Kabanata 12
Tumayo si Bernard doon suot ang itim niyang suot at malinis na nakaayos niyang buhok. Nagpakita ng awtoridad ang kaniyang presensya na kukuha sa atensyon ng kahit na sino.
Pinagaan ng ginto nitong salamin ang seryoso niyang itsura na nagpakita sa pagiging sopistikado ng kaniyang personalidad.
Hindi naiwasan ni Hera na makaramdam ng déjà vu habang tinitingnan niya si Bernard na para bang nakita na niya ito noon…
Nagtama ang kanilang mga mata at tumama ang matalas nitong paningin sa kaniya na siyang tumagos sa suot nitong salamin, masyado itong intense at hindi mapipigilan.
“Profession Killian, isang karangalan ang pagpunta mo rito,” mainit na bati ni Robert kay Bernard gamit ang magalang at namumuring tono ng kaniyang boses.
Killian…
Sapat na ang pagbanggit sa apilyedo nito para maalala ni Hera ang isang bagay. Dito na biglang nagpakita sa kaniyang isipan ang binate nitong mukha na kahawig ng lalaking nakatayo ngayon sa kaniyang harapan.
Siya nga iyon!
Tumama ang paningin ni Hera kay Bernard habang nararamdaman nito ang bigat ng kaniyang pagtingin at ang bahagya nitong pagngiti. Hindi niya maiwasang makaramdam ng panginginig sa kaniyang mga pilikmata bago siya dali daling tumingin sa malayo. Agad namang nagsara nang husto ang magkabila niyang kamao.
Kilala ba nito kung sino siya?
Nahuhuli ni Bernard ang bawat galaw na ginagawa ni Hera bago nito ilipat ang nanlalamig niyang tingin kay Melanie. “Ano ang problema? Hindi ba kaya maging ng Dean of Students na sumunod sa utos?”
Naramdaman ni Melanie ang pagtingin ni Bernard sa kaniya habang nagiging kahihiyan ang galit sa kaniyang dibdib.
Napansin siya ni Bernard!
At nang dahil kay Hera, napahiya si Melanie sa harapan nito!
Sa edad na 24 taong gulang, naging isa ng professor si Bernard. Masyado itong guwapo at matipuno. Bilang susunod na tagapagmana ng pamilya Killian, masyado itong mayaman na nagpakita rin ng kapalawak na impluwensya sa kahit na sino.
Ito ang ideyal na lalaking pinapangarap ng bawat babaeng guro sa Cavenridge.
“Professor Killian, isa lang siyang probinsyanang babae na may mababang mga grado. Umaasa siya na matutulungan siya ng pagampon sa kaniya ng mga Everett para makapasok sa Class A.”
“Pero kung titingnan ang kaniyang academic performance, minumungkahi ko na ilagay siya sa Class K sa halip na mapabilang ito sa Class A. Hindi ito tama—"
Nasa gitna ng pagpapaliwanag si Melanie nang mapatigil ng nanlalamig na tingin ni Bernard ang kaniyang pagsasalita. Umatras ang kaniyang boses bago siya tuluyang nanahimik sa kaniyang kinatatayuan.
Habang naiinis niyang tinitingnan si Hera, hindi naiwasang maramdaman ni Melanie na isa lang malanding babae si Hera. Hindi pa nagagawang magsimula ni Hera sa Cavenridge pero nagawa na nitong agawin si Bernard!
Masyadong malakas ang pakiramdam ni Robert kaya agad siyang ngumiti bago siya sumali sa usapan ng tatlo, “Ms. Youngworth, para sa klase na iyong papasukan—"
Ginawa ni Hera ang lahat para balewalain ang presensya ni Bernard sa opisina. Agad na lumipat ang nanlalamig niyang tingin kay Robert. “Saan ako pupunta para magtake ng entrance exam?”
“Gusto mong magtake ng entrance exam?” Nasusurpresang itinanong ni Robert.
