Kabanata 14
Sobrang sampal ‘yun para sakanya.
Magkahalong galit at hiya ang nararamdaman ni Zhao Mantian, kaya nagmamadali siyang naglakad papalayo, habnag si Miao Jiayu naman ay pahabol na sinundan ang kaibigan.
Hindi makapaniwala si Ling Yiran sa nakita niya at pakiramdam niya ay nanunuod siya ng pelikula. Pagkalabas nila ng bazaar kanina, nakakita niya na nagkukumpulan yung mga tao kaya sumilip siya at doon niya nakita na may grupo ng lalaki ang pinagpupukpok na ang sasakyan na sa tingin niya ay kay Zhao Mantian.
“Ano kayang nangyari? May nakaaway kaya siya na naghihiganti sakanya?” Nagtatakang tanong ni Ling Yiran.
“Pwede!” Sagot ni Yi Jinli.
“Pero, hayaan na nga natin sila.” Hinila ni Ling Yiran ang kamay ni Yi Jinli at naglakad sila papunta sa bus stop.
Pero biglang huminto si Yi Jinli sa paglalakad kaya napatingin si Ling Yiran dito. Paglingon niya, gulat na gulat siya dhail sobrang putla nito habang nakatitig ito sa bus stop na pupuntahan nila.
“Anong nangyari?” Nagaalalang tanong ni Ling Yiran.
“Wa..wala,” Noong sandaling yun, nahimasmsan din kaagad si Yi Jinli. Kanina…akala niya nakita niya na sumakay sa kaalis lang na bus ang babaeng yun…
Ang babaeng inabandona ang sarili nitong asawa’t anak… pero imposible…
...
“Jin, wag mo kong tutularan ha? Kapag nagmahal ka balang araw, wag na wag mong ibibigay ang buong puso mo sakanya.
“Alam mo na…pagmamahal na siguro ang pinaka walang kasiguraduhang bagay sa mundong ‘to. Kapag hindi ka na niya mahal, kahit pa lumuhod ka sa harapan niya, balewala na ‘yun lahat.
“Jin, balang araw… kapag nagmahal ka, mapagtatanto mo na may tao palang kayang kontrolin ang puso mo. Kaya ka niyang buhayin pero kaya ka rin niyang patayin. Kaya ang hiling lang ng papa ay sana hindi mo na marasan ‘yun.”
“Sino ka? Anong pangalan mo?”
“Tama na. Umalis ka dito! Malamig… sobrang lamig dito… Umalis ka dito… Kapag hindi ka umalis dito…mamatay ka sa lamig!”
“Jin, aalis na ako. Hindi ko na kayang pakinggan ang paulit-ulit na sinasabi ng papa mo na mahal niya ako, pero hanggang ngayon hindi niya maibigay sa akin ang buhay na gusto ko! Ginawa ko naman ang lahat.”
“Sino ka? Anong pangalan mo?”
“Wag… wag kang umalis…” “Sino ka? Ah yung lalaki kanina… Nagmamakaawa siya dun sa babae. Kung aalis siya, ang papa ko ay…”
“Wag! Wag kang umalis!” Pinipilit habulin ni Yi Jinli ang babae pero hindi niya ito mahabol. Padilim ng padilim ang paligid at naramdaman niya na parang nalulunod siya. Hindi siya makahinga...
Naghahanap siya ng makakapitan… kahit straw lang!
At salamat… may nahawakan siyang mainit na bagay, na sinundan ng mahinahong boses. “Jin, Jin, hindi ako aalis. Wag kang matakot, wag kang matakot.”
“Ang boses na ‘yun… si ate… si ate Ling Yiran, ang babae na nagsabing tawagin ko raw siyang ate!”
Nang sandalling imulat ni Yi Jinli ang kanyang mga mata, sumalubong sakanya ang magandang mukha ni Ling Yiran na nakadungaw sakanya. Bakas sa mga mata nito ang pagaalala at nakikita niya na bumubuka ang bibig nito na para bang may sinasabi.
Sinasabi nito sakanya na wag daw siyang matakot!
Nang makita ni Ling Yiran na gumising na si Yi Jinli, nakahinga siya ng maluwag at nagaalalang nagtanong, “Jin, anong nangyari? Binangungot ka ba?”
Nagbuntong hininga si Yi Jinli. Matagal na rin noong huling beses na napanaginipan niya yung babaeng umiwan sakanila ng tatay niya. Alam niyang ayaw ng tatay niyang umalis ito, pero hindi nito pinigilan ang babae ‘yun at pinilit pa rin nitong magpakita sakanya na parang okay lang ito, kahit na alam niyang sobrang nasaktan ito sa nangyari…
“Oo, binangungot ako,” sagot ni Yi Jinli. Nang mahimasmasan, napansin niya na hawak hawak niya ang kamay ni Ling Yiran na para bang life-saving straw niya ito.
