Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6 & 7

“Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sayo,” sagot ni Ling Yiran. Dahil sa impluwensya ng alak, walang anu-anong lumapit si Assistant Director He kay Ling Yiran at sinampal ng malakas ang mukha nito. “Kapag sinabi kong uminom ka, uminom ka. Bakit ba napaka taas ng tingin mo sa sarili mo eh talunan ka naman?!” Habang nagsasalita, kinuha niya ang bote ng alak at pinilit ipalaklak sa bibig ni Ling Yiran. Gusto sanang pumalag ni Ling Yiran, pero masyadong malakas ang lalaking nasa harapan niya, dagdag pa na tinutulungan ni Ling Luoyin ang lalaki. Natuwa si Assistant Director He sa pagtulong ni Ling Luoyin kaya muli itong nagsalita, “Luoyin, ang talion mo talaga. Kakausapin ko ang director para bigyan ka ng mas maraming screen time.” Malamang dahil sa magandang balita na narinig ni Luoyin, lalo pa siyang ginanahan na itulak si Ling Yiran. “Maraming Salamat po Assistant Director He. Bobo po kasi yung ate ko, pagpasensyahan niyo na po.” Medyo marami rin ang alak na pwersadong ipinainom kay Ling Yiran at medyo mabilis siyang malasing kaya sa puntong ito, tinamaan na siya kaagad ng impluwensya ng alak pero sinubukan niyang labanan ito at magsalita, “Gu… gusto ko ng umuwi….” “Sige, iuuwi n akita.” Hinawakan ni Assistant Director He ang braso ni Ling Yiran, habang puno ng malisya ang mababakas mula sa mga mat anito. Sakto lang ang ganda ni Ling Yiran, pero kapag naiisip ni Assistant Director He na naging girlfriend ni Young Matser Xiao ang babaeng ito, bigla siyang ginaganahan. Pero biglang nagring ang phone ni Assistant Director He. Noong una, gusto niya sanang ibaba ang tawag pero nang makita niya na ang director ang tumatawag, dali-dali niya itong sinagot. Kuya niya ang director at sa madaling salita, ito rin ang dahilan kung bakit siya naging Assistant Director. Pero matapos niyang sagutin ang tawag, biglang nahimasmasan si Assistant Director He, namutla at biglang bumilis ang paghinga. “Pa…Paano… nangayri yun? Siya, siya ay… taga linis lang siya na galing sa mahirap na pamilya. Kahit na naging boyfriend niya si Xiao Zigi, may iba ng fiancé si Xiao Zigi ngayon, kaya wala na siyang pakielam dapat, kasi kung talagang nag-aalala siya, bakit hinayaan niyang maging taga linis ang ex-girlfriend niya?” “Basta, wag na wag mong gagalawin ang babaeng yan, at hayaan mo siyang umuwi ng ligtas. Alam mo bang tinawagan ako mismo ng may-ari ng kumpanya para pagbataan ako? Sabi niya kapag may nangyari raw na masama sa babaeng yan ngayong gabi, tatanggalin ang buong production team bukas na bukas mismo. At ikaw, hindi ka na pwedeng manatili dito sa Shen City,” takot na takot na sabi ng Director. Dahil sa pagbabanta ng boss nila, hindi mapalagay ang director. “Paano nangyari yun? Ilang milyong dolyares na puhunan tapos tatanggalin? Hindi makapaniwalang tanong ni Assistant Director He, “Sino ba tong babaeng to?” “Anong alam ko? Kaya kahit anong mangyari, wag na wag kang magkakamali. Kapag ginalaw mo kahit isang hibla lang ng buhok niyan, humanda ka sa akin!” Galit na sagot ng Director. “Kamusta na ba siya? Okay lang naman siya, diba?” Ang pakiramdam ni Director He ay parang