Kabanata 14
“Pasensiya na sa abala, Mr. Cooper. Gabi na, kaya hindi na kita iistorbohin. Pupunta ako bukas para maayos na humingi ng tawad.” Napagdesisyunan ni Shannon na linisan si Marshmallow sa gabing iyon. Bukas, makikita ni Benjamin ang malinis na fox.
Nanatiling malayo ang ekspresyon ni Benjamin. Tumango siya at sinabi sa kanyang butler, “Ihatid siya pauwi.”
Tumango ang butler at magalang na inihatid si Shannon palabas ng manor. Kahit na nasa iisang neighborhood lang si Benjamin at Shannon, considerate ang butler dahil inorganisa niya na ihatid sila ni Marshmallow ng security guard sa Jensen residence.
Naguluhan si Thomas ng makita siya. Hindi niya alam na umalis si Shannon! At may dala siyang fox sa mga bisig niya?
“Ms. Shannon, ito ay…” tinignan niya si Shannon at Marshmallow pagkatapos ihatid palabas ang butler ni Benjamin. Noong una, hindi niya alam kung ano ang una niyang itatanong.
Noong nakita niya na jacket lang ang suot ni Shannon at pajama, nagmamadali siyang inihatid ng bulter sa loob ng manor. Habang papasok, nakita siya ni Hector na nakatayo sa hagdan, malinaw na hinihintay siya. Samantala, si Scott at nakasilip mula sa sulok. Sabik na makita kung anong mangyayari.
Noong nakita niya si Marshmallow, hindi niya mapigilan na magtanong ng mahina, “A-Ano iyang nasa mga bisig mo? Hindi tayo maaaring mag-alaga ng mga mabuhok na hayop sa loob ng bahay!”
Tinignan siya ni Shannon at sinabi, “Kung ganoon, paano ka napasok dito?”
Nagulat si Scott, tulalang nakatingin kay Shannon. Natawa si Hector sa sinabi niya. Namula sa galit si Scott ng mapagtanto niya kung anong ibig sabihin ni Shannon, nautal si Scott, “I-Ikaw…”
“Gabi na. Tulog na si lolo at iba pa,” hindi siya pinatapos magsalita ni Shannon. Agad na nawala ang galit ni Scott sa sinabi ni Shannon.
Marahas siya, pero alam niya kung kailan hindi siya puwede gumawa ng kalokohan. Ang isa sa mga batas ng pamilya Jensen ay walang puwedeng gumawa ng gulo sa gitna ng gabi. Si George at matanda na at madalas matulog ng maaga. Masama para sa kalusugan niya ang magising bigla.
Kaya, kahit na nagagalit si Scott dahil sa sinabi ni Shannon, wala siyang magawa kung hindi pigilan ang galit niya at galit na dahan-dahang umakyat ng hagdan.
Pinanood siya ni Shannon na umalis bago humarap kay Hector. Ang ugali niya ay ibang-iba sa noong kausap niya si Scott. Humigpit ang kapit niya kay Marshmallow at sinabi, “Alaga ko itong fox. Hinanap ako nito dahil alam niyang umalis na ako ng Gray residence.”
Tumigil siya sandali at sinabi, “Nagrenta na ako ng lugar para sa kanya, kaya isang gabi lang siya dito. Ihahatid ko siya bukas ng umaga.”
Sa madaling salita, hindi siya gagawa ng gulo para sa pamilya Jensen. Hindi mapigilan ni Hector ang puso niya na masaktan ng marinig ito. Malinaw na matagal na si Marshmallow kay Shannon, pero hindi niya ito puwede itabi sa kanya—dahil hindi ito pinayagan ng pamilya Gray.
Ngayon at nasa sarili na niyang tirahan, hindi niya naikunsidera na panatilihin si Marshmallow sa tabi niya. Nasaktan ng husto si Hector sa pagiging maingat niya. Kasabay nito, lalo niyang kinamuhian ang pamilya Gray.
Si Shannon ay Anak ng pamilya Jensen at kapatid niya—dapat iniispol siya pero minaltrato siya ng pamilya Gray hanggang umabot pa sa punto na hindi siya naglakas loob na itanong kung puwede ba niya makasama ang alaga niya!
