Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Sakto ang ideyang naisip ni Doria. Tinanggap ito ni Andrew ng walang alinlangan. “Mamayang gabi, may uutusan ako para ideliver ang papeles at asikasuhin ito. Kailangan muna natin mapakalma si lolo,” sambit ni Doria, ang ngiti niya ay magalang at nagpapasalamat. Dahil pareho sila ng iniisip ni Doria, wala ng dahilan si Andrew para magtagal pa. “May mga bagay pa ako na aasikasuhin, kaya mauuna na akong umalis, Ms. Thompson.” “Bibihira ang mga sasakyan dito. Hayaan mo na ihatid kita.” Si Andrew at Doria ay naghiwalay sa intersection. Noong papara na dapat si Andrew ng texi, isang Rolls-Royce ay tumigil sa harap niya. Bumukas ang pinto at isang middle-aged na lalakeng nakasuit ang lumabas, lumapit kay Andrew ng magalang. “Sumakay po kayo sa sasakyan, Mr. Hughes.” “Ikaw ba si Rudd Jenkins?” kumpirma ni Andrew. Kahit na direktang nakokontak ni Andrew si Rudd sa nakalipas na tatlong taon, hindi pa sila nagkikita face to face. Tumango si Rudd. “Ipinadala ako ng presidente para sunduin ka at nakaayos na ang kontrata.” Natanga si Andrew at nagtanong, “Anong kontrata?” Hindi inaasahan ni Rudd ang reaksyon ni Andrew. “Mukhang hindi ipinaalam ng presidente sa iyo; ililipat niya sa iyo ang lahat ng business entities na pagmamayari ng pamilya Hughes sa Thenswy sa pangalan mo.” Napagtanto bigla ni Andrew ang lahat. Suminghal siya, alam niyang si Lucas ang nasa likod ng lahat ng ito. Dahil hindi naman interesado si Andrew sa business empire nila, alam niya na sapat na ang mga assets sa Thenswy para umabot ng mahigit sa isang daang bilyon ang halaga. Sinusubukan ni Lucas si Andrew, kung may kakayahan siyang asikasuhin ang family business, at sinimulan niya ito sa Thenswy. Hindi na ito masyadong inisip ni Andrew. Sumenyas lang siya at sinabi, “Itabi mo ang kontrata. Patuloy mo na imamanage ang business sa Thenswy. Walang magbabago. Oo nga pala, ihanap mo ako ng lugar na puwede tirahan. Iisipin ko ito pagkatapos ko na magpahinga pa.” Tatlong taon ginugol ni Andrew ang sarili niya kay Bernice. Dahil sa mapaglarong tadhana, wala na siyang matutuluyan ngayon. Inayos niya ang kanyang sarili at nagplano si Andrew ng mga susunod niyang kilos sa loob ng sasakyan. Determinado siyang pagbayarin si Bernice sa lahat ng pagkakautang niya. “Heads up lang po, Mr. Hughes. Tinerminate na po namin ang kontrata namin sa VitaCare Pharmaceuticals Group ng hindi po sinasabi sa inyo.” Si Rudd ang susi sa mabilis na paglago ng VitaCare Pharmaceuticals Group. Dahil parte si Bernice ng pamilya Hughes, inutusan si Rudd na suportahan ang VitaCare Pharmaceuticals Group sa abot ng makakaya nito. Pero, matapos hiwalayan ni Bernice si Andrew, wala ng punto na ituloy ang kolaborasyon. Hindi sinisi ni Andrew si Rudd dahil kumilos siya ng walang pahintuloy. Sa loob-loob niya aprubado siya sa desisyon ni Rudd. Dapat nga naman pagbayaran ng mga tao ang mga kilos nila. Makalipas ang dalawang oras, dumating si Andrew sa Starlight Grove. Bumili si Rudd ng bahay dito. Ang lokasyon ay hindi gaanong tago, at sapat na ang two story house. Naaappreciate ni Andrew ang vibe at kapaligiran dito. Buhay na buhay ang mga residente at matapos magtanong, nalaman ni Andrew na puro ito mga pamilya at mga retiradong mga tao. Kaya, hindi problema ang kaligtasan. Salamat sa tulong ni Rudd, mabilis na nilinis ni Andrew ang bahay. Ang lahat ng essentials ay mayroon dito, at puwede na agad lumipat si Andrew. Matapos makapunta sa banyo at maligo, tinignan sawakas ni Andrew ang phone niya. May dose-dosenang mga hindi nabasang mensahe at dalawang missed calls. Kahit na maraming missed calls si Elise, hindi lahat ng mga mensahe sa inbox niya ay galing sa kanya. Sinasabi ni Elise na hindi siya natutuwa sa pagtrato kay Andrew at sa away nila ni Bernice. Binanggit din ni Elise na lalayas siya. Binasa ni Andrew ang mga mensahe ng hindi nagrereply. Kailangan niya lumayo mula sa pamilya Collins, lalo na at kabilang si Elise na magpapakumplika sa lahat. Nagpatuloy si Andrew sa pagscroll sa mga mensahe. Mukhang nagpadala si Bernice ng message sa kanya, pero hindi niya ito tinignan. Sa huli, may mensahe mula sa lolo ni Andrew, si Fred. Ang sabi sa mensahe, “Andrew, iiwan ko ang lahat ng business sa Thenswy sa iyo. Huwag mo ito isipin na isang pabigat. Aasikasuhin ko ang ama mo sa tamang oras. Gawin mo lang kung anong makakabuti sa iyo.” Kahit na maiksi lang ang mensahe, naramdaman ni Andrew ang pag-aalala sa mga salita ni Fred. Matapos ito isipin, napagtanto niya na hindi pa siya bumabalik sa kanila simula ng makipagtalo siya sa kanyang ama, na si Lucas, tatlong taon na ang nakararaan. Inayos ni Andrew ang sarili niya at nagtype ng sagot. “Huwag mo ako alalahanin, lolo. Malapit na akong bumisita sa iyo.” Inihagis ni Andrew ang phone niya sa kama. Hindi niya napansin na nakatulog na siya ng malalim. Habang masarap ang tulog ni Andrerw, hindi mapakali sa kama si Bernice, nag-aalala ng husto. Nakatadhana na walang tulog masyado ang mga gabi niya. … Sa sumunod na araw, isang liwanag ang makikita sa siwang ng bintana. Iminulat ni Andrew ang mga mata niya at wala sa sariling sinabi, “Magluluto ako ng almusal. Matulog ka muna…” Tumigil bigla sa pagsasalita si Andrew. Tinignan niya na walang tao sa tabi niya at ngumiti ng mapait. Matatagalan bago mawala ang nakasanayan niya. Kahit na maaga pa, hindi na gusto matulog ni Andrew. Nagbihis siya sa kumportableng damit at naglakad-lakad sa paligid. Ang mga matatanda ay nagtipon sa park para sa morning exercise. Samantala, si andrew ay nasa tagong lugar ng gubat at nagsimula sa kanyang warm-up routine. Ang medical studies niya sa bundok ay may kasamang dedicated na martial arts para sa personal development. Ang matindi niyang routine ay hindi nagbago sa nakalipas na mga taon. Mabilis na nag-ensayo si Andrew, pinagpapawisan na siya ng matapos. Ang paulit-ulit na enasyo ay nakatatak na sa isip niya, pero ang bawat session niya ay sinasagad siya. Hindi maitatanggi na epektibo ang routine—patunay dito ang katawan niya. “Bata, kailangan mo ayusin ang fitness routine mo. Pinagpapawisan ka na agad ng matindi matapos mag-work out ng kaunti,” sambit ng lalakeng puti ang balbas na nagpakita mula sa kawalan. Inoobserbahan niya si Andrew ng matagal bago nagsabi ng payo sa kanya. Tinignan ni Andrew ang matanda at napansin niya na masigla siya para sa edad niya, bago magalang na tinanggap ang kumento niya at umalis. Nilisan ni Andrew ang neighborhood at bumili ng almusal bago naligo at kumain. Napansin niya na hindi na masama ang relaxed na buhay niya. Atleast, nabubuhay na siya para sa sarili niya ngayon. Bago pa matapos kumain si Andrew, tumunog ang phone niya. Si Doria. “Nasaakin na ang marriage ceritificate. Makakarating ka ba sa lugar namin para sa dinner mamaya?” “I-set natin ng 6:00pm. Kukumpirmahin ko ito sa iyo.” Napagdesisyunan ni Andrew na maging seryoso, dahil parte ito ng lihim nila. Bukod pa dito, hindi pipili si Lucas ng mas mababa sa kanila. Matapos mafinalize ang oras, hindi na sila nag-usap tungkol sa kung ano-ano, binaba nila ang tawag at ginawa ang kanilang mga kailangan asikasuhin. Kasunod nito, nagpakaabala si Andrew at naghanda para mangisda. Samantala, hindi mapakali si Bernice ng VitaCare Pharmaceuticals Group. Nag-alinlangan siya, tinitignan ang hindi pamilyar na numero sa phone niya, hindi siya sigurado kung dapat ba siyang tumawag. Matindi ang problema ng kumpanya niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.