gusto niyang umiyak pero walang luhang lumalabas mula sa mga mata niya. Hindi niya masabi na sinampal niya ito ng malakas at pwersadong pinalaklak ng alak. Hirap na hirap na pinilit ni Ling Yiran na buksan ang pintuan ng private room para lumabas, pero bigla siyang hinila pabalik ni Ling Luoyin dahil hindi talaga ito titigil hanggat hindi nito nakukuha nag gusto nito, na sumikat. Ang hindi niya inaasahan ay sasalubungin siya ng malakas na sampal ni Assistant Director He, na sa sobrang lakas ay tumilapon at natumba siya. “Bakit mo siya pinipigilan?” Galit nag alit na sigaw ni Assistant Director He na para bang muhing muhi siya kay Ling Luoyin. Kung hindi dahil sa babaeng ito, hindi sana siya masasangkot sa gusot na ‘to. Gulat na gulat na napatingin si Ling Luoyin kay Assistant Director He habang tinutulungan nitong makalabas si Ling Yiran ng kwarto. “Assitant Director He, anong…?” “Siniset up mo ba ako? Sino ba yang kapatid mo? Sino ang taong nasa likod niya?” Gigil na gigil na tanong ni Assistang Director He. Hindi maipinta ang istura ni Ling Luoyin na halatang walang ideya sa nangyayari. “May mataas na tao bang pumuprotekta kay Ling Yiran? Bakit wala akong alam tungkol dun?!” Habang nagbabangayan ang dalawa sa loob, hirap na hirap naglakas palabas si Ling Yiran ng kwarto. Nang dahil sa epekto ng alak, pakiramdam niya ay lumilipad siya at habang patagal ng patagal, pakiramdam niya ay lalong lumalabo ang paningin niya. “Kailangan ko ng umuwi…. Kailangan ko ng umuwi ngayon. Lalo akong mapapahamak kapag hinimatay ako sa kalsada!” Sinusubukan niyang kumbinsihin ang sarili niya, pero parang sinasabotahe siya ng sarili niyang katawan. “Saan… Saana ko pupunta?” Habang nagpapatuloy sa paglalakad, may isang imahe na malabo sa paningin niya ang biglang sumulpot. Kahit na lasing siya… alam niyang pamilyar ang taong ito na siya ring nagbigay sakanya ng hindi maipaliwanag na kapanatagan. Pakiramdam niya na hanggat nasa harapan niya ang imaheng nakikita niya ay ligtas siya. Dahan-dahang naglakas papalapit si Ling Yiran sa imaheng nakikita niya at matapos ang ilang hakbang, sa wakas nakarating rin siya sa harapan nito. Iniangat niya nag kanyang ulo para tignan ng malapitan ang imahe. Hindi maipalagay ang kanyang mga mata dahil sa sobrang kalasingan pero bigla siyang ngumiti, na para bang sobrang napanatag. “Jin..” Ang sumunod na nangyari ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at natumba. Sinalo ni Yi Jinli ang lasing na lasing na si Ling Yiran. Napatitig siya sa pisngi nito, at hindi nagtagal ay dahan dahan niyang hinimas ang parte na nasampal at sa hindi maipaliwanag na dahilan, napuno ng galit ang kanyang mga mata. “Young Master Yi.” Dali-daling ibinaba ni Gao Congming ang hawak nitong phone at nagmamadaling ipinaliwanag ang mga nangyari.” Mukhang sapilitan pong pinainom ng alak si Miss Ling, pagkatapos nasampal din po siya.” “Ganun ba? Siguraduhin mong mababalian ng kamay ang taong sumampal sakanya,” sagot ni Yi Jinli habang binubuhat si Ling Yiran at isinasakay ito sa kanyang sasakyan. Hindi makapaniwala si Gao Congming sa naging reaksyon ng kanyang amo. “Pinagtatanggol niyo po ba si Ling Yiran?” Noon, walang ginawang kahit