Kabanata 16
Biglang natigilan si Ling Yiran. Sa tuwing naririnig ang ang mga pangalan nina Xiao Zigi at Hao Yimeng ay kinilikabutan siya.
Alam niya rin ang tungkol sa six-carat na diamond ring dahil narinig niya na ito sa balita. Sa totoo lang, pinipilit niya naman takagang umiwas sa kahit anong balita na nakaugnay sa dalawa, pero dahil masyadong sikat ang mga ito, nakikita niya ito sa lahat, lalo na sa internet.
Tandang tanda niya na noong nagpunta sila ni Xiao Zigi sa isang bilihan ng mga alahas, napatingin siya sa isang diamond na kulay pink at nang makita ito ni Xiao Zigi, bumulong ito sakanya, “Yira, kung gusto mo niyan, bibilhin ko yan bilang wedding ring natin.”
Pero… ang diamond ring at Xiao Zigi… ay parehong hindi napasakanya.
“Yiran…uuwi ka na ba?” Ginulat si Ling Yiran ng boses ng isang boses ng lalaki.
Paglingon ni Ling Yiran, nakita niya ang isang lalaki na nasa thirties. Ngumiti ito sakanya pero halatang nahihiya ito.
Hindi talaga personal na kilala ni Ling Yiran ang lalaki, pero base sa pagkakatanda niya, Guo ang pangalan nito na nagtatrabaho rin sa Sanitation Service Center.
“Oo,” Sagot ni Ling Yiran.
“Pwede kitang ihatid.” Lakas loob na alok ni Guo Xinli.
Noong sandalling ‘yun, nalala ni Ling Yiran ang sinabi sakanya ni Manang Xu na may gusto raw sakanya si Guo, pero kagaya nga ng sabi niya, wala siyang kahit anong intensyon na pumasok sa relasyon.
“Hindi na kailangan.” Pagtanggi ni Ling Yiran.
“Ano ka ba, okay lang. May sasakyan ako para hindi ka na rin mahirapang umuwi,” muling subok ni Guo Xinli.
“Ano ka ba! Ang pangit pangit ng sasakyan mo. Gusto niya ng mga mamahaling sasakyan. Kung mabibigyan mo siya ng six-carat na diamond ring, tignan mo papaya yan,” Inggit na inggit na sabat ni Fang Qianqian.
Napayuko nalang si Guo Xinli sa sobrang hiya.
Tumingin ng masama si Ling Yiran kay Fang Qianqian at sinabi, “Kung ganon, kapag may nag-alok pala sayo na ihahatid ka raw nila at hindi ka pumayag, ibig sabihin gusto mo sa mamahaling sasakyan sumakay at magkaroon ng six-carat na diamond ring, pero hindi mabigyan! O tatanggapin mo ang alok nila?”
“Ikaw…” nanlaki ang mga mata Fang Qianqian habang nakatitign kay Ling Yiran.
Muling tumingin si Ling Yiran kay Guo Xinli at sinabi, “Salamat, pero malapit lang kasi ang bahay ko rito at nasanay na akong maglakad pauwi.” Pagkatapos magsalita, hindi na niya hinintay pang sumagot si Guo at naglakad na siya palayo.
Habang pauwi, bumili siya ng karne at gulat na nadaanan niyang talipapa at pagkauwing-pagkauwi niya, nagluto siya kaagad ng lugaw para sa gabihan nil ani Yi Jinli.
“Sumakit pa ba ang tyan mo kanina?” Nag-aalalang tanong ni Ling Yiran.
“Hindi na sumakit.” Sagot ni Yi Jinli.
“Inumin ka ng gamot hanggang bukas para umokay na talaga ang kundisyon mo. Sa susunod, kumain ka ng tatlong beses sa isang araw. Hindi pwedeng habnag buhay kang namimigay ng leaflets kaya maghanap ka ng mas magandang trabaho. Gusto tulungan kitang maghanap ng trabaho sa internet?”
“Okay. Ako ng bahala. Kung gusto ng ate kong maghanap ako ng trabaho, gagawin ko yun.”
“Good boy!” Masayang sagot ni Ling Yiran habang tinatapik ang ulo ni Yi Jinli.
Hindi maipaliwanag ang say ani Ling Yiran na may nakababata na siyang kapatid.
