Kabanata 5

Dalawang taon na ang nakararaan, may matinding pinsala si Mable at nawala ang kanyang alaala. Sa nakalipas na dalawang taon, namumuhay siya sa private villa ni Blair at hindi siya umalis para magtrabaho, kaya hindi niya dapat kilala si Rahman ng Monafett. Kumurap ang mga mata ni Blair. “Maliban na lang kung matagal na silang magkakilaa.” “Solomon, imbestigahan mo si Rahman. Gusto ko malaman ang lahat ng tungkol sa kanya at pagitan nila ni Mable.” Matapos tumigil sandali, idinagdag niya, “Bukod pa doon, alamin mo ang background ni Mable.” Sumagot si Solomon sa kanya at nagbiro, “Master Blair, bakit pakiramdam ko ikaw ang iniwan?” Tumitig lang niya ng habang naiinis kay Solomon. … Sadyang sinabi ni Mable na magsasaya siya sa ibang lugar para marinig ni Blair. Gusto nga naman niyang galitin si Blair hanggang kamatayan. Sa oras na lisanin nila ang Sleepless City, dumiretso si Mable sa hotel. Habang papunta doon, walang tigil si Rahman na nagtanong tungkol sa relasyon nila ni Blair. Hindi siya mapigilan ni Mable at kaswal na nagpaliwanag, “Iniligtas niya ang buhay ko dalawang taon na ang nakararaan, kaya sinuklian ko ito gamit ang katawan ko. Ngayon at bumalik na ang first love niya, naghiwalay na kami.” “Iniligtas ka niya?” hindi makapaniwala siyang tinignan ni Rahman. Siya lagi ang nagliligtas sa iba, nagulat siya ng marinig na baliktad ang nangyari. Sumagot si Mable, “May umupa sa mga assassin ni Shark para huntingin ako.” Nagbago ang mukha ni Rahman. Ang Shark ay notorious na killer organization sa East Gamisia. Arogante sila at mapagmataas, ang mga miyembro nila ay mga taong mas pinahahalagahan ang pera kaysa sarili nilang buhay. Naalala nila Mable ang insidente sa tropical jungle dalawang taon na ang nakararaan at makikita ang kalupitan sa mga mata niya. Sinong umupa sa Shark para patayin siya? “Nalaman mo na ba kung sino ang nasa likod nito?” tanong ni Rahman. Umiling-iling si Mable. Bumalik lang ang alaala niya dalawang araw na ang nakararaan at hindi pa siya nakakapagimbestiga. “Bigyan mo ako ng dalawang araw, at aalamin ko!” seryosong sinabi ni Rahman. Tumango si Mable. May naalala bigla si Rahman. “Oo nga pala. May post sa dark web na may pabuya sa pagkakadakip sa iyo. Umabot na sa tatlong bilyong dolyar ang pabuya.” Tumaas ang kilay ni Mable. “Tatlong bilyong dolyar? “Sinong malakas ang loob na gumawa nito?” “Wanted ba ako na patay?” tanong ni Mable. “Mukhang hindi. Mukhang gusto ka na buhay,” sagot ni Rahman. Dahil may gusto magbayad ng malaking halaga, mukhang gusto nila na magmakaawa siya ao iligtas siya. Hindi ito binigyan ng pansin ni Mable. Marami post sa dark web tungkol sa kanya, pero wala halos tumatanggap nito. Matapos bumalik sa hotel, naglinis ng katawan si Mable at naghanda na magpahinga ng may maalala siyang mahalaga. Ang jade pendant niya ay na kay Blair pa din! Noong pinakasalan niya si Blair dalawang taon na ang nakararaan, ibinigay niya ang jade pendant bilang wedding gift. Noong panahon na iyon, hindi niya alam ang halaga ng jade pendant. Ngayon at bumalik na ang alaala niya, nagsisisi siya ng husto. Paano niya nagawang ipamigay ang napakahalagang gamit?! Kung wala ito, mahihirapan siyang gawin ang mga bagay sa hinaharap. Kaya, kailangan niya itong bawiin! … Sa sumunod na araw. Hinanap ni Solomon si Blair sa Folwer Enterprise ng maaga. “Nandito na ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Mable.” Tinignan ni Blair ang file na naglalaman lamang ng iilang mga linya. “Iyon lang?” Nagkibit balikat si Solomon na tila walang magawa. “Ang impormasyon ni Mable ay marahil encrypted. Maliban sa basic infromation niya, wala ng ibang malaman.” “Ang impormasyon ni Mable ay encrypted?” Sumimangot si Blair. Isa itong bagay na hindi niya inaasahan. Hindi ito ginagawa ng mga pangkaraniwang tao. Tinitigan ni Blair ang dokumento sa mga kamay niya. Malamig ang kanyang mga mata. Sa oras na ito, kumatok si Amos sa pinto at pumasok. “Master Blair, nandito po si Ms. Jefferson—” Bago pa matapos si Amos magsalita, may humatak sa kanya mula sa likod. Pagkatapos, pumasok si Mable ng nakahigh heels at malakas ang dating.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.