anong paghihiganti ang Master Yi nangmamatay ang fiancé nito, samantalang ngayon, sa taong mismong naging dahilan ng aksidente, siya ay… Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapigilang mapatingin ni Yi Jinli sab akas ng sampal na nasa pisngi ni Ling Yiran. Malinaw sakanya na laruan niya laman ito, pero bakit nagagalit siya ngayon na sinaktan ito ng ibang tao? Dahil ba ‘to sa naawa siya? Pero… kahit kalian, hindi siya naawa sa kahit kanino. — Pagkagising ni Ling Yiran, sumalubong sakanya ang kisame ng kanyang apartment at… isang pamilyar na mukha. “Jin!” Dali-daling bumangon at umupo si Ling Yiran, pero naramdaman niya na halos mabiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Huminga siya ng malalim at makalipas ang ilang sandali, muli siyang nagsalita, “Paano… paano ako nakauwi dito? Ang alam ko lang nasa clubhouse ako….” Habang inaalala ang nangyari noong nakaraang gabi, napalitan ng lungkot ang kanyang ekspresyon. “Nakita kita naglalakad palabas ng club, kaya inuwi kita,” sagot ni Yi JInli. “Pero hindi ko naman sinabi sayo kung saan ako pupunta.” “Noong sinagot mo yung tawag, narinig ko yung address,” sagot ni ‘Jin’. Gusto mob a ng tubig? Para gumaan pakiramdam mo.” Binigyan ni *Jinli* ng maligamgam na tubig si Ling Yiran, na agad naman nitong ininom. “Hmm.. wala naman akong ginawang kahit ano noong lasing ako, diba?” Nahihiyang tanong ni Ling Yiran. Kabanata 7 “Wala,”sagot ni Yi Jinli. Pero sa totoo lang, pagkarating nila kagabi sa apartment. Inihiga niya kaagad ito, pero bigla siyang hinila nito at tinitigan siya nito sa mga mata. Noong oras na ‘yun, hindi siya makapaniwala na sobrang lampa niya. Siguro kung mamatay tao yung kaharap niya kagabi, walang kaduda-dudang patay na siguro siya ngayon! Ang buong akala niya ay lagi siyang alerto kaya hindi siya makapaniwala na walang kahirap-hirap siyang nahila nito. Noong susubukan n asana niyang tumayo, bigla nitong hinawakan ang mukha niya at hinawi ang makapal niyang bangs at dahan-dahan nitong kinapa ang kanyang mga mata. “Sobrang ganda talaga ng mga mata mo… Gusto… gustong gusto ko talaga yan…” Bulong ni Ling Yiran. “Gusto?” Hindi nabago kay Yi Jinli ang mga salitang ito dahil lahat naman ata ng babae ay sinasabing gusto siya ng mga ito at ang ganda ng mga mata niya. Siguro dahil ang mga mata niya lang ang bukod tanging namana niya sakanyang nanay. Noon, sa tuwing napapatingin ang tatay niya mga mata niya, natutulala ito at kadalasan sinasabi nito, “Kung titignan kita sa mga mata mo, parang sobrang emosyunal mo, pero sa totoo lang, yang mga matang yan ang pinaka walang pusong matang nakita ko. Hindi ko alam kung magiging ano ka balang araw… emosyunal o walang puso…” “Hm, kasi… ahhhhh…sobrang puro kasi nila…” Sagot ni Ling Yiran na sinabayan ng malakas na dighay. “Puro Nakangising sagot ni Yi Jinli. Ngayon niya lang siya nakarinig ng sagot na ‘puro’ ang dahilan kung bakit maganda ang kanyang mata. “Para bang…Hindi sila nababhiran ng kahit anong kasalanan.. Sobrang puro…” Sa sobrang lasing ni Ling Yiran, hindi na niya namalayan na halos magkadikit na sila ng mukha. “Jin, wag kang matakot… Poprotektahan kita…” Pagkatapos itong sabihin ni Ling Yiran, dahan-dahan