Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 17

Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang mag-aapoy ang dulo ng diliri niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero parang biglang sobrang init ng pakiramdam niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. “Nako! Ano bang nangyayari sa’kin?!” Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula kay Ying Jinli. Nang sandalling ‘yun, para na siyang mansanas sa sobrang pula ng kanyang mukha. “ Ah… sige… kumain na tayo… lalamig na ang pagkain.” At pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadali siyang yumuko at kumain. Samantalang si Yi Jinli naman ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Ling Yiran na halos sumubsob na sa kinakain nito ang mukha. “Ate, may gusto ka ba sakin?” “Gusto kita, “ Walang pag-aalinlangang sagot ni Ling Yiran. “Gusto rin kita, Ate. Sobra,” Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Hindi na niya maalala kung kailan, pero matagal na rin noong huling beses na may nakakuha ng atensyon at interes niya. ... Pagkatapos ng inspeksyon ng Urban Management Bureau, pinuntahan ni Miao Jiayu si Ling Yiran, “Yiran, kakain kami ng mga high school classmate natin sa weekend. Tara, sama ka.” “Kakain?” Natatawang sagot ni Ling Yiran. Sa sitwasyon niya ngayon, sigurado siya na ibubully lang siya ng mga ito kapag sumama siya. “Hindi. May lakad ako kaya hindi ako pwede.” “Bihira lang tayo magkita-kita ng mga high school classmate natin eh! Saan ka ba pupunta? Sumama ka na kasi!” Bakas sa mukha ni Miao Jiayu ang pagka’disappoint nang marinig ang sagot ni Ling Yiran. Kung ang dating pinaka matalino at pinaka maganda nilang kaklase ay magpapakita sa mga high school classmate nila ng may ganitong estado, siguradong pagtatawanan ng lahat si Ling Yiran, at ‘yun ang eksaktong gustong makita ni Miao Jiayu. “Kailangan kong magtrabaho sa weekend. Tingin mo ba ang ganitong klase ng trabaho ay nagpapahinga ng weekends?” Tanong ni Ling Yiran. Hindi nakapag-salita si Miao Jiayu, na para bang nakalimutan niya lang ang kinatatayuan ni Ling Yiran at maganda talaga ang intensyon niya sa pagyaya. “Pero…” “Naglilinis pa ako. Sa susunod nalang tayo mag-usap ulit.” Sabat ni Ling Yiran bago pa man matapos si Miao Jiayu ang sinasabi nito, sabay talikod at lakad palayo. Hindi siya tanga at alam niya kung anong eksaktong gustong mangyari ni Miao Jiayu. Pero kahit anong iwas niya… Para bang niloloko siya ng tadhana dahil pagsapit ng weekend, mismong araw na magkita-kita sana sila ng mga high school classmate niya, ay inutusan siya ng vice director nila na magdeliver ng isang dokumento sa isang mamahaling club sa Shen City. Sa mga normal na araw, hindi pwedeng pumasok ang mga oridnaryong sanitation worker gaya ni Ling Yiran sa mga ganung klaseng club, pero dahil may isang staff member, na inutusan rin ng Urban Management Bureau, ang naghihintay sakanya sa labas, wala ng tanong-tanong at pinapasok siya kaagad. Pagkabukas ng staff ng pintuan ng isang private room, sumalubong sakanya ang grupo ng mga tao. At pagkapasok na pagkapasok niya ay may narinig siyang pamilyar na boses, “Tignan mo nga naman kung sinong nandito ngayon!” Nang tignan niya kung sino ang nagsasalita, nakita niya si Miao Jiayu, Zhao Mantian, at iba pa nilang mga highschool classmate. Si Miao Jiayu ang nagsalita. Noong sandalling ‘yun, naintindihan na kaagad ni Ling Yiran ang