Kabanata 4
Bago pa matapos magsalita si Sigmund ay pinigilan siya ni Bonnie sa pamamagitan ng pagtadyak nito sa kanyang paa.
“Siya ang?” Naguguluhan na tanong ni Ivor.
Nauusisa rin si Ged.
Gustong sabihin ni Sigmund sa kanila kung sino ba talaga si Bonnie, pero pinandilatan siya nito at hindi siya pinayagan.
Tumikhim ang matanda. “Siya ang... ang babaeng gusto kong pakasalan mo! At saka, paano mo masasabing hindi siya sapat para sa’yo? 27 ka na. Dapat ka pa ngang magpasalamat na wala siyang pakialam kung gaano ka na katanda. At dapat kang humingi ng tawad sa sa kanya dahil sa pagiging masungit.”
Si Ivor ay kinuyom ang kanyang mga labi, bumangon, at tumingin kay Bonnie.
“Pasensya na kung nasaktan kita, pero nagsasabi lang ako ng totoo.”
Nilunok ni Bonnie ang isang piraso ng ponkan at kaswal na sinabi, “Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ganoon din sana ang sasabihin ko sa’yo. Magaling ka, pero hindi ka sapat.”
Namayani ang katahimikan sa sala.
Ang walang kibo na mga mata ni Ivor ay panandaliang nagpahiwatig ng katiting na damdamin habang tinitingnan niya si Bonnie nang may pagtataka.
Nagulat si Ged na meron siyang lakas ng loob na sabihin ang ganoong bagay.
“Ano bang problema ninyong dalawa? Wala ba kayong malasakit sa akin?”
Yamot na yamot si Sigmund.
“Bonnie, huwag mong kalimutan na sinabi mong gagawin mo ang lahat ng kahit anong hilingin ko pagkatapos kong iligtas ka at ang pamilya mo.”
Kumunot ang noo ni Bonnie.
“At ikaw, Ivor. Noong nag-aaral ka pa, ayaw mong sayangin ng mga magulang mo ang oras mo sa anumang bagay na hindi produktibo. Kung hindi dahil sa suporta ko, makakapaglaro ka ba ng chess at makakasali sa mga kompetisyong iyon?
“Sabi mo basta tumulong ako sa mga magulang mo na payagan kang maglaro ng chess, gagawin mo ang sasabihin ko sa hinaharap. Bakit mo kinakain ang mga salita mo?”
Natigilan si Ivor.
Biglang tumahimik ulit ang sala.
Ilang sandali pa, nagsalita si Sigmund.
“Alam kong hindi ko mapipilit ang pag-ibig, kaya paano kung ganito? Mag-engage muna kayo tapos saka natin titingnan kung anong mangyayari.”
Pinag-isipan ito ni Bonnie at sinabing, “Sige, pero gusto kong magtakda ng limitasyon sa oras.”
“Sige, 10 taon. Kung sa palagay ninyo ay hindi kayo para sa isa’t-isa, hindi ko na ipipilit,” sabi ni Sigmund.
Tinapunan siya ni Bonnie ng hindi makapaniwalang tingin.
“Sana sinagad mo na sa 50 na taon.”
Tuwang-tuwang hinampas ni Sigmund ang kanyang hita. “Edi sige, 50 taon na!”
Nawalan ng masabi si Bonnie. Alam niyang nananadya ang matanda.
“Isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan, wala na akong kinalaman sa kanya,” malamig na sabi ni Bonnie.
“Isang buwan? Masyadong maikli ‘yon, ‘di ba? Kausapin mo siya, Ivor,” nag-aalalang sabi ni Sigmund.
Walang pakialam na sinabi ni Ivor, “Sige, isang buwan.”
“Sige!”
“Ayos, kasunduan ‘yan ahh.”
Sa wakas, nagkasundo na sina Bonnie at Ivor sa isang bagay.
Sa sobrang yamot, nagpakawala ng mahabang buntong-hininga si Sigmund.
“Dahil nakapagdesisyon na kayo, pipili ako ng petsa para sa engagement ninyo.”
“Sige.” Tiningnan ni Bonnie ang oras at tumayo. “Gabi na. Dapat na akong umalis.”
“Bakit hindi ka muna manatili para sa hapunan?” Sinubukan siyang hikayatin ni Sigmund.
“Ilang araw na akong wala sa bahay. Mag-aalala ang mga magulang ko.”
Pumayag naman si Sigmund matapos niyang marinig iyon.
Habang pinagmamasdan niya si Bonnie na umalis, sinabi ni Ged, “Ilang araw na siyang hindi umuuwi? Estudyante siya, di ba? Parang wala naman siyang sakit. Bakit siya nawala ng maraming araw?
“Nag-cutting siguro siya, ano? Sigmund, anong iniisip mo? Paano mo nagawang pumili ng ganiyang klaseng babae para maging asawa ni Ivor?”
“Wala kang alam tungkol sa kanya, okay?” Yamot na yamot si Sigmund.
Nagpasya si Ged na ihinto ang usapin sa ngayon.
“Naku, muntik ko nang makalimutan!” Tumingin si Ged kay Ivor. “Nagawa kong makipag-ugnayan sa Shepherd!”
“Totoo?” Natuwa si Ivor.
Maging ang kanyang mga mata ay lumiwanag.
Dismayado si Ged. “Binubuhayan ka lang talaga kapag chess ang usapan, di ba?”
“Huwag ka nga! Kailan mo nakontak si Shepherd? Pumayag ba siyang makipaglaro sa akin?”
Iyon lang ang iniintindi ni Ivor.
“Nakipag-ugnayan lang ako sa kaibigan niya. Abala daw si Shepherd kamakailan, kaya magsasabi na lang siya kapag libre na siya.”
“Ayos, maghihintay ako.” Pinisil ni Ivor ang kanyang mga kamao para pigilan ang kanyang pananabik.
***
Sumugod ang mayordoma sa villa ng mga Shepard.
“Ma’am! Nakauwi na po si Ms. Bonnie!”
“Ano? Paano siya nakabalik?”
Nasa kalagitnaan ng hapunan sina Vera at ang kanyang asawang si Gresham Shepard. Nagpalitan sila ng tingin.
Sa sandaling iyon, pumasok si Bonnie sa bahay na nakasuot ng sneakers.
Ibinaba ni Vera ang tinidor at mabilis na lumapit sa kanya.
“Hindi ba hinuli ka ng pulis? Nagawa mo bang... tumakas?”
Nabahala si Vera, at binigyan ni Gresham ng tuwid na tingin ang kanyang anak na babae.
“Hindi man ako ng tatay mo, pero iminumungkahi kong sumuko ka na. Kung hindi, ako na mismo ang tatawag sa mga pulis para sa sarili mong kapakanan.”
Sumimangot si Bonnie at mahinahong sinabi, “Hindi ako lumabag sa batas o tumakas kahit saan, okay?”
Naninigas ang mukha ni Gresham. “Hindi mo talaga isusuko ang sarili mo?”
Hindi na nag-abalang magpaliwanag si Bonnie.
Kinuha ni Gresham ang kanyang telepono at tinawagan ang istasyon ng pulisya.
“Hello, gusto kong mag-report ng pulis.
“Inaresto ang anak ko dalawang araw na ang nakakaraan, ngunit nakatakas siya at bumalik dito sa bahay. Sinabihan ko na siyang isuko ang kanyang sarili, ngunit tumanggi siya. Mangyaring pumunta kayo rito ngayon at arestuhin siya ngayon!”