siyang humiga sa dibdib ni Yi Jinli at tuluyan ng nakatulog. “Poprotektahan ako? Hindi mo nga kayang protektahan ang sarili mo, pero gusto mo akong protektahan? Nagbibiro ka ba!” Noong oras nay un, muli siyang tinignan si Li Yiran na mahimbing na natutulog sa dibdib niya at sinabi, “Ate, wala ka namang ginawang kahit ano eh. Natulog ka lang.” Pagkatapos itong marinig, huminga lang ng malalim si Ling Yiran. Muling napatingin si *Jinli* sa namamagang parte ng pisngi nito. “Masakit ba yang mukha mo?” Nagulat si Ling YIran sa tanong ni ‘Jin’ pero sumagot siya, “Okay lang.” Sa totoo lang, yun talaga ang nararamdaman niya dahil walang wala ito sa dinanas niya sa sa kulungan. “Anong nangyari kagabi? Bakit namamaga yung mukha mo at lasing na lasing ka?” tanong ni ‘Jin’ habang nakatitig kay Ling Yiran. “Wala, may nakaaway lang akong lasing,” pagpapanatag na sagot ni Ling Yiran. Hanggat maari, ayaw niyang sabihin kay ‘Jin’ ang mga hindi magandang nangyari sakanya kagabi. Para sakanya, sobrang inosente ni ‘Jin’ at kahit na pagala-gala ito sa kalsada, sobrang puro lang ng ugali nito na parang virgin. Sana, hindi ito magbago. “Ganun ba?” Sagot ni Yi Jinli habang umiiwas ng tingin. “Mas maganda siguro kung dumating ako ng mas maaga, siguro hindi ka nasaktan.” Sa totoo lang, hindi naman totoo na wala siyang magagawa para hindi na ito malasing at masaktan. Parte ito ng laro niya na nagdadagdag ng kulay sa napaka boring niyang buhay. Inisip niya ng ana may mangyayari talaga sa loob ng private room. Pero noong makita niya kung anong nangyari, hindi siya naging masaya. “Okay na yung dumating ka para sunduin ako kasi kung hindi, baka sa kalsada na ako nakatulog,” sagot ni Ling Yiran at hinila ang kamay ni ‘Jin’. “Salamat, Jin. Sobrang laking bagay na kasama kita. At okay lang talaga ako. Sampal lang ‘to. Walang wala ‘to sakin.” Bakas sa ngiti ni Ling Yiran na abot hanggang tenga ang saya, pero ang hindi maipaliwanag ni Yi Jinli ay kung bakit masaya siyang makita ang ngiti nito. — “Ano? Niloko ka ni Ling Luoyin para makipag inuman sa isang lalaki? Ang kapal talaga ng mukha niya! Humanda siya sakin! Biglang naisip ni Qin Lianyi na dalawin si Ling Yiran noong araw na yun at sakto, nakita niya na namamaga ang mukha nito kaya walang pagdadalawang isip niyang tinanong sa kaibigan kung anong nangyari. “Ano naman?” Pagpipigil ni Ling Yiran kay Qin Lianyi. “Hindi kasi ako nag-ingat… Akala ko hihingi lang siya ng pera. Hindi naman inasahan na…. pero buti nalang talaga at dumating si ‘Jin’ para sunduin ang noong lasing na lasing na ako.” "Jin?" “Siya yung kasama ko ngayon sa bahay. Para kong nakababatang kapatid at ate ang tawag niya sa akin,” Masigasig na sagot ni Ling Yiran. Habang kinukewento niya si ‘Jin’ sa kaibigan, hindi niya napansin na nakangiti na pala siya. “Nakababatang kapatid? Ilang taon na ba siya?” Pangiintriga ni Qin Lianyi. “Twenty seven. Ilang buwan lang ang tanda ko skanya.” Nang marinig ni Qin Lianyi ang sagot ng kaibigan, halos mabilaukan siya siya sa sarili niya laway dahil hindi siya makapaniwala na may kasamang lalaki si Ling Yiran sa apartment nito. “Ano bang nasa isip mo? Paano kung may masama pala siyang balak? Hindi mob a