Sa kabila ng pagaayos ni Andrew ng lahat para matransfer si Hera sa Cavenridge at sa proteksyong ibinigay sa kaniya ni Bernard, iisa lang ng nararamdaman si Robert at si Melanie.
Hindi naniniwala si Robert na magagawang sumabay ng isang probinsyanang katulad ni Hera ang mga estudyante sa Class A.
“Sige, magpunta ka sa Room 101 sa Classroom Building 2 para sa iyong entrance exam.” Sagot ni Melanie nang may inis sa kaniyang mga mata.
“At sa sandaling hindi ka makapasok sa Class A, dapat kang lumuhod sa harapan ng lahat sa flag raising ceremony ng paaralan para humingi ng tawad at mapatunayan na tama ako!” Dagdag ni Melanie.
Nang mapahiya ni Hera si Melanie sa harapan ni Bernard, nangako si Melanie na ibabalik niya ang lahat ng kahihiyang tinanggap niya kay Hera sa harapan ng buong school.
Tumingin si Hera kay Melanie nang may mukha na walang kahit na anong emosyon at mga matang puno ng panlalamig.
Sa paniniwalang matatakot niya si Hera sa kaniyang mga sinabi, sumisinghal na nagtanong si Melanie ng, “Ano ang problema? Natatakot ka ba? Dapat lang. Ang junior year ay ang antas na hindi basta bastang malalampasan ng kahit na sino—"
“Paano kung makapasok ako sa klase mo?” Kalmadong sagot ni Hera.
Dito na ngumingising sumagot si Melanie ng, “Sa sandaling makapasok ka sa klase ko, ako mismo ang luluhod at hihingi ng tawad sa harapan ng lahat sa flag raising ceremony!”
“Okay.” Sagot ni Hera bago siya kalmadong umalis nang muli niyang makita ang matinding pagtingin sa kaniya ni Bernard. Masyadong misteryoso at kahanga hanga ang dalawa nitong mga mata na parang mga black hole na hahatak sa sinumang lalapit sa mga ito.
Bahagyang huminto si Hera bago siya magpatuloy sa paglalakad. Kalmado siyang naglakad papunta sa tabi ni Bernard bago niya pabilisin ang kaniyang paglakad.
Nasurpresa naman si Melanie sa mabilis na pagsangayon sa kaniya ni Hera. Tinitigan niya ang walang pakialam na pagkatao ni Hera bago niya makumbinsi ang kaniyang sarili na isa lamang itong maskara na nagtatakip sa tunay niyang nararamdaman.
Siguradong pagsisisihan ni Hera ang kaniyang desisyon mamaya sa sandaling bumagsak na ito sa exam.
Parang bumalik naman sa realidad si Robert nang magtanong ito ng, “Ms. Miller. Bakit naman kayo nakipagpustahan nang ganito sa isang estudyante?”
At pagkatapos ay humarap naman siya kay Bernard. “Pasensya na sa komosyong ito, Professor Killian. Maupo po muna kayo at magkape—"
Itinaas naman ni Bernard ang kaniyang kamay para tanggihan ang alok nito, “Magpapass muna ako sa kapeng inaalok mo pero gusto kong makipagpustahan sa iyo.”
“Ano nama pong klase ng pustahan ang gusto ninyo, Professor Killian?” Nasusurpresang tingin ni Robert.
Tumingin si Bernard sa pintong nilabasan ni Hera bago nito sabihing, “Pagpustahan natin kung makakapasok ba talaga si Ms. Youngworth sa Class A o hindi. Sa sandaling magawa niya ito, sasangayon ka sa akin na palitan ang homeroom teacher ng klaseng ito.”
Ibinida ni Melanie ang kaniyang pagiging agresibo kanina pero agad itong napalitan ng pagkabahala noong mga sandaling iyon.
Mukhang nasa bingit na ngayon ng pagkasira ang kaniyang career sa pagtuturo…