Kabanata 3
Nang makita ni Ivor ang magandang mukha ni Bonnie ay nagningning ang mga mata niya, na bihirang mangyari.
Hindi lang dahil sa itsura nito. Dahil din sa sinabi nito ngayon lang.
Humagalpak ng tawa si Ged. “Benta niyon ah! Nakakatawa ka, aaminin ko.”
“Hindi ka naniniwala sa’kin?”
Walang pakialam si Bonnie kung maniwala sila sa kanya, ngunit gusto niyang sabihin ang totoo.
Mukha siyang seryoso, ngunit nagsimulang magduda si Ged sa kanya.
“Alam mo ba kung anong sasakyan ito? Inaasahan mo ba talaga na maniniwala kami na ibinigay mo ‘to kay Sigmund?”
Malinaw na hindi niya iniisip na may pambili ang babae.
Tumango si Bonnie, “Tatlong taon na mula nang inilabas ng Mercedez ang model na ito, na may limitadong edisyon ng sampung unit sa mundo, sa pagkakatanda ko.”
Naalala niyang iyon ang sinabi sa kanya ng mayamang negosyante.
Nanlaki ang mga mata ni Ged. ‘Alam niya?
‘Alam niya, pero meron pa rin siyang lakas ng loob na sabihin na ibinigay niya ito kay Sigmund? Ibang klase siya!
‘Paano nagustuhan ni Sigmund na pakasalan siya ni Ivor? Punong-puno siya ng kalokohan!’
Nagpasya si Ged na huwag ituloy ang usapin bilang paggalang sa pamilyang Knight.
Hindi nagtagal, nakarating ang sasakyan sa tahanan ng mga Knight.
“Nandito na tayo,” walang pakialam na sabi ni Ivor kay Bonnie.
Binuksan niya ang pinto at lumabas.
Napatingin si Ged kay Ivor. “Bro, alam kong hindi ko lugar para sabihin ‘to, pero gumawa ng maling desisyon si Sigmund.”
Sinabi ni Ivor, “Sinabi ko na sa’yo, ayokong maugnay sa kanya.”
Nakahinga nang maluwag si Ged nang marinig na hindi siya interesado sa babae.
Naghihintay si Sigmund sa pintuan. Nang makita niya si Bonnie, nagliwanag ang maulap niyang mga mata.
“Sa wakas ay nandito ka na, Bonnie! Anong tingin mo sa villa ko?”
Napatingin si Bonnie sa loob ng marangyang living hall. Meron itong mga kristal na chandelier, tunay na leather na sofa, at magagandang tile.
“Puwede na.”
“Pakasalan mo ang apo ko, at dito mo palakihin ang mga anak ninyo. Sapat na ba ang tatlong anak? Hmm, gawin ninyo nang pito!”
Tumawa si Ged. “Naku, Sigmund, huwag mo silang tuksuhin! Matanda na sila, kung tutuusin.”
Hindi siya pinansin ni Sigmund. Kinuha niya ang kamay ni Bonnie at ipinatong sa kamay ni Ivor.
Mabilis nilang pinaghiwalay ang kanilang mga kamay.
“Lolo, dinala ko na po siya dito tulad ng gusto ninyo, at hanggang doon lang po ang kaya kong gawin. Wala po akong gana para sa romansa, kaya pakiusap po huwag na kayong magpanggap na si Kupido, okay?” Nakakakilabot na sabi ni Ivor.
“Walang gana sa romansa? Babae naman ang gusto mo, di ba? O totoo ba ang mga tsismis? Na palagi mong kasama si Ged kasi bakla ka?”
Iniluwa ni Ged ang kanyang iniinom na tubig.
“Ipagmamalaki ko kung bakla ako, pero straight ako, okay?”
“Oo, tama!”
Hindi nakaimik si Ged.
Alam ni Ivor na gustong i-set up siya ni Sigmund kay Bonnie, kaya sinubukan niyang pigilan ito. “Hindi kami para sa isa’t-isa.”
“Paano mo nasabi?”
Sinulyapan ni Ivor si Bonnie at taimtim na sinabing, “Lolo, tama ka na lagi akong snob, pero may dahilan iyon. Nag-skip ako ng grades at direkta akong tinanggap sa Pyralis University.
“Mula nang naging CEO ako ng kumpanya, pinangunahan ko ito sa mahusay na tagumpay, at naging pinuno tayo sa maraming larangan!”
Kumunot ang noo ni Sigmund. “Anong gusto mong sabihin?”
Pinakitid ni Ivor ang kanyang mga mata at sinulyapan si Bonnie. Malamig niyang sabi, “Hindi siya nararapat para sa’kin.”
“Hindi siya nararapat para sa’yo? ‘Di mo ba alam na siya—”