
Habang nag-iimpake siya, ang phone niya na nasa tabi ay tumunog. Noong tignan ito, nakita niya ang caller ID, “Abbot of Windson Monastery.” Matapos ang alinlangan, sinagot niya ang tawag.
Isang boses ng matanda ang maririnig sa kabilang linya.
“Ms. Gray! Napapaisip ako kung pinagisipan mo na ba ang alok ko—guest lecturer position sa Jamborough School of Mystic Arts. Interesado ka sa Jamborough University, hindi ba?”
“Well, ang Jamborough University ay may kolaborasyon sa Jamborough School of Mystic Arts. Kahit na hindi ganoon kataas ang grado mo, makakapasok ka pa din gamit ang direct recommendation.
“Pero, naniniwala ako na hindi mo na kailangan pumasok sa unibersidad, para sa taong talentado na tulad mo. Kung magiging guest lecturer ka sa Jamborough School of Mystic Arts ng dalawang taon, katumbas nito ang pagiging honorary professor—na ang katumbas ay isang master’s degree.”
Habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Martin Lynch, hindi nainis si Shannon sa kanya at matiyagang nakinig. Pagkatapos niyang magsalita, sumagot siya, “Kumpiyansa ako na papasa ang score ko.”
Pagkatapos, idinagdag niya, “Hindi pa ako nakakapagdesisyon kung gusto ko tumungo sa Jamborough o manatili sa Seastone.”
Noong una, gusto niya sa Jamborough University para takasan ang pamilya Gray. Ngunit, dahil nilisan na niya ito, hindi na siya ganoong kainteresado na umalis ng Seastone.
Noong narinig niya na gusto manatili ni Shannon sa Seastone, mukhang nakalimutan ni Martin ang rekomendasyon niya kanina na tumungo sa Jamborough School of Mystic Arts. Natawa siya at sinabi, “Oh, maganda sa Seastone! Kilala ito sa paglikha ng mga talentadong mga tao at maganda ang natural na kalikasan dito.
“May mga koneksyon ako sa Seastone University. Ako ng bahala sa pag-aasikaso sa pagtanggi sa Jamborough School of Mystic Arts. Oo nga pala, Ms. Gray, naisip mo na ba ang tumungo ng direkta sa Windsong Monastery? Gamit ang kakayahan mo—”
Habang nagsasalita si Martin, hindi siya pinatapos ni Shannon, “Hindi na, salamat. Plano ko pa din na mag-aral sa unibersidad.”
Maririnig ang bigong malalim na buntong hininga mula sa kabilang linya, pero inayos niya agad ang sarili niya at sinabi, “Naubusan na kami ng protective talisman sa monasteryo. Kailan ka makakapagpadala ng isa pang batch? Babayaran namin ang napagusapang rate, tatlong libong dolyar per talisman.
Sa oras na marinig ito ni Shannon, ang ekspresyon niya ay bumuti. Tinignan niya ang laman ng kanyang drawer at sinabi, “Magpapadala na muna ako ng 20 talisman.”
Gamit ang 20 talisman, ang halaga ay aabot ng 60 thousand dollars.
Matapos idonate ang kalahati nito, mayroon pa din siyang 30 thousand dollars.
Malinaw na hindi sapat ang pagbebenta ng mga talisman para bayaran ang pamilya Gray sa pagpapalaki sa kanya.
…
Talismanist si Shannon.
Sa realm ng mystic arts, may limang mga branches, physical at spiritual, medicine, astrology, physiognomy, at divination.
Kahit na inaral ni Shannon ang limang branches ng mystic arts, ang tunay na talento niya ay nasa pag gamit ng talismanic arts.
Habang exeception ang bibihirang talisman, ang karamihan ay nakasulat sa dilaw na papel. Ang pag guhit ng talisman ang pinaka basic skill sa talismanic arts.
Higit pa dito, mayroon din na pag-ukit ng talisman, tulad ng emerald pendant na inukit niya at ibinigay kay Benjamin, o pag guhit ng talisman sa void. Ang parehong technique ay nangangailangan ng mas higit na kapangyarihan at konsentrasyon.
Matapos ikalat ang dilaw na talisman paper at cinnabar sa lamesa, kumuha ng brush si Shannon at inipon ang lakas niya. Nagsimula siyang sumulat ng kumpiyansa sa papel.
Natapos ni Shannon ang inscription, umilaw ang dulo ng brush ng kaunti, senyales na tagumpay siya sa paglikha ng protective talisman.
Dahil tapos na angi sa, tumapos pa siya ng 19 pa na talisman ng isang upuan lang, na inabot siya ng 15 minuto.
Matapos likhain ang protective talisman para sa Windsong Monastery, naisip ni Shannon si Hector at Adam na inaagalagaan siya. Matapos ang kaunting pag-iisip, kumuha siya ng piraso ng top-grade raw stone at nagsimulang mag-ukit ng talisman para sa kanila.
Buong tanghali si Shannon sa apartment, nag-impake siya sawakas at buhatin si Marshmallow, tumawag siya ng taxi at bumalik ng Jensen residence.
Noong pumasok si Shannon sa bahay at umakyat ng hagdan, binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya, balak na itabi ang mga gamit niya, ng may maliit na bagay ang tumakbo papunta sa kaniya gamit ang maliit nitong mga paa.
Noong humarap siya, nakita niya si Eva, ang anim na taong gulang niyang pinsan na inunahan siya sa kuwarto at itinutulak siya ng palayo habang galit at sumisigaw, “Hindi ka puwede dito! Kuwarto ko ito!”
Naguluhan sandali si Shannon. Tinignan niya ang kuwarto sa likod ni Eva at kinumpirma na kuwarto niya ito at hindi kay Eva.
Sa oras na iyon, nagmadali si Linda sa eksena at nakita ang ginagawa ni Eva. Mabilis niyang pinagalitan ang bata gamit ang mahinang boses, “Hindi yan ang tamang pag-uugali, Eva. Humingi ka ng tawad kay Shannon ngayon mismo.”
Kahit na pinapagalitan siya, isinawalangbahala ni Eva ang nanay niya at itinuro ang kuwarto sa likod ni Shannon at sinigaw, “Malinaw na sinabi mo na akin ang kuwartong ito, Mommy! Bakit siya dito natutulog? Sinira mo ang pangako mo! Wala akong pakielam! Kuwarto ko ito!”
Sa pagsisigaw ni Eva, si Scott at iba pa, na nasa kani-kanilang mga kuwarto ay lumabas, at narinig ang sinasabi ni Eva.
Sa oras na narinig iyon ni Shannon, alam na niya ang nangyayari.
Kaya pala nagsimula ng ibang kuwarto sa kanya si Linda sa simula pa lang.
Nagkataon na balak niya ibigay ang kuwarto ng parang mala prinsesa para sa anak niya.
Sa oras na iyon, hindi mapigilan ni Linda na mamula siya sa hiya. Hindi niya inaasahan na sasabihin ito ng direkta ng anak niya, at naiilang niyang ipinaliwanag, “Hindi sa ganoon, Shannon… nagustuhan lang ni Eva ang kuwarto, hindi niya alam na babalik ka bigla at kaya sinabi ko sa kanya—”
“Bumalik man si Shannon o hindi, pagmamayari niya ang kuwartong iyon.”
Mula sa dulo ng hallway, maririnig bigla ang boses ni Hector, indikasyon na narinig niya ang komosyon at lumapit siya para makita kung anong nangyayari.
Habang nananatili ang hinhin sa mukha niya, ang mga mata niya ay may bakas ng lamig.
Tinignan niya si Linda at nagtanong ng walang pakielam, “Hindi mo ba ito alam, Tita Linda?”
Maliban pa dito, kinikilala na si Shannon na miyembro ng pamilya, kahit na wala dito si Shannon, ang kuwartong iyon ay bawal tirahan ng kahit na sino.
Sa oras na marinig niya ito, nanigas ang ekspresyon ni Linda, nanginig ang si Linda habang natatakot.
Kasabay nito, hindi natutuwa si Hank sa kung paano tratuhin ni Hector ang nanay niya, kaya humakbang siya palapit at sinabi, “Hindi ito sinadya ng nanay ko, Hector. Bukod pa dito, malinaw na ang kuwarto at may dekorasyon na pangbata, kaya bakit hindi ito ibigay kay Eva kung gusto niya?”
Matapos iyon, tinignan niya si Shannon, may panlalait sa mga mata niya at nagpatuloy siya, “Matanda na siya, hindi ba? Bilang adult, hindi ba dapat willing siya ibigay ang gusto ng bata?”
Tumaas ang kilay ni Shannon habang natutuwa. Ang naging dating pa nito ay siya ang kumuha ng kuwarto mula kay Eva.
Hindi niya gusto ng kumprontasyon, pero kapag hinamon siya ng direkta, hindi siya magkukunwaring walang alam.
“Sinasabi mo ba na dahil bata pa siya at gusto niya ito, obligado ako na isuko ito sa kanya? At kapag ayaw ko, ako ang mali?”
“Hindi ba iyon malinaw?” sagot ni Hank.
May pahiwatig sa itsura ni Shannon. “Kung ganoon, lagi akong naaakit sa ‘Whispering Peaks at Roaming Rivers’ paintin sa National Museum. Kung puwede mo ito kunin para sa akin, willing ako na isuko ang kuwarto sa kanya. Anong masasabi mo?”
Nagkibit balikat si Shannon at sinabi niya ng walang ekspresyon, “Bata pa nga naman ako. At ang hinihingi ko lang naman ay isang hamak na national treasure.”