nangyayari… Si Miao Jiayu ang nagplano ng lahat. Alam nito na gustong magpasikat ng mga supervisors niya rito dahil galing si Miao jiayu sa Urban Management Bureau at malamang noong sinabi nito na kailangan nito ng dokumento at may specific na tao itong gustong maghatid, ay walang pagdadalawang isip na sumunod ang vice director nila. “Sabi sainyo eh! Hindi ako nagsisinungaling diba? Ang pinaka maganda sa klase natin noon ay sanitation worker nalang ngayon!” Nagyayabang na sabi ni Zhao Mantian. Noong sandalling yun, agaw pansin talaga nag uniporme ni Ling Yiran. “Hindi ba siya ang maganda nating scholar noon? Tatlong taon ka ring nakulong kaya siguro halos hindi na kita makilala. Diba matagal din kayo ni Xiao Zigi noon? Ano bang nangyari? Bakit naman hinayaan ka niyang maging isang sanitation worker nalang ngayon? Wala na ba talaga siyang pake sayo?” Biglang nanigas si Ling Yiran. Sa tuwing naririnig niya ang pangalan ni Xiao Zigi, pakiramdam niya ay parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso niya. Lumapit ang lalaking nagsasalita kay Ling Yiran, at nakilala niya na si Shen Wanhao pala ito. Galing ito sa isang mayaman at mataas ang reputasyon sa Shen City, at minsan din nitong sinubukang manligaw sakanya. Habang sila ni Xiao Zigi, ilang beses siyang sinubukang molestyahin ni Shen Wanhao at tumigil lang ito sa panggulo sakanya nang minsang binugbog ito ni Xiao Zigi. Hindi ito pinansin ni Ling Yiran, na para bang wala itong nakikita at naririnig, at naglakad papunta kay Miao Jiayu para iabot ang dokumentong hawak niya. “Ito na yung dokumentong hinihingi mo.” “Sorry kung pinapunta pa kita dito ha.” Nakangising sagot ni Miao Jiayu. Hindi na sumagot si Ling Yiran at tumalikod kaagad para sana lumabas na ng private room, nang bigla siyang hawakan ni Shen Wanhao sa braso, “Bakit ba nagmamadali kang umalis. Minsan lang ‘to. Makipagkwentuhan ka naman muna.” Pagkatapos magsalita, kumuha si Shen Wanhao ng baso ng alak at tinapat sa mga labi ni Ling Yiran. “Sige na, inumin mo muna ‘to. Diba nakulong ka dati kasi nagdrive ka ng lasing kaya hindi mo ako pwedeng tanggihan dahil alam kong umiinom ka!” Iniwas ni Ling Yiran ang mga labi niya sa baso, at tinulak ng malakas si Shen Wanhao. Nawalan ng balanse si Shen Wanhao kaya natapon nito ang alak sa sarili nito, at dahil dito galit na galit nitong sinampal ng malakas si Ling Yiran at sumigaw, “Ano! Sa tingin mo ba kayo pa rin ni Xiao Zigi? Sanitation worker ka nalang ngayon. Wala ka ng binatbat!” At hindi pa nakuntento, habang nagsasalita ay kumuha rin si Shen Wanhao ng isang bote ng alak at binuhos ito sa ulo ni Ling Yiran ang laman nito. Kaya para siyang isang basang sisiw na pinagtatawanan ng lahat. “Ling Yiran, magsorry ka na kay Shen Wanhao. Papatawarin ka naman niyan.” Nag-aasar na singit ni Miao Jiayu. “Mag’sorry?” Natatawang sagot ni Ling Yiran. Siya na nga ang pinahiya at inabala, siya pa ang magsosorry kay Shen Wanhao? Nakakatawa! Nanatili lang si Ling Yiran sa kinatatayuan niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatitig kay Shen Wanhao, na para bang hindi siya naapektuhan ng pangpapahiya nito. Pero dahil dito, lalong nagalit si Shen Wanhao, “Ling Yiran, ano bang tingin mo sa sarili mo? Girlfriend ka pa rin ni Xiao Zigi? Binibigyan kita ng pagkakataon na mag’sorry sa akin. Kahit gahasain kita dito, walang magtatanggol sayo!” Biglang tinulak ni Shen Wanhao si Ling Yiran kaya