Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 7

Noong dumating si Bernice sa opisina niya noong umaga, ipinaalam sa kanya na ang ilan sa mga proyektong inaasikaso niya ay nakansela. Kahit ang ongoing na kolaborasyon ay inihinto ang kanilang mga proyekto. Matapos tignan ang sitwasyon, nalaman ni Bernice na tumatanggi ang mga kumpanya na may kinalaman sa Thenswy Chamber of Commerce. Sa dami ng nagtutulong para boycottin ang VitaCare Pharmaceutical Group, hindi magnada ang pakiramdam ni Bernice sa mga susunod na mangyayari. Ang natira sa kumpanya ay iilang mga proyekto, hindi sapat para ipagpatuloy ang kumpanya sa susunod na tatlong buwan. Financially, krisis na ang kinakaharap nila. Hindi maintindihan ni Bernice kung bakit nagkaganito ang sitwasyon kung wala naman siyang inaargabyado. Matapos ang ilang sandaling pag-aalinlangan, napagdesisyunan ni Bernice na tumawag. Noong nasagot ang tawag, magalang na sinabi ni Bernice, “Ako si Bernice Collins mula sa VitaCare Pharmaceutical Group, Mr. Jenkins. Sana hindi ako nakakaabala.” Inaasahan na ni Rudd ang tawag niya at dumiretso siya sa punto. “Alam ko kung anong iniisip mo, Ms. Collins. Pero, ang mga issue ng kumpanya mo ay hindi ko kontrolado. Huwag mo na ako tawagan muli sa hinaharap.” Matapos ito marinig, sumagot agad si Bernice at sinabi, “Siguradong may alam ka, Mr. Jenkins. Puwede mo ba sabihin sa akin? Ang VitaCare Pharmceutical Group ay walang kinakalaban na tao, aktibo kami sa kontribusyon para lumago ang Thenswy. Puwede mo ba ako bigyan ng pabor at sabihin sa akin ang dahilan ng lahat?” Bilang miyembro mismo ng Chamber of Commerce, naniniwala si Bernice na hindi siya isasawalangbahala ni Rudd. Pero, malamig ang sagot niya at may galit. “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Ms. Collins. Wala kang impluwensiya sa akin. “Para lang alam mo, may pagbobotong naganap sa Chamber of Commerce. Maliban na lang kung may hindi inaasahang mangyari, ang VitaCare Pharmaceutical Group ay matatanggal.” “Bakit?” tanong ni Bernice, hirap siyang huminga, overwhelmed siya sa hindi inaasahang sitwasyon. Inisip ni Bernice ang sitwasyon, sinusubukan isipin kung may nakabangga ba siya, pero wala siyang napagtanto. Si Rudd, malinaw na gustong ibaba ang tawag, ay nagbigay ng mahirap hulaang clue. “Isipin mo ito ng mabuti, Ms. Collins. Hindi ba’t maganda ang takbo ng kumpanya mo sa nakalipas na tatlong taon. Mukhang wala ka masyadong impluwensiya!” “Para lang alam mo, ang VitaCare Pharmaceuticals Group ay namayagpag dahil may sumusuporta sa iyo behind the scenes. Pero hindi ka na sinusuportahan ng backer mo ngayon.” Matapos iyon, ibinaba ni Rudd ang tawag. Hindi makapaniwala si Bernice; patuloy niyang naririnig ang mga salita ni Rudd sa isip niya. Matapos isipin, napagtanto ni Bernice na tama si Rudd. Maayos ang takbo ng VitaCare Pharmaceuticals Group, kahina-hinala ito pero hindi niya ito kinuwestiyon. Sino ang backer niya? Sa buong takbo ng career niya, natuwa siya sa sarili niya dahil mag-isa lang siya. Siguradong hindi ito si Andrew! Sa nakalipas na tatlong taon, ang ginawa lang ni Andrew ay mga gawaing bahay. Wala siyang kuwenta, at ang maisip na siya ang gumawa ng paraan para sa kanya ay nakakatawa. Isang katok sa pinto ang gumulo sa isip niya. Pumasok si Bernard. “Narinig ko ang problema mo, Bernice. Kumalma ka. Iisipin ako ng paraan.” Nag-invest ng malaki si Bernard kay Bernice, kaya binabantayan niya ito. Bukod pa dito, nagnanasa siya para kay Bernice. “May makapangyarihan akong mga kliyente. Bukas ng gabi, ang pamilya Thompson ay maghahayag ng charity auction. Gamitin mo ito bilang networking opportunity para maging stable ang kumpanya.” Parang lifeline ang alok ni Bernard. Nakahinga ng maluwag si Bernice. Kumpara sa pagiging walang