Sa panaginip niya, noong malulunod na dapat siya, may nahawakan siyang straw na mainit…kamay ba yun ni Ling Yiran?
Pero kailan ko pa kinailangang magkaroon ng life-saving straw?!
Biglang binitawan ni Yi Jinli ang kamay ni Ling Yiran. Kumunot ang noo niya at biglang namutla kaya bigla siyang tumalikod at bumaluktot para ipitin ang kanyang tiyan.
Dahil dito, lalong nag-alala si Ling Yiran. “Masama ba ang pakiramdam mo?”
“Hindi.” Pinilit niyang magsalita, pero halatang may iniinda siyang masakit, “Masakit lang… yung tyan ko.. Pero mawawala rin ‘to mamaya.”
“Hindi kaya dahil sa panaginip niya kaya sumakit ang tiyan niya?” Simula pagkabata ni Yi Jinli, palaging sumasakit ang tyan niya na sa tuwing nagpipigil siya ng damdamin. Pero, matagal na rin noong huling beses niya itong naramdaman.
Nang makita ni Ling Yiran na lalo pang pumuputla ang mukha ni Yi Jinli, hinawi niya ang buhok nito sa may bandang noo at naramdaman niya na basang basa ito ng pawis.
Kaya dali-daling kumuha si Ling Yiran ng maligamgam na tubig at inalalayan si Yi Jinli na bumangon para uminom.
Konti lang ang nainom ni Yi Jinli dahil hindi na niya kaya sa sobrang sakit.
Habang tumatagal, lalo lang tumitindi ang pagaalala ni Ling Yiran kaya bigla siyang tumayo at nnagpapanic na sinabi, “Lalabas lang ako ha. Hintayin mo ako dito!” Pero bago siya umalis, kinumutan niya si ‘Jin’ sa takot na baka ginawin ito.
Pagkatapos, kumaripas siya ng takbo palabas ng apartment niya.
At naiwan si Yi Jinli ng mag-isa sa loob ng apartment.
Pumikit siya, habang hinihintay na humupa ang sakit. Hindi na bago sakanya ang maiwang mag-isa.
Mula noong mamatay ang tatay niya, kinupkop siya ng Yi family. Pero kahit na kasama niya ang lolo at marami siyang taga silbi, malungkot pa rin siya.
Pagkalipas ng ilang sandal, na halos hindi niya na maalala kung gaano katagal, narinig niya na muling nagbukas ang pintuan, at sinundan ito ng isang pamilyar na boses na halatang hinihingal. “Jin, binilhan kita ng gamot. Huhupa na yan kapag ininom mo ‘to.”
Gulat na gulat siyang dumilat at nakita niya si Ling Yiran na hingal na hingal. Sobrang gulo ng buhok nito, siguro dahil sa pagtakbo nito at bakas sa maganda nitong mukha ang sobrang pag-aalala. Sobrang cute ng ilong nito at ng mapula nitong mga labi. Sa totoo lang, marami na siyang nakitang mas magandang babae, pero noong oras na yun, hindi niya maipaliwanag pero bigla siyang natulala kay Ling Yiran.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman niyag may kasama siya.
...
...
Kumuha si Ling Yiran ng isang baso ng maligamgam na tubig at naglabas ng dalawang tableta, ayon sa nakuha niyang reseta, at inalalayan niya si Yi Jinli na uminom ng gamot.
Pagkatapos, pinunasan niya ang mukha nito na pawis na pawis.
“Kapag masakit pa rin, pumikit ka lang para makatulog ka. Ngayong gabi, ikaw na muna ang matulog sa kama. Ako na sahig.” Pagpapatuloy ni Ling Yiran habang tinutulungan si ‘Jin’ na lumipat sa kama.
Pero pagkatalikod ni Ling Yiran, biglang hinawakan ni Yi Jinli ang kamay niya.
“Bakit? Masakit pa rin ba?” Nagaalalang tanong ni Ling Yiran.
Samantalang si Yi Jinli ay nakatitig lang kay Ling Yiran, at maging siya, ay hindi niya rin alam kung bakit niya biglang hinawakan ang kamay nito, na para bang ayaw niya itong umalis sa tabi niya.
Pagkalipas ng ilang sandali, mahinahon siyang nagsalita, “Ate… gusto kong samahan mo muna ako.”