napaupo siya sa sahig, at doon na nito inumpisahang pagpupunitin ang damit niya. “Wag!” Sigaw ni Ling Yiran. Pero wala ni isa sa mga dati niyang kaklase na nasa loob ng private room ang tumayo para sakanya. Mula noong makulong siya, tatlong taon na ang nakakaraan, hindi na siya masyadong naarawan kaya sobrang puti ng balat niya, pero sa kabila nito ay sobrang dami niya ring peklat. Marami sa mga peklat na ito ay hindi na nawala, mukhang nakakatakot at nakakadiri… Ito ang mga palatandaan ng paghihirap niya sa kulungan. Pinilit ni Ling Yiran na takpan ang katawan niya, pero noong tatayo na sana siya, bigla siyang natigilan dahil naramdaman niya ang sobrang sakit mula sa kamay niya, kaya dali-dali siyang lumingon at doon niya nakita na inaapakan ni Zhao Mantian ang kanan niyang kamay gamit ang takong nito. “Ano ba yan, Yiran. Bakit ba kasi nagmamadali kang umalis? Hindi ka pa nga nagsosorry kay Young Master Shen oh,” Nang-aasar na gatong ni Zhao Mantian. Base sa itsura nito, sobrang saya nito sa nangyayari kay Ling Yiran at lalo pa nitong diniinan ang pag-apak. Ang sakit na naramdaman ni Ling Yiran noong sandaling ‘yun ay parehong-pareho sa sakit na naramdaman niya sa kulungan noong walang awang pinagpupukpok ang mga daliri niya. Noon, hindi naipagtanggol ni Ling Yiran ang sarili niya at sapilitan nalang na tinanggap ang lahat ng paghihirap na binato sakanya. Pero ngayong araw…Buong lakas niyang ipagtatanggol ang sarili niya… Dali-dali, pinilit niyang pumiglas kay Shen Wanhao at ginamit ang kaliwa niyang kamay itinulak niya si Zhao Mantian, saka siya kumaripas ng takbo papalabas. Gusto niyang umalis sa lugar na ‘to agad-agad… kailangan niyang makaalis agad-agad… Pinilit niyang takpan ang katawan niya gamit ang mga pilas-pilas na tela ng kanyang damit at tumakbo ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya, pero bago pa man siya makalabas ay may biglang humila sakanya ng malakas kaya nabalibag siya sa sahig, at noong sandal ring ‘yun ay may naramdaman niya na parang may nakaapak sa isa niyang paa. “Array… sobrang sakit!” Halos maiyak si Ling Yiran sa sa sobrang sakit… “Sinusubukan mo bang tumakas? Hindi mo ba alam na isa ang pamilya ko sa mga shareholder ng club na to….” Sigaw ni Shen Wanhao sa tenga ni Ling Yiran. Pero biglang natigilan si Shen Wanhao. Hindi nagtagal, may isa nanamang pamilyar na boses na narinig si Ling Yiran, “Shen Wanhao, anong ginagawa mo?” At ang boses na ito ay…. Kay Xiao Zigi…. Noon, palagi niyang iniisip na mayroon siyang Xiao Zigi na magpprotekta sakanya, pero bandang huli ay iniwan rin siya nito sa ere at harap-harapan pa siyang pinanuod habang humahalik siya sa lupa. Biglang nanginig ang buong katawan ni Ling Yiran, dahil mula noong makalabas siya sa kulungan, ni minsan ay hindi niya pinangarap na magkita ulit sila ni Xiao Zigi… lalo na ngayon…sa ganitong sitwasyon niya… “Bakit? Kakain ba kayo dito ng fiancé mo? Coincidence nga naman oh! Kasama ko rin yung ex-girlfriend mo. Pero mukhang hindi ata niya alam kung sino ako kaya medyo nagalit ako sakanya. Bakit? Ipagtatanggol mo ba ‘tong ex mo?” Habang nagsasalita si Shen Wanhao, pwersado niyang sinabunutan si Ling Yiran para iharap kay Xiao Zigi. Kitang-kita agad ni Ling Yiran ang mukha ni Xiao Zigi. Yung taong lagi niyang kakampi noon sa tuwing masasaktan siya, ngayon ay nakatingin lang habang binababoy siya ng iba. Noong nasa kulungan siya, tinignan lang din