kuwenta ni Andrew, mukhang tagapagligtas si Bernard. “Salamat, Mr. Clarke,” sinserong nagpasalamat si bernice. “Sa oras na maayos itong lahat, sisiguruhin ko na mapapasalamatan ka ng tama.” … Sa labas ng Starlight Grove ay isang ilog, maganda ang tanawin dito at napukaw nito ang maraming mga matatanda sa tabi nito para mangisda. Pumili si Andrew ng puwesto na may lilim at doon na nakaupo ng matagal. Noong gumagabi na, umasa si Doria sa GS para gabayan siya patungo sa Starlight Grove. Noong makrating siya sa destinasyon, sinabi niya, “Ang gandang tanawin! Hindi ko inaasahan na magaling ka pumili ng mga lugar. Kumusta ang pangingisda, Mr. Hughes?” Noong sinuri ni Doria ang eksena, napansin niya na walang isda sa timba ni Andrew. Nagsimula mag-impake ng fishing gear si Andrew ng dumating si Doria. “Mukhang walang isda sa ilog; masyadong malinaw ang tubig. Hindi na ako babalik dito sa susunod.” Noong nagsalita si Andrew, biglaang may matanda na angsalita. “Tignan mo! Halos dalawang pulgada ito! May hapunan na tayo!” Noong sinabi ito ng matanda, tumingin siya kay Andrew na tila ba gusto sabihin, “Bata, kulang ka pa sa karanasan sa pangingisda.” Hindi mapigilan ni Doria na matawa. “Hindi ako sigurado kung masyadong malinaw ang tubig, pero ang sabi ng common sense ko na kailangan mo ng pain para mangisda.” Tumaas ang kilay ni Andrew, tinignan niya ang hook niya na walang laman. “Talaga?” “Kung gusto mo sa susunod, sasamahan kita mangisda. Pero bumalik na muna tayo. Marahil hindi na makapaghintay si lolo na makita ka.” Tumigil si Doria sa pagbibiro kay Andrew. Nag-ligpit ng fishing gear si Andrew ng hindi nagsasalita. Nagsimula siyang mangisda sa bundok. Naging pampakalma niya ang pangingisda, paraan din niya para isipin ng masusi ang buhay. Sa oras na nakasakay sila sa magarang Rolls-Royce Cullinan, iniabot ni Doria ang marriage certificate kay Andrew. “Mukhang tunay ito. Kailangan mo ito inspeksiyunin ng masusi par malaman na peke,” sambit ni Andrew. “Kailangan na magmukha itong tunay. Hindi puwede na magkamali tayo mamaya kapag nakipagkita tayo kay lolo, kung hindi, magkakaproblema tayo,” babala ni Doria kay Andrew. Handa si Doria. Ang trunk niya ay may mga regalo, tulad ng mga mamahaling inumin at supplement. Noong dumating sila sa entrance ng nursing home, inilabas ni Doria ang mga regalo at kumapit sa braso ni Andrew. Magkatabi silang naglakad. Hindi mapakali ng kaunti si Andrew sa mga kilos niyang intimate. Ngunit, matapos makita na walang pakielam ang ekspresyon ni Doria, pinili niyang hindi magsalita at ayusing ang sarili niya habang naglalakad. Ang second-floor ay buhay na buhay sa araw na iyon. Dahil sa masayang araw, sinabihan ni Gavin ang nursing home na maghanda ng espasyo para kay Andrew. Maliban kay Hamilton, may magandang middle-aged na babae sa kuwarto. Siya ang nanay ni Doria, si Susan Yanice. Kahit na 40s na ang edad niya, maganda siya at elegante ang dating. Dahil naayos na ang kasal ni Doria, nagluto ng marami si Susan. Sabik siyang makita ang manugang niya. Samantala, si Hamilton naman ay hindi ba tiwala kay Andrew at sa sitwasyon. “Kailangan mo ito pag-isipan ng mabuti, Susan. Hinaharap ito ni Doria. Hindi mo ito puwede pagdesisyunan ng ganoon na lang! Kahit na maabilidad na doktor si Andrew at iniligtas si Ama, minsan na siyang ikinasal at walang koneksyon kay Doria. Maaaring hangal ang kilos ni Ama, pero hindi tayo puwede magkamali dito!” Matapos umuwi, inimbestigahan ni Hamilton ang background ni Andrew. Dito lang niya napagtanto na si Andrew ay kakahiwalay lang. Para sa kanya, masyadong pabaya ang desisyon! Habang nagpupumilit si Hamilton sa pagsasabi ng mga pinagdududahan niya kay Susan, may pumukaw ng atensyon niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.