Kabanata 9
Pagkalabas nila ng ospital, nagtanong si Gao Congming, “Young Master Yi, gusto niyo po bang dumiretso na sa mansyon, o…?”
“Sa Western District tayo.” Sagot ni Yi Jinli.
Western District ang lugar kung saan nakatira si Ling Yiran. Walang ideya si Gao Congmin kung hanggang kalian balak ng amo niya na tumira maliit na apartment na ‘yun.
Habang nasa byahe papunta sa Western District, biglang may napansin si Gao Congming sa intersection sa may bandang traffic light. “Young Master Yi, si Miss Ling Yiran yung nasa kabilang kalsada na yun, diba?”
Tumingin si Yi Jinli sa direksyong tinuturo ni Gao Congmin at nakita niya ang isang payat na babae na nagwawalis sa gilid ng kalsada.
Nakasuot ito ng isang reflectorized vest at nakatali ng simple ang buhok nito. Dahil sa lamig ng panahon, sa tuwing humihinga ito ay may lumalabas na usok mula sa bibig nito.
Noong oras din na ‘yun, nasaktuhan niya na may isang electric bike ang nagmamadaling hinahabol ang green light at sa sobrang bilis nito ay hindi na nito nakontrol ang bike at bumangga kay Ling Yiran, kaya natumba ito.
Pero para sa nagmamanego ng electric bike, parang walang nangyari at hindi manlang huminto at kumaripas ng takbo.
Kitang-kita nina Yi Jinli at Gao Congming kung anong nangyari kay Ling Yiran.
“Young Master Yi, gusto niyo po bang alamin ko kung sino ang may ari ng electric bike at pananagutin ko siya sa nangyari?” Tanong ni Gao Congmin. Para kay Gao Congmin, sigurado siya na interesado ang Young Master kay Ling Yiran, mula noong makita niya kung anong naging reaksyon nito nang malaman nitong nilasing at sinampal si Ling Yiran sa club.
Habang nakatitig si Yi Jinli sa babaeng nakasalampak sa kalsada, bigla niyang naalala ang sinabi sakanya kanina ng lolo niya: “Tandaan mo yang mga sinabi mo ngayon. Huwag kang gagaya sakanya. Kung nakinig lang sana siya sa akin, hindi sana siya…”
Hindi siya mababaliw sa isang babae kagaya ng tatay niya. Laro lang ang lahat para sakanya, at ngayon hindi siya si ‘Jin’, kaya ano namang pakielam niya sa isang sanitation worker na nagngangalang Ling Yiran?”
“Wag mo ng pagkaabalahan,” Walang pakielam na sagot ni Yi Jinli habang umiiwas ng tingin kay Ling Yiran.
Hindi makapaniwala si Gao Congmin sa naging sagot ng amo. “Mukhang mali ata ang iniisip ko at wala naman talagang pakielam ang Young Master Yi kay Li Yiran, tama po ba?!”
Hindi nagtagal, ang red light ay naging green light kaya nagpatuloy na ang sasakyan sa pag- andar.
Samantalang, sa kabilang banda, tinulungan ni Manang Xu si Ling Yiran sa pagtayto “Yiran, okay ka lang ba? Gusto mo bang pumunta sa ospital?”
Hirap na hirap na tumayo si Ling Yiran at tinignan ang natamaang parte. Wala namang dugo pero nagkaroon siya ng malaking pasa. “Huwag na po. Mamasahiin ko nalang ito ng sufflower oil pagkauwi ko.
“Sige, masahiin mo kaagad pagkauwi mo para dumaloy agad yung dugo,” Muling sabi ni Manang Xu, at galit na galit nitong pinagmumura ang driver na bumangga kay Ling Yiran.
Paguwi ni Ling Yiran sa apartment niya kinagabihan, nakita niya si ‘Jin’ na nakaupo.
“Ate, nakauwi ka na pala.” Dali-dali itong tumayo para batiin siya.
At noong oras na ‘yun, parang biglang nawala lahat ng lungkot na naipon sa buong maghapon niya at napagtanto niya na ang kailangan niya lang pala ay isang taong maghihintay sakanya sa bahay, kahit na simple at maliit lang ang bahay nila.
“Oo, nakauwi na ako.” Nakangiti niyang sagot. “Nagugutom na ako. Bumili ako ng pagkain. Magluluto lang ako ng sabaw tapos kumain na tayo.”
“Sige,” sagot ni Yi Jinli habang pinagmamasdan ang paika-ika nitong paglalakad para ilapag ang binili nitong pagkain sa lamesa. Muli, paika-ika itong naglakad papunta sa kusina para hugasan naman ang mga gulay at magluto ng sabaw sa induction cooker.
