Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si ‘Jin’, kaya sobrang nag-alala si Ling Yiran na baka may nangyari na dito, lalo na wala itong cellphone para matawagan man lang ito. Kaya nag-aalalang lumabas su Ling Yiran sa kanayang apartment at naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa may entrance sa pagbabakasakaling makasalubong niya si ‘Jin’. Pero pagkalipas ng ilang oras, sa wakas naaninag na niyang naglalakad papalapit sakanya ang taong kanina niya pa inaantay. “Jin!’ Sa wakas makakahinga na siya ng maluwag. Samantalang si Yi Jinli naman ay biglang natigilan sa paglalakad at hindi makapaniwalang napatingin nalamang sa babaeng tumatakbo papalapit sakanya. Hingal na hingal at namumula ang buong mukha ni Ling Yiran dahil sa sobrang lamig, ngunit bakas sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nito. “Buti naman at nakauwi ka na,” hingal na hingal na salubong ni Ling Yiran. “Ate…. Hinihintay mo ba ako?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yi Jinli. Hinimas niya ang pisngi nito at base sa lamig na naramdaman niya, mukhang ilang oras na itong nagaantay sa labas. “Oo kasi sobrang nagaalala ako na na hindi ka pa umuuwi, eh gabing gabi na. Buti nalang at nandito na,” nakangiting sagot ni Ling Yiran. Bahagyang umikot ang mga mata ni Yi Jinli. Nagaalala siya kay ‘Jin’ at hindi kay Yi Jinli ng Yi Group. Pero kung malalaman kaya nito na siya si Yi Jinli balang araw, mag-aalala pa rin kaya ito ng sobra para sakanya? “Medyo ginabi na ako kasi hindi ko kaagad naubos ang mga leaflets. Ang lamig ng mga kamay mo. Akin na, papainitin ko.” Habang nagsasalita, hinawakan ni Yi Jinli ang mga kamay ni Ling Yiran, at kagaya ng ginawa nito sa mga kamay niya noong nakaraan, paulit-ulit niya rin itong kiniskis para gumawa ng init. Wala pa man ding ilang segundong ginagawa ito ni ‘Jin’, tuluyan ng nawala sa pakiramdam ni Ling Yiran ang lamig. Hindi maitatanggi na sobrang lamig ng panahon, pero….parang biglang uminit ang paligid niya. “Jin, buti nalang talaga at nandito ka.” Pabulong na sabi ni Ling Yiran. “Nakatatak na yan sa isip ko ate ha. Sana hindi mo pagsisihan balang araw na sinabi mo yan.” Nakangiting sagot ni ‘Jin’. “Hindi ko talaga yan pagsisihan. Hmm, okay na yung mga kamay ko. Tara umuwi na tayo at iniitin ko yung pagkain.” Masayang pagpapatuloy ni Ling Yiran habang hinihila si ‘Jin’ pauwi sa apartment niya kaya hindi na niya napansin ang itim na sasakyan na nakaparada sa isang eskinita na hindi kalayuan. Samantalang si Gao Congming, na nasa loob ng sasakyan ay hindi makapaniwala sa nakikita ng dalawa niyang mga mata. Si Young Master Yi ay….pinapainit ang kamay ng isang babae… Sa tanang buhay niya, ngayon niya lang nakita na ginawa ito ni Young Master Yi sa isang babae. Kahit kay Hao Meiyu, na naging fiancé ng Young Master, ay kahit kailan hindi niya nakitang trinato nito ng ganito. Pero ngayon… Ginagawa ito ni Young Master Yi Kay Ling Yiran. Kay Ling Yiran…. Ang taong naging dahilan ng pagkamatay ni Hao Meiyu! Kapag naalala niya na sinundo rin ni Young Master Yi sa club ang lasing na lasing na Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang mababaliw na siya. Ano ba talagang tumatakbo sa isip ni Young Master Yi? Hindi kaya may nararamdaman na si Young Master kay Ling Yiran? — Kinabukasan, sa loob ng opisina ng CEO, habang nirereport ni Gao Congmin kay Yi Jinli ang schedule at mga trabaho ng Young Master sa buong araw, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maya’t-mayang mapatingin sa mga kamay nito. Sobrang ganda ng mga kamay nito. Mahahaba ang mga daliri at halatang laki ito sa yaman kaya kahit na lalaki si Gao Congmin, hindi niya ipinagkakaila na nagagandahan talaga siya sa kamay ng Young Master. Pero ang mga kamay rin na ito ay nakita na rin niyang walang kaawa-awang sumakal ng tao na halos mapatay na nito. Walang pakielam ang Young Master kahit mabahiran pa ng dugo ang mga kamay nito, at iniisip niya pa lamang ang mga nakita niya noon ay kinikilabutan na siya. Kaya… hindi niya inaasahan na