Kabanata 8
Sa buong 26 na taong nabubuhay siya, walang nag lakas ng loob na buhusan ng kape si Blair.
“Kung gusto mo mamatay, puwede ko ito gawin!”
“Ha.”
Natawa si Mable ng mapanghamak. Kahit matindi ang pressure ni Blair, hindi siya natatakot.
“Subukan mo ako.”
“Tignan natin kung hindi ko tanggalin ang ulo mo!”
Hindi maipaliwanag ang galit sa guwapong mukha ni Blair. “Huwag mo isipin na hindi ako maglalakas loob na kumilos dahil lang nasa likod mo si Rahman!”
Tumaas ang kilay ni Mable. Siya ang laging nasa likod ni Rahman!
“Anong problema? Nagseselos ka ba dahil may tao sa likod ko?”
Nasamid si Blair.
Hindi niya gusto ang babaeng ito, bakit siya magseselos?
Hindi lang siya masaya!
“Mable, kung nagpapahard to get ka, tumigil ka na bago mahuli ang lahat!”
Umirap si Mable. “Hindi ako nagpapahard to get!”
“Basura.
“Sa tingin ba niya mahal siya ng lahat?”
Natatakot si Mable na baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at patayin si Blair kapag nagtagal pa siya dito, kaya elegante siyang tumalikod at umalis.
Pinanood siya ni Blair umalis habang madilim ang mukha niya.
Matapos umalis si Mable, naglakas loob si Solomon an lumapit kay Blair. “Siya pa din ba si Mable na mahala na mahal ka noon?”
“Sinapian ba siya?”
Nagulat din si Blair. Paano nagbago ng husto si Mable sa loob lang ng ilang araw?
…
Nilisan ni Mable ang Folwer Enterprise at bumalik sa hotel.
Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng tawag mula kay Tracey.
Si Tracey Blair ang nakababata niyang kapatid. Masayahin siya, nakakatuwa, at galante. Maganda rin ang kanyang ngiti.
Nalaman lang niya ang tungkol sa paghihiwalay ni Mable at kapatid niya. Natatakot siya na baka mahirapan ng husto si Mable, hiniling niya kay Mable na magshopping sila para makapagpahinga siya kakaisip.
Sa lahat ng mga Fowler, si Tracey lang ang mabait kay Mable at kaisa-isa niyang kaibigan niya sa Croquen matapos ang amnesia niya.
Dahil lilisanin na ni Mable ang Richworth at gusto niyang pasalamatan ng maayos si Tracey, sumangayon siya.
Noong dumating sila sa mall, isinama ni Mable si Tracey sa paborito niyang Hermes counter.
Makalipas ang kalahating oras.
Dala ni Tracey ang diamond crocodile skin handbag niya na matagal na niyang gusto pero hindi niya mabili. Nahilo siya.
Kahit na malaki ang halaga na ginagastos niya, sobra pa din ang gumastos ng 550,000 dollars para sa bag.
“Mabes, regalo mo ba talaga sa akin ang bag na ito?” tinignan ni Tracey ng maayos ang bag na kasing halaga ng lupa at hindi siya makapaniwala.
“Kaarawan mo sa susunod na buwan, kaya tanggapin mo ito bilang maagang regalo.”
Naantig ng husto si Tracey. Niyakap niya si Mable at umiyak siya, “Sobs… Mabes, ang bait mo talaga!”
“Pero saan galing ang pera mo?” tanong ni Tracey.
“Noong naghiwalay sila ni Blair, hindi ba’t hindi siya kumuha ng pera o lupa?
“Hindi rin siya nagtrabaho ng dalawang taon, kaya wala dapat siyang pera.” Naisip ni Tracey.
Sumagot si Mable, “Galing sa dati kong savings.”
Sasagot pa sana si Tracey ng bigla siyang may maalala. Nanlaki ang mga mata niya at nagtanong kay Mable. “Mabes, bumalik na ang alaala mo?!”
Sumagot si Mable. “Mm.”
Natulala si Tracey. “Kaya pala kakaiba siya sa nakalipas na mga araw, na tila ba ibang tao na siya. Bumalik na pala ang alaala niya!” sa isip ni Tracey.
Tinignan niya si Mable. “Mable, dahil mayaman ka, anak ka ba ng isa sa pinakamayamang pamilya?”
Sumagot si Mable, “…hindi.”
“Malapit na.” sa isip ni Mable.
“Kahit na hindi, siguradong mayaman ka.”
Agad na kumapit si Traceykay Mable at sinabi, “Mabes!!! Mayamang babae ka, gusto kita maging sugar mommy!”
Dinaanan ni Mable at Tracey ang lahat ng luxury counters sa mall buong tanghali.
Matapos dinner, umuwi si Tracey dala ang lahat ng gamit niya at bumalik si Mable sa hotel.
Hindi pa nagtatagal ng dumating siya sa hotel, isang hindi pamilyar na boses ang narinig niya.
“Ikaw ang hipag ni Tracey, tama? Pumunta ka sa Cloud Villa sa loob ng kalahating oras, kung hindi ay maghanda ka na kunin ang bangkay niya.”