Pinigilan ni Hector ang pagkamuhi niya sa pamilya Gray at humakbang palapit habang nakangiti. Ang tono niya ay madiin at malambing, “Bahay mo ito. Puwede mo makasama ang alaga mo dito hanggang sa gusto mo.”
Nabigla si Shannon. “Pero hindi ba’t sinabi ni Scott na bawal ang mabuhok na hayop sa—”
“Ikaw na mismo nagsabi na puwede siya dito, hindi ba? Hindi ko nakikita kung bakit hindi puwede na nandito ang fox mo,” ginamit niyang sagot ang sinabi niya kay Scott kanina. Kasabay nito, tinapik niya ang ulo ni Marshmallow ng elegante at natutuwa.
Noong nakita niyang tulalang nakatingin si Shannon sa kanya, ngumiti siya at sinabi, “Huwag ka mag-alala. Nandito ako para sa iyo.”
Naantig ang puso ni Shannon. Pamiylar na pakiramdam ang naramdaman niya. Ibinuka niya ang mga labi niya, gusto siyang pasalamatan. Pagkatapos, naalala niya na hindi niya kailangan na magpasalamat sa kanya. Kaya, nilunok niya ito at sinabi bago tumango ng masunurin. “Sige.”
Bumalik si Shannon sa kuwarto niya kasama si Marshmallow. Noong isinarado niya ang pinto at napagtanto niya na nakangiti siya ng kaunti. Tinignan niya si Marshmallow na nakatingin sa kanya at napapaisip.
Agad na nawala ang ngiti niya at naging istrikto siya. Sinabi niya, “Hindi ba’t nagkasundo na tayo na hindi ka dapat magtatatakbo at mananatili sa kung nasaan ka? Halos maging pagkain ka na ngayon, alam mo ba?”
Mukhang naintindihan siya ni Marshmallow. Tumalon ito sa sahig at inosenteng umikot. Pagkatapos, sumenyas siya sa kanyang bag. Mukhang sinasabi, “Lumipat ka ng bahay, kaya nandito ako para samahan ka. Wala naman mali dito.”
Sumignhal si Shannon at yumuko para tignan ang laman ng bag. Ngumiti siya ng mkaita niya ang mga bagay sa loob. Maliban sa delatang pagkain ni Marshmallow, ang karamihan ay mga gamit niya na kailangan para sa trabaho—mga talisman, cinnabar at iba pa.
Stuck siya sa ospital ng tatlong araw dahil sa aksidente. Kahit na ipinaalaga niya si Marshmallow sa mga oras na iyon, malinaw na nag-aalala ito sa kanya na baka maubos ang kanyang mga pangangailangan. Hinimas niya nag ulo ni Marshmallow bago itinabi ang mga gamit.
Simula ng mag-aral siya ng mystic arts mula kay Thalia, nagrenta ng maliit na apartment si Shannon sa ibang lugar. Sa kabilang banda, hindi niya gusto na malaman ng pamilya Gray na inaaral niya ang mga ganito. Sa isang banda, mas okay ito sa kanya dahil may mapaglalagyan siya ng kanyang mga gamit.
Kaya wala siyang kinuha mula sa pamilya Gray matapos mapalayas—wala sa Gray residence ang mga bagay na mahalaga.
Ang plano niya ay kumustahin si Marshmallow matapos maayos ang tirahan niya sa Jensen residence. Hindi niya inaasahan na aalis si Marshmallow at hahanapin siya… kahit na napunta pa ito sa maling lugar.
Gabi na, pero dinala pa din ni Shannon si Marshmallow sa banyo para paliguan ng mabuti. Sa oras na tapos na siya, natulog siya sa kama kasama si Marshmallow.
Dahil siguro sa gising siya kahit na gabi na, pero nalate siya ng kaunti ng gising sa sumunod na araw. Noong nagising siya at nakita ang malaprinsesang kuwarto, natulala siya. Natagal bago niya naalala na bago na niya itong kuwarto.
Noong nasasanay siya sa pink na kuwarto, may narinig siyang sumigaw. “May fox! Thomas, tulong!”
Isang boses pa ang narinig nila. “Saan nanggaling ang fox na ito? Bilisan ninyo at hulihin ito!”
Naging alerto bigla si Shannon. Agad siyang bumangon at tumingin sa paligid, wala ang alaga niya. Nagbago ang ekspresyon niya habang nakikinig sa mga sigawan sa ibaba.
Si Marshmallow!