“Ate, anong nangyari sa paa mo?” Tanong ni Yi Jinli na para bang hindi niya nakita ang nangayari.
“Wala, nagasgas lang. Mamasahiin ko nalang mamaya ng sufflower oil,” sagot ni Ling Yiran pero sa tuwing hahakbang ito, kumukunot ang noo nito kaya halatang may iniinda itong sakit, sabayan pa ng pawis na pawis nitong noo.
“Mas maganda kung gamutin mo muna yan.” Habang sinasabi niya ito, maingat ni hinila ni Yi Jinli palapit sakanya si Ling Yiran at bahagya niyang iniangat ang pantalon nito sa bukong-bukong na napuruhan.
Hindi na niya kailangang ilapit pa ang mukha niya dahil kitang kita niya kaagad ang maga kahit natatakpan pa ito ng medyas.
Nang tanggalin n Yin Jinli ang medyas Ling Yiran, nakita niya na halos mangitim na ang bukong-bukong nito sa tindi ng pasa na natamo nito.
Ang buong akala niya ay wala siyang pakielam at kahit alam niyang natipalok ito, ay wala siyang mararamdamang kahit ano. Pero, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, nang makita niya ang namamaga nitong paa, magkahalong lungkot at sakit ang naramadaman niya.
“Wala yan. Safflower lang ang katapat niyan.” Sa hiya ni Ling Yiran kay ‘Jin’ gusto niya sanang alisin nag paa niya mula sa kamay nito, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito kaya hindi siya makagalaw.
At dahil dun, nabalot ng katahimikan ang paligid.
“Nasaan ang safflower oil?” Tanong ni Yi Jinli.
“Ah.. nasa… medicine cabinet sa tabi ng lamesa,” sagot ni Ling Yiran.
Biglang napasigaw si Ling Yiran dahil bigla siyang binuhat ni ‘Jin’ na para ba silang bagong kasal, papunta sa kwarto niya kung saan inihiga siya nito sa kama, bago nito kunin ang oil galing sa medicine box.
Umupo si Yi Jinli sa tabi ng paa nito na nainjured. Tinanggal niya ang medyas nito at maingat na kinapa ang halos mangitim na nitong bukong-bukong.
Wala namang nabaling buto, pasa lang talaga ang natamo ni Ling Yiran. Nagpatak si Yi Jinli ng saktong dami ng safflower oil sa palad niya at minasahe ang paa ani Ling Yiran.
Medyo mabigat ang kamay ni ‘Jin’ kaya napapakagat labi sa sakit si Ling Yiran, pero hindi siya sumisigaw.
“Ate, hindi ba masakit?” Tanong ni Yi Jinli. Kung ibang babae siguro ‘to, malamang kanina pa ito tili ng tili.
“Ayos lang,” Sagot ni Ling Yiran na may kasabay na buntong hininga. “Walang wala ito sa sakit na naranasan ko sa…” Bigla siyang natigilan at imbes na sabihin ang salitang ‘kulungan’, nagpatuloy siya, “Walang wala ito sa sakit na naranasan ko noon.”
Napatingin si Yi Jinli sa mga mat ani Ling Yiran. Alam niya kung ano ang salitang iniwasan nitong sabihin.
Minsan niya itong nakita sa kulangan noon at kahit na hindi siya nagsampa ng kaso, hindi ito tinigilan ng Hao Family. Noong panahon na ‘yun, lahat ng simpatya ay nasa mga Hao kaya alam niya na kumpara sa mga ordinaryong preso, matindi ng di hamak ang niranas nito sa loob.
“Mukhang maraming pinagdaanan ang ate ko noon ah,” bulong ni Yi Jinli.
“Nakaraan na yun,” Sagot ni Ling Yiran. Hindi nagtagal, unti-unti ng humupa ang sakit habang patuloy pa rin itong minamasahe ni ‘Jin’.
“Jin, salamat ha. Ang bait mo talaga.” Nakangiting sabi ni Ling Yiran.
“Mabait?” Natatawang tanong ni Yi Jinli. Kahit yung mga taong pumupuri sakanya, walang nagsasabi sakanya na “mabait siya” dahil alam ng lahat na malayo siya sa pagiging “mabait”
“Ate, mabait ba talaga ako?”
“Oo naman, sobrang bait ng aking Jin.” Para kay Ling Yiran, kahit para lang sakanya, sobrang bait ni ‘Jin’, ang kanyang nakakabatang kapatid.
“Pero paano kung balang araw, malaman mon a hindi pala talaga ako mabait, madidisappoint ka ba sakin?”