Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

“Sige sasamahan kita. Dito lang ako matutulog sa sahig sa tabi ng kama kaya makikita mo ako kaagad kapag dumungaw ka,” pagpapanatag ni Ling Yiran. “Kasya naman dalawang tao dito. Ate, pwede bang dito ka nalang din sa kama matulog?” Pabulong na sabi ni Yi Jinli na parang batang nagpapaawa. Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa sinabi ni ‘Jin’ kaya ilang segundo din siyang nakatitig lang dito bago siya tumungo, “Sige.” Agad niyang kinuha ang kumot na nilatag niya sa sahig at humiga sa tabi ni ‘Jin’. Sa totoo lang, hindi niya naisip kung bakit siya pumayag na matulog sa tabi ng isang lalaki. Siguro dahil naawa siya nang makita niya ang mukha nito na parang isang babasaging manika na pwedeng mabasag kahit anong oras, kaya para bigla niya itong gustong protektahan. Nang makapwesto na siya sa kama, pinatay niya na ang ilaw, habang si Yi Jinli naman ay hinawakan ang isa niyang kamay. “Jin, kapag may masakit sayo, sabihan mo lang ako ah.” “Sige,” sagot ni Yi Jinli. Dahil ba ‘to sa gamot? Bigla kasing bumuti ang pakiramdam niya; sinusumpong na rin siya ng sakit niya na ‘to noon pero ngayon lang siya naging okay ng ganito kabilis. “Oh… dahil… sakanya? Sa mainit niyang kamay..” “Ate, sasamahan mo ba talaga ako habang buhay?” Pabulong na tanong ni Yi Jinli. “Oo naman no! Diba nga alaagaan natin ang isa’t-isa? Balang araw, kapag nag-asawa ka na at nagkaroon ng sariling pamilya, sasamahan pa rin kita.” Sa totoo lang, gusto talagang panindigan ni Ling Yiran na sasamahan niya si ‘Jin’ hanggang sa pagtanda nila kahit na hindi naman talaga sila magka anu-ano. Dahan-dahang pumikit si Yi Jinli. Hindi niya alam kung bakit, pero sigurado siya na dahil sa boses nito, biglang bumuti ang ang pakiramdam niya. “Mag-aasawa..?” Simula nang mamatay ang fiancé niya, hindi na pumasok sa isip ni Yi Jinli na makakapag asawa pa siya. Pero si Ling Yiran… iniisip pala ito. “Ate? Totoo ba yung sinabi mo?” “Oo,” sagot ni Ling Yiran. Nang marinig ni Yi Jinli ang naging sagot ni Ling Yiran, napanatag siya at nakatulog siya ng mahimbing. Hindi nagtagal, nakatulog na rin si Ling Yiran. Kinaumagahan, pagkagising ni Ling Yiran, nakita niyang mahimbing pa ring natutulog si Yi Jinli. Kinapa niya ang noo nito at napansin niyang hindi na ito pinagpapawisan. Base sa ekspresyon ng mukha nito, mukhang mas okay na ang pakiramdam nito ngayon. Pagkaalis ni Ling Yiran ng kamay niya sa mukha ni Yi Jinli, dahan-dahan itong dumilat at sumalubong sakanya ang mapungay nitong mga mata, “Ate…” “Sorry kung nagising kita. Maaga pa kaya matulog ka ulit.” Nahihiyang sabi ni Ling Yiran. Pagkatapos, nagmamadali siyang naghilamos at nagbihis. “May lugaw sa rice cooker. Kumain ka nalang pag gising mo ulit. Sumakit yung tyan mo kagabi kaya mas magandang kumain ka muna ng wala masyadong lasa. Maganda ang lugaw sa tiyan. Huwag mo ring kalimutang inumin ang gamot mo. Kailangan mong inumin ‘yon ng tatlong beses sa isang araw kaya uminom ka muna bago ka umalis.” Pagkatapos magbilin ni Ling Yiran, nagmamadali siyang umalis. Muli, naiwan nanamang mag-isa si Yi Jinli sa maliit na apartment. Tinignan niya ang rice cooker na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa at napatulala kung saan nakatayo kanina si Ling Yiran. Naamoy niya pa rin ito, at nararamdaman niya pa rin ang init ng katawan nito. Mukhang may nararamdaman na si Yi Jinli… ... Nakita ni Gao Congmin na may hawak na mumurahing cellphone ang amo. Mukhang lumang model na ito, at base sa pagkakakilala niya rito, hindi ganun ang taste nito. Pero laking gulat niya nang utusan siya nito, “Bilhan mo ako ng sim card. Kailangan ko na ngayon.” Hindi man maintindihan ni Gao Congming ang nangyayari, sinusuod niya pa rin ito at agad-agad na bumalik