makikita niya ang mga kamay nito na papainitin ang mga kamay ng isang babaeng ex-convict. “Anong mayroon sa mga kamay ko?” Biglang tanong ni Yi Jinli na siya ring gumulat kay Gao Congmin. “Ah, wala po.” Nang mahimasmasan si Gao Congmin, dali-dali niyang ibinaling ang kanyang tingin sa iba at nag-abot ng isang invitation card kay Yi Jinli. “Young Master, galing po ito sa Hao Family dahil ikakasal na ang Hao at Xiao family at sa loob ng dalawang linggo, kaya gusto sa na ni Chaiman Hao na pumunta ka.” “Kasal?” Tanong ni Yi Jinli habang nakatitig sa invitation card. Alam naman ni Yi Jinli ang intensyon ng mga Hao kung bakit siya gustong papuntahin ng mga ito. Minsan na rin silang na engage ni Hao Meiyu, ang panganay na anak ng mga Hao. Pero alam niya rin na bago ang aksidente, nagkaroon ng relasyon sina Xiao Zigi at Ling Yiran. Pero dahil gusto siyang makita ng mga ito… “Sige, pumunta tayo.” Hindi na sumagot si Gao Congming at tinandaang maigi ang sinabi ng Young Master. Kinahapunan, sinamahan ni Gao Congming si Yi Jinli sa isang pribadong ospital sa Shen City. Limitado lang ang pumupunta sa ospital na ito at lahat mayayaman at matataas ang mga reputasyon sa lipunan. Huminto si Gao Congming sa may bandang pintuan ng isang kwarto, at hinayaan si Yi Jinli na pumasok sa loob. Kilang kilala ni Gao Congmin ang matandang lalaki na nasa loob ng kwarto. Minsan itong nangibabaw sa buong mundo at sa Shen City, kontrolado nito ang lahat, maging ang hangin at ulan, pero isang araw, ang nagiisa nitong anak na lalaki ay biglang lumayas ng bahay para sa isang babae. Pagkalipas ng maraming taon, abo at isang bata nalang ang umuwi sa mansyon ng mga Yi. Sa loob ng kwarto, tinignan ni Yi Jinli ang matandang lalaki na nakahiga sa kama. Ang matandang ito, na dapat tinatawag niyang ‘lolo’ , ay nakasuot ng hospital gown habang may swerong nakatusok sa isa nitong kamay. Araw-araw, pahina ito ng pahina at papayat ng papayat. Tinignan ni Master Yi ang nagiisa niyang apo at hinang-hinang sinabi, “Nandito ka na.” “Opo, nandito na ako,” sagot ni Yi Jinli. Nagtitigan lang ang mag ‘lolo’ na para bang pareho silang sanay na sanay sa ganung klaseng katahimikan. Pagkatapos ng ilang minuto, muling nasalita si Master Yi. “Nabalitaan ko sa secretary ko na ikakasal na raw ang Hao at Xiao family?” Kahit na nakaratay na ang matanda sa ospital, araw-araw pa ring nagrereport ang kanyang secretary sakanya. “Ikakasal na sila sa loob ng dalawang linggo at nagpadala sila ng invitation,” sagot ni Yi Jinli. “Pupunta ka ba?” “Bakit naman hindi?” Nagulat si Master Yi sa naging sagot ng apo, at makalipas ang ilang minuto, natatawa siyang nagpatuloy, “Tama yan. Mabuti naman at hindi ka kagaya ng tatay mo.” Mula noong mamatay si Hao Meiyu, wala ng ibang babaeng nakausap ang apo niya sa loob ng tatlong taon kaya bilang lolo, nagaalala siya na baka matulad ito sa anak niya na sobrang kinain ng pagmamahal nito sa isang babae, at dumating sa punto na hindi nito matanggap ang pagiisa ng Hao at Xiao family. Lalo na ex-girlfriend pa ni Xiao Zigi ang pumatay kay Hao Meiyu. Alam ni Yi Jinli ang ibig sabihin ng lolo niya na ‘Hindi ka kagaya ng tatay mo’ kaya sumagot siya, “Hindi kami pareho, at kahit kalian hindi ako magiging katulad niya.” Hinawakan ng matanda ang kamay ni Yi Jinli. Bakas sa kulu-kulubot nitong mga daliri ang panghihina nito. “Tandaan mo yang mga sinabi mo ngayon. Huwag kang gagaya sakanya. Kung nakinig lang sana siya sa akin, hindi sana siya…” Puno ng galit at pagkasuklam ang mga mata ni Master Yi habang sinasabi ang mga ito, na sa sobrang gigil ay hindi na niya namalayang naibaon na pala niya ang kanyang mga kuko sa kamay ng apo, na siyang nag-iwan ng mga pulang marka. Samantalang si Yi Jinli ay parang walang nararamdamang sakit at palihim na ngumisi. Hinding hindi niya ipagpapalit ang lahat ng maroon siya para sa isang babae at kahit kailan hindi niya nakikita ang sarili niya na magmamahal ng isang tao ng sobra sobra hanggang sa wala ng matira sakanya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.