siya nito kagaya ng pagtingin nito sakanya ngayon. At sa tabi nito ay si Hao Himeng na abot hanggang tenga ang ngiti, ito rin ang mga ngiting nakita niya mula rito habang tinatanggalan siya ng kuko at binabalian ang daliri noong nasa kulungan pa siya… “Yung sakit… parang mas lalong tumindi…” Dahil dito, lalo pang nanginig ang katawan ni Ling Yiran. Para sakanya, sina Xiao Zigi at Hao Yimeng ang mga demonyong pinipilit niyang takbuhan sa mga panaginip niya… at ngayon… nasa harap niya ang mga ito… “Shen Wanhao, gawin mo sakanya kung anong gusto mong gawin. Wala na akong pakielam sakanya,” Naiiritang sagot ni Xiao Zigi. Sigurado si Ling Yiran na naka move on na siya, pero hindi niya maiwasang masaktan muli ngayong narinig nanaman niya ang mga parehong salitang sinabi nito…. At sa tuwing naririnig niya ang mga salitang ito ay lalo niya lang pinagsisihan kung bakit minahal niya pa si Xiao Zigi noon… “Ling Yiran, ano ba kasing iniisip mo? Nahihibang ka na ba? Akala mo ba may darating kang superhero para iligtas ka?” Natatawang sabi ni Ling Yiran sa sarili niya. Tandaan mo, mag-isa ka lang at wala kang ibang maasahan kundi ang sarili mo lang!” “Ganun naman pala eh! So pwde kong gawin lahat ng gusto kong gawin sakanya?” Kinaladkad ni Shen Wanhao si Ling Yiran sa isang artificial pond na nasa loob din ng club para ingudngod ang mulha ni Ling Yiran sa tubig. Hindi makahinga si Ling Yiran dahil sa malamig na tubig na tuloy- tuloy na pumapasok sa bibig at ilong niya. Matindi ang pinanghuhugutang galit ni Shen Wanhao kay Ling Yiran dahil siya ang dahilan kung bakit ito binugbog ni Xiao Zigi noon kaya ngayong may pagkakataon na ito ay ibubuhos niya ang lahat. Paulit-ulit nitong nginudngod ang walang kalaban-labang Ling Yiran habang tuwang-tuwang sinasabi, “Ling Yiran, tignan natin kung sinong magliligtas sayo ngayon!” “Zigi, hinihintay na tayo ni Yi Jinli. Wag natin siyang paghintayin ng matagal.” Sabi ng boses ni Hao Yimeng na narinig ni Ling Yiran. “Sige,” Sagot ni Xiao Zigi. ‘Sige’…. Ito ang parehong ‘Sige’ na narinig niya na sinabi ni Xiao Zigi kay Hao Yimeng noong gusto nitong balian siya ng mga kamay… ‘Sige’…. Isang salita, pero mas grabe pa sa kutsilyo ang sakit kung sumaksak sa puso niya. Hindi nagtagal, tuluyan ng naubos ang lakas at hininga ni Ling Yiran kaya hindi na siya makalaban. “Mamatay na ba ako? Hindi ako namatay sa kulungan, pero dito pala ako mamatay?!” “Sino bang inaasahan kong magliligtas sa akin? Walang…mag…” Paulit-ulit na nararamdaman ni Ling Yiran ang paglublob ng kanyang mukha sa tubig, pero wala ni isang lumapit sakanila para pigilan si Shen Wanhao…. Hinawakan ni Hao Yimeng ang kamay ni Xiao Zigi at sabay silang naglakad papalayo. Isa na ata ito sa pinaka masayang araw ng buhay niya…. Ang makitang pinapahirapan at binababoy ng mga tao si Ling Yiran… Walang magliligtas kay Ling Yiran, at kung sakali mang mabuhay siya, sigurado hindi na niya mapapakinabangan ang buong katawan niya. “Tama na yan! Dalhin niyo yang babaeng yan sakin!” Isang boses, na mula sa second floor, ang umagaw sa atensyon ng lahat. “Ang boses na ‘yun ay…”Hindi makapaniwalang tumingin si Hao Yimeng sa second floor at isang lalaking may magandang katawan ang nakita niyang nakatayo doon. Sobrang gwapo ng itsura nito, pero bakit… mukhang galit na galit ito… “Si…. Yi Jinli yun diba? At… nakatingin siya kay Ling Yiran!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.