na may dalang bagong SIM Card. Nang maisalpak ng Young Master ang ang Sim Card sa lumang cellphone na hawak nito, napansin niya na may tinext ito, na hindi nagtagal ay sinundan din ng isang text message alert. At ang amo niya na kadalasang walang karea-reaksyon ay biglang ngumiti nang mabasa nito ang message. Paulit-ulit na kumurap si Gao Congming dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. “Totoo bang…nakangiti si Young Master Yi?” “Nakangiti ba ‘to dahil sa text message na nabasa nito?” Palihim na sumilip si Gao Congmin para makiusisa at nakita niya ang pangalan “Ate” na nagtext. “Malamang si Ling Yiran ang tinutukoy na ate ni Young Master Yi.” Hindi makapaniwala si Gao Congmin na nakikita niyang nakangiti si Young Master Yi nang dahil sa text message na nanggaling kay Ling Yiran. “Ibig sabihin… nahuli na ng babaeng ‘yun ang loob ni Young Master Yi?” Kinahapunan, nagkaroon ng meeting ang top management ng Yi Group, at habang seryosong nakikinig ang lahat sa nagsasalita, biglang tumunog ang phone ni Yi Jinli. Nakita ng lahat na naglabas si Yi Jinli ng isang mumurahin at lumang cellphone para sumagot ng tawag, at walang anu-ano, tinapat niya ang cellphone sa tenga niya para makipag usap sa tumawag. “Sige, naiintindihan ko. Iinom ako,” sagot ni Yi Jinli. Lalong nagulat ang mga kasama niya sa meeting nang marinig nila kung gaano kahinahon ang boses niya habang nakikipag-usap. “Sinong kausap ni boss?” Pagkatapos ng tawag, biglang tumayo si Yi Jinli at sinabi, “May pupuntahan lang ako sandali. Ituloy niyo lang ang meeting.” At pagkatapos niyang magsalita, naglakad siya palabas ng meeting room, at iniwan ang mga kasama niya sa top management na gulat na gulat. Dahil sa kakaibang kilos niya, sabay-sabay na napatingin ang mga ito kay Gao Congming, na nasa loob rin ng meeting room. “Secretary Gao, anong nangyayari? Sino yung tumawag kay President…?” Napangiti nalang si Gao Congmin. Katabi niya ang President noong sumagot ito ng tawag kaya narinig niya ang salitang “uminom ka ng gamot” galing sa kabilang linya. Naalala ni Gao Congmin yung bote ng gamot na nakita niya sa lamesa ng President kanina, at sigurado siya na lumabas ang President para inumin ang gamot na ‘yun dahil sa sinabi ng taong tumawag. Hindi makapaniwala si Gao Congming…Talagang uminom ang President ng gamot dahil sinabihan ito ni Ling Yiran? Samantalang noon, hindi umiinom ang President ng gamot, maliban nalang kung namimilipit na ito sa sobrang sakit. “Labas na tayo sa pribadong buhay ni President. Magpatuloy na tayo sa meeting.” Nakangiting sagot ni Gao Congming. Sa kabilang banda, pagkatapos ng tawag, ibinulsa ni Ling Yiran ang kanyang phone at nagpatuloy sa pagwawalis kasama ni Manang Xu. Lumapit sakanya si Manang Xu at nangungusisa nagtanong, “Sinong tinawagan mo?” “Yung kapatid ko,” sagot ni Ling Yiran. “May kapatid ka?” Gulat na gulat na tanong ni Manang Xu. “Parang hindi mo pa yan nakwento noon.” Ngumiti lang si Ling Yiran. Pagkatapos nilang magwalis, sabay silang pumunta sa Department of Tools. Naabutan nila ang mga staff doon na pinaguusapan ang magiging kasal ng Xiao at Hao Family. Simula noong iannounce ng dalawang pamilya ang balitang ikakasal na ang mga anak ng nila, mabilis itong kumalat sa buong Shen City. “Alam niyo ba, binigyan siya ni Xiao Zigi ng isang six-carat na diamond ring na kulay pink, na ayon sa usap-usapan ay bihira lang daw at ayon sa isang reliable source, nasa 10,000,000 yuan daw ang presyo ng ganun.” “Grabe! Si Hao Yimeng na talaga! Hindi lang siya maganda at mayaman, dahil maging ang magiging asawa niya ay sobrang gwapo at yaman din.” “Kapag binigyan ako ng boyfriend ko ng kahit isang carat lang ng diamond ring. Papakasalan ko siya kaagad.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.