Nagulat si Yi Jinli nang tapikin ni Ling Yiran ang ulo niya. Pakiramdam niya ay parang tinatrato siya nitong bata, at sa tanang buhay niya ay wala pang naglakas loob na gawin ito sakanya.
Isang tao lang ang gumawa nito sakanya… Ang tatay niya… Habang sinasabi, “Jin, kailangan mong maging matapang, wag kang gagaya sa akin. Okay?”
Tama yun… Kailangan kong maging matapang… at walang puso…Kasi yun lang ang paraan para hindi ako matulad sa tatay ko.
Si Yi Jinli ang kasalukuyang President ng Yi Group. Nakukuha niya anumang gustuhin niya, pero kahit kailan, hindi siya nakuntento, na para bang may hinahanap siya…
Naghahanap siya ng…. At bigla siyang natulala sa babaeng nakatayo sa harapan niya….
Biglang nag ring ang phone ni Ling Yiran.
Kaya bigla itong tumayo para sagutin ang tawag, kaya biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli.
Para bang…. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya…
Hindi nakaregister ang number sa phone ni Ling Yiran, at nang sagutin niya ito, pautal-utal na boses ng lalaki ang sumalubong sa tenga niya.
“Si…si.. si Yi-Yiran ba ‘to? Ako ‘to si Guo Xinli… Gusto ko lang sanang… sabihin sayo na wag mong pansinin ang sinabi ni Fang Qianqian. Alam kong hindi ka materialistic na babae. Tama, mumurahin lang ang sasakyan ko, pweo magtatrabaho ako ng mas maigi para makabili ako ng mas magandang sasakyan balang araw!”
Bago pa man din makapagsalita si Ling Yiran, biglang binaba ni Guo Xinli ang tawag.
Biglang kumunot ang noo ni Ling Yiran habang nakatitig sakanyang phone. Iniisip niya kung tama lang ba na sabihin niya nalang habang maaga pa na hindi niyatalaga ito gusto para hindi na ito magaksaya pa ng oras para sakanya.
“Sinong tumawag sayo?” Tanong ni Yi Jinli na nagpagulat kay Ling Yiran.”
“Kasama ko lang sa trabaho,” sagot ni Ling Yiran habang inilalapag ang phone niya sa lamesa.
Tinignan ni Yi Jinli ang phone nito at nanguusisang nagtanong, “Lalaki?” Kahit na hindi niloud speaker ni Ling Yiran, alam niyang lalaki ang kausap nito dahil hindi naman ito ganun kalayo sakanya.
“Oo.”
“Gusto ka niya?” Tanong ni Yi Jinli na parang sinakluban ng langit at lupa ang mukha.
“Siguro.” Sagot ni Ling Yiran.
“Eh ikaw Ate? Gusto mo ba siya?”
“Kung malalaman niyang ex-convict ako, siguradong lalayuan niya ako kaya hindi na mahalaga kung gusto ko ba siya o hindi.”
“Ano naman kung ex-convict ka? Kung talagang gusto ka niya, wala siyang pakielam ‘dun.”
Ngumiti nalang si Ling Yiran at hindi na sumagot. Maraming tao ang big deal ang mga ganung bagay. Mismong boyfriend niya nga eh, iniwanan siya noong nalaman nitong nakulong siya.
“Paano kung may isang lalaki na tanggapin ka kahit ex-convict ka? Magugustuhan mor in ba siya, Ate?”
“Kung may taong tatanggap sakin kahit ex-convict ako….”
Kumunot ang noo ni Yi Jinli noong nakita niyang natulala si Li Jinyi kaya kinuha niya nag kamay nito at kinagat ang isa nitong daliri.
“Ah!” Sigaw ni Ling Yiran. Nigla siyang nahimasmasan at tinignan si Li Jinyi.
“Magugustuhan mo ba siya, Ate?” Determinadong tanong ni Yi JInli.
“Hindi. Kakaibiganin ko lang siya.” Sa ngayon, wala talagang plano si Lin Yirang na pumasok sa isang relayon.
Nang marinig ito ni Yi Jinli, abot-tenga ang ngiti niya. Lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya.
Kaya biglang natulala sakanya si Ling Yirang.
Maganda ang mood ni Yi Jinli kaya muli niyang kinagat ang daliri ni Ling Yirang at pabirong sinabi, “Sabi mo yan, Ate ha! Kaibigan lang.”