naisip na nilalagay mo ang sarili mo sa kapahamakan? Nag-aral ka ng batas, diba? Hindi ba napaka ng kaso na nangyari na konektado sa mga babae at lalaking nakatira sa isang bubong? Mas delikado pa yang pinasok mo kumpara sa may kasama kang magrenta ng apartment!” “Alam ko na nag-aalala ka, pero Lianyi, kapag may kasama ako, hindi ako nalulungkot. Isa pa, mabuting tao si Jin.” “Anong ibig sabihin mong nalulungkot? Wala baa ko sa tabi mo?!” Nagtatampong tanong ni Qin Lianyi. “Paano kaya kung umalis nalang ako sa samin, tapos samahan nalang kita?” “Wag mong gawin yan. Lalo lang magagalit sa akin ang mga magulang mo kapag lumayas ka sainyo,” Nagmamadaling pagtanggi ni Ling Yiran. Mula noong mangyari ang aksidente, hindi talaga siya uminom, pero napaka raming ebidensya na lumabas na talagang lasing siya. Walang naniwala sakanya bukod kay Lianyi. At sa loob ng tatlong taon niya sa kulungan, si Lianyi lang ang tumutulong sakanya sa kaso niya. BInitawan nito ang pag-aaral nito sa ibang bansa para suportahan siya at ito ang dahilan kung bakit sobrang nagalit ang mga magulang ni Lianyo kay Ling Yiran dahil ang akala ng mga ito, hindi makapaghanap ng trabaho ni Lianyi ng dahil sakanya. At yun ang katotohanan. Kung hindi dahil sakanya, malamang mas maganda ang buhay ni Lianyi ngayon kaysa sa pagiging isang pipitsuging designer sa isang maliit na architectural firm. “Isa pa, parang nakababatang kapatid lang talaga ang turing ko kay Jin. Alam mo naman na matagal ko ng gusting magkaroon ng kapatid na lalaki, at sa wakas natupad na ang pangarap ko,” Sagot ni Ling Yiran. Alam ni Qin Lianyi na walang paraan para makumbinsi niya ang kaibigan niya kaya nagbigay nalang siya ng pangalawang pagpipilian na sa tingin niya papayag ito. “Sige, gusto ko siyang makilala balang araw.” Kapag nakita niya si ‘Jin’, doon lang siya mapapanatag. “Sige ba,” walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. “Siya ng apala, ito pala ang kopya ng kaso mo dati. May ilang impormasyon din ako napag-alaman,” aniya Qin Lianyi habang ibinibigay kay Ling Yiran ang isang tumpok ng dokumento. “Dahil nakalaya ka na ngayon, may plano ka bang buksan ulit ang kaso?” “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan ako makkahanap ng witness, at lahat ebidensya na mayroon ay laban sa akin. Hindi ko nagawang baliktarin ang hatol sa nakalipas na tatlong taon. Balang araw…” “Siguro makakahanap pa tayo ng paraan para baliktarin ang kaso balang araw. Huwag mong kakalimutan na ikaw si Ling Yiran, at ang Ling Yiran na kiilala ko ay hindi sumusuko bsta-basta,” pagpapalakas ng loob na sagot ni Qin Lianyi. Napangiti nalang si Ling Yiran sa kaibigan. Siguro sinubukan niyang ipaglaban noon ang kaso, pero nang mukulong siya ng tatlong mahabang taon, nawalan na siya ng kumpyansa sa sarili niya at napalitan ito ng sakit. Dinala ni Ling Yiran ang isnag tumpok ng mga dokumento sakanyang apartment. Pagkauwi niya, wala nanaman si ‘Jin’. “Siguro nagbibigay nanaman siya ng mga leaflets.. Ilanga raw na niya yung ginagawa ah.” Nagluto si Ling Yiran ng dalawang mais, nagprito, at gumawa ng sabaw, habang hinihintay si ‘Jin’ na makauwi.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.