Kabanata 6

Habang nakatingin si Blair kay Mable, hindi halos mapapansin ang bakas ng tuwa sa mga mata niya. Nakasuot ng itim na tunic dress si Mable na may hiwa sa gilid. Noong pumasok siya, ang mahaba niyang mga binti ay halos kita. Nakalugay ang kulot niyang buhok at nakakatulala ang makeup niya, mukha siyang nakakaakit. “Mable?” Tinignan ni Solomon si Mable. Napaatras siya ng kaunti ng maalala ang nangyari kagabi sa Sleepless City. Hindi siya binigyan ng pansin ni Mable at dumiretso skay Blair. “Ibalik mo sa akin ang jade pendant ko.” Tinitigan ni Blair si Mable na ibang iba na ang ugali kumpara noon. Sumimangot siya at nagtanong, “Anong jade pendant?” Natawa si Mable. Alam niya na nakalimutan na ito ni Blair. Naalala pa niya kung paano niya ibinigay ang jade pendant at kung paano ito inihagis ni Blair sa lamesa ng hindi tinitignan. “Ibinigay ko sa iyo ang jade pendant noong ikinasal tayo.” Malamig ang boses ni Mable. Nag-isip ng mabuti si Blair at naalala na may ganoon nga. Noong iniligtas niya noon si Mable dalawang taon na ang nakararaaan, ang jade pendant kung saan nakaukit ang pangalan niya ay suot niya sa kanyang leeg. Sumandal si Blair at tinignan ang maganda pero malamig na babae sa harapan niya. “Naparito ka para lang bawiin ang jade pendant?” “Kung hindi?” Nagkrus ang mga braso ni Mable. “Blair, huwag mo sabihin na ang iniisip mo ay bumalik ako para magmakaawa na magkabalikan tayo?” Tinitigan siya ng seryoso ni Blair. “Mas mabuti na hindi!” Ngumiti si Mable ng mapait. “Huwag ka mag-alala. Hinding hindi!” Hindi siya makapaghintay na ituring siya na hindi kilala. “Gusto mo makipagbalikan? Sa susunod na buhay na lang!” Walang oras si Mable na dapat aksayahin. Iniabot niya ang kanyang kamay at sinabi muli, “Ibalik mo ang jade pendant ko!” Walang pakielam siyang tinignan ni Blair. “Matagal ko na itong itinapon.” Nanigas si Mable. “Itinapon mo ito?” Itinapon niya ang jade pendant niya! Humigop ng kape si Blair at diretso ang mukha. “Dapat ko ba ito tanggapin dahil ibinigay mo?” Hinampas ni Mable ang lamesa at namula siya sa galit. “Saan mo ito itinapon, Blair?” Wala pa din pagbabago sa ekspresyon ni Blair. “Nakalimutan ko na.” Mahigpit ang kapit ni Mable at seryosong tinignan si Blair. Gusto niya patayin ang lalake sa kanyang harapan. Napansin ni Blair ang nararamdaman ni Mable. Lalo lang siyang natuwa. Sa dalawang taon nilang pagsasama, ito ang unang pagkakataon na nakita niyang galit siya. Nagtitigan lang silang dalawa bago tumawa bigla si Mable. “Blair, bibigyan kita ng sampung araw. Kapag hindi mo nahanap ang jade pendant ko, iwiwithdraw ko sa korte ang divorce application.” Sa loob ng one-month cool-off period pagaktapos ng divorce, basta hindi sumangayon ang isang panig, puwede sila pumunta sa civil Affairs Bureau para bawiin ang application kahit kailan. Natulala si Blair, agad na nagdilim ang mukha niya. Alam niyang hindi siya basta basta papayag sa hiwalayan. “Anong jade pendant? Marahil matagal na niya itong palusot. “Ang mapagplanong babae na ito!” Nagkrus ang mga braso ni Mable at ngumiti. “Basta hindi ako sumangayon sa divorce, magiging kabit lang ang first love mo!” Base sa kung gaano kamahal ni Blair ang gifrst love niya, hinding hindi niya hahayaan na maging kabit lang siya. Malamig na tinitigan ni Blair si Mable. Tumayo siya at naglakad palapit. Tinignan ni Mable si Blair na nakasuot ng suit at nakaramdam ng matinding aura na gusto siyang kontrahin. “Mable, makinig ka—hiwalay na tayo at matutuloy ito kahit na anong mangyari!” Itinaas ni Mable ang kamay niya at inilagay ang buhok sa likod ng kanyang tenga sabay ngumisi. “Kung ganoon, hanapin mo ang jade pendant ko sa lalong madaling panahon!” “Kapag hindi mo ito nahanap, magbabayad ang buong Fowler Enterprise!” “Blair, ito lang ang pagkakataon na ibibigay ko sa iyo!” Kasunod nito, tinignan siya ng nakakatakot ni Mable bago tumalikod at umalis. Sa oras na nakalabas siya ng opisina, nakakita siya ng babae na may makapal na makeup. “Mable?” Natulala sandali si Beatrice Stanton ng makita si Mable na lumabas ng opisina ni Blair. Pagkatapos, agad niyang dinuro si Mable at galit na nagtanong, “Anong ginagawa mo dito?” Tumaas ang kilay ni Mable. Si Beatrice ang nakatatandang anak ng pamilya Stanton at isa sa mga tagasugid ni Blair. Simula ng ikasal sila, naghahanap lagi ng gulo si Beatrice. “Wala kang pakielam!” galit na sagot ni Mable. Noong nakaraan, ang ugali niya ay masunurin at mabait sa harap ni Blair para mapasaya siya. Tahimik niyang tiniis ang iniwasan si Beatrice. Ngunit, wala ng plano si Mable na gawin ito ngayon.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.