Kabanata 5
Naubusan ng pasensiya si Xanthus at galit na sinabi, “Seryoso ka? Ako ay kilalang medical expert, at sinasabi mo na kulang ang kaalaman ko?”
“Marami ka bang alam sa medisina? Alam mo ba kung anong karamdaman ni Mr. Thompson Senior?”
Nanginig sa galit si Xanthus, unti-unti siyang nagagalit.
Matapos makita na naubusan ng pasensiya si Xanthus, agad na nagsalita si Hamilton, “Umalis ka dito!”
“Dahil wala kang tiwala sa akin, ipainom mo ang pill na gawa ni Dr. Gerald. Pero, magiging malinaw ako sa iyo—matapos inumin ang pill, tadhana na ang magdedesisyon kung mabubuhay ka o mamamatay.”
Nagalit si Xanthus sa sinasabi ni Andrew. Humarap siya kay Gavin at nangako, “Mr. Thompson Senior, kung may mangyayari sa iyo, pagbabayaran ko ito gamit ang buhay ko.”
Kumbinsido si Gavin at ininom ang Sporazoxane. Nakaramdam ng init si Gavin sa katawan niya, nawala ang sakit na nararamdaman niya.
Nababalisang nagtanong si Doria, “Lolo, anong pakiramdam mo?”
“Ang galing mo talaga, Dr. Gerald. Sa oras na ininom ko ang pill, pakiramdma ko parang ibang tao na ako.” Masayang tumawa si Gavin. Puno ng sigla at buhay ang boses niya, malayo sa sitwasyon niya kanina.
Walang masabi si Doria. Kung alam lang niya na maabilidad si Xanthus, hindi na niya sana nilapitan si Andrew.
Hinimas ni Xanthus ang balbas niya ng mayabang at tinignan si Andrew. “May sasabihin ka pa ba, bata?”
Nakatingin si Andrew sa masiglang si Gavin at umiling-iling, isang salita lang ang sinabi niya, “Three!”
Naguluhan ang lahat.
Sumimangot si Doria. “Mr. Hughes, sinasabi mo ba na may tatlong taon na lang ang lolo ko na mabubuhay?”
Mapanghamak na ngumiti si Andrew, “Hindi, tatlong segundo ang sinasabi ko.”
Matapos ito marinig, nabigla si Hamilton. Halos mawala siya sa sarili sa galit. Kahit na positibo ang nangyari, ang lakas ng loob ni Andrew na magsalita ng masama kay Gavin.
“Sige, iyan na nga! Kailangan ka turuan ng leksyon! Sa tingin mo ba madali akong apihin?” galit na tumawa si Hamilton at inutusan ang mga guwardiya niya sa labas na pumasok.
Bumilis ang tibok ng puso ni Doria. Mabilis siyang nag-isip, naghahanap ng paraan para iligtas si Andrew.
Hindi siya nagpatinag, nagbilang si Andrew, “Two!”
“One!”
Tila ba sakto sa bilang niya, nalukot sa sakit ang mukha ni Gavin, sumuka siya ng dugo . Namaluktot siya sa kama at nawalan ng malay.
“Lolo!”
“Mr. Thompson Senior!”
Natakot si Doria, Hamilton at Xanthus.
Mabilis na sinuri ni Xanthus ang pulso at pisikal na kundisyon ni Gavin. Pagkatapos ang pagsusuri, nanlumo si Xanthus.
Mahina ang pulso ni Gavin, pero nandyan pa siya, sobrang hina na ng tibok ng puso niya, na tila ba mamamatay na kapag nahipan ng hangin.
“Paano ito nangyari? Anong nangyayari?” namutla si Xanthus, hindi siya makapagisip ng malinaw.
Naisip ni Xanthus ang kahihiyan, masisira ang imahe niya kapag kumalat na ang panggagamot niya ang nakapatay kay Gavin. Matindi ang magiging epekto ng panggagamot niya, higit pa sa inaasahan niya.
“Binalaan na kita. Pero, ang yabang mo ay hindi ka nakinig,” kalmadong kumento ni Andrew.
Si Doria, na namumutla sa takot ay tinignan si Andrew at nagtanong, “Maililigtas mo ba ang buhay ni lolo, Mr. Hughes?”
Hindi inaasahan ni Doria na magkakatotoo ang babala ni Andrew. Ngayon wala na siyang maaasahan kung hindi si Andrew.
Si Xanthus, na nahihiya sa sinabi ni Andrew, ay bigong nagtanong, “May paraan ka ba para iligtas si Mr. Thompson Senior? Ang nangyari kanina ay kasalanan ko lahat. Isipin mo ang lahat ng ginawa ni Gavin para sa bansa. Pakiusap iligtas mo siya at habang buhay akong magkakaroon ng utang na loob sa iyo.”
