Kabanata 7

Hindi inaasahn ni Beatrice na ang mahinhin at madaling utuin na si Mable ay kakausapin siya ng ganito. Galit na galit siya at nagbago ang mukha niya. “Mable, hindi mo ba naiisip na ang cheap mo? Iniwan ka na ni Blair. Bakit ginugulo mo pa din siya?!” “Nagpaganda siguro ang walanghiyang babae na ito para akitin si Blair.” Naiisip ni Beatrice. Ngumiti ng masama si Mable. “Ms. Stanton, hindi pa namin natatanggap ni Blair ang divorce certificate, kaya legally, kasal pa din kami.” Nagmadaling lumapit si Mable at dinuro ng arogante si Mable. “Ano naman kung legal kayong kasal? Hindi naman ikaw ang gusto ni Blair!” “Hindi na mahalaga kung ako ang gusto niya o hindi. Ang mahalaga ay kung hindi pa kami hiwalay, ako si Ms. Fowler.” Gusto punitin ni Beatrice ang mukha ni Mable. “Marami na akong nakita na babaeng katulad mo. Pinapatagal mo lang at ayaw makipaghiwalay dahil sa pera, tama?!” Habang sinasabi iyon, kumuha siya ng checke sa bag niya at inihagis sa mukha ni Mable. “Heto ang 150,000 dollars. Kunin mo ito at magpakalayo-layo na!” Sumingkit ang mga ni Mable sa aroganteng babae. Tamad niyang pinulot ang checke. “150,000 dollars para iwan siya ng isang oras?” “Isang oras? Gusto ko na iwan mo siya ng habambuhay!” “Baliw ba siya? Sa tingin ba niya maliit na halaga lang ang 150,000 dollars?” Nagsalita si Mable, “Ms. Stanton, hindi ako makapaniwala na ang lakas ng loob mo na bigyan ako ng hamak na 150,000 dollars lang!” Matapos iyon sabihin, gumamit siya ng puwersa sa braso niya at tumalsik ang checke. Nahiwa ang mukha ni Beatrice na parang patalim ang dumaan. “Ah!” Tinakpan ni Beatrice ang mukha niya. Noong tinignan niya ang kanyang palad, puro dugo. “Ang mukha ko! Mable! Ang lakas ng loob mo na hiwain ang mukha ko? Papatayin kita!” “Ikaw lang?” Tinignan siya ni Mable, makapangyarihan ang aura niya na parang reyna. Wala lang si Beatrice, ang mga well-trained na aso sa tropical jungle ay hindi naging sapat para mapatay si Mable! Masyadong malaki ang tingin ni Beatrice sa sarili niya! “Mamatay ka ng babae ka!” Pagod na si Beatrice at sinampal ng malakas si Mable. Gayunpaman, bago niya tamaan si Mable, nasalo ang braso niya. Kasunod nito… “Crack!” isang malutong na tunog ang maririnig. Sumigaw ng malakas si Beatrice at napaluhod sa sahig. Nabali ang kanang braso niya. “Ah… ang sakit! Ang braso ko! Ang braso ko!” Aroganteng tinignan ni Mable si Beatrice na napaluhod. Tumaas ang kilay niya at ngumisi. “Kung hindi ka matututo, sa susunod, hindi lang kamay ang mababali sa iyo.” “Mable, anong ginagawa mo?!” Maririnig ang galit na boses ni Blair mula sa likod. Nagsalita si Beatrice sa oras na makita niya si Blair. “Blair, tulungan mo ako… si Mable… Gusto ako patayin…” Tumingin si Mable kay Blair at pumalakpak. “Hidni mo ba nakikita? Ginugulpi ko siya!” Hindi kinausap ni Blair si Mable. Agad siyang nag-utos para may maghatid kay Beatrice sa ospital. “Pumunta ka sa ospital at humingi ng tawad kay Beatrice!” utos ni Blair kay Mable. Maganda ang relasyon ng mga Stanton at Fowler sa business. Bukod pa doon, si Beatrice ang nag-iisang anak na babae ng mga Stanton, na spoiled sa kanila mula pagkabata. Ngayon at sinaktan siya ni Mable, hindi ito palalampasin ng pamilya Stanton. Tinitigan ni Mable si Blair na tila retarded ang tinitigan niya. “Hindi siya nararapat!” Pagkatapos magsalita, tumalikod siya para umalis. “Tumigil ka dyan!” Hinawakan ni Blair ang braso ni Mable. Makikita ang alab sa mga mata ni Mable. Kaswal niyang kinuha ang kape sa reception at binuhos sa mukha ni Blair. “Huwag mo akong hawakan!” “Sa tingin ba niya ako pa din si Mable ang ngingiti lang at titiisin ang lahat noong nawala ang alaala ko?!” inisip ni Mable. “Hiss!” Nagualt si Solomon. “Grabe ka talaga Mable! “Ang lakas ng loob mo na buhusan ng kape si Master Blair? Ang tapang mo!” Halos mauntog sa sahig si Amos. Mabilis siyang lumapit na may dalang tissue. “Master Blair, o-okay ka lang ba?” Pinunasan ni Blair ang mantya ng kape sa mukha niya, at malamig na aura ang mararamdaman mula sa kanya. “Mable!!!” “Ang babaeng ito talaga!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.