Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

Sa dami ng ingay na narinig niya, nagmamadaling bumaba ng hagdan si Shannon. Sa oras na nakarating siya sa ibaba, nakita niya ang kulay puti na parang nyebe na tumakbo paputna sa mga paa niya at umakyat sa kanyang braso. Noong nakita nila ang eksena, si Thomas at mga guwardiya, na hinahabol ang fox ay agad na napatigil. Kasabay nito, nakita din ng pamilya Jensen ang fox sa mga bisig ni Shannon. “Hindi mo isinama ang fox na ito, tama?” sambit ni Linda, gulat na gulat siya. “Wild na hayop ito, at may mga bata sa bahay! Paano kung makagat sila?” “Sino pa ba? Sinabi ko na sa kanya kagabi na bawal ang mga alagang hayop sa bahay, pero hindi niya ako binigyan ng pansin!” si Scott, na bumaba ng hagdan matapos marinig ang komosyon ay agad na nagsalita, pinapalala ang sitwasyon. “Sa akin siya at hinding-hindi siya mananakit ng kahit na sino,” siniguro sila ni Shannon habang yakap si Marshmallow sa mga bisig niya. “Ang mga fox ay wild na hayop at hindi mahulaan ang susunod na gagawin. Hindi mo masisiguro na hindi siya mananakit dahil lang sa sinabi mo.” Isang bata pa ang nagsalita na halos kasing edad ni Shannon mula sa isang tabi. Siya si Hank Jensen, anak ni Alex at Linda. Malinaw sa mga malamig niyang mata na hindi siya welcoming sa pagbalik ni Shannon. Matapos iyon marinig, sinabi agad ni Scott, “Oo nga!” Dahil alam niy ang galit ni Scott sa kanyang master, tumingala si Marshmallow mula sa yakap ni Shannon at humarap sa kanya, ipinakita ng nakakatakot ang mga ngipin niya. Agad na umtras si Scott at itinuro ang fox habang sumisigaw, “Nakita ba ninyo iyon? Nakita niyo, hindi ba?” Isa pang boses ng bata na natatakot ang maririnig, “Mommy! Natatakot ako! Palayasin ninyo ito! Palayasin ninyo!” Siya si Eva Jensen, ang pinakabatang anak ni Alex at Linda, anim at kalahating taong gulang. Mahigpit siyang nakakapit sa binti ni Linda, nagtatago sa likod niya. Noong pumasok si Hector, nabati siya ng eksenang nasa hagdan si Shannon hawak ang fox sa mga bisig niya. Sa mga oras na ito, napapalibutan siya ng mga tao, na tila ba pinagkakaisahan siya. Ngumit siya ng kaunti at humakbang palapit, “Naikuha ko na ng permiso si Shannon na alagaan ang fox. Kung may issue kayo dito, sabihin niyo sa akin.” Noong narinig nila na pinayagan siya ni Hector na hayaan ang fox, ang ibang mga miyembro ng pamilya Jensen ay natanga. Sa oras na iyon, lumapit si Cecily at mahinhin na sinabi, “Hindi namin pinagkakaisahan si Shannon, Hector. Sinasabi lang namin na mula sa kawalan nagpakita ang fox, at para naman kay lola…” Kahit na hindi niya tinapos ang sasabihin niya, alam ng lahat kung anong ibig niya sabihin. Ayaw nga naman ni Marie sa mga mabubuhok na hayop at hinding-hindi niya ito pahihintulutan sa bahay. Sa hina ng resistensiya niya, walang may lakas ng loob sa pamilya na kontrahin siya. Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa mountain resort. Kapag bumalik siya at nakita ang fox sa bahay, hindi ba siya magagalit? Hindi direktang pinaalala ni Cecily kay Hector na hindi siya ang laging masusunod pagdating kay Shannon. Ngumiti si Hector sa direksyon ni Cecily na parang walang pakielam at sinabi, “Kakausapin ko si lola tungkol dito.” Kahit na nakangiti siya, ang dating ng boses niya ay hindi ito tuatanggap ng kontra. Matapos iyon, humarap siya sa mga tao sa likod niya at inutos. “Gumawa kayo ng pet house sa silangang bahagi ng hardin. Magtayo din kayo ng garahe doon.” Dito lang nila napagtanto na may dalawang tao na tahimik na naksunod kay Hector, pareho silang may dalang mga kahoy. Mukhang naihanda na niya nag lahat ng kailangan para sa tutuluyan ng fox. Kahit na pinangakuan ni Hector si Shannon noong gabi, nabigla pa din siya ng madiskubre na naihanda na niya ang titirahan ni Marshmallow para sa susunod na araw. Habang humigpit ang yakap niya, inabandona ni Shannon ang unang plano niya na ibalik si Marshmallow sa lugar na nirerentahan niya noon. Kung may sumusuporta nga naman sa kanya, hindi siya dapat sumuko o umatras. Hindi na siya considerate kung gagawin niya ito. Base sa awtoridad ni Hector, si Scott at iba pa ay hindi na kumontra tungkol sa fox ni Shannon. Dahil wala na siyang ibang pagpipilian, naghihintay lang sila hanggang sa bumalik si Marie, napapaisip kung paano mapoprotektahan ni Hector si Shannon sa panahong iyon. Natural na hindi alam ni Shannon ang iniisip nila. Umakyat siya kasama si Marshmallow, nagbihis at nag-almusal. Pagkatpaos, metikuloso niyang sinuklayan si Marshmallow, para masigurong maayos siya at makintab. Noong natuwa na siya sa resulta, binuhat niya si Marshmallow para umalis. Nabawasan ang kanyang oras dahil tinanghali na siya ng gising, nakaalis na si Shannon ng bahay noong 10:30 am. Naisip niya na baka nasa kumpanya na si Benjamin, pero matapos ang insidente kagabi, napagdesisyunan ni Shannon na dumaan sa kanila para humingi ng tawad. Nagulat siya dahil nasa bahay si Benjamin. Sa oras na iyon, nakasuot ng suit si Benjamin, ang bawat detalye ay perpekto na tila ba handa na siyang umalis para sa trabaho. Pero, nakaupo siya doon at relaex, mukhang napalilibutan ng gintong liwanag, tulad pa din ng dati. Agad na inayos ni Shannon ang sarili niya at lumapit habang buhat si Marshmallow sa mga bisig niya. “Nagkataon na nandito ka pa pala, Mr. Cooper.” Habang inoobserbahan ni Benjamin ang ugali niya, sumingkit ang mga mata ni Benjamin. Ang emosyon niya ay walang emosyon, walang pakielam niyang sinabi, “Sinabi mo ba pupunta ka dito ng maaga.” Noong narinig niya iyon, natanga si Shannon sandali. Dahil nakabihis ng maayos ang bigatin sa harapan niya, maaari kaya dahil sinabi niyang pupunta siya dito para humingi ng tawad at… naghintay siya talaga para sa kanya? Hindi naman siguro ganoon, hind ba? Ganoon ba talaga karami… ang libreng oras niya? Habang nakafocus si Shannon sa pagbisita, hindi niya napagtanto na nakatitig si Benjamin sa pangako niyang “bukas ng umaga.” Ang isa sa mga OCD na ugali ni Benjamin ay pagtupad sa mga pangako. Noong sinabi ni Shannon na pupunta siya ng maaga, isinapuso niya ito at hinintay siya dumating. Pero ang hindi niya inaasahan na “bukas ng umaga” ay 10:30 am pala. “Pasensiya na talaga sa abala ng fox ko kagabi. Heto ang protective talisman na gawa ko. Tanggapin mo ito bilang paghingi ko ng tawad.” Matapos ito, iniabot ni Shannon ang lalagyan na may emerald pendant. Inukitn iya ang pendant mismo, may auspicious sigils na nakalagay sa likod para makaakit ang suwerte at blessings. Dahil sa gintong liwanag ni Benjamin para protektahan siya sa mga masasmang espirito, naisip niya na ito ang pinakamakapangyarihan na protective talisman ay redundant kaya ito ang pinili niya. Dahil ang emerald pendant ay mula sa high-quality emerald na nagtataglay ng spiritual energy, mas matindi ang epekto nito. Para din ito sa pagkakaroon ng mabuting relasyon kay Benjamin, maaaring magkaroon pa siya ng pagkakataon na masulit ang ginintuan niyang liwanag. Pagkatapos tanggapin ang pouch, hindi ito binuksan agad ni Benjamin. Sa halip, sumenyas siya sa kanyang butler na si Julian Brown, na kunin ito at itabi, na tila ba tinatanggap ang “paghingi ng tawad.” Noong napansin niya ito, hindi mapigilan ni Shannon na sabihin, “Ang protective talisman ay epektibo lang kung nasa iyo ito lagi.” Sa oras na marinig niya ito, ang kilos ni Benjamin na pagsenyas kay Julian para kunin ang talisman ay natigil. Pagkatapos, pinaalis niya si Julian pagkatapos sumenyas at ibinulsa ang lalagyan sa kanyang suit. Dito lang napangiti si Shannon matapos makita ang ginawa ni Benjamin. Dahil okay na ang “paghingi ng tawad”, hindi na nag aksaya ng oras si Benjamin at tumayo para umalis. Noong napansin niya ang kanyang pagkilos, sumunod si Shannon, habang buhat si Marshmallow. Habang magkatabing naglalakad ang dalawa, palihim siyang tila may kinuha sa gintong liwanag sa palibot niya. Sa sumunod na sandali, nakakuha siya ng dalawang particles ng gintong liwanag sa mga kamay niya. Makikita ang gulat sa mukha ni Shannon. Nagtagumapy siya sa pagkuha ng gintong liwanag niya! “Anong ginagawa mo?” malamig na tanong ni Benjamin, malinaw na napansin na may ginawa siya. Kahit na nahuli siya sa akto, nanatiling hindi natitinag si Shannon. Nagsabi siya ng palusot, “Kung aalis ka na, puwede mo ba ako ihatid? Paalis na din naman ako.” Noong tignan ni Benjamin sa mukha si Shannon habang naghihinala, naalala niya ang protective talisman na ibinigay niya. Ang iisang talisman ay parehong para sa paghingi ng tawad at means of transportation. Tunay nga na madiskarte siya. Habang iniisip niya ang mga bagay na ito, nanatiling walang emosyon sa mukha niya, tumango lang siya. Dahil sumangayon siya, sumakay si Shannon sa sasakyan kasama si Marshmallow habang yakap ito. Noong napansin niya na nakatingin si Benjamin sa fox sa kanyang mga bisig, makikita ang panghuhusga sa mga mata niya, agad na nagpaliwanag si Shannon, “Nalinis ko na siya ng husto pagkauwi kagabi. Malins na siya ngayon.” Matapos iyon marinig, nanatiling tahimik si Benjamin bago nagtanong, “Saan ka pupunta?” Makiktia ang kinang sa mga mata ni Shannon at sumagot siya, “Pupunta ako sa Shaw residence.” Balak niyang kumita ng extra na pera.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.