Dahil sa bigat ng sitwasyon, napilitan si Xanthus na tanggapin ang tunay na abilidad ni Andrew.
Nanatiling tahimik si Andrew, pagkatapos, mabilis siyang kumilos ng brutal at sinuntok ang walang malay na si Gavin sa dibdib. Lumabas ang dugo mula sa ilong bibig at mga tenga ni Gavin.
Nagalit si Doria. “Anong ginawa mo, Mr. Hughes?”
“Protektahan ang ama ko!” sigaw ni Hamilton.
Agad na sumugod ang mga guwardiya kay Andrew.
Sa kritikal na oras, sumigaw bigla si Gavin, “Tumigil kayo!”
Lahat sila napatingin kay Gavin, na nakaupo na ngayon sa kama. Kahit na maputla siya, mas maganda ang lagay niya ngayon kumpara kanina.
Huminga ng malalim si Gavin at sinabi, “Mali kayo ng intindi kay Andrew. Sinuntok niya ako para iligtas ang buhay ko.”
Napansin ni Xanthus ang itim na dugo sa mukha ni Gavin. Sinabi niya, “Nalason ka?”
“Oo,” walang pakielam na sagot ni Andrew. “Mukhang walang masamang epekto ang bawat sangkap ng pill mo, pero kapag pinagsama-sama, nakalalason ito. Kaya binalaan kita na huwag itong gamitin. Sinuntok ko siya para puwersahin palabas ang lason mula sa kanyang sistema niya bago umabot sa kanyang puso. Sa ganitong paraan ko siya iniligtas.”
Nabigla si Xanthus, at ang paliwanag niya ay parang rebelasyon sa kanya. Mapait siyang ngumiti at sinabi, “Isa kang miracle doctor, Dr. Hughes. Tama ka—hindi sapat ang kaalaman ko.
“Halos mamatay si Mr. Thompson Senior sa pagkakamali ko. Nabigo akong gawin ang inaasahan sa akin bilang medical expert.”
Yumuko ng malalim si Xanthus at sinserong humingi ng tawad kay Andrew. “Mas narararapat sa iyo ang titulong medical expert kaysa sa akin. Pakiusap, hayaan mo ako na magbigay galang!”
Matapos makita ang pagiging humble ni Xanthus, si Doria at Hamilton at nagulat ng husto. Kahit na kilala siya at tinitingalang medical expert, nagbigay galang si Xanthus kay Andrew na mas bata sa kanya.
Natuwa si Gavin. “Kahanga-hanga ka, Andrew, may ganito kang lebel ng medical skils kahit na bata ka pa. Maganda ang magiging kinabukasan mo.”
Umiling-iling si Andrew at ngumiti. “Nagmamalabis ka, Mr. Thompson Senior. Sa kasamaang palad, ang mga sintomas mo ay natrigger ng chronic illness mo. Kailangan mo ng acupuncture treatment mula sa akin para gumaling.”
Natawa si Gavin. “Walang problema. Sa oras na ikasal ka na kay Doria, mabubuhay pa ako ng tatlong taon! Kunin na ninyo ang marriage certificate bukas, Doria.”
Kahit na nag-aalinlangan siya, kinailangan sumunod ni Doria dahil nangako siya kanina. “Okay, lolo.”
Nabigla si Hamilton. “Anong sinasabi mo, Ama? Ikakasal mo si Doria sa kanya?”
“May problema ka ba doon?” nagbago ang ugali ni Gavin. Naging matalim ang mga mata niya.
Napaatras sa takot si Hamilton, nanahimik siya.
Makalipas ang kalahating oras, lumabas ng pinto si Doria at Andrew. Tinignan siya ni Dori at seryosong nagpasalamat. “Nagpapasalamat ako sa tulong mo sa lolo ko ngayon, Mr. Hughes.”
Tumigil si Doria, kinagat niya ang labi niya. “Sana hindi mo seryosohin ang arranged marriage natin. Baka hindi nga naman tayo mag work kung pipilitin natin ang mag sarili natin, lalo na sa modernong panahon ngayon, at dahil din sa kakakilala lang natin sa isa’t isa. Sa totoo lang, hindi ito ideal.”
“Pareho tayo ng iniisip, Ms. Thompson. Sa kasamaang palad, ipinipilit ito ni Mr. Thompson Senior,” malungkot na sinabi ni Andrew.
“Basta ba okay ka sa suhestiyon ko.” Makikita ang pagiging tuso sa mga mata ni Doria. “Pwede tayo gumawa ng pekeng marriage certificate para matuwa si Lolo. Pagkatapos, iisip tayo ng paraan para kumbinsihin siya na kalimutan